SIMULA NANG araw na iyon ay tuluyan na ngang naging magkaibigan si Cyrus at Amelia at tumagal din ito ng ilang buwan. Kada matatapos si Amelia sa kan'yang trabaho ay nakikipaglaro ito kay Cyrus ng football. Hindi rin naman akain ni Cyrus na sa bawat araw na lilipas ay makakasanayan din niyang itago ang nararamdaman at masanay sa presensiya ni Amelia. They were playing soccer like kids. Halata mang hindi marunong si Amelia ng larong 'yon pero natutuwa siyang isipin na nakikipaglaro pa rin ito sa kan'ya kahit na hindi ito marunong. "Hindi ka pa ba nagugutom, Cyrus?" tanong ng dalaga sa kan'ya habang nakatayo at hawak ang magkabilang tuhod, hinihingal. Aside from playing his favorite sport, he like the fact that she was already comfortable with him. Naipakita na kasi niya ang tunay na ug