Chapter 3

1651 Words
Assassin Name: Vernice Disposition: Veteran   Present time: 2021 Baguio City, Philippines Sascha   “I am aborting the mission! I repeat, I am aborting the mission!” sigaw ko sa earpiece na nakakabit sa aking tenga.   Hinahabol ako ngayon ng ilang kalalakihan na nakasuot ng black na leather at nakasakay sa motor. Naghahabulan kami ngayon sa kahabaan ng daan kung saan maririnig ang ilang putok ng baril na galing sa aking likuran. Buti na lang at napili kong dumaan sa lugar kung saan walang masyadong tao. Ayoko naman na ako ang maging dahilan ng pagkamatay ng ilang sibilyan. Ipinihit ko sa maximum ang gear ng aking motor para makalayo ako at makatakas sa kanila.   “Vernice!” rinig kong sigaw ni Ms. Scarlet sa aking earpiece. “Tell us your location and we are going to send you a back-up immediately! Vernice!”   Sh*t! Naging pabaya ako at masyado akong naging kampante sa aking misyon. Hindi ko alam na patibong pala ang lahat at hindi ko man lang nailigtas ang batang iyon mula sa kamay nila. Ano na lang ang sasabihin ko sa mga magulang niya? Hindi ko mapigilang maluha tuwing naaalala ko ang mukha ng bata habang nagmamakaawa siyang tulungan at iligtas ko siya.   “Ms. Scarlet, I would like to file an indefinite leave,” sabi ko at hindi ko na hinintay pa ang sagot ng aking Ingenium sabay tinapon ang aking earpiece.   Huminga ako ng malalim at pinahid ang aking luha. Linabas ko ang aking dalawang baril at in-on ang auto pilot ng aking motor. Kinasa ko ang aking baril at mabilis na pinaputukan ang mga kalalakihan na kanina pa ako pinapaulanan ng bala. Patuloy na umaagos ang aking luha dahil naririnig ko ang iyak ng batang iyon. Kung hindi dahil sa mga gagong ito ay maaaring mabigyan pa ng magandang kinabukasan ang batang iyon.   Isa-isang natutumba sa daan ang mga kalalakihang nakasakay sa motor hanggang sa isa na lang ang naiwan sa kanila. I was about to pull my trigger when I felt a sharp pain on my side. Sh*t! Mukhang natamaan ako ng hindi ko napapansin. I was about to give my final blow to the last guy when my wheel hit a rock, and I fell to the ground. Pinilit kong makatayo agad at pinaputukan ang lalaking papalit na sa akin na agad namang tumumba. Huminga ako ng malalim pero napaubo ako nang maramdaman ko na parang may isa pa yata akong tama sa aking hita.   I stared at the road in front of me, and I can see five bodies swimming in their own blood because I killed them. Napatingin ako sa hawak kong baril at agad din itong nabitawan nang maramdaman ko na nahihilo ako at umaagos ng dugo sa aking tagiliran. Hindi ko pa man din dala ang phone ko ngayon at tinapon ko na ang aking earpiece. Hinanap ko ang aking motor pero tumama ito sa isang poste at mukhang hindi na ito gumagana pa. I roam my eyes to the whole place, but I notice that I’m in the middle of nowhere. I tried walking as I tried to press the wound on my side to somehow stop the bleeding. Iika akong naglalakad nang makakita ako ng ilaw sa di-kalayaun.   Nahihilo na ako dahil siguro sa kawalan ng dugo pero pinilit kong makarating man lang sa ilaw. I need help so badly. I’m ready to die because it’s my job as an assassin, but at least I need to try to save myself. Hindi ako pwedeng mamatay dito dahil meron pa akong misyon na hindi ko pa natatapos. Pinilit kong ibukas ang aking mga mata hanggang sa makarating man lang sa ilaw na iyon. Halos hilain ko ang aking paa sa paglalakad nang makita kong malapit na ako. Who would have thought someone would build his or her house in the middle of nowhere?   “Come on legs. Don’t give up on me now. Kunti pa.” I reached out for the gate with bloody hands as I look for the doorbell.   Nang mahanap ko ito ay mabilis ko itong pinindot. Inuulit-ulit ko sa aking isipan na sana kung sino man ang taong nandito sa bahay na ito ay hindi masamang tao. Medyo blurred na rin ang aking paningin at hindi ko na kayang maging conscious pa. Nakita ko na may bulto ng tao sa malayo pero hindi ko maaninag kung babae ito o lalaki. Thank God! Iyan ang sinabi ko sa aking utak bago ako mawalan ng malay.   “Help me, please! Huwag mo akong iwan dito! Nakikiusap ako!” sigaw ng batang babae sa akin habang pilit kong inaabot ang kanyang kamay.   “Grab my hand!” sigaw ko sa kanya pero laking gulat ko nang may magpaputok ng baril at nakita ko na lang na tumumba ang bata sa sahig. “No! No!”   “No!” Nagising akong pawisan at humihikaos na para bang ang layo ng aking tinakbo.   My body is aching. Ipinatong ko ang aking braso sa aking mga mata at huminga ng malalim. Inalala ko ang nangyari kagabi at muntikan na pala akong mamatay. Then it hit me the realization that I should be dead by now. Who helped me? Napaupo ako bigla at napasinghap dahil sa sakit na aking nadarama sa aking tagiliran. Pagtingin ko sa aking tyan ay nakapulupot ang benda pati sa aking hita na tinamaan ng bala.   Linibot ko ang aking mga mata sa kwarto kung nasaan ako ngayon at napansin ko na para akong nasa kwarto ng lalaki dahil sa kulay nito na asul. Wala akong makita na teddy bear na stuff toy o kahit anong implikasyon na pambabae ang kwartong ito. Napatingin ako sa pinto nang may marinig akong kumakaluskos sa labas. Hinanap ko ang aking baril at nakalimutan ko na nabitawan ko pala ito. Nagbukas ang pinto at napasinghap ako sa bultong nakatayo ngayon sa aking harapan. Hindi ako nagulat dahil may lalaki sa aking harapan pero nagulat ako sa angking kagwapuhan ng binata.   “Whoah! Sorry, I didn’t know you’re already awake. Ahm, I was about to check on you if you’re okay because you have a couple of gunshot.” Hindi ako umimik at nanatiling nakatingin lang sa kanya. “Are you hungry? I made some soup for you to eat.”   Linatag niya sa isang mesa ang sopas na kanyang ginawa at bigla kong nalanghap ang mabagong amoy nito. Kaso hindi ko kilala ang taong ito kaya naman nang makita ko ang isang butter knife ay agad ko itong kinuha sabay tinutok ito sa kanya.   “Whoah! I guess you are okay, right?” Itinaas niya ang dalawa niyang kamay sabay nakatayo lang malayo sa aking kama.   “Where the hell I am?” tanong ko at lumunok siya sa takot.   “U-Uhm, you are here in my house.” Napatingin ako sa dinala niyang sopas saka napatingin ulit sa kanya. “Nahimatay ka sa labas ng aking gate kaya kinailangan kitang tulungan.”   Kinuha ko ang sopas at saka ibinigay ito sa kanya na kanya namang ipinagtaka. Kinuha niya ito sa aking kaliwang kamay sabay nakatutok ang butter knife sa kanya gamit ang isa kong kamay.   “Taste it for me. Hindi ko alam kung linagyan mo iyan ng lason o ano.” “I wouldn’t do—”   “Just taste it!” utos ko sa kanya at agad naman siyang tumalima.   Napatitig din ako sa kanyang mga mata at mas lalo siyang gumwapo sa malapitan lalo na ang mga mata niya na kulay sea rover blue. He looks like he came out from a sculpture god from Greece. May pagkaputi rin ang kanyang balat at hatak sa muscles. He’s tall, and I can guess that he’s 6 ft or maybe an inch taller. His nose and lips are so perfect that made him more handsome. Ngumiti siya at halos iiwas ko ang aking mga tingin nang lumabas ang isang dimple niya sa kanyang pisngi. Mukhang wala namang lason ang sopas na dinala niya kaya naman sinabi kong ibalik niya ito sa akin.   Hindi ko siya pinansin at sinimulang lantakan ang sopas na nasa aking harapan. Habang kumakain ay ramdam ko ang mga tingin niya sa akin.   “Can you not stare at me while I’m eating? It’s weird.” Natawa siya sa aking sinabi at dahan-dahang tumango.   “Sorry, that was rude of me. I’ll leave you and your soup. If you need anything, I’m just outside.”   Akmang lalabas na siya nang pigilan ko siya. Tumigil naman siya at saka humila ng upuan sabay umupo sa tabi ng kama. Binaba ko ang bowl ng soup na aking hawak at saka linunok ang aking kinakain.   “Thank you for saving me. Pasensya ka na sa inakto ko kanina. Hindi ko lang kasi maiwasang maging maingat lalo na at hindi kita gaanong kilala,” hinging paumanhin ko sa kanya.   “No problem. Kung ako rin siguro ang nasa posisyon mo ay iyon din ang gagawin ko.” Napangiti siya sabay itinuloy ko ang pagkain. “I’m Keith, by the way. Keith Montero.”   “Sascha Callejo. Nice meeting you, Keith.” Linahad niya ang kanyang kamay at tinanggap ko naman ito.   Nang matapos akong kumain ay linigpit na ni Keith ang aking mga pinagkainan at sinabi sa akin na magpahinga na muna ako. Agad naman akong tumango at saka kinuha niya ang tray at lumabas na ng aking kwarto. Humiga ako sa kama sabay napahawak sa kwintas na nasa aking leeg. Tumingin ako sa kisame at naalala ko nanaman ang nangyari sa aking pamilya. It’s been nineteen years, but it feels like everything just happened yesterday.   Speaking of my last mission, I still can’t forget about that child. Masakit pa rin ang tinamo kong mga sugat at kailangan ko pang bumawi ng lakas. Kinusot ko ang aking mga mata dahil unti-unti na akong hinihila ng antok hanggang sa tuluyan na akong makatulog. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD