Chapter 5

2223 Words
Sascha   Kinabukasan ay binulabog ako ng tunog ng aking cellphone at pagtingin ko sa aking paligid ay umaga na pala. Sumisilip kasi ang araw sa kurtina na nakatakip sa mismong bintana ng kwarto ni Keith. Dahan-dahan akong tumayo dahil hanggang ngayon ay masakit pa ang aking mga sugat. Pagkakuha ko ng aking cellphone ay nakita kong tumatawag dito si Krysta s***h ang aking Ingenium. Huminga ako ng malalim at hindi pinansin ang kanyang tawag sabay sinilent na lang ang aking cellphone upang hindi ko marinig ang tawag. Naalala ko nanaman ang nangyari noong gabi na tinanggap ko ang misyon na iyon. Sa aking misyon ay kailangan kong iligtas ang isang bata na kinidnap ng kanyang mga kidnaper. Ayon sa report ay mayaman ang pamilya ng bata at ang buong akala ng pamilya ay ransom ang kailangan ng mga kidnaper. Nagkamali sila dahil may naging atraso ang ama ng bata sa leader ng grupong iyon at gusto nila ang maghiganti sa pamamagitan ng kanilang anak. Pagdating ko sa lugar kung saan kailangan kong iligtas ang bata ay isa pala itong patibong. Alam ng kung sino man na grupong iyon na may ipadadala ang pamilya upang iligtas ang bata ngunit hindi ko nagawa ang aking misyon. Naging pabaya ako at masyado akong naging kampante sa aking misyon. Ang buong akala ko ay ililigtas ko lamang ang bata kaso hindi ko alam na iyon pala ang balak nila upang ipakita sa akin kung paano nila tapusin ang buhay ng batang iyon. They were not planning to return the kid alive just because of a bad thing that the father did to them. Ikinuyom ko ang aking kamay tuwing naaalala ko ang tungkol doon at hindi ko alam kung ano’ng mukha ang ipakikita ko sa mga magulang ng bata. They killed the poor child in front of me, and I didn’t do anything to stop it. Ang tanging iniwan lang nila ay isang kwintas na may bulaklak ng Chrysanthemum. The same necklace they left with my father when they killed my whole family mercilessly. Noong nakita ko ito ay agad na pumasok sa aking utak na ito ang kanilang simbolo na iniiwan tuwing pumapatay sa kanila kaya sigurado ako na kung sino man ang pumatay din sa aking pamilya ay parehas lamang sila. Hinding-hindi ko sila mapapatawad kahit kailan at kung kailangan na ako mismo ang gumawa ng sarili kong hakbang upang maghiganti sa kanila ay gagawin ko. Napatayo ako at dahan-dahang lumapit sa may bintana sabay hinawi ang kurtina na tumatakip dito. I looked at the scenery outside that window and made my decision already. Kinuha ko ang aking cellphone sabay binaklas ito at inalis ang aking sim card sabay sinira ko na rin ito upang hindi ako masundan ng OA. Nakapagdesisyon na ako na ako ang gagawa ng aking sariling misyon. Oras na magawa ko ito ay saka ko na haharapin ang parusa sa akin ni Dominus. Alam ko sa aking sarili na isang malaking pagsuway ang aking gagawin ngunit handa akong tanggapin ang anumang parusa na aking matatanggap oras na makapaghiganti ako sa mga taong nagkasala sa aking pamilya. “I’m sorry,” sambit ko sa hangin sabay tinapon ang sinira kong cellphone sa basurahan. Naghanda na rin ako upang umalis sa bahay na ito dahil hindi ako pwedeng manatili rito pa. Naligo at saka humiram ng ilang damit ng lalaki na aking nakita rito sa kanyang closet. Napailing na lang ako dahil mukhang may kasintahan pa ang lalaki at ayoko namang manira ng relasyon oras na makita niya na may ibang babae dito sa bahay niya. Isang black na pants at isang red na long sleeves ang aking nakita. Habang pinapatuyo ko ang aking suot at sinusuot ang black pants na aking nakita ay sakto namang nagbukas ang pinto dahilan para magulat si Keith at agad naman niya itong sinara agad na aking ikinatawa ng mahina. “P-Pasensya ka na. Hindi ko sinasadya. Hindi ko alam na nagpapalit ka pala,” sabi niya sa labas ng pinto at napailing na lang ako habang sinusuot ko ang aking damit. “It’s fine. You can enter now. I’m done changing anyway,” sagot ko habang binubutones ko ang aking damit. Binuksan niya ang kanyang pinto at tinuloy ko naman ang pagpapatuyo sa aking buhok. Narinig kong pumasok siya pero rinig ko na mukhang napatigil siya sa paglalakad at nanatiling nakatayo lamang sa bukana ng pintuan. Nang matapos kong patuyuin ang aking buhok ay kumuha ako ng suklay sabay humarap sa salamin at sinuklay ang aking buhok. “Aalis ka na?” tanong niya. Napatingin naman ako sa kanya sa salamin saka tango lamang ang aking isinagot. “Paano ang sugat mo? Hindi na ba ito dumudugo?” Nang matapos akong magsuklay ay hinarap ko siya sabay linapitan siya. Ang gwapo pala talaga ng lalaking ito lalo na ang kanyang mga mata na para bang tumitingin ako sa isang malinaw na karagatan. “I borrowed some of your girlfriend’s clothes. I hope she doesn’t mind.” Pinasadahan niya ang aking suot na damit na parang hindi niya alam kung nanggaling ba ito sa closet niya. “Kailangan ko na’ng umalis dahil hindi ako pwedeng manatili pa rito. Salamat sa pagsagip mo sa aking buhay. I owe it to you, but I need to be on my way.” “Saan ka pupunta? Ayokong maging tsismoso pero gusto ko man lang sanang malaman kung ano ang nangyari sa iyo noong gabi na nakita kita sa harap ng aking gate. I think I deserve an explanation especially to me who saved your life?” Huminga ako ng malalim at saka biglang napaisip kung kailangan ko bang sabihin sa kanya ang tungkol sa akin. Ang kaso ay mapagkakatiwalaan ko ba siya? Napatitig ako sa kanya sabay nagbuga ng hangin at saka umupo sa ibabaw ng kama. Total ay napagdesisyonan ko naman na suwayin ang mga panuntunan ng OA ay susulitin ko na. Hindi naman siguro siya iyong klase ng tao na ipagsasabi niya ang aking sikreto. “Kapag sinabi ko sa iyo ay kailangan mong ipangako sa akin na hindi mo ito ipagsasabi kahit kanino.” Tumango naman siya sabay humila siya ng upuan at saka umupo sa aking harapan. “Naipakilala ko naman na ang sarili ko sa iyo pero ipakikilala ko ulit. My name is Sascha Callejo. I am working as an assassin in an organization called the Order of Assassins. The night you saw me wounded in front of your gate; I was being chased by men who are trying to kill me. May naging misyon kasi ako at hindi ko iyon nagawa ng tama. I failed as an assassin and to be honest, it’s hunting me like a ghost. Hindi ko mapatawad ang sarili ko sa mga nangyari at gusto kong ipaghiganti ang taong iyon. Kaya aalis ako dahil kailangan ko silang hanapin upang bumawi dahil oras na hindi ko iyon gawin ay pakiramdam ko hindi ako magiging buo,” paliwanag ko sa kanya at napansin ko na hindi man lang yata siya nagulat sa aking mga sinabi. “I see. I was right then.” Nagtaka ako sa kanyang sinabi kaya naman ‘di ko mapigilan ang magtanong. “What do you mean? You know about OA?” Tumango siya na aking ikinagulat. “Kaya naman pala hindi ka man lang apektado sa aking kwento dahil alam mo naman na pala. How did you know about OA?” “Noong nasa panganib ang buhay ng isa kong kaibigan ay naghanap ako ng paraan na ililigtas ko siya ng hindi siya kakabahan. I asked one of my friends, and he told me about that group. Doon ako lumapit sa kanila kaya alam ko ang tungkol sa OA. I wasn’t sure at first to be honest because I saw one of your guns, but since you told me about it, I wasn’t that shock.” Natawa ako ng mahina sa kanyang sinabi. “Sino pala iyong kaibigan mo na tinutukoy mo? Baka naging isa siya sa mga misyon ko.” “Oh! His name is Xander Mostrales.” Unti-unting nawala ang ngiti sa aking mga labi habang pinapaliwanag niya ang nangyari tungkol sa kanyang kaibigan. “You know Xander Mostrales?” gulat kong tanong at natigil siya sa kanyang pagkwekwento. “Yes. Why? Do you know him?” Huminga ako ng malalim dahil kung kilala niya si Xander ay sigurado akong kilala niya rin si Krysta. “Their house is actually just down the street.” Doon na ako napatayo at biglang napatingin sa kanya na kinakabahan. “Oh my! I need to leave here now! H-Hindi mo ba sinabi na nandito ako? May pinagsabihan ka ba na nandito ako?” Kinakabahan ko nang tanong sa kanya at bigla siyang natahimik. “N-No. Wala akong pinagsabihan. I promise.” Kinuha ko ang aking sapatos sabay sinuot ito sa aking paa. Dali-dali akong lumabas ng kanyang kwarto at rinig ko na sinundan niya ako. “Wait! Saan ka pupunta? May nasabi ba akong mali?” Hinarap ko siya sabay hiningi ang aking baril at napatingin naman siya sa kanyang drawer kaya ako na mismo ang kumuha nito. Tinignan ko kung loaded ito at saka isinukbit ko ito sa aking likuran. Nang didiretso na ako sa pinto ng kanyang bahay ay hinawakan niya ako sa aking braso. “Keith, right?” Tumango naman siya. “Pasensya ka na pero hindi na ako pwedeng magtagal pa rito lalo na sa aking nalaman. Kung kilala mo si Xander ay kilala mo rin si Krysta Mejia ‘di ba?” Tumango siyang muli. “I can’t be seen by them. Oras na mangyari iyon ay hindi ko na magagawa ang kailangan kong gawin. Kysta is my supervisor, and she’s been looking for me after my mission.” “Saglit lang,” pigil niyang muli sa akin. “Sabihin mo sa akin kung saan ka pupunta at ihahatid na lang kita. Walang dumadaan na sasakyan dito at kung gusto mong pumunta ng bayan ay kailangan mong dumaan pababa kung saan ay madadaanan mo ang bahay ni Xander.” Napatitig ako sa kanya. “That’s the only way. Kung ayaw mong may makakita sa iyo ay sumakay ka na lang sa kotse ko lalo na at tinted naman ito. No one will see you there.” “Okay.” Napangiti siya sa akin sabay kinuha ang kanyang susi. “I’ll just ready the car. Wait for me here. Lumabas na siya ng kanyang bahay at hinintay ko nga siya tulad ng kanyang sabi. It’s really a small world. Sino’ng mag-aakala na kaibigan niya si Xander? Buti na lang at hindi niya tinawagan si Xander kundi lagot ako kay Krysta. Ayaw kitang taguan Krysta pero ito lang ang paraan na nakikita ko upang maipaghiganti ko ang aking pamilya. You will understand me one day, but for now, I would rather not show myself to you first. Nakarinig ako ng busina sa labas kaya naman lumabas na ako at dali-dali akong sumakay sa kotse ni Keith. Nagmaneho nga siya sa bayan at tama nga ang kanyang sinabi na nadaanan nga namin ang bahay ni Xander. Nang makalagpas kami sa bahay nila ay nakahinga ako ng maluwag sabay nagpasalamat kay Keith. “Saan ka pupunta?” tanong niya. “Sa airport. I want to go to Greece.” Napatingin siya sa akin at ngumiti lang ako sa kanya. “Greece? Ano naman ang gagawin mo sa Greece?” Mausisa rin ang lalaking ito pero maganda siyang kausap. Linabas ko ang kwintas na nakita kong hawak ng aking ama noong namatay siya sabay pinakita ito sa kanya. “The reason why I wanted to have my revenge is because of my family. My family was murdered when I was ten years old during my birthday. When I saw my dad, he was already dead, and he was holding this necklace. The child who was killed in front of me has the same necklace, so I’m sure that whoever has this is the same person or persons who killed my entire family.” Napatigil siya sa pagmamaneho sa isang tabi sabay napatingin sa akin. “Saglit. Sinasabi mo na ang may-ari ng kwintas na iyan ang pumatay sa pamilya mo?” Tumango ako. “Hays. You are a lot in big trouble then.” Taka akong napatingin sa kanya. “Bakit? May alam ka ba sa kwintas na ito?” Napatingin siya sa akin ng seryoso at saka tumango. “The owner of that necklace is a group in Greece. They call themselves as The Chrysos. Noong una ay ang organisasyon na iyan ay isang charity group pero ito ay isang panlabas na anyo lamang para hindi sila mahuli ng gobyerno. They are so good in hiding. The truth is they are actually a syndicate group who sells drugs, illegal guns and many more.” Napatingin ako sa aking kwintas sabay mariin na napapikit. Naikuyom ko ang aking kamay sa galit at inis na aking nararamdaman. “Thank you for telling me about it. Hindi ko alam kung destiny ba na nakilala kita dahil ikaw lang pala ang sagot sa mga tanong ko na matagal ko nang hinahanap.” “No problem.” Muli siyang nagmaneho at hinatid na niya ako ng airport. Ngayon na may lead na ako sa mga taong gumawa ng masama sa aking pamilya ay itutuloy ko na ang aking paghihiganti. Sa pagkakataong ito ay sisiguraduhin ko na ibabalik ko sa kanila ng dalawang beses ang ginawa nila sa aking pamilya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD