Chapter 3

1472 Words
CULLEN is not just rich and influential, but he's also a hot mess. A seductive hot mess. Maraming babae ang nahuhumaling sa kan'ya dahil na rin siguro sa taglay niyang kaguwapuhan at kakisigan, na hindi ko naman itatanggi. Hindi ko naman siya lalaitin dahil lang sa ayaw ko sa kan'ya. I am not that petty, at least, that's what I think. He has those black curly hair like mine, and those black pair of eyes na kapag tinitigan ka ay paniniwalain ka niya na mahal ka talaga niya at ikaw lang ang nag-iisa niyang babae sa mundo, but the reality is that, he doesn't. Guys like them doesn't know how to love. They just know how to f.uck, at pagpalit-palitin ang mga babae niya na para bang nagpapalit lang siya ng sapatos o kaya naman ay ng laruan. Sa tatlong taon ko rito sa university ay hindi ko pa nakikita si Cullen na magseryoso sa isang babae. Madalas pa nga ay mga tahimik na babae ang hinuhuli niya sa bitag niya. Paiibigin niya ang mga babaeng iyon at iiwan na lang niya bigla dahil nagsasawa na siya. Is it because he's rich? He's handsome? He's freakin' influential? Bored na ba siya sa buhay niya kaya ganoon na lang siya kung magpaiyak at paglaruan ang mga babae. What a ruthless j.erk. However, as long as hindi naman niya ako guguluhin, it will be fine. My whole life will be fine. Mabuti na nga lang din at sa loob ng tatlong taon na nag-aaral ako rito, ni minsan ay hindi niya ako ginulo. The first time that he talked to me was the time that we had a conversation earlier, at ang dahilan pa no'n ay dahil akala niya ire-report ko siya sa student council, given that he knows that I am the student council secretary. Siguro ay hindi niya ako ginugulo dahil sa boring ako. Well, I love to live my life like that. A boring one. A wallflower. An outcast. In that way, walang makapapansin sa akin. That's why I need to avoid him at all costs. He's a bad influence to everyone. He's making the good girls gone bad. However, I am not a good girl, either. "MUKHANG araw-araw ka nang ginagabi ng uwi, ah," wika ni papa sa akin pagkatapak na pagkatapak ko sa loob ng bahay namin. Literal na katatapak ko lang ng paa ko sa loob ng pintuan. Ni hindi ko pa nga naaapak ang kaliwang paa ko, ngunit nandito na kaagad si papa sa harapan ko, nakapameywang habang sinesermunan ako. "Marami lang pong ginagawa sa school," I answered him as I removed my two-inches black shoes and my socks. "Wala po akong ginagawang kabulastugan, kung iyon ang iniisip niyo." Malakas ang loob kong sumagot dahil alam ko sa sarili ko na wala akong ginagawang masama. Totoo naman ang sinasabi ko na marami talagang ginagawa sa school. Hindi na nga ako nakapag-duty sa library dahil sa lintik na student council na 'yan. Hindi ko rin alam kung bakit naging requirement pa na sumali sa student council kapag academic scholar. Halatang-halata naman doon na ayaw nila sa akin. I am just forcing myself to blend with them, even though it's hard to do it. "Mano po," magalang na pagkakasabi ko sa kan'ya bago ko kinuha ang kamay niya at idinikit iyon sa noo ko. Senyales iyon ng paggalang ko sa kan'ya, pero ang tanong, karapat-dapat ko nga ba siyang galangin? Respect is earned, not given. He doesn't even deserve the politeness that I am giving to him right now. After all of the horrible things he had done, hindi ko alam sa sarili ko kung paano ko siya nakakayang harapin, at hindi ko rin alam kung paano niya rin nakakaya na sermunan ako ngayon, matapos ang lahat ng mga pangyayari, apat na taon na ang nakararaan. Pagkatapos kong magmano sa kan'ya ay dumiretso na ako sa kuwarto ko para magpalit ng damit. Pawis na pawis na itong uniform ko. Nadudugyutan na ako sa sarili kong pawis. "Hanggang kailan ka magiging gan'yan sa akin, Lucy?" Hindi ko man nakikita si papa ngayon ay rinig na rinig ko ang kalungkutan sa tono ng boses niya. Kalungkutan na kailanman ay hindi matatanggal ang harang sa puso ko. Pagkatapos kong magpalit ng damit ay kinuha ko na ang uniform ko para ilagay ito sa labahan. Kailangan ko kasi itong labhan dahil hanggang sabado ang pasok ko, at tatlo lang ang uniform ko sa kadahilanang hanggang tatlo lang ang sagot ng school na uniform para sa akin. Miyerkules na ngayon, kaya naman ay kailangan ko na labhan ang uniform ko. Nagpalit na ako ng damit kaya naman ay nakasuot na ako ngayon ng puting t-shirt at dolphin shorts. Sa wakas naman ay nakasuot din ako ng komportableng damit. I really don't like my uniform, pero wala naman akong magagawa roon. Hindi ko lang gusto na masyado 'yong pambabae, eh minsan naman ay hindi ako babae kung kumilos. "Hanggang kailan ako magiging ganito?" tanong ko kay papa pagkalabas ko ng kuwarto. "Hangga't nandiyan ka, papa." Hindi ko man gusto ay biglang tumalim ang tingin ko sa kan'ya habang mahigpit kong hawak ang damit ko. "Hangga't nandiyan ka," sagot ko. Diniinan ko ang pagkakabigkas ko sa bawat katagang ibinato ko sa kan'ya. "Bastos ka talagang bata ka!" rinig kong sigaw niya... at hindi ko na namalayan ang sumunod na nangyari bago niya ako sinampal nang sobrang lakas. Pakiramdam ko ay kamuntikan nang matanggal ang ulo ko sa katawan ko dahil sa lakas ng pagkakasampal niya sa akin. Ramdam na ramdam ko ang sakit ngayon sa kanang pisngi ko, at kahit na gusto kong hawakan iyon ay hindi ko ginawa. Mas hinigpitan ko na lang ang pagkakahawak ko sa uniform ko. Hinding-hindi ko ipakikita sa kan'ya na kaya niya akong saktan. Hindi na ako ang Lucy na umiiyak sa kan'ya, apat na taon na ang nakararaan. "A-Akala ko ba ay mahal mo kami..." humihikbi kong saad habang kaharap ko ang papa ko na walang emosyon na nakatingin sa akin. "Pero... pero bakit mo niloko si mama?" Hindi na ako ang babaeng iyon. "Dahil ba sa scholarship mo kaya gan'yan ka na kabastos?! Hindi ka makakarating diyan kung hindi dahil sa akin! Wala kang utang na loob!" Kahit na masakit pa ang kanang pisngi ko ay ngumiti ako sa kan'ya nang sobrang tamis. Sa ganitong paraan ako napaikot ni papa noon. Sa ganitong ngiti niya kami nabihag ni mama. Mama thought that he's a good husband, while I thought that he's someone that I can look up to. Ginawa ko siyang idolo magmula noong bata pa ako dahil ang sabi ko ay mabait si papa, matulungin, at maalaga. Naaalala ko pa ang sinabi ng tatanga-tanga kong sarili noong nasa sampung taong gulang pa lang ako. "Papa, paglaki ko, gusto ko ring maging engineer kagaya mo! Idol po kasi kita, papa, kaya kung ano man po ang tinahak mo ay iyon din ang tatahakin ko!" Tanga, Lucy. Tanga. "Tama ka," sagot ko kay papa bago ako ngumisi. "Tama ka naman, papa. Kaya ako nandito sa ganitong sitwasyon ay dahil sa iyo. Tama ka, kaya kahit pagod na pagod na ako ay kailangan kong pagsabayin ang pag-aaral ko at ang pagtatrabaho ay dahil sa iyo. Bakit? Dahil sa utang mong milyon na pang-aral ko sana sa kolehiyon pero ginamit mo para sa pagsusugal mo." Kung sa eskwelahan ay kailangan kong magtimpi nang husto para maging mapayapa ang buhay-eskwela ko, iba ako pagdating dito sa bahay. Sasabihin ko ang gusto kong sabihin. Gagawin ko ang gusto kong gawin. Hindi siya worth it para sa pasensya ko. Ang dapat niyang maramdaman ay ang galit ko. Hindi siya kaagad nakapagsalita dahil sa sinabi ko, kaya naman ay ginamit ko ang pagkakataong iyon para pumunta sa kusina upang ilagay muna roon saglit ang damit ko, at naglakad muna ako palabas ng bahay para magpalamig muna ng ulo kahit papaano. Curious ako kung nasaan si mama dahil wala siya roon sa bahay, pero sa ngayon ay sarili ko na muna ang iisipin ko. Kailangan ko ng sariwang hangin. KASALUKUYAN akong naglalakad ngayon papunta sa kung saan man ako dalhin ng mga paa ko. Sa sobrang pagmumuni-muni ko ay ang layo na pala ng nararating ko, at hindi ko alam kung nasaan na nga ba ako. "Ano'ng lugar ito?" tanong ko sa sarili habang sinusuri ko ang buong paligid. Nanlaki ang dalawang mata ko nang mapagtanto na nasa lugar pala ko kung saan ay mayroong water fountain sa gitna, at napakaraming puno sa gilid. Ang ganda naman tingnan ng lugar na ito. Napakatahimik ngunit mapayapa rin at the same time. Nasa isa pala akong paraiso. Paraiso na may demonyo. "Cullen," mahinang tawag ko sa kan'ya nang makita ko ang demonyo sa gilid ko na nakasandal lang sa isa sa mga malalaking puno habang nakatingin sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD