"HOW did you know my name?"
Iyan ang kaagad na pambungad ko kay Cullen pagkalapit niya sa akin. Hindi ko alam kung bakit pero kakaiba kaagad ang naramdaman ko nang maglakad siya at tumigil sa harapan ko. Naramdaman ko ang unti-unting pag-init ng pisngi ko at ang pagbilis ng pagtibok ng puso ko.
I was trying to calm my heart down, but it won't listen to me as my heart beat rapidly while I was admiring his looks.
His appearance was too perfect. Bumabagay ang kulot nitong buhok sa tanned na kulay ng balat nito. Wala siyang gaanong muscles sa katawan pero hindi rin siya sobrang payat. His body built surprisingly complemented hair and his complexion. His choice of clothes also suits him since it emphasize his built.
As of now, he was currently breaking the school rules by unbuttoning his polo shirt and letting people see his chest under his white sando, but why can't I say anything in front of him?
Kaysa mainis tuloy ako sa kan'ya ngayon ay hindi ko mapigilan ang mapatitig sa kan'ya. Mukha lang siyang model na napadpad dito sa school namin ngayon at nakikipahinga lang dito sa room namin.
Dahil sa kung ano-ano na ang tumatakbo sa utak ko ay kaagad kong ibinaling ang atensiyon ko sa ibang bagay, katulad na lang ng pagtingin sa mga kaklase kong kaysa nagre-review ngayon para sa surprise quiz namin ay nakatingin na lang din ngayon sa puwesto nila Cullen at ng dalawa niya pang kaibigan dahil siyempre naman, sasamantalahin talaga nila ang opportunity dahil bihira lang naman mapadpad sila Cullen sa building na 'to kaya naman ay minsan lang din nilang masisilayan ang mga ito.
Ah, wait. No. This situation wasn't rare. This is exactly the first time that they went here in this building.
Pero, bakit? Sa dinami-rami ng lugar, bakit sa room ko pa ngayong first subject ko? At sa dinami-rami ng pupuwestuhan nila para magkuwentuhan, bakit dito pa sa inuupuan ko? It was near the teacher's table, which is the exact reason why even though I try my best to think why they're here, my mind can't just think about their ulterior motive.
"Why won't I know your name?" prenteng sagot naman nito sa akin habang nakalagay ang dalawang kamay sa magkabilang bulsa ng pantalon niya. "Nice name, by the way. Sounds like a good name on a bad girl's identity," he even added to say before he pursed his lips as his gaze went from my face down to my chest.
Napansin ko ang pagkakatitig nito sa bandang dibdib ko, kaya naman noong tiningnan ko iyon ay doon ko lang napagtanto na binasa niya pala ang pangalan na nakasulat sa ID ko kaya nalaman niya ang pangalan ko.
Pasimple kong itinalikod ang ID ko at kitang-kita ko ang pagngisi niya dahil sa ginawa kong iyon. Does he think that he makes me nervous because of his presence? It wasn't easy for me to accept this, but he's right.
"Lalabas na muna kami, bro." rinig kong saad ni Jasper, ang isa sa mga kaklase ni Cullen na nandito rin sa loob ng room bago nito tinapik si Cullen. "Babalik na muna kami roon sa room para magpahinga."
Kasunod naman nito si Tyler na tahimik lang na sumulyap sa akin saglit habang nasa likuran ni Jasper. May nakapasak na headset sa magkabilang tainga nito kaya naman curious ako kung alam niya kaya ang nangyayari sa paligid niya ngayon o hindi.
Jasper and Tyler is Cullen's friends. Ang alam ko ay magkakaibigan na silang tatlo mula pa lang noong junior high school sila. They have the same course, the same hobby, and the same dilemma, at iyon ay ang hindi nila alam kung ano ang gagawin nila sa mga buhay nila dahil mayaman naman na silang lahat.
"Nice to meet you, miss."
Kaagad na napakunot ang noo ko nang kinuha ni Jasper ang kamay ko. Akmang hahalikan niya ito pero hindi 'yon natuloy nang marahas na inalis ni Cullen ang pagkakahawak nito sa akin. Tumingin nito nang masama kay Jasper kaya naman ay kaagad na itinaas ni Jasper ang makabilang kamay niya bago ito tumawa na para bang tuwang-tuwa siya sa reaksyon na ipinapakita ni Cullen ngayon sa kan'ya.
"Chill, dude," nakangising sabi nito bago muling dumako ang tingin nito sa akin. "Gusto ko lang namang makipagkilala kay miss beautiful."
Tumaas ang kilay ko dahil sa sinabi niyang 'yon bago ko ipinagkrus ang dalawang kamay ko sa dibdib ko. Tuluyan na ba silang naubusan ng babae rito sa school at wala na silang ibang mapag-trip-an kaya naman ako ang ginugulo nila ngayon?
Jasper was like Cullen's clone. Magkaparehas ang dalawang 'to pagdating sa pang-uuto sa iba't-ibang babae. Ang bukod tanging pagkakaiba nila ay masyadong vocal si Jasper at may pagka-playful din ang personality nito, hindi katulad ni Cullen na mas gusto lang na maging tahimik at hintayin na ang mismong babae ang lumapit sa kan'ya.
"Let's go." Kaagad na dumako ang paningin ko kay Tyler na nagtanggal na pala ng headset niya. "Stop making a scene here," dagdag pa nitong sambit bago nito hinila si Jasper na umiiling-iling lang ngayon habang tumatawa nang mahina.
Sa kanilang magkakaibigan, ang masasabi ko lang ay si Tyler na siguro ang pinakamatino. He was the stabilizer of the group. Wala akong maalalang kahit na anong araw na may kasama itong ibang babae. Kung hindi computer ay mga libro ang kaharap niya dahil nakikita ko siya minsan sa library na nagre-review, hindi katulad ng dalawa niyang kaibigan.
He was the silent type of guy, but who knows? Baka may itinatago rin siyang kulo na hindi ko lang nalalaman.
Dahil wala naman nang mga asungot sa upuan ko at maging sa paligid no'n ay naglakad na ako papalapit doon habang mahigpit ang pagkakakapit ko sa magkabilang strap ng bag ko. To be honest, I was afraid even when I try to act like I don't care about it, I know that many people are looking at me, maybe judging me because the great Cullen and his friends are trying to strike a conversation at me.
Natatakot ako na baka sa ano mang oras ay mawala na lang bigla ang tahimik na buhay na matagal kong iningatan sa loob ng ilang taon.
"Wait," pagpigil nito sa akin bago niya hinawakan ang kanang braso ko. "I'm not yet done talking to you," dagdag pa nitong sabi sa akin bago ito tumitig sa mga mata ko.
Nakayuko ito dahil kung ikukumpara ang height ko sa kan'ya ay masyado akong maliit. Hanggang dibdib niya lang ako kahit na may two inches na takong na itong sapatos ko ngayon.
Bigla tuloy akong napatingin sa kan'ya at napaawang ang mga labi dahil sa ginawa niyang iyon. His touch sent shivers to my spine. Hindi ko maipaliwanag ang kakaibang kuryente na dumaloy sa buong katawan ko dahil lang sa simpleng paghawak niya sa akin.
I wasn't able to move nor breathe for a second. It feels like I was so mersmerized by his stare. Itim na itim ang kulay ng mga mata nito na para bang kumikinang habang nakatitig ito sa akin. His personality wasn't expressive as he loves being silent all the time, but his eyes do make me feel something I wouldn't want to feel all throughout my life.
It was that f.ucking butterflies in my stomach, as what they say.
"Please do what your friend says. Stop making a scene here," I whispered as I glanced at my classmates who was already staring at us.
Ang iba ay masama na ang tingin sa akin ngayon dahil sobrang lapit ko sa lalaking nagugustuhan nila at nakahawak pa nga ang kamay nito sa braso ko, habang ang iba naman ay hindi man lang ako tinatapunan ng tingin at kay Cullen lang nakatuon ang atensiyon nilang lahat.
Sinasabi ko na nga ba. Hindi talaga magandang pangitain ang pagsama ng mood ko kanina noong naglalakad pa lang ako. Lalo pa ngang dinagdagan nito ni Cullen na wala na yata talagang magawa sa buhay niya kaya naman kahit ako na nananahimik ngayon ay pinilit niyang guluhin.
"I would really appreciate it if you'll walk out of this room silently," I stated on an authoritative yet pleading tone as I tried to remove his hands on my arm.
Pero nang gawin ko iyon ay mas lalo lang humigpit ang pagkakahawak niya sa akin at hinila ako papalapit sa kan'ya. Bumangga tuloy ang katawan ko sa kan'ya na naging dahilan para mapatingin siya sa akin. Dumilim ang paningin nito sa akin at umigting ang kan'yang panga nang maramdaman na nakadikit ang dibdib ko sa kan'ya.
Hindi ko na alam kung mayroon pa bang iiinit itong pisngi ko ngayon dahil sa mga nangyayari sa akin. I trained myself to maintain my composure at all times, lalo na nga at sa mga sitwasyong ganito dahil alam ko naman na darating ang oras na hindi ko ito maiiwasan, pero bakit ganito ang nararamdaman ko ngayon?
Why does he have this strange effect on me?
Ramdam ko ang pagpisil nito nang bahagya sa braso ko kaya naman ay kaagad na bumaba ang paningin ko roon. It doesn't hurt... but it was comforting and sensual at the same time. I can feel the lust on his touch but I can also feel how he cares for me at the same time. Bahagyang nilalaro ng hinlalaki niya ang balat ko na para bang iniingatan niya ako pero ayaw niya akong pakawalan.
"Good morning, class."
Napilitan lang siyang bitiwan ang braso ko nang pumasok ang prof namin para sa subject na 'to. It was miss Cabucao, one of the terror professors of Accounting for Business Combinations. She was merciless and doesn't give any considerations to pass the subject.
Sa bagay, lahat naman ng prof dito sa accountancy department ay mahigpit. They needed to be like that to maintain the 100% passing rate on the board examinations.
That's what it feels like to study in a University with a level of standard higher than the entire galaxy.
"Mr. Rutherford," pagtawag sa kan'ya ni miss Cabucao. "If I'm not mistaken, you're a Civil Engineering student, right?" dagdag pa na tanong nito sa mahinahong tono na para bang nakikiramdam siya kung ano ba ang dapat niyang sabihin. Cullen was influential, so, of course, everyone would try to be on his good side.
Hindi na nagsalita pa si Cullen at tiningnan lang ako nang makahulugan bago siya lumabas sa room namin. Tinaasan ko siya ng kilay pero sayang lang dahil hindi na niya nakita 'yon.
"Get one-half sheet of intermediate pad," pambungad ng prof ko pagkalapag niya ng mga gamit niya sa lamesa na nasa harapan ko lang halos. "We'll have a quiz."
I was expecting this quiz, kaya naman ay may nakahanda na kaagad na papel sa loob ng attache case ko, but what wasn't I expecting is for Cullen to be here and talk with me.
Kaagad kong ipinilig ang ulo ko at inalis na muna si Cullen sa isip ko para makapag-focus na muna ako sa pagsasagot ng mga tanong. This wasn't an ordinary quiz, but a short quiz on a major subject. Regardless of the duration or the number of items of the quiz, I still need to do my best and reach the quota grade.
One failed quiz can ruin an accountancy student's entire life.
"CLASS dismissed. Prepare for a long quiz next week," my professor stated as she left the room after an entire three hour discussion.
Napabuntong hininga na lang ako bago ko inayos ang mga gamit ko. Noong una ay napapagod pa ako at nauumay kapag nagkaklase kami nang ganito katagal, pero mas maikli na ang three hours kaysa roon sa make-up classes namin sa law last year. It was freaking six hours. Gusto ko na lang talaga ang masuka kapag naaalala ko iyon.
It was lunch time and I don't have any friends here that can join me to eat. Napatingin na lang ako sa iba pang mga estudyante na naglalakad kasama ang mga kaibigan nila palabas ng room namin habang isinusukbit ko sa likod ko ang backpack ko.
Nang matapos na ako sa pag-aayos ay kaagad akong lumabas ng room namin para magpunta sa cafeteria, pero hindi ko inaasahan ang sasalubong sa akin doon.
"You're five minutes late," mariing wika nito sa akin bago ito sumulyap sa wristwatch niyang Rolex ang tatak. "I hate waiting, but since this is your first time, I'll let it slide."
"I'm sorry, what?"
Hindi ko na napigilan ang pagtaas ng boses ko nang tinanong niya iyon. Napakunot din ang noo ko habang nakatitig lang sa kan'ya na ngumingisi pa sa akin kahit na wala namang nakakatawa sa nangyayari ngayon.
He traveled the remaining distance between us, unlike what he did last night. Last night, he was maintaining a safe distance between us on a cold night, but now, he was carelessly and continuously crossing the lines on broad daylight.
Right now, he was standing in front of me as he held my chin to make me look at him. Iniyuko nito ang ulo para pumantay ito sa akin.
"Didn't you hear what I just said before you left?" he said huskily as his gaze went intense. "I'm not yet done talking to you."