Chapter 61 - Part 4 (warning: SPG)

2175 Words

“P’RE, NAKITA mo si Amelia?” medyo nag-aalalang tanong ni Cyrus kay Tyrone na kakabalik lang ulit sa training room nila. Mukhang hinihingal pa ito at pinagpapawisan nang bahagya kaya naman ay nagtaka si Cyrus dahil doon. Ayaw kasi nito ng pakiramdam na para bang ang dugyot niya, pero ngayon ay mukhang ni hindi man lang nito napapansin na marami na ang butil ng pawis sa noo nito at medyo magulo na rin ang suit nito. Pero hindi nga pala dapat si Tyrone ang iniisip niya ngayon, kung hindi si Amelia. Medyo kanina pa kasi mula nang umalis ito kaya naman ay nag-aalala na siya. Baka pinapagalitan ito ng kan’yang ama dahil sumama ito sa practice nila. Kung ganoon man ay dapat kay Cyrus magalit si Don Rutherford at hindi kay Amelia. Siya naman kasi ang dahilan kung bakit ito sumama sa kanila. K

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD