Chapter 1
Sascha
May 8, 2002
Athens, Greece
Callejo’s Residence
Naaalala ko pa noon noong araw na iyon sa bahay namin ay kasama ko noon ang aking pamilya. Nandoon ang aking ama, ina at dalawang nakababatang kapatid na lalaki. It was the summer during that time. Sa sobrang init ay kailangan naming buksan sa full ang aming air conditioner. Everything was perfect at that time especially that all of them were present during my birthday celebration. Hindi pumasok ang aking mga magulang sa trabaho para lang makasama ko sila sa importanteng araw ng aking buhay. My family was my every thing, and I wouldn’t be where I am right now if not because of them. Kaso hindi ko alam na sa mga pagkakataong iyon ay iyon na pala ang huling araw ko silang makikita at makakasama.
“Sascha iha, pwede mo bang paliguan ang kapatid mo at marami pa akong gagawin. We have a lot of guests coming today for your celebration,” pakiusap sa akin ng aking ina na sobrang lambing magsalita.
“Okay po,” sagot ko at agad ko namang binuhat ang aking bunsong kapatid na lalaki na nasa apat na taong gulang pa lamang.
Ngayon ang araw na magiging sampung taong gulang na ako at bawat birthday ko noon ay palagi akong hinahandaan ng aking mga magulang lalo na ang aking ama. I am very close to my father, and I love him with all of my heart.
Pumasok kami sa banyo at saka pinaupo ko ang aking kapatid sa bathtub sabay binuksan ang faucet. Inalis ko ang kanyang mga damit habang unti-unting napupuno ng maligamgam na tubig ang bathtub. I was singing the abc song as I bathe my brother. It helps him calm down every time I do that.
“Ata,” sabi ng aking kapatid na medyo bulol pa.
“Yes? Ano’ng sasabihin ng cute kong kapatid?” Pinisil ko ang kanyang pisngi at saka natawa siya dahil para siyang nakikiliti kapag gagawin ko ang gano’n. “Close your eyes so that soap will not enter your eyes.”
Agad niya naman itong ginawa at saka sinabonan ang kanyang mukha. Pagkatapos kong paliguan ang aking kapatid ay agad ko siyang binalot sa tuwalya na mas malaki sa kanya. Pagkatapos ay kinuha ko ang kanyang mga damit at saka pulbo para lagyan siya sa kanyang likod at dibdib. Pagkatapos ko siyang palitan ay pinalabas ko na siya ng banyo at sinabing magdahan-dahan lamang siya at baka madapa siya.
Lininis at inayos ko ang mga ginamit naming sabon at shampoo sa banyo. Handa na sana akong lumabas nang bigla na lamang akong makarinig ng mga putok at sigawan sa labas ng banyo. Sa sobrang takot at gulat ko sa aking narinig ay agad akong nagtago sa may bathtub at saka tinakpan ang aking tenga na umiiyak. Patuloy ako sa pag-iyak ng mahina at tuloy lang sa pagbaril ang kung sinuman na para bang nagfa-fire practice siya sa isang field.
Hindi ko alam kung ilang minuto rin ang tinagal ng mga putukan sa labas pero nanatili akong nakaupo sa may bathtub na nakatakip ang aking mga kamay sa aking tenga. Natatakot akong lumabas at hinihintay ko na pumasok ang aking ama o ang aking ina upang sabihin nila na ayos na ang lahat. Kaso lumipas ang ilang minuto hanggang sa naging oras ito ay wala akong mahintay na papasok sa banyo.
Inalis ko ang pagkakatakip ko sa aking tenga at saka huminga ng malalim at tumayo. Dahan-dahan akong naglakad papunta sa pinto upang silipin kung ano na ang mga nangyayari sa labas. Isinilip ko ang aking ulo sa labas sabay tumingin sa aking kanan at kaliwa upang tignan kung may tao pa bang naiwan. Nang sigurado na ako na tahimik at wala nang tao ay lumabas ako. Pumanhik ako sa baba sa may salas at ang unang bumungad sa akin ay dugo sa mismong sahig.
There was a person lying there on the ground covered in her own blood. Unti-unti akong lumuhod habang kinakabahan na tignan kung sino ang taong ito. Doon lumaki ang aking mga mata at nakita ko ang aking ina na wala nang buhay at nakabukas pa ang kanyang mga mata. May tama siya ng bala sa kanyang ulo na naging dahilan ng kanyang pagkamatay. As a ten-year-old kid, this is not a good sight to see.
Umiyak ako ng umiyak at saka yinakap ang duguan kong ina na nakahandusay na sa sahig. Doon ko nakita na hindi lang ang aking ina ang nawalan ng buhay kundi ang aking dalawang kapatid na lalaki na hindi malayo sa aking ina. Linapitan ko sila at napaluhod ako nang makita kong magkayakap pa sila pero duguan din sila at wala nang buhay. Hinanap ko ang aking ama at doon ko nakita na naroon siya sa may pinto at nakasandig kung saan ay wala na rin siyang buhay. He was holding a gun on his right wherein I thought he tried to protect his family, but he couldn’t do it on time. Humagulgol ako at mariing umiling habang ginigising ang aking ama.
“Papa!” Iyak ko pero alam kong sa mga oras na iyon ay hindi na babalik ang aking ama.
Kinuha ko ang kaliwang kamay ng aking ama at saka hinawakan ito ng mahigpit nang maramdaman ko na may hawak siya. I opened the palm of my father when I saw a silver necklace with a small white flower attached to it. Kinuha ko ito at mahigpit itong hinawakan saka muling umiyak.
Paglipas ng ilang oras ay dumating ang mga kapulisan at ambulansiya. The policemen and first aiders were asking me a lot of questions, but I didn’t answer them. Sobrang nagulat ako sa lahat ng mga pangyayari at halos hindi ako makapaniwala na wala na ang aking pamilya. Ang masakit pa ay sa mismong kaarawan ko pa nangyari ito. Binigyan ako ng isang babae ng bote ng tubig at naririnig ko sa aking kapaligiran ang mga taong umuusisa at ang mga pulis na may tinatawag na child services. Kinakausap naman ako ng isang first aider na babae pero tulala lang ako hanggang sa makita kong ilinabas ng mga pulis at medic ang mga katawan ng aking pamilya na nakatakip ng puting tela.
Tumayo ako at akmang pupuntahan ko sila nang pigilan ako ng babae at saka yinakap ng sobrang higpit habang umiiyak. Inaabot ko ang aking kamay sa kanila habang sinasakay sila isa-isa sa loob ng ambulansiya. Pagkatapos ay may isang pulis na sumama sa akin at saka isinakay ako sa kanyang police car. Hindi ko alam kung saan kami pupunta pero tuloy pa rin ang aking pag-iyak hanggang sa makarating kami sa police station.
Pagdating ko roon ay may kinausap ang isang pulis na babae na may kasamang lalaki. Nakahawak sila ng mga attached case at napatingin sa akin na hindi ko naman marinig kung ano ang kanilang pinag-uusapan. Maya-maya ay lumapit na sa akin iyong babae at matamis na ngumiti na ito sa akin. Hindi ko maintindihan ang mga sinasabi niya pero may sinasabi siya na aalagaan daw ako at wala akong dapat ipag-alala.
“I want to see my family,” naluluha kong pakiusap sa babae.
Tumango-tango naman siya. “Of course, honey. You will see them soon, okay?”
Umiyak ako at doon ay yinakap ako ng babae na mas lalo kong ikinaiyak. What will happen to me now?