Chapter 6

1404 Words
RINIG na rinig ko ang mga mumunting bulungan sa paligid namin habang hawak-hawak ni Cullen ang palapulsuhan ko at hinihila ako papunta sa kung saan. Nagpatangay na lang ako sa kan’ya nang hilahin niya ako roon sa may hallway habang nandoon ang iilang mga kaklase ko sa gilid at nakamasid lang sa kan’ya, at kung hindi sa kan’ya nakatingin ang mga ito, nakapokus naman ang mga paningin nila sa kamay ni Cullen na nakahawak sa akin ngayon. Hindi ko na kailangang magkaroon ng kapangyarihan na basahin ang isip nila para malaman ko na isinusumpa na nila ako sa utak nila dahil sa sobrang lapit ko kay Cullen ngayon. Sa masasamang tingin pa lang na ipinupukol nila sa akin ay alam ko na kaagad na ganoon ang iniisip nila. “Bilisan mong maglakad,” utos nito sa akin sa isang ma-awtoridad na tono nang hindi ako nililingon. Patuloy pa rin ito sa paglalakad na para bang kasinglaki rin ng hakbang ng mga paa niya ang bawat hakbang ko kaya naman ay mabilis akong makakasunod sa kan’ya. “One hour lang ang vacant mo, hindi ba? You also need to review on your another quiz for your next subject.” Kaagad akong napatigil sa paglalakad dahil sa sinabi niyang ‘yon, pero dahil hila-hila niya ako, pagkatigil ko sa paglalakad ko ay nahila niya ako at hindi sinasadya na sumubsob ako sa likod niya. “F.uck,” napamura ito nang mahina nang maramdaman niya ang pagbunggo ko sa likod niya. “Are you fine? Does it hurt?” Kung kanina ay kinakausap niya ako nang hindi ako nililingon, ngayon naman ay nakaharap na siya sa akin habang nakatitig sa akin gamit ang namumungay niyang mga mata. Nakatiim din ang bagang nito habang sinusuri nito ang mukha ko. Nakahawak pa ang dalawa niyang kamay sa magkabilang pisngi ko at ginagalaw ito nang bahagya, tila ay sinusuri kung wala ba akong natamong kahit anong galos sa mukha ko dahil sa pagkakabangga ko sa kan’ya. At some point, naiintindihan ko kung bakit sobrang concern siya sa akin. Hindi ko rin kasi maitatanggi na parang naalog nang bahagya ang ulo ko nang tumama ang noo ko sa likod niya. His built was like a rock. He wasn’t even bothered when I bumped into him. Hindi ko tuloy alam kung mamamangha ba ako dahil kahit na nabangga ko siya kanina ay hindi man lang ito nagulat o napatalon man lang, o mag-iiwas ako ng tingin dahil sobrang lapit niya sa akin. “Paano mo nalaman ‘yang mga ‘yan?” Imbes na sagutin ko ang tanong niya ay iyon ang tinanong ko sa kan’ya. It would be ridiculous if I’ll think that he was stalking me, but if he’s not stalking me, how did he know about my schedule and my upcoming quiz for my second subject? Sigurado ako na hindi ‘yon nakasulat sa ID ko. “My friend’s sister is your classmate,” kaswal na pagpapaliwanag nito sa akin. “Now, answer me. Are you hurt?” dagdag pang tanong nito bago bumalik ang paningin nito sa noo ko. He was worried and I can feel that. Bakas na bakas sa boses niya ang concern habang hindi niya inaalis ang pagkakatitig niya sa akin. Hindi ko alam kung bakit gan’yan niya ako titigan kahit na maraming tao sa paligid. Aren’t he aware that we’re being the center of attention of the little audience that we had, or he was just so fond of it to the point that he was initiating scenes like this? “I’m fine,” I answered in a convincing tone as I stared back at him, pero parang gusto ko na lang kaagad iiwas ang tingin ko nang matitigan ko ang mga mata niya. He was communicating with me using his eyes. Parang may gusto itong sabihin sa akin pero hindi niya lang magawa. “Stop making people uncomfortable like this.” Despite my raging heartbeat, I was still able to remove his hands from my cheeks. “I don’t like it,” I even added as I tried to sound honest and straightforward. Umaasa ako na kapag ganoon ang ginawa ko ay makikita niya na dapat ay mayroong pagitan sa aming dalawa. Katulad na lang noong ginawa niya kagabi. If he’ll try to be close with me like this on the second time, then, why did he try to avoid me and maintain a safe distance last night? It was confusing. Kahit na ano ang gawin kong pag-iisip ay wala akong maisip na dahil. “Do I have that effect on you?” Tumaas ang kanang kilay nito at lumalim din bigla ang boses nito. “Do I make you feel the strange butterflies on your stomach, Lucielle?” Hindi ako kaagad nakasagot dahil sa pagkagulat ko, hindi dahil sa itinanong niya sa akin, kung hindi dahil sa biglaang paglalim ng boses nito. It was the first time I heard him using that kind of voice, and to be honest, it was so pleasant to hear and seducing at the same time. Talaga bang inaakit niya ako ngayon o ako lang ang nag-iisip no’n? I opened my mouth, trying to find the right words to say, but unfortunately, ni isang salita ay walang masabi ang utak ko. “Let’s go.” Nang mapansin ang naging reaksyon ko sa sinabi niya ay ngumisi na lang ito bago niya ako muling hinila. Hindi ko rin alam kung bakit ako nagpapatianod ngayon sa kan’ya, pero hindi ko rin kasi alam kung saan ako pupunta kung sakali man na tatakasan ko siya ngayon at magtatago pansamantala sa kung saan mang parte ng eskuwelahan na ito. “If you try to run away from me, always remember that I still can find you.” ‘Yan ang eksaktong sinabi niya sa akin bago ako nagdesisyon na sumama sa kan’ya sa kung saan man niya ako dadalhin. “People are looking,” I said in a low tone as I tried to remove his hand from my wrist, pero katulad ng ginawa niya kaninang umaga ay mas lalo niya lang hinigpitan ang pagkakahawak niya sa akin. It doesn’t hurt, but he’s holding me like he wanted to protect me from other people who was staring at us. “Just let them. May mga mata sila kaya sila nakatingin, don’t you think?” kaswal na tanong nito sa akin pabalik habang hinihila ako paakyat ng hagdan. Gusto kong tusukin ang mga mata niya dahil sa pamimilosopo nito sa akin, pero kung iisipin ay may point siya. Having a gorgeous face like that, it was impossible for people to divert their attention to somewhere if his presence screams dominance. Noong sa hagdan na niya ako hinihila ay biglang bumagal ang paglalakad siya na parang natatakot siya na bumangga na naman ako sa likod niya, katulad ng nangyari kanina. Maya’t-maya rin ang pagtingin nito sa akin na para bang binabantayan niya ang kilos at galaw ko. “Sabihin mo lang kapag pagod ka na,” paalala nito sa akin habang patuloy kami sa pag-akyat namin sa hagdan. “I can carry you.” “No, I can manage,” kaagad kong pagsagot dito. Aaminin ko na nakakapagod ‘tong inaakyatan naming hagdan dahil na rin sa sobrang taas nito, pero mas gugustuhin ko pa ang umakyat ng hagdan kaysa naman doon kami sumakay sa elevator at pagpiyestahan kami ng mga tao roon. Maybe he was thinking the same thing. “Malayo pa ‘to,” dagdag pang wika nito pero tumango na lang ako sa kan’ya. I can handle anything and I am so sure of that. Hindi na lang ako nagsalita at sumunod na lang ako sa kung saan niya ako dadalhin. Ganito naman talaga kapag mahirap ka lang at wala kang kapangyarihan. Pakiramdam ko ay wala akong karapatan na lumaban, dahil kung lalaban man ako sa kan’ya ngayon, ano ang mangyayari sa akin at sa nanay ko? Mas lalo lang kaming malulugmok sa kahirapan. Baka maging ang pag-aaral ko na puwedeng maging susi sa pag-angat ko sa buhay ay mawala rin sa akin. “We’re here,” wika nito sa akin bago niya binitiwan ang kamay ko. Because of Cullen’s reputation, I was expecting him to bring me somewhere… darker and isolated. I thought he was going to do the most prohibited thing with me, like kissing me and more than that, but this place doesn’t even met my expectations.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD