Chapter 4

1193 Words
Keith   Pagkalabas na pagkalabas ko sa kwarto ay napatigil ako saglit sa aking kinatatayuan at saka napatingin sa naubos na sopas na binigay ko sa kanya. Pumanhik ako sa kusina at saka hinugasan ang kanyang mga pinagkainan nang maalala ko iyong gabi na linigtas ko si Sascha.   Flashback   Abala ako sa aking mga ginagawang mga drawing nang tumawag sa akin si Xander. Napangiti ako sabay sinagot ang kanyang tawag at saka ipinagpatuloy ang aking ginagawang trabaho.   “What the hell do you need this time, Mostrales?” Uminom ako ng kape na nasa aking tabi habang nakikinig sa sinasabi niya.   “Dude, pwede mo ba akong gawan ng crib na iyong ligtas para sa mga inaanak mo.” Napakunot naman ako ng noo sa hiling niya.   “Bakit? What is wrong with a normal crib?”   “Well, gusto naman sana ni Krysta na bumili kami ng gano’n kaso nga lang ako ang may ayaw. I just have this wild imagination that they will fall off the crib without me noticing it.” Umikot ang aking mga mata sa pagiging over protective niya sa kanyang mga anak.   “Dude. I draw designs for houses and not cribs. I am not a carpenter. Kung gusto mo ng safe na crib e di kay Clyde ka magpagawa.” Narinig ko siyang napalatak at natawa naman ako ng mahina.   “Fine!” Pinatayan niya ako ng tawag at napailing na lang ako.   Tatayo na sana ako upang kumuha ng isang baso ng tubig nang makarinig ako ng sunud-sunod na pagpindot na pagdo-doorbell sa aking gate. Agad ko namang tinignan kung sino ito nang makita ko sa labas ng aking gate ang isang babae na mukhang mahihimatay na. Nakita kong natumba na siya sa kalsada kaya naman mabilis ang aking mga galaw na linapitan siya.   Binuksan ko ang gate at halos mapamura ako sa aking nakita. Isang babae ang duguan at mukhang may tama siya ng bala sa kanyang hita at baywang. Agad ko siyang binuhat at saka inihiga sa aking sofa na nagmumura. Pagkababa ko sa kanya ay halos mataranta ako sa aking mga ginagawa. Huminga ako ng malalim at saka pilit na huminahon upang makapag-isip ako ng aking sunod na gagawin. May ideya naman ako sa pag-apply ng paunang lunas pero ngayon lang ako nakakita ng ganito ka-grabe na sugat na halos ikamatay na ng isang tao. Kung tatawagan ko naman sina Xander at Krysta ay sigurado akong wala ang mga iyon sa kanilang bahay at ayaw ko naman silang istorbohin.   Kalaunan ay kinailangan ko siyang hubaran upang makita ko kung ano ang aking gagawin sa kanyang mga sugat. Kinuha ko ang first aid kit box ko at nagpapasalamat ako na buti na lang ay palagi akong may ganito. Nang matanggal ko na ang bala sa kanyang baywang at hita ay ginamot ko ang mga sugat niya saka tinakpan ito ng benda. Pinagpawisan pa ako sa aking ginawa at puro dugo ang aking kamay na parang ako ang may gawa ng kanyang mga sugat. Nang malinis na siya ay pinalitan ko siya ng damit at saka binuhat siya papunta sa aking kwarto upang ihiga sa aking kama.   Hindi ko alam kung saan ko ilalagay ang kanyang mga damit kaya naman ang tanging naisip kong gawin ay ang sunugin ang mga ito. Total ay punit na ang mga ito at puno na rin naman ito ng dugo kaya sigurado akong hindi na rin naman magagamit ito. Isa pa ayokong mapagbintangan na pumatay ako ng tao dahil sa mga damit na ito. Buti na lang talaga at hindi ako sa mismong bayan nagpatayo ng bahay kundi ay baka may nagsumbong na sa akin ng wala sa oras. Lumabas ako sa likuran ng aking bahay kung saan ay may malaki akong garbage bin at doon itinapon ang mga damit ng babae. Nang itatapon ko na rin ang jacket niya ay may nakapa akong matigas at mabigat na bagay. Pagkakuha ko sa bagay na ito ay muntik ko na itong mabitawan. Kumuha ako ng isang tela at saka ipinulupot ito sabay tinapon ko na ang jacket sa basurahan. Sinunog ko ang mga damit niya at saka pumanhik sa loob ng bahay.   Linapag ko sa aking mesa ang nakuha kong baril at saka binuklat ang tela at pinagmasdan ng mabuti ang baril na galing sa babae. Napailing na lang ako ng mariin at gusto kong batukan ang aking sarili dahil mukhang nakapagligtas ako ng mamamatay tao. Kinakabahan ako at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Nang titigan ko ang baril ay nakita ko na may nakaukit ditong dalawang letra. Binasa ko ito at nakita kong letrang O at A ang nakaukit dito na mukhang pamilyar sa akin. Naglakad ako ng kanan at kaliwa habang iniisip kung saan ko na nga ba nakita ang mga letrang ito. Linagay ko ang akong dalawang kamay sa aking batok saka nagbuga ng hangin nang maalala ko kung saan ko na nakita ang mga letrang ito.   Kung tama ang aking hula ay maaaring ang babaeng iyon ay isang assassin sa Order of Assassins. Hindi ko alam kung parehas ang ibig sabihin ng dalawang letrang ito sa organisasyong iyon pero wala naman akong maisip na iba na tutugma rito. Alam ko ang tungkol sa organisasyon na ito dahil noong nasa panganib ang buhay ni Xander ay ako ang mismong lumapit sa kanila upang humingi ng tulong. Kung paano ko nalaman ang tungkol sa kanila ay nagtanong ako noon kay Zach.   Gusto kong magtanong noon kay Clyde dahil nga nasa RS siya at baka sakaling may kilala siya pero masyadong tsismoso ang lalaking iyon kaya hindi siya ang hiningan ko ng tulong. My only option before was between Lucifer and Zachary, but I know that Lucifer knows nothing about those kinds of organizations. Hindi ko rin alam kung bakit kay Zach ako nagtanong pero tama lang na siya ang pinuntahan ko dahil agad siyang may irinekomenda sa akin. He immediately recommended this organization, and I was shocked that this kid of group actually exists.   Kahit hindi sabihin noon sa akin ni Xander ay alam kong ang napangasawa niyang si Krysta ay isa ring myembro ng grupong iyon. Hindi ko bukod akalain na ako mismo ay makatatagpo ng isa pang myembro galing sa kanila. Binalot kong muli ang baril gamit ang tela at saka itinago ito sa aking drawer. Hindi ko alam kung ano ang gagawin sa akin ng babaeng iyon oras na magising siya. Mabuti na ang nag-iingat dahil hindi ko siya lubos na kilala.   End of Flashback   Katatapos ko lang hugasan ang mga pinggan at pagkatapos ay muli kong linapitan ang drawer kung saan ko itinago ang baril ni Sascha. Napabuntong hininga ako at saka muli itong sinara sabay pumanhik ako sa aking kwarto upang silipin siya. Pagbukas ko ng pinto ay nakita kong mahimbing na siyang natutulog at ang kanyang kumot ay halos mahuhulog na. Pumasok ako ng kwarto sabay inayos ang kanyang kumot.   “What happened to you out there? Why would you choose this life?” tanong ko sa kanya na alam kong hindi naman niya ako sasagutin. Hinayaan ko na siyang magpahinga at saka lumabas na lamang ng aking kwarto. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD