"KUMUSTA ka na riyan, mahal?" tanong ni Clark kay Amelia nang minsan ay tumawag ito. "Nag-aasikaso na ako ngayon ng requirements sa pagpunta ko riyan. Malapit na tayong magkita, kaunting tiis na lang," masayang wika nito sa kabilang linya. "A-Ah ganoon ba, mahal?" nauutal naman na sagot ng dalaga. "Oo nga, eh. Sobrang miss na kita, Clark." Sa bawat pag-uusap nila ay nagsimula nang maging malayo si Amelia sa kan'ya. Kausap man niya ito araw-araw pero parang ang layo na nito sa kan'ya. Minsan nga ay pakiramdam ni Clark na parang napipilitan na lang si Amelia na makipag-usap sa kan'ya, at parang lahat ng matatamis na salita na sinasabi nito ay pilit na lang din talaga. "Magkakasama na rin tayo, Amelia," mariin na sabi ni Clark sa kan'ya. "Mag-aayos na muna ako rito mahal, ah? Tatawagan ki