Chapter 2

1662 Words
FRESHMEN week is such a pain in the ass. Ang freshmen week ay isang program para ma-enjoy muna ng freshmen ang pananatili nila sa school na ito bago sila tuluyang tambakan ng professors ng assignments, reports, and final outputs. Para itong isang despedida party bago umalis ang isang tao, o kaya naman ay parang isang handaan na pasasayahin ka muna saglit bago ka saktan nang todo. This may sound harsh, but I see this freshmen week as a facade. Like a dynamite. Ang dynamite ay mukhang isang simpleng lumpia sa umpisa, pero kapag dinamihan mo na ang kagat, doon mo malalaman na ang anghang pala no'n dahil mayroon 'yong sili sa loob. Sili na hindi inaasahan na nagtatago pala sa loob ng dynamite na iyon. Parang freshmen week lang, akala nila ay masaya 'yon dahil sa mga pasabog ng student council, pero sa mga susunod na Linggo ay paiiyakin na sila dahil sa dami ng gagawin, at hindi lang 'yon, mararanasan na nila 'yong pakiramdam na ginawa naman nila ang lahat para mag-aral at makapasa, pero kapag lumabas na ang resulta ng exam ay parang kulang pa rin ang effort na ginagawa nila. Me, as a third-year accountancy student, can definitely relate into this kind of dilemma. 'Yong pakiramdam na ginawa ko naman na ang lahat para mag-aral, pero sa bawat kuha ko ng exam, pakiramdam ko ay hindi ako nag-aral. But despite all the hardships, I still manage to make it. Third year na ako ngayon, at isang taon na lang ay makakamit ko na ang inaasam-asam ko. Graduation. A bachelor's degree. Freedom. "Here's your pen," wika ko kay Nica na nag-aayos na ngayon ng gamit niya. "Thank you." Napatingin siya sa akin na para bang hindi siya makapaniwala na nilapitan ko siya bago niya ako pinagtaasan ng kilay. "You really think that I'll use that ballpen, eh nagamit mo na ba iyan? Ginamit na iyan ng marumi mong kamay, Lucy." Maruming kamay? Oh, come on. Kahit naman mahirap kami ay marunong akong gumamit ng alcohol. Gumagamit nga rin ako ng gloves kapag nagtatapon ako ng basura sa bagay namin. In short, I am hygienic. So, ano ang basehan niya para sabihin na marumi ang kamay ko? Gusto ko man siyang sagutin pero hindi ko na ginawa. Napangisi na lang ako sa utak ko. This attitude is very Nica. Maarte, matabil ang dila, at siguro noong ginawa siya ng Diyos ay naibuhos sa kan'ya ang lahat ng insecurity, kaya ngayon, kahit ako ay kinaiinggitan niya. "So, are you saying that this is mine now?" tanong ko habang ipinapaikot ko ang G-Tech sa kamay ko. This became my habit lalo na kapag nag-iisip ako. "Yes, you should use it. Mapagbigay naman ako sa mga naghihirap," sagot niya pa bago niya ako inirapan. Tumango na lang ako bago ko inilagay ang G-Tech niya sa bulsa ko. I'll just consider this as a gift. Bihira lang din ako makakagamit nito, ah. Kahit mukhang masama pa ang loob ni Nica ay wala naman akong pakialam sa kan'ya. Kung inaakala ni Nica na maiinis niya ako dahil lang sa pag-emphasize niya na mahirap lang ako, nagkakamali siya roon. Una sa lahat, hindi kami mahirap na mahirap. Kumakain kami nang tatlong beses sa loob ng isang araw, maayos ang bahay namin, maayos din ang mga damit namin, at iba pa. Sadyang mayaman na mayaman lang sila. I am not the type of person that someone can annoy easily, but at the same time, I don't want any issues here at the university, lalo na ngayon at hindi pa ako nagtatapos ng pag-aaral ko. Mabuti nga at minamalditahan lang nila ako kaya naman kahit papaano ay kaya kong maging kalmado, dahil kung sasampalin niya ako ngayon nang malakas, doble no'n ang ibabalik ko sa kan'ya. Malakas akong manampal, hindi lang halata dahil mukha akong tahimik na hindi pa nakararanas ng away. The beast inside of me is not non-existent. It's just... sleeping. The beast inside of me is not something that people should wake up or trigger, because if they do, I'm one' hundred percent sure. They'll not gonna like it. "NATAPOS ko rin," bulong ko sa sarili ko pagkatapos kong i-type ang minutes kanina na nilista ko sa scratch notebook ko sa computer dito sa school. I can use the laptop in the student council room dahil student council task naman itong ginagawa ko, but I would rather walk onto our University's free computer shop than to use the student council's laptop. Baka may mawala pa roon at mapagkamalan pa ako. Mainit pa naman sa akin ang mata ng mga tao sa student council, especially Nica. I wonder why, but I don't care. "I already sent the minutes to your email. Kindly check it, thanks," mabilis kong saad kay Nica noong sinagot niya ang tawag ko. Mabuti na lang talaga at sponsored ng University ang cellphone at ang load ko. Yes, ganoon kayaman ang University na 'to, at ganoon nila ako kamahal. I may not be rich, but my whole existence screams value. "Why do you need to call—" And I hung up without even letting her finish her sentence. Why would I bother, anyway? Magra-rant lang naman siya sa akin kung bakit ko pa siya tinawagan kung puwede namang i-text ko na lang siya. Does she hate me that much to the point na ayaw niyang marinig man lang ang boses ko? Wala naman akong ginagawang masama sa kan'ya. Wala naman akong ginagawa sa lahat, pero kung i-judge nila ako rito sa eskwelahan na ito ay para bang nakapatay ako ng tao. Nagkibit-balikat na lang ako dahil sa iniisip ko. Kahit naman ano ang gawin kong tanong ay hindi iyon masasagot. Anyway, the only reason why I chose to call her is for her to check the minutes immediately. Balak kong magbabad sa pag-aaral para sa advanced accounting bukas dahil bukod sa maghahabol ako ng aaralin ay magkakaroon kami ng quiz next week. I won't let myself be distracted tomorrow, so, kung may ipadadagdag siya sa minutes or ipababawas, ngayon pa lang ay sabihin na niya. "Salamat po." Tumango ako roon sa nagbabantay sa computer shop bago ako naglakad palabas. Tumango lang din siya sa akin pabalik bilang sagot. Agad akong napatigil sa paglalakad nang humampas sa akin ang sariwa ngunit malamig na hangin pagkalabas ko. Pakiramdam ko tuloy ay nagtayuan ang mga balahibo ko sa braso dahil sa kakaibang kilabot ngunit kapayapaan na naramdaman ko. It's already dark, given that it's nine o'clock in the evening. Kaunti na lang din ang tao rito sa eskwelahan dahil gabi na. Bukod sa manipis ang white blouse ko ay nakalimutan kong magdala ng jacket. Nagdadala kasi ako ng jacket kapag gagabihin ako ng uwi. Biglaan kasi ang meeting ngayon dahil sa Freshmen week. Dapat kasi ay next month pa iyon, pero sinabi ng professors na gawin daw ngayong month dahil next week ay magbibigay na sila ng assignments. Pinilit ko na lang indahin ang lamig na nararamdaman bago ko ipinagpatuloy ang paglalakad habang hawak-hawak ko ang tali ng black backpack ko. I don't love the color black. I don't love any particular color, to be specific. I just like the color black because of it's... darkness. Darkness that gives me peace. "F.uck," pagmumura ko nang biglang humangin nang malakas, dahilan para lumihis ang maikli naming blue checkered skirt. At the back of my mind, I wanted to curse the one who designed this uniform. Bakit kasi hindi na lang slacks ang uniform namin para naman kahit papaano ay maging komportable ako kapag nakaupo ako? Agad kong inayos ang skirt ko, pero kaagad akong napatigil nang biglang may sumipol sa bandang gilid ko kaya naman ay nilingon ko ito. Napairap na lang ako nang makita na si Cullen pala 'yon. He was wearing the boys' uniform. White blouse and blue slacks. Nakatanggal pa ang dalawang butones nito kaya naman ay kitang-kita ko ang sando niya sa loob. He partnered it with his black leather shoes, black jansport backpack, and... wait, how dare he smoke inside the school premises? Nakasandal pa ito sa puno habang hinihithit ang sigarilyo niya. "Do you want to say something, miss student council secretary?" Nakataas-kilay niyang tanong sa akin bago siya humithit sa sigarilyo niya. Ramdam niya siguro na kaya ko siya tinitingnan ngayon ay dahil sa naninigarilyo siya, na bawal na bawal sa eskwelahan na ito. Agad na napako ang tingin ko roon, iniisip kung sisitahin siya o hindi. My responsibility as a student council secretary is to punish and report bad guys like him to the student council. Someone like him who loves to break the rules. Ang mga lalaking kagaya niya ay dapat nire-report sa student council para naman madala sila sa pangungulit nila. But at the same time, I am afraid of him, even if it's not that obvious. It's because he's much more influential than my classmates, than Nica, or than just anyone from this school. It's because he's the son of one of the f.ucking owners of this school— the same school who gave me the opportunity to study in a private university like this. Ace Cullen Rutherford. The one that I should avoid at all costs. "Cat got your tongue?" muli niyang tanong noong hindi ko siya sinagot. Habang nakatitig ako sa sigarilyo na hawak-hawak niya ay nakita ko ang pagdilim ng mga mata niya noong bumaba ang tingin niya mula sa mukha ko... papunta sa labi ko... at papunta sa legs ko ngayon na kitang-kita na pala dahil bigla-biglang lumalakas ang hangin. "Wala," I answered nonchalantly. Kahit na naiinis ay ipinikit ko ang mga mata ko nang mariin bago ako nagpatuloy sa paglalakad ko. I shouldn't talk with him like this. Baka mas lalo lang akong ma-issue kapag nakita ako ng ibang babae rito na kinakausap siya. Baka mas lalo lang gumulo ang buhay ko. At ayoko no'n. "Good choice, baby," rinig kong sabi niya pa habang naglalakad ako palayo sa kan'ya. "Good choice."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD