bc

Make Her Bad

book_age18+
3.9K
FOLLOW
24.9K
READ
billionaire
revenge
dark
possessive
sex
escape while being pregnant
CEO
twisted
bxg
office/work place
like
intro-logo
Blurb

Warning: R-18 | SPG | Read at your own risk

"I wanted to make you bad, Lucielle," Cullen said as he pinned me on the wall, holding both of my hands above my head. "I want to make you bad, and make you mine."

Lucielle Unity Ventanilla's only dream in life is to graduate and obtain her bachelor's degree, help her family in their financial needs, maintain balance when it comes to her academic life, and to see Ace Cullen Rutherford fall down on his knees. Sa hindi malamang dahilan ay hindi niya gusto ang lalaking 'yon na madalas niyang mahuling may kahalikan sa library o kaya naman ay may ginagawang milagro sa rooftop ng eskwelahan nila. Ang mga lalaking katulad niya ang dahilan kung bakit sobrang laki ng takot niyang magmahal.

She promised herself not to fall in love with any guy, especially Cullen, until the day of her graduation. But as she tries to make her life peaceful as it is, and be the good girl that everyone expected her to be, that's the time when Cullen came on her life and piss her in the ways that nobody else can.

And with that, he wanted to make her bad.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
"NASAKTAN ba ang baby ko? Hala, pasensiya ka na talaga!" rinig kong paglalambing ni Shantal doon sa boyfriend niya na si Vince. Napatingin ako sa kanila saglit dahil biglaan akong na-distract sa paggamit ni Shantal ng baby voice niya, pero biglaan din akong nagsisi dahil lumingon pa ako sa kanila. Shantal was sitting on Vince's lap while facing him and straddling him a bit. Napakurap ako ng dalawang beses at napalingon na lang akong muli sa harap para makinig sa nagdi-discuss ng agenda namin ngayon. Seriously, are they doing it here? Gusto kong umirap pero maya't-maya ang tingin sa akin ni Nica, ang nagdi-discuss ngayon, kaya hindi ko magawa. "Oo naman, baby ko," rinig ko namang sagot ni Vince. "Pero noong hinalikan mo ang kamay ko ay parang nawala na ang sakit nito. Napaka-powerful talaga ng kamay mo, baby." Is it just me, or double meaning iyon? Napailing na lang ako habang nagsusulat. Kanina kasi ay aksidenteng tumama ang kamay ni Vince sa dulo ng lamesa habang naghaharutan sila ni Shantal dito sa student council office, kaya naman ay medyo namula ito, pero noong hinalikan daw ni Shantal ang kamay ni Vince ay nawala na raw ang sakit no'n. Like, what's the sense behind that s.hit? Can someone give me a scientific explanation kung paano mawawala ang sakit ng katawan dahil sa simpleng halik? Napairap na lang ako bago umiling nang bahagya. Being an academic scholar who needs to do some s**t, and a student assistant who also needs to do some s**t makes my body ache, big time. Kapag ba pinahalikan ko ang buong katawan ko ay mawawala na ang sakit nito dahil sa araw-araw kong pagtatrabaho at pag-aaral? It just doesn't make sense. It doesn't. "Ang sweet naman ng baby ko," rinig ko pang pagpuri ni Shantal sa kasintahan, at maya-maya lang ay nakarinig na lang ako ng kakaibang tunog. Tunog ng naghahalikan. Wala naman sana akong pakialam doon, kaya lang ay nagtataka lang talaga ako kung bakit madalas silang nandito sa student council room kahit na hindi naman sila student council officers. Dahil ba sa kaibigan nila ang student council president? Maybe. Maybe not. The people here don't mind them, anyway, and so am I. Kung ang ibang student council officers nga ay walang pakialam sa ginagawa nila ngayon, so, bakit din ako mangingialam? Aside from that, intruding other people's lives is not my thing, and will never be my thing. Ang hindi ko lang talaga matanggap ay kung bakit naglalandian silang dalawa ngayon sa kalagitnaan ng agenda namin ngayon dito sa student council room, and I am one hundred percent sure na hindi kasali sa agenda namin ngayon ang paglalandian nila. Maghihiwalay din naman ang dalawang 'yan, dahil bukod sa parehas silang malandi ay masyado na silang nagiging dependent sa isa't-isa. Hindi na ako magtataka kung isang araw ay nandito si Shantal sa room na ito at umiiyak dahil hiniwalayan na siya ni Vince. "Ventanilla?" Nabalik ako sa reyalidad nang tawagin ako ni Nica. Ang student council president namin. Siya rin ang nagdi-discuss sa amin ngayon ng gagawin namin para sa paparating na freshmen week. "Yes?" magalang naman na sagot ko bago ako tumingin sa kan'ya habang pinapaikot nang bahagya ang G-Tech na hawak-hawak ko sa kanang kamay ko. This G-Tech is not mine, though. Ipinahiram ito sa akin ni Nica dahil naubusan na pala ng tinta ang panda ballpen ko kaya hindi ako makapagsulat. 'Yon lang talaga ang disadvantage kapag tig-limang piso lang ang binibili kong ballpen. At ang advantage? Limang piso lang siya. Maubos man ang tinta nang paulit-ulit, at least ay limang piso lang ito, at kaya ko ulit bumili ng bago. Unlike this G-Tech na nasa isang daan na nga ang halaga, kapag bumagsak pa ay mawawalan na kaagad ng tinta. Like, why would I spend a hundred just for a pen? Mas mabuti pang ipambili ko na lang iyon ng pagkain, o kaya naman ay ibigay kay mama para kahit papaano ay may pangkain sila. "Did you list all of this?" tanong sa akin ni Nica at tinuro ang lahat ng nilista niya sa whiteboard. She wrote all of the things that we need to accomplish until the day when the freshmen week will start. Mula sa booths, persons assigned, at maging ang guests na imbitado roon ay nakasulat sa white board na iyon. Akala niya siguro ay hindi ako nakikinig dahil hindi ko siya tinitingnan habang nagdi-discuss siya. Nakatitig lang ako sa white board habang nagsusulat ako. She may have let me to use her G-Tech for a while, but it doesn't mean that she likes me. She doesn't like me as a friend, or even as a person. I don't really know why she hates me that much. Well, most people, if not all, here doesn't like me, anyway. Mahirap lang kasi ako habang mayaman naman sila. Hindi ko naman itatanggi na mahirap lang kami dahil sa utang ng tatay ko na ilang taon na namin hinuhulugan pero hindi talaga maubos-ubos. It's because it's a freakin' million. Hindi matanggap ni Nica at ng iba kong mga jaklase na may nakapasok na mahirap dito sa eskwelahan kung saan ay sinasabi nila na para lang sa mayayaman. Matalino akong likas, eh, kaya ako naging academic scholar. Sila? Puro pera lang naman ang pinapaandar nila. Hindi ba sila nahihiya sa sarili nila? Masyado nilang pinapamukha sa akin na insecure sila sa akin kahit na wala naman akong pera para ma-insecure sila. Paano pa kaya kapag yumaman na ako? Well, wala naman akong pakialam kung outcast lang ang tingin nila sa akin dito. Ang gusto ko lang ay ang maka-graduate nang matiwasay at makahanap ng matinong trabaho, para na rin mabayaran ko na nang buo ang inutang ni papa noong naadik siya sa sugal, at para makapagsimula na ulit kaming tatlo ng panibagong buhay. "Here." Imbes na sagutin ko siya ay itinaas ko ang notebook ko na naglalaban ng discussions niya. Hindi lang ang mga nakasulat sa whiteboard niya ang naisulat ko rito, maging ang mga sinasabi niya lang verbally ay naisulat ko sa minutes. How? Simple lang. Mabilis ako magsulat. Mataas ang focusing skills ko. Magaling ako mag-multitask. "Okay." Dahil sa napahiya siya ay iyon na lang ang nasabi niya. Mabuti nga sa kan'ya. Masyado niya kasi akong minamaliit. Hindi ako tatagal sa eskwelahan na ito kung mabilis akong ma-intimidate sa mga taong kagaya niya. Kung inaakala niya na hindi ako makakapag-focus dahil sa may naglalandian sa likuran ko, nagkakamali siya. My focusing skills are way more better than her hair. Nagpa-curl na nga siya ng buhok at lahat-lahat pero ang pangit pa rin ng pagkakagawa ng buhok niya. She wanted to imitate my brown curly hair that much? Too bad, she can't. Just as I mentioned, I have a brown curly hair that has a length up to my waist. Mukha man 'tong ipinapaayos sa parlor, pero natural ang buhok kong ito. Madalas tuloy ay tinatawag akong latina ng ilang mga kaklase ko dahil sa buhok ko. May iilan naman akong kaibigan dito sa university, ngunit wala akong maituturing talaga na best friend ko. Isa pa, ayoko rin. Ayokong ma-attach sa isang tao. "Transfer that to your laptop, Ventanilla," pag-uutos niya sa akin. "Alam mo naman na ayaw ko na sa notebook, but you're just too persistent." Muntikan na talagang tumaas ang kilay ko dahil sa sinabi niya, pero mabuti na lang at nanatili akong kalmado. Ang pagiging kalmado ko ang dahilan kung bakit ako tumagal sa eskwelahan na ito sa loob ng dalawang taon, kaya alam ko na dapat ko itong kayanin. "Of course," sagot ko naman sa kan'ya. "Scratch ko lang naman ito." Totoo naman iyon. Mas mabilis kasi akong magsulat kaysa mag-type, at mas mataas ang focus ko kapag nagsusulat ako kaysa mag-type. Kung hindi niya maiintindihan 'yon, sana ay hindi na lang siya ipinanganak sa mundo. Buwisit siya. Gusto ko sana siyang taasan ng kilay pero pinigilan ko ang sarili ko. Natiis ko nga ito nang dalawang taon, ngayon pa kaya? Bilang isang student council secretary ay responsibilidad ko na ilista palagi ang minutes, kaya naman ay hindi rin ako puwedeng um-absent sa bawat meeting na mayroon ang student council, kahit na madalas ay naiipit pa ako dahil hindi ko kaagad nagagawa ang assignments ko dahil sa mga meeting na ito. "Okay." Wala na ba siyang ibang masabi kung hindi okay? "Let's meet again next week to discuss our progress about the freshmen week. I'll let the secretary know the date and time so she can disseminate it to you. Meeting adjourned." I sighed in relief. Mabuti naman at tapos na. Makakauwi na rin ako, sa wakas. Dahil nakakapagod din makisama sa mga taong ayaw naman sa iyo. These people inside the student council room? At the back of their heads, they are bashing me, insulting me, and judging me without even having the chance to know me. They judge me easily just because of my freakin' social status. Sa oras na makapagtapos na ako ng pag-aaral ay hindi na nila ako mahahamak nang ganito. Just two more years... and I'll be able to fight back for myself.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
80.0K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
181.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
138.9K
bc

His Obsession

read
90.0K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
27.9K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
11.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook