"SIGURADO KA na ba riyan, Amelia?" Hindi mabilang ni Amelia kung pang-ilang beses na bang naitanong sa kan'ya ni Clark, ang kan'yang kasintahan, kung sigurado na ba siya na kan'yang desisyon na magpunta sa Manila at doon magtrabaho bilang katulong. "Clark..." Hindi na rin niya mabilang kung pang-ilang beses na rin ba niyang binanggit ang pangalan nito habang bahagyang hinahaplos ang kanang kamay nito. "Sigurado na ako sa desisyon kong 'to," aniya bago tinuro ang mga gamit sa sahig. Isang maleta at isang backpack ang mga nakalapag sa sahig. Kung hindi siya sigurado sa kan'yang desisyon o kung nakaramdam man siya ng kahit kaunting pag-aalinlangan man lang, sana ay hindi siya nakaimpake ngayon. Sana ay malungkot siya ngayon habang nakatingin sa kasintahan na halatang-halata ang pagtutol sa