THE MOST awaited day for Cyrus, Jackson, and Tyrone has come. Ito ang araw kung saan ay sabay-sabay silang magpa-practice sa pakikipaglaban sa isa sa mga room nila Cyrus. Naghihintay na lang ang dalawa ng text mula sa kan'ya kung pupunta na sila sa bahay ni Cyrus, habang si Cyrus naman ay hindi mapirmi sa kan'yang puwesto at pabalik-balik na naglalakad sa garden habang nakahawak ang kamay nito sa kan'yang baba. Hindi niya alam kung tama ang kan'yang gagawin. Sure, he wanted to be with her for today. Gusto niya ang naging ideya ni Jackson dahil hindi naman sa lahat ng oras ay nasa tabi siya ng dalaga. Although he knows Amelia can protect herself, he wanted to make sure that she has enough skills to do that. Ito lang ang araw kung saan niya makikita 'yon. "Tangina naman, Cyrus, pati ba