Chapter 7

2279 Words
“W-WHAT’s this?” I asked, stammering a bit as I admired the place on where we are today. Dinala niya ako sa rooftop ng eskuwelahan namin, pero ‘yong itsura niya ay parang ‘yong mga mamahaling restaurant na nakikita ko lang sa mga palabas. May malaking lamesa na kulay puti ang nakalagay doon sa gitna ng rooftop na pinatungan ng itim na tela. Marami rin ang mga pagkain na nakapatong sa lamesa na hindi ko lang masyadong matitigan dahil malayo pa ako roon. Nagkalat din ang mga pulang rosas sa paligid at ang iilang tela rin na nakasabit sa bawat gilid ng lugar. Being shocked is an understatement to describe what am I feeling right now. “If you can’t still process what’s happening here, then, let me tell you,” naglakad ito papunta sa harapan ko habang nakapamulsa ang dalawang kamay nito, “it’s a lunch date, Lucielle. I want you to eat with me.” “Ano’ng kalokohan ba ‘to, Cullen?” Hindi ko na napigilan ang pagtaas ng boses ko dahil sa sinabi niya sa akin. “Wala ka na bang ibang mapag-trip-an kaya ako ngayon ang ginugulo mo?” Hindi na nga maayos ang mood ko mula pa kagabi, tapos nandito pa siya ngayon para guluhin ang buong buhay ko. Ano ba ang tingin niya sa sarili niya? Na lahat ng babae rito sa school na ‘to ay maaakit niya? “I just wanted to eat lunch with you,” saad nito bago sinulyapan nang bahagya ang mga pagkain na nakapatong doon sa lamesa. “Paano naging kalokohan iyon, Lucielle?” “It’s Lucy,” pagco-correct ko sa tawag niya sa akin. Him calling me by my first name gives me goosebumps. “I prefer Lucielle,” sagot nito sa akin bago ito humakbang papalapit sa akin kaya naman ay kaagad din akong napaatras. It wasn’t like I wanted to see him that I was afraid of him, but that move was subconscious. Deep inside, alam ko na takot ako sa kan’ya kaya naman ay ginagawa ko ang lahat para iwasan siya. Deep inside, I was wishing he would stumble down so I can move freely into this school. “I prefer people calling me by my nickname.” I tried not to stutter as I said that. Muli ay humakbang ito papalapit sa akin, but I never noticed that I was being cornered. Napansin ko lang iyon dahil noong humakbang pa ulit ako paatras, doon ko lang napansin na ang pintuan na pala ang nasa likuran ko. “I never liked your nickname,” he said in a husky voice as he placed some strands of my hair at the back of my ear. “Lucy sounds so good. I prefer your first name because it just sounds like you.” “What?” Dalawang beses kong ikinurap ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Sa tinagal-tagal kong tinatawag na Lucy mula pa sa bahay namin hanggang sa school, ngayon lang ako nakarinig ng dahilan na katulad ng sa kan’ya. What does he mean by that? Lucielle sounds like me? How ridiculous. “I never like you, Cullen,” I said as I pushed him away. Hindi ko alam kung napalakas lang ba talaga ang pagkakatulak ko sa kan’ya kaya naman ay napaatras siya, o baka ay wala lang talaga siyang balak na guluhin pa ako nang husto. Akmang bubuksan ko sana ang pinto at nang makababa na ulit ako roon sa ground floor, pero napatigil ako nang magsalita siya. “Sigurado ka ba na gusto mo pang pumunta ng cafeteria sa ganitong oras?” Napalingon ako sa kan’ya dahil sa sinabi niyang ‘yon. Nakatingin pa ito sa wristwatch niya bago nito ibinalik ang paningin sa akin. Pinagtaasan ko siya ng kilay pero sinuklian lang niya ito ng isang nakakainis na ngisi. “What?” nakangising tanong pa nito na para bang hindi niya alam kung bakit ko siya tinatapunan ng masamang tingin. “I’m just concerned. Malapit na ang oras para sa next subject mo at kailangan mo pang mag-review. Isn’t it more convenient to eat here?” Napakagat na lang ako sa labi ko habang tinatapunan ng masamang tingin ang nananahimik na halaman doon sa likod niya. Nakakainis lang isipin pero may point siya. Kung pupunta pa kasi ako sa cafeteria ngayon, twenty minutes ang balikan doon kaya naman ay mas nakakapanghinayang ‘yon sa oras. “Fine.” Napakuyom na lang ako sa kamao ko bago ko siya tiningnan nang masama, pero mukhang hindi siya naaapektuhan no’n dahil kahit na halos patayin ko na siya sa titig ko ngayon ay nanatili lang siyang nakangisi sa akin. Hindi na lang ako nagsalita at naglakad na lang ako palayo sa kan’ya. Sinadya kong banggain ang balikat niya para naman kahit papaano ay makaganti man lang ako sa ginagawa niyang pang-iinis sa akin, pero sa mga oras na ‘yon, nakalimutan ko na hanggang dibdib nga lang pala niya ako. Kaysa tuloy na siya ang mapaatras ay ako pa itong kamuntikan matumba dahil na rin sa ginawa ko. Mabuti na lang at bigla niya akong nahawakan sa braso at nahila ako ulit papalapit sa kan’ya. We stared at each other’s eyes like we were trying to look at our soul… not until I broke the eye contact. Kaagad ko siyang itinulak nang bahagya bago ako nagpunta roon sa tapat ng lamesa kung saan ay napakaraming pagkain na nakahanda. The food looks expensive. Sa pagkakaayos pa lang at sa mahalimuyak na amoy ng mga pagkain na nandito ngayon ay parang isinasampal na kaagad nito sa akin kung gaano ako kahirap, at kahit na gawin kong umaga ang gabi para magtrabaho ay hindi ko pa rin matitikman ang mga pagkain na katulad nito. Kaya nga ay nasanay na lang ako sa instant noodles at sardinas dahil iyon lang din naman ang kaya kong bilhin. Even the design of the table was exquisite. Ordinaryong rooftop lang naman ito, pero nagawa niya itong pagandahin na para bang isang mamahaling restaurant ang napuntahan ko. Cullen’s influence was exactly like that. “I’ll eat and go,” pagpapaalam ko rito bago ako kumuha ng carbonara na siyang favorite ko. “Thank you for the food,” I even added before I did in. The taste never disappoints. Inaasahan ko na rin naman na magiging ganito ang lasa nito dahil mukha talaga siyang mamahalin. At katulad ng palagi kong sinasabi, susulitin ko na ang pagkain nito dahil minsan ko lang 'to matitikman. Baka nga ay ito na ang una at huling beses na makakakain ako nito. Masaya na sana ako sa bawat pagnguya at paglunok ko ng mga pagkain na tinitikman ko rito. Even though I wasn't showing any emotions in front of me, but at the back of my mind, I can't deny the fact that I was happy to experience things like this. To feel like I was belong to the kind of world I tried so hard to fit in. Kaya lang, kaagad din niyang pinutol ang pantasya ko na 'yon nang magsalita siya. "May bayad 'yan-" Hindi na niya natapos ang sasabihin niya nang akmang idudura ko ang pagkain ko. "-Damn, Lucielle, I was just kidding." Nag-aalala itong tumingin sa akin at akmang hahawakan sana ang pisngi ko pero kaagad kong inilayo ang mukha ko sa kan'ya. What a j.erk. Sino ba siya sa tingin niya para biruin ako nang ganoon? Imbes na sagutin ko tuloy siya ay humalukipkip na lang ako at ipinagpatuloy ang pagkain ko. Why am I here, anyway? I thought that I trained myself too much not to be on a situation like this, but why am I here in front of him, again? “It’s not funny," maikling sagot ko na lang dito nang mapansin ko na nakatitig pa rin siya sa akin. Para sa isang mahirap na tao kagaya ko, kailanman ay hindi magiging magandang biro ang tungkol sa mga bayarin kagaya nito. Kahit yata isangla ko ang buong buhay ko ay hindi ko pa rin mababayaran ito, eh. We weren't that poor, but he was filthy rich. Sobrang laki ng agwat ng mundo naming dalawa, kaya naman ay hindi ko maintindihan kung bakit nandito siya ngayon at ginugulo ang tahimik kong buhay. "I'm done," I said in a low tone as I wiped my mouth using my white handkerchief. "I'll go now." Gusto ko pa sanang tikman at kainin ang iba pang mga putahe roon pero malapit na akong magahol sa oras. Nag-aral naman na ako kagabi pero wala akong tiwala sa kung ano ang kayang i-retain na information ng utak ko. I still need to review it until the time of the quiz. Inurong ko ang upuan ko bago ako tumayo at isinukbit ang bag ko sa likod ko. Nanatili lang na nakakrus ang mga kamay ni Cullen sa dibdib niya habang pinapanood ang bawat kilos at galaw ko na para bang isa akong prinsesa na kailangan niyang bantayan. On a good note, maganda rin ang panlilibre niya ngayon dahil nakatipid ako sa pagkain. Mahal kasi ang mga pagkain dito sa university. Minsan nga ay umaabot pa ng isang daan ang isang simpleng pagkain dito na kaya mong bilhin sa halagang forty kung lalabas ka lang sa university. "They say that food is the best comfort when you're sad." Umangat ang tingin ko rito bago ko itinaas ang kanang kilay ko. Kasalukuyan kong binabasa ang chats sa section namin ngayon, hoping na baka ay maurong ang exam, pero napatigil ako sa pagbabasa dahil sa sinabi niyang 'yon. "Pardon?" I asked, confused. "I prepared this for you," kaswal nitong sabi sa akin bago nito itinuro ang mga pakain na nasa harap niya. "I was hoping that this will lessen your burden, even for a little bit..." Mas lalo lang na kumunot ang noo ko dahil sa mga sinasabi niya sa akin. I know that I researched a lot about them before. Ginawa ko iyon para malaman ko kung paano ko sila maiiwasan, pero sa pagkakatanda ko ay hindi siya gumagawa ng ganito para sa mga babae niya. He doesn't even make the effort to talk with them as he was waiting for them to come near him, like a predator waiting for his pray. Does he have a hidden agenda? "Sobra ka naman yatang mag-effort para sa taong gagawin mo lang na flavor of the month?" I raised my eyebrow as I caught in off-guard. Tumagal ang pagkakatitig nito sa akin bago ito nagpakawala ng mahinang tawa. Hindi ko tuloy malaman kung paano ko ilalabas ang inis ko nang makita ko ang pagkakangisi niya na para bang tuwang-tuwa siya sa bawat ikinikilos ko. I know that I am patient. Hindi naman ako tatagal sa eskuwelahan na ito kung inaway ko kaagad ang mga kaklase kong mayayaman dito sa unang araw pa lang ng klase, but when it comes to Cullen, I don't know why... but it seems like he's trying to get into my bad side. My sleeping, demonic side. "I'm sorry." He was apologizing, yet his facial expression says otherwise. "But, what? Flavor of the month... how did you know about that, my lady?" Kaagad akong nag-iwas ng tingin nang sabihin niya 'yon. Damn that, he looks so good. Even his sitting position screams dominance and authority. Natatakot ako na baka kapag nagpatuloy pa 'to ay mahulog ako sa mga patibong niya kagaya ng ibang mga babae. Dahil babae lang din ako na naaakit sa mga lalaking kagaya niya. Katulad na lang kung paano napaibig ng tatay ko ang nanay ko, even though he wasn't the ideal man that people would want to be with.. "You're popular with that, Rutherford." This time, I called him on his surname. "Stop acting like you're innocent." Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang lakas ng loob ko ngayon, pero sa simpleng pagngisi lang kasi niya o kaya naman ay ang saglit na pagtitig niya sa akin ay sapat na kumulo ang dugo ko sa kan'ya at makaramdam din ng kakaibang pagbilis ng t***k ng puso ko. I want him and hate him at the same time, like a drug that was so good to taste, but too bad to take. Kahit ang sarili ko ngayon ay hindi ko na rin talaga maintindihan. "Who told you that I was here to make you a flavor of the month?" Tumayo siya at nilapitan ako. Nakangisi pa rin ito, pero ngayon ay halata na rin ang pagtataka sa mga mata nito. "Then, why am I here?" Kung kanina ay umatras ako, ngayon naman ay inayos ko ang pagtayo ko bago ko sinalubong ang tingin niya. Hawak-hawak ko ngayon ang laylayan ng blouse ko na para bang doon ako kumukuha ng lakas habang pilit na kinukuha ni Cullen ang lahat ng enerhiya ko sa katawan. I should be brave. Hindi puwedeng sa lahat ng oras ay palagi na lang akong umaatras. He held the strand of my curly hair before his gaze went to my nose, down to my lips. It feels like I was being hypnotized by his stares. "I wanted to comfort you, but this is the only way I know..." He took one step behind as he let go of my hair, and that became my cue to breathe again. Nakalimutan ko pala ang huminga noong malapit na siya sa akin. I desperately tried to gasp for air, and while I was doing that, Cullen was just staring at my lips. He even licked his lower lip as he noticed the ragging movement of my lips. "Now, go, Lucielle..." he said as he took one more step away from me, "before I do something bad to you."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD