Chapter 4

3111 Words
WHAT am I doing here on the Devil's den, with the Devil itself in front of me? Iyan lang ang bukod tanging tumatakbo sa isip ko ngayon habang nakatingin kay Cullen na nakasandal lang ngayon sa isa sa mga malalaking puno rito sa kinalulugaran namin habang nakatitig sa akin. His stare was intense, like he wanted to communicate with me using his gazes, pero kahit na ano'ng klaseng pag-iisip ang gawin ko ay hindi ko malaman kung ano ang gusto niyang ipahiwatig sa akin sa tingin niya. His gaze went darker in every second that have passed. "What are you doing here?" tanong nito sa akin sa isang seryosong tono bago tumaas ang kanang kilay nito. He was still wearing the same clothes... his uniform unbuttoned and his pants. Hawak-hawak pa nito ang sigarilyo na nasa bibig niya gamit ang kanang kamay habang nakapamulsa naman ang kan'yang kaliwang kamay. His posture screams domination, like it was telling me that I shouldn't be here and I should go away because he's here. "I don't know," I answered honestly as I diverted my gaze on the environment. Even though it was just in my peripheral vision, I saw him smirked when he saw what I did. Iniisip niya ba na naaapektuhan ako sa presensiya niya? Kasi kung ganoon man ang iniisip niya ngayon, hindi ko naman sasabihin na mali siya. I accept the fact that his mere presence gives me the strange sensation that I never felt on anyone else. I needed to accept it so I can do something about it. He looks hot with his messy hair and his dark gazes, to be honest, but this is not the right time to be swayed. There's no right time for that, especially if it includes him. I can't risk being a part of the Devil's life. Guguluhin lang niya ang buhay ko at ipapalimot sa akin kung ano nga ba ang dahilan kung bakit ako nagtiis nang matagal sa pangkukutya sa akin ng ibang tao dahil lang sa estado ko sa buhay. I won't let my plan get ruined. Like what I've said before, he's the type of guy I shall avoid at all costs. Kaagad kong ikinuyom ang kamay ko nang bumaba ang tingin niya mula sa mukha ko papunta sa dibdib ko. I wasn't wearing a revealing shirt but his gazes makes me feel like I'm already naked, even though I'm not. Malamig ang panahon at maya't-maya ang pagsipol ng hangin, pero iba ang nararamdaman ng katawan ko. "You don't know?" Ngumisi ito bago mas lalong isinandal ang likod sa puno. His eyes full of lust was burning. Alam ko naman na palaging iyon ang laman ng utak ng lalaking 'to, and of course, this moment wasn't an exemption. "Naglalakad ka nang hindi mo alam kung saan ka na napupunta?" "I won't try to make you believe in me, Cullen," I said in a cold tone. Totoo naman ang sinabi ko kanina. Maybe I was thinking to much to the point na hindi ko na alam kung saan ako dinala ng mga paa ko. And it led me to him. Of all places, and of all people that I can encounter with, bakit siya pa? Kahit na masyadong malakas ang appeal niya ngayon para sa akin, pero hindi mawawala ang inis ko kada makikita ko ang mukha niya at ang ngisi niyang gustong-gusto kong punitin. He was a total j.erk. He wanted to make girls cry just because he was bored. I really hope that there will be someone out there who can tame him, and not to just tame him, but also to let him experience the things that he does to all the women who did nothing but to love him. "Why is my name so seductive when it came from your mouth?" Kung kanina ay pinagmamasdan ko lang ang mga malalaking puno rito sa kinalulugaran namin at ang kakaunting mga ilaw na nakakabit sa mga dahon ng puno at sa bilog na buwan na nagbibigay ng mumunting liwanag sa amin, ngayon naman ay hindi ko sinasadya na maibalik ang paningin ko sa kan'ya na nakatitig lang sa akin ngayon habang kagat-kagat ang pang-ibabang labi niya. My body feels hot just because of his intense stare. Malamig ang panahon dahil na rin sa simoy ng hangin pero sobrang nag-iinit ang pakiramdam ko. Kaagad kong ipinikit ang mga mata para lang maikalma ko ang sarili ko. "Gutom lang 'yan." Iyon na lang ang isinagot ko sa kan'ya dahil wala naman na akong ibang masabi. It's not like I wanted to ride on his dirty line earlier, and it wasn't like I wanted to start a conversation with him. Hindi ko rin alam kung bakit nandito pa rin ako hanggang ngayon kahit na dapat ay kanina pa ako naglakad paalis noong nalaman ko pa lang na nandito siya. Ngumisi lang ito sa akin bago niya pinaglaruan ang hawak-hawak niyang sigarilyo sa kanang kamay niya. It's been a while since we're exchanging sentences and I don't even know if I can call it a proper conversation, but what I noticed was that... we're both maintaining a safe distance against each other. I mean, no one attempted to come closer, and yes, I decided to stay in my place because I am afraid of him. Who wouldn't if he has the power to manipulate me and ruin my entire life in a second? I don't know his reason, though. Baka dahil hindi ako ang tipo niyang babae, and as if I care about that. "That's rude," pagsita ko sa kan'ya nang akmang bababa na naman ang tingin niya papunta sa legs ko na sobrang exposed ngayon dahil naka-dolphin shorts lang ako. Ganito lang naman ang isinuot ko dahil ang alam ko ay doon lang ako sa subdivision namin maglalakad-lakad, pero hindi ko alam kung bakit sa dami yata ng iniisip ko ay napunta na ako sa kung saan. I wasn't expecting to see Cullen here, at least. It's not like I wanted to see him. Ngumisi ito dahil sa sinabi ko sa kan'ya na ipinagtaka ko. Cullen is a hard-headed type of person. Ayaw nito ng pinagsasabihan siya o kaya naman ay dinidiktahan kung ano ang gagawin niya. He doesn't want to be rejected, manipulated, and humiliated. He was the typical rich and spoiled brat guy who can break someone's life in just a snap. At kahit na alam ko 'yon dahil bukod sa naoobserbahan ko 'yon sa kan'ya ay talagang naglaan ako ng oras para i-search kahit papaano ang buhay niya, ay naglakas pa rin talaga ako ng loob para sitahin siya sa pagtitig sa akin. I only have enough patience when I'm inside the school, but that immediately fades when I'm outside. Lalo na nga at nakasagutan ko pa ang tatay ko ngayong araw. How can he call himself my father despite giving me a hard time? "What's exactly the rude thing, miss secretary?" tanong nito bago itinapon ang sigarilyo sa damuhan na hinithitan niya pa ng isa pang beses. Tinapak-tapakan niya muna ito bago muling ibinalik ang tingin sa akin. "I am just admiring the view. If it's rude to admire a good scenery, then should I file a case against those women who stare at me every time I walk towards the school?" Kumindat pa ito sa akin pagkatapos niyang sabihin 'yon. "It's rude to stare if there's no permission." There's so many things I wanted to say, like how rude is he for not even apologizing on his perverted gazes earlier, up to the point that he threw the cigarette on the floor, but I decided to shut up and let the thoughts run only in my head. Ayoko ng gulo, kaya naman kahit na marami akong gustong sabihin at ipaliwanag ay nanahimik na lang ako. As I should. "Then, may you give me the permission to stare?" Tumaas ang kilay nito habang nakatingin sa akin, kasabay ng mas malawak niyang pagngisi. "No," walang pag-aalinlangang sagot ko sa isang malamig na tono bago ako naglakad palayo sa kan'ya. Malamig man ang panahon at gusto ko pa sanang manatili rito pero mas gugustuhin ko pa ang umalis kaysa naman ang makasama siya sa iisang lugar, lalo pa at kaming dalawa lang ang nandito ngayon sa isang malamig at madilim na paraiso. Mabuti naman at natauhan na ako at nagkaroon na ng lakas ng loob na maglakad paalis at iwan siyang mag-isa rito. At bago pa nga ako tuluyang makalayo sa kinalulugaran niya ay narinig ko pa ang malakas na paghalakhak niya na para bang nabibilib siya dahil hindi niya inaasahan na tatanggihan ko lang siya nang ganoon. The tone on his laugher was a combination of amusement and annoyance. Temptation is everywhere and you can't run away from it as it was inevitable. There are temptations everywhere and I wasn't talking about romantic relationships. Katulad na lang noong mga panahon na kailangan ko ng pera at nakakita ako ng wallet na sobrang dami ng bills na laman sa banyo ng accountancy department, o kaya naman noong isang araw na nakita kong pakalat-kalat ang answer key para sa exam doon sa room namin, o kaya naman ang tukso na pagsabihan ng masama ang mga taong umuubos sa pasensiya ko. There were some sort of temptations and it was tempting me to sin... but one thing I learned in life is the fact that I can overcome it. And these strange damned feelings I feel whenever I feel Cullen's presence will fade soon. By hook or by crook. PASADO alas-onse na ng gabi nang makauwi ako ng bahay. Dahil hindi ko alam kung paano ako nakarating doon kanina, hindi ko rin kaagad nalaman ang daan kung paano umuwi. Wala ring masyadong tao sa paligid kaya naman ay trial and error ang ginagawa ko, at mabuti naman dahil kahit papaano ay nandito na ako sa bahay. I was so damn exhausted finding the way home, tapos ay hindi ko pa dinala ang cellphone ko na puwede ko sanang gamitin para tingnan kung nasaan na ako. Well, the most important thing is that I'm here. Tama na ang kakareklamo, Lucy. "Anak, saan ka ba nanggaling?" nag-aalalang tanong sa akin ni mama na naghihintay pala sa akin sa sala ng bahay namin ngayon. Mukhang inaantok na ito at halatang pagod na pagod na dahil sa mapupungay nitong mga mata at sa bagal na rin ng paggalaw nito. "Akala ko ay kung ano na ang nangyari sa iyo. Sabi ng papa mo ay lumayas ka raw pagkatapos mo siyang sagut-sagutin." "Magandang gabi, mama. Nandito na po pala kayo." Nagmano ako sa kan'ya bago ko hinubad ang tsinelas ko at pumasok sa loob ng bahay. Ininat ko na muna ang braso at ang legs ko nang kaunti bago ko siya hinarap. "Kumain ka na po?" dagdag ko pang tanong para mabago ko ang usapan naming dalawa. I didn't bother to explain my side anymore. Kahit naman kasi ano'ng klaseng paliwanag ang gawin ko ay hindi maniniwala ang nanay ko sa kan'ya. Ganoon kamahal ng nanay ko ang tatay ko, kaya naman kahit na ano pa ang sabihin ko sa kan'ya ay hindi siya maniniwala sa akin. Kahit pa nga noong nagsugal nang nagsugal ang tatay ko hanggang sa maubos ang pera na dapat ay ipang-aaral ko sa kolehiyo ko ay wala pa rin siyang ibang sinabi. "Anak, pagpasensiyahan mo na lang ang tatay mo, ha? Nagawa niya lang iyon dahil malungkot siya. Sana ay maintindihan mo iyon at patawarin na lang natin siya," wika sa akin ni mama bago niya ako niyakap nang mahigpit habang marahang hinahaplos ang likod ko. "Tao lang naman siya, anak. Nagkakamali rin paminsan-minsan." Napangiti na lang ako nang mapait nang maalala ko 'yong sinabi ni mama sa akin noong araw na iyon. 'Yon 'yong araw na halos maubos na nga ang pera na nakalaan sana para sa pag-aaral ko, tapos ay lalo pa kaming nalugmok dahil kinailangan pang bayaran ng piyansa 'yong mga kalaro niya na sinaktan niya dahil lang sa natalo siya roon sa sugal. That's the time when the man whom I thought was my superhero revealed himself as the villain. And to be honest, after all these years, it still sucks. Hindi na yata talaga mawawala ang galit sa puso ko dahil sa pangyayaring 'yon. Malaki na ako noong mga panahon na 'yon kaya naman ay naiintindihan ko na ag tunay na nangyayari sa buhay namin na ito. "Anak," marahang pagtawag niya sa akin pero imbes na sumagot ako ay nginitian ko na lang siya. Hindi ko na lang siya pinansin at naglakad na lang ako papuntang kusina para uminom ng tubig. Ngayon ko lang naramdaman ang uhaw dahil sa layo na rin ng nilakad ko. "Lucy," she called in an authoritative tone. Kaagad tuloy akong lumingon sa kan'ya dahil doon, hindi dahil sa takot ako sa kan'ya, pero dahil nirerespeto ko siya. Her voice was comforting yet threatening at the same time, na para bang sinasabi niya sa akin na nag-aalala siya para sa akin pero hindi niya nagustuhan ang isinumbong sa kan'ya ni papa. Sanay naman na ako sa kanilang dalawa. Palaging nagsisinungaling si papa at pinapalabas na masama ako para kampihan siya ni mama. "Galing lang ako sa labas, ma. Naglakad-lakad ako hanggang sa hindi ko namalayan na gabi na pala." Iyon na lang ang isinagot ko sa kan'ya bago ako nagsalin ng tubig sa baso at nilagok ito sa isang inuman lang. I need something to make me calm down. Natatakot ako na baka pati kay mama ay maibunton ko ang inis ko dahil lang sa ayoko kay papa at sa mga ginagawa niya sa amin ni mama. She was a good mother and I love her, but I just don't like the fact that she's willing to argue with me for my father's sake. If love was just shitty as that, it would be better if I won't experience it. "Matutulog na ako, ma. Maaga pa akong papasok bukas kaya kailangan ko ng pahinga." I walked towards her before I gave her a peck on her cheeks. "Magpahinga ka na rin, ma. Ano'ng oras na." Aalis na sana ako at pupunta sa kuwarto ko para matulog nang bigla siyang magsalita. "Sana naman ay bigyan mo ng kahit kaunting respeto ang papa mo." It felt like I was poured by a bucket full of ice. Katulad nga ng palagi kong sinasabi, palagi namang ganito ang scenario sa bahay na ito, pero hindi ko alam kung bakit hindi pa rin ako tuluyang nasasanay na si papa ang palaging pinipili ni mama at hindi ako. Ni hindi man lang niya ako tinanong kung bakit ko nga ba sinagot si papa kanina at kung bakit ako naglakad-lakad sa labas ng bahay namin kahit gabi na, kahit na hindi ko naman ginagawa 'yon dahil madalas ay nandito lang ako sa bahay at nag-aaral bago ako matulog. "Respeto?" I smirked at that thought. Gusto ko pa sanang tumawa nang malakas matapos kong sabihin iyon pero hindi ko na lang ginawa. I respect my mom so much, even though she doesn't respect the reason why I hated my dad. "Dapat ay pinaghihirapan iyon, ma. Kung gusto niya talaga na respetuhin ko siya, ipakita niya muna sa akin ang dahilan kung bakit kailangan ko siyang respetuhin. Hindi puwedeng basta ko lang siya rerespetuhin dahil lang sa gusto niya. Hindi ko iyon ibibigay kahit na patayin niya pa ako ngayon." Pagkatapos no'n ay dumako ang tingin ko kay papa na kakalabas lang sa kuwarto nila ni mama. Sinadya ko talagang sabihin ang lahat ng sinabi ko ngayon lang dahil alam ko na nandoon siya at nakikinig lang sa akin. Nakaawang pa ang bibig nito at nakatingin sa akin na para bang nagtitimpi lang siya, pero wala na akong pakialam doon. Hinihintay ko na magsalita si mama pero nanatili lang siyang nakatingin sa akin habang sumasara at bumubuka ang bibig nito, tila ay may gustong sabihin pero hindi niya magawa. Sinasabi sa akin ng mga mata niya na nag-aalala siya sa akin, pero hindi siya gaanong naniniwala sa lahat ng sinasabi ko sa kan'ya ngayon. Bumuntong hininga na lang ako bago ko ipinagpatuloy ang paglalakad papasok sa kuwarto ko. ANOTHER day and I needed to endure it again. Kakapasok ko pa lang pero parang gusto ko na kaagad umuwi. Iyan lang ang tumatakbo sa isip ko ngayon habang naglalakad ako rito sa school namin papunta sa College of Accountancy building. It was the same routine. Pumasok sa school, mag-aral para sa mga biglaang quizzes and recitations, pumunta sa student council room at makipagplastikan doon kahit na alam ko na ayaw sa akin ng lahat, mag-duty sa library, at umuwing pagod dahil sa dami ng ginawa ko sa buong maghapon. But there are days that the workload wasn't bearable. Hindi ko na napigilan ang mapangiwi nang makasalubong ko ang mga maiingay sa labas na para bang sila lang ang mga tao sa buong eskuwelahan. Kung hindi nakikipagdaldalan sa mga kaibigan nila ay nakikipaglandian naman sila sa mga kasintahan nila. I promised myself that I won't get affected by this, but there are times that I get annoyed by their presence. Masyado silang maingay at kahit na naka-earphones naman ako ngayon ay naririnig ko pa rin ang mga boses nila. I really hate loud noises as I wanted to protect my peace. Pinilit ko na lang na habaan ang pasensiya ko na sobrang ikli na at hinigpitan na lang ang pagkakahawak ko sa backpack ko bago ko ipinagpatuloy ang paglalakad. Nilakasan ko na lang din ang volume ng pinapatugtog ko nang sa ganoon ay ito na lang ang maririnig ko. Akala ko ay doon na nagtatapos ang kalbaryo ko, pero nang makarating ako sa room ko sa Accountancy Building ay kaagad akong napatigil nang makita na may nakaupo roon sa upuan kung saan dapat ako uupo. "Nandiyan na 'yong may-ari, p're," rinig kong bulong ng isang lalaki roon sa isa pang lalaki na prenteng nakaupo ngayon sa armchair ng upuan ko. "Umalis na tayo." It was Cullen and his friends. Sa pagkakatanda ko ay hindi ko naman sila kaklase at Engineering ang mga course nila. My first subject for this day was a major one, kaya naman ay imposible na nag-merge ngayon ang Civil Engineering at ang BS Accountancy. Posible sana iyon kung minor subject ito, pero hindi, eh. Kaagad itong lumingon sa akin at lumawak pa ang pagkakangisi nang makita ako. "Good morning, Lucielle," pagbati nito sa akin sa malalim niyang boses bago siya tumayo mula sa pagkakaupo niya at lumapit sa akin. "Did you miss me?" dagdag pang tanong nito na naging dahilan kung bakit muntikan nang manghina ang mga tuhod ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD