Chapter 2

1543 Words
Sascha   Makalipas ang isang linggo ay nakasuot ako ng purong itim at may kasama akong babae at lalaki na nakasuot din ng purong itim. Simula nang mamatay ang aking pamilya ay dinala ako sa isang foster care at doon ay sinabing may mag-aalaga sa akin hanggang sa may mag-adopt daw sa akin. Ayoko sana ang magkaroon ng bagong pamilya dahil mas gugustuhin ko na lang ang mapag-isa kaysa ang mabuhay sa piling ng ibang pamilya.   Dumating kami sa libing ng aking pamilya na kung saan ay marami rin ang dumalo at may mga hawak kaming puting bulaklak. Pinagmasdan ko ang bawat isa at kapansin-pansin ang lungkot sa kanilang mukha. Nag-alay ng dasal, pabasa, himno at sermon ang pari bago bliness ito ng holy water saka sinabi sa amin na maaari na naming ialay ang aming mga bulaklak. Nang ibibigay ko na ang aking bulaklak ay muli akong umiyak at nakayap naman sa akin ang babae.   Nang matapos naming ialay ang aming bulaklak ay sinimulan nang ibaba ang mga kabaong ng aking pamilya at saka ilinibing na ito. Nagsimulang umulan ng malakas hanggang sa kami na lamang ang naiwan sa sementeryo. Pakiramdam ko ay nakikisamang magluksa ang langit para sa aking pamilya. Wala na ang aking pamilya at kahit kailan ay hindi ko na sila makikita pang muli.   Nang matapos ang libing ay muli na kaming bumalik sa foster care house. Simula nang manatili ako sa pangangalaga ng foster care ay every week din akong pumupunta sa isang psychiatrist dahil nag-aalala sila na baka naapektuhan daw ang aking emotional stability. Sa foster care ay may mga kasama akong bata na katulad ko at ang iba ay halos mas matanda sa akin ng ilang taon. Nanatili akong tahimik at hindi ako nakikipagkabigan sa ibang bata dahil gusto ko lamang ang mapag-isa.   “Sascha? It’s time for dinner. Go and take a bath and then after that come down to eat your dinner, okay?” Hinaplos ng isang babae ang aking ulo at tumango lang ako. “Sascha, honey?” Lumuhod siya sa aking harapan at napatingin naman ako sa kanya. “Everything is going to be okay. I promise.”   “Will it bring my family back?” Nawala ang ngiti ng babae at nalungkot siya.   Hinawakan niya ng mahigpit ang aking kamay at saka nakita ko ang butil ng luha na tumulo sa kanyang mga mata.   “I know that wherever your family is, they will be fine, and they are in a beautiful place. I know that they are watching over you. They may not be here physically, but I know that they will stay here forever.” Sabay turo niya sa aking puso na aking ikinangiti at yinakap ko ang babae.   Nanatili ako sa foster care ng walong taon at sa aking pananatili rito ay naging masaya naman ako rito. Hindi naging madali noong una ang aking pananatili sa unang taon dahil nami-miss ko pa rin ang aking pamilya lalo na kapag natutulog ako sa gabi. Pagkatapos rin ng isang taon ay tumigil na rin ako sa pagbisita sa aking psychiatrist dahil nakaya ko namang lagpasan ang lahat at naging matatag.   Nakatingin ako ngayon sa labas ng bintana sa aking kwarto at pinapanuod ang ibang bata na naglalaro nang ilinabas ko mula sa aking bulsa ang isang black na calling card. May nakalagay na pangalan at address dito at naalala kong sinabi noon ng aking ama noon na oras na may mangyari sa kanya ay ito ang pwede kong hingan ng tulong. Ang kaso ay nasa Milan, Italy ito na medyo malayo sa Greece.   Ngayon na labing walong taong gulang na ako ay pwede naman na siguro akong umalis at makipagsapalaran. Hindi ko alam kung bakit pero may nagtutulak sa akin na pumunta sa lugar na ito. May naipon naman ako dahil noong namatay ang aking mga magulang ay may kaunti pala silang itinabi para sa akin. Ito ang aking gagamitin upang makipagsapalaran sa Italy. Noong nagpaalam ako sa babaeng nag-alaga sa akin ay naiyak pa siya pero sinabi ko naman sa kanya na babalik ako rito upang bisitahin siya.   “Please take care of yourself, okay? And please come back here because this door is always open for you.” Tumango ako at agad na hinalikan niya ako sa aking pisngi.   Inimpake ko ang aking mga gamit at saka muling nagpaalam sa kanya. Dumiretso ako sa airport kung saan ay nag-book ako agad ng flight papunta sa Italy. Isang oras mahigit lang naman ang byahe papunta rito. Nang makita ko na ang aking schedule ay agad na akong sumakay sa eroplano at lumipad patungong Italy.   Pagdating ko sa Malpensa Airport sa Milan ay agad akong sumakay ng isang cab at ipinakita ang hawak kong black na calling card sa driver. Napansin ko na lumaki ang kanyang mga mata at saka kinausap ako sa Italian na lenggwahe pero hindi ko naman ito maintindihan.   “I’m sorry, but I don’t speak Italian,” sabi ko.   “Are you sure you want to go there?” tanong sa akin ng Italian driver na ipinagpasalmat ko dahil magaling pala siyang mag-English.   Tumango na lang ako at iiling-iling pa na nagmaneho ang driver papunta sa address na ipinakita ko. Pagdating namin sa nasabing lugar ay ibinaba na ako ng driver sa mismong labas ng gate dahil hindi na raw sila nagpapapasok kaya naman nagbayad na ako at bumaba. Napamangha ako sa luwang ng lugar lalo na iyong matayog na gusali na hindi ko alam kung ilang palapag ito at may nakalagay na OA sa pinakatuktok ng gusali.   “Who are you, kid?” tanong ng isang guard sa akin at agad na ipinakita ko ang itim kong calling card at halos mamuti ang mukha ng lalaki pagkakita rito.   May sinabi siyang Italian ulit na lenggwahe sa kanyang kasama at mabilis ako na pinapasok. Akala ko ay mag-isa lang akong maghahanap ng opisina nito pero natuwa ako nang may sumama sa akin at talagang hinatid pa ako sa mismong opisina nito. Nakita ko na may nakalagay na Dominus sa mismong harapan ng pinto nito at agad na kinatok ng kasama kong guard ang pinto nito.   May narinig akong malalim na boses mula sa loob bago nagbukas ang pinto. Agad akong pumasok at nakita ko ang isang gwapong lalaki na siguro ay nasa forties na niya. May ngiti sa kanyang mga labi saka ako pinaupo.   “You look young. I’m guessing you are trying to join this organization as well?” Nagtaka naman ako sa kanyang tanong.   Hindi ko maintindihan kung ano ang kanyang ibig sabihin kaya naman ipinakita ko na lamang ang hawak kong calling card at sinabi na hinahanap ko ang taong ito. Sinabi niya na siya ang hinahanap kong Alessandro Sovrano o kung tawagin ay Dominus. Tinanong niya sa akin kung saan ko raw nakuha ito at agad kong ikinuwento sa kanya ang nangyari sa aking pamilya. Dito ko napagalaman na si Sir Alessandro pala ay isang malapit na kaibigan ng aking ama. Kung paano sila nagkakilala ay hindi ko na ito tinanong pa. Umupo siya sa harapan ng kanyang mesa at saka seryosong tumingin sa akin.   “I would like to warn you that the kind of help we can offer you is dangerous. I am going to tell you everything about this organization, and after that you will decide whether you like the kind of help we are going to give you.” Tumango na lang ako bilang pagsang-ayon sa kanyang sinabi at saka sinimulan niyang sabihin sa akin lahat kung ano ba ang organisasyong ito.   Nang malaman ko kung ano ba ang organisasyong ito ay parang sumakit ang aking ulo at hindi ko alam kung tama ba ang desisyon ko na pumunta rito. Wala sana akong balak sumali pero ang isang bagay na pinanghawakan kong sinabi niya ay maaari kong makita ang taong gumawa nito sa aking pamilya kung sasali ako sa organisasyong ito.   “If you are going to join this organization, then you might be able to find the person who did this to your family. I’m not telling that you will surely find that person, but you might since we are doing missions after missions here. It’s still up to you to decide. If you don’t want to then I would gladly respect that.” Napatitig ako sa kanya saka huminga ng malalim at saka napatingin sa aking hawak na kwintas na nakuha ko mula sa aking ama.   Katulad nga ng sabi niya ay hindi ko alam kung mahahanap ko ba talaga ang taong gumawa nito sa aking pamilya. Pero tuwing naaalala ko ang gabing iyon kung saan nakita kong walang buhay ang aking pamilya ay naiiyak ako at gusto kong magkaroon ng hustisya sa kanilang pagkamatay. I griped the Chrysanthemum necklace on my hand as I closed my eyes. At that moment, I already decided what I’m going to do.   Simula nang araw na iyon ay sumali nga ako sa Order of Assassins. Nagsanay ako sa organisasyong iyon at iyon na ang naging buhay ko. Ako ang pinaka-batang isinabak nila sa field at sinigurado ko na gagalingan ko ang bawat misyon ko. Sa taon na ika-dalawampu’t lima ay isa na akong Veteran. I accepted mission after mission until I received a mission about a certain flower, the Chrysanthemum.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD