Chapter 6

1969 Words
Sascha   Pagdating namin sa airport ay tinanong ko kay Keith kung paano niya nalaman ang tungkol sa The Chrysos. Medyo alanganin siya na sabihin sa akin ang tungkol dito kaya naman hindi ko na lamang siya pinilit. Baka kasi mahirap pa sa kanya ang sabihin sa akin ang tungkol sa buhay niya. There are a lot of people of who doesn’t like to talk about their story and maybe Keith is one of them. Mabuti na lamang at nabanggit niya ang tungkol sa The Chrysos kung hindi ay siguradong pupunta ako sa Greece ng walang kaalam-alam. Kailangan may lumaban sa kanila para matigil na ang kanilang kasamaan. Pwes kung walang may gusto na pumutol ng sungay nila ay ako mismo ang gagawa ng paraan upang matigil sila sa kasamaan nila. Nang malaman ko ang mga impormasyon mula kay Keith ay ang pagplaplano na lamang ang aking kailangang gawin. Akmang bababa na sana ako ng sasakyan ni Keith nang pigilan niya ako. Napatingin naman ako sa kanya agad at nagtaka kung bakit niya ako pinipigilan. Humarap siya sa akin at saka huminga ng malalim bago siya nagsalita. “Pwede mo bang sabihin muna sa akin kung ano’ng balak mong gawin oras na makarating ka sa Greece?” Napa-isip ako. “Hmmm, find them and then take my revenge.” Pinaningkitan niya ako ng kanyang mga mata at inikotan ko naman siya ng aking mga mata. “What?” suplada kong tanong sa kanya. “Ng mag-isa?” Nanahimik naman ako bigla at nagsisimula na akong mainis sa lalaking ito. “Sascha,” tawag niya sa aking pangalan at inis akong napatingin sa kanya. “Look, hindi ko alam kung ano’ng klaseng organisasyon ang OA. Siguro ay masasabi ko na lahat ng mga assassin na naroon ay sabihin na natin na magagaling at bihasa na sa mga ganitong klaseng trabaho. Ang kaso ay haharapin mo ang isang grupo ng mag-isa ng wala man lang back-up.” “I can do it,” inis kong sabi. “Right. That’s the reason why you were in front of my gate with a couple of gunshots.” Masama akong napatingin sa kanya at saka padabog kong binuksan ang pinto ng kanyang sasakyan at mabilis na naglakad papasok sa loob ng airport. Bwisit! Who is he to tell me what I need to do? Unang beses pa lang kami nagkakakilala ay akala mo kung para na siyang sino. Okay na sana siya pagkatapos bigla niyang sasabihin iyon? Sino ba siya sa inaakala niya? Kilala niya ba kung sino’ng kinakausap niya? Hindi naman porke linigtas na niya ang buhay ko ay pwede na niyang diktahan kung ano ang pwede kong gawin sa aking buhay. Inis akong napalingon nang isigaw niya ang aking pangalan dahil halos magtinginan na ang mga tao sa amin. “Will you stop calling me by my name?” medyo may inis pero pabulong kong sabi sa kanya. “That’s your name. How am I supposed to call you then?” Inikotan ko siyang muli ng aking mga mata at akmang aalis muli nang pigilan niya ako sa aking kanang braso. “Sascha, please. Will you please hear me out? Pasensya ka na kung nagalit ka sa mga sinabi ko pero hindi ko pwedeng hayaan na sumugod ka ng mag-isa sa Greece ng walang plano. You are entering a very dangerous game.” “Ano’ng gusto mong i-suggest?” Humalukipkip ako at huminga naman siya ng malalim sabay hinila ako sa isang bench. “Let me help you.” Nawala ang galit na aking nararamdaman at dahan-dahan akong napailing sa kanyang alok. “I can help you if you’ll let me. Hindi mo alam kung ano’ng klaseng grupo ang kahaharapin mo pagdating mo sa Greece.” “I can’t let you help me. Unang-una ay hindi mo naman problema ito kaya hindi mo na kailangan pang i-associate ang sarili mo sa akin. Pangalawa, ayoko na’ng may mapahamak pa dahil sa akin dahil hindi na kakayanin ng konsensya ko kung gano’n ulit ang mangyari.” Tumingin ako sa malayo at napahawak muli sa aking kwintas. Ramdam ko ang hangin sa aking mukha at muli akong nakaramdam ng lungkot tuwing naaalala ko ang aking pamilya at ang batang nawala sa mundong ito. Ni hindi man lang niya nakita ang kanyang mga magulang sa huling pagkakataon. Sana kung nasaan man ang kaluluwa niya ay mapatawad niya ako. “I still insist in helping you,” rinig kong sabi ni Keith at napatingin ako sa kanya. Sumalubong sa akin ang determinado niyang mga mata at walang bahid ito ng pagsuko anumang oras. “Let’s say na nakarating ka na roon sa Greece at sabihin na natin na nahanap mo ang The Chrysos, paano mo sila patutumbahin na hindi nalalaman ng OA? As far as I can remember, you are so adamant in leaving my house because you’ve learned that Krysta and Xander are my neighbor. Ano’ng dahilan kung bakit ayaw mo silang makita ka? Are you hiding from them?” Umiwas ako ng aking tingin sa kanya sabay napaisip sa mga tanong ni Keith. Tama nga naman siya dahil nagtatago nga pala ako sa OA. Malaki ang sakop ng OA at bawat parte ng bansa ay may branches sila kaya sigurado akong mahahanap at mahahanap nila ako ng wala sa oras na hindi ko man lang naisasagawa ang aking mga plano. Ngunit kung kasama ko si Keith ay pwede akong magtago sa tulong niya at pwede akong makapagplano ng malaya para sa paghihiganti ko sa The Chrysos. Napatingin ako kay Keith at tinaasan niya ako ng kilay na para bang sinasabi niya na kailangan ko siya. Ayoko mang aminin pero may punto rin naman siya kaya naman iniwas ko ang aking tingin sa kanya at pinag-isipan ng mabuti ang aking magiging desisyon. Oras na umuo kasi ako sa kanya ay hindi na ako pwedeng umatras pa. “Kung sakaling pumayag ako sa gusto mo, paano mo ako itatago sa OA ng hindi nila ako nakikita? Hindi mo gano’n kakilala ang OA lalo na ang boss namin dahil kayang-kaya niya akong hanapin kahit saang lupalop ako pumunta,” simula ko. “Isa pa maraming branches ang OA kaya sigurado ako na oras na malaman nila na nasa Greece ako ay ha-huntingin nila ako. Hindi kita pwedeng idamay oras na mangyari iyon.” Natawa siya ng mahina at napailing na aking ikinasimangot. “You think, I didn’t think about that when I offered you, my help? Hindi ko man kilala ang boss na sinasabi mo pero magaling din naman akong magplano.” “Okay? What are you planning to do then?” “I have a friend who owns a system that can find you wherever you will go but at the same time it can hide you as well.” Mukhang may hinala na ako sa kung sino ang tinutukoy niya pero ayokong pangunahan siya dahil imposible naman siguro iyon. Baka naman kasi ibang tao na rin siguro ang tinutukoy niya ‘di ba? “P-Pwede ko bang malaman kung sino ang kaibigan mo na tinutukoy mo?” “Sure. His name is Zachary Wills. He’s a little bit standoffish, but lately he has changed his personality.” Napabuga ako ng hangin at natawa na lang ng mahina dahil bakit lahat na lang ng iniiwasan ko ay konektado sa taong ito. “You know what?” “What?” inosente niya pang tanong. “Hindi ko alam kung tutulungan mo ako o kung ikaw mismo ang dahilan para mahuli ako ng aking boss.” Napasimangot naman siya sabay napatayo naman ako dahil wala akong ibang pagpipilian kundi tanggapin ang tulong niya. Napalingon ako sa kanya na nakahalukipkip at nagbuga ng hangin. “Fine,” bulong ko. “What?” tanong niya. “I said fine, you can help me but in one condition.” Tumango naman siya at mataman na nakikinig sa akin. “Lahat ng mga sasabihin ko sa iyo ay kailangan mong sundin at lahat ng mga plano mo ay kailangan mo munang sabihin sa akin. Tulad nga ng sabi mo ay hindi basta-basta ang grupo na kahaharapin natin kaya kailangan natin ng dobleng pag-iingat.” “That’s correct.” Malawak siyang napangiti na ikinataas ng aking kilay dahil mukha siyang timang na ewan. “Ano’ng nginingiti-ngiti mo aber?” Napailing siya sabay tumayo na nakapamulsa. “Nothing.” Magrereklamo na sana ako nang biglang tumunog ang kanyang cellphone kaya naman sinagot niya ito at lumayo siya sa akin. Habang nakikipag-usap siya ay hindi ko mapigilan ang titigan siya dahil mukha talaga siyang mythical god na sobrang perpekto ng pangangatawan. Napaupo na lamang ako sa bench at saka hinintay siyang matapos sa kanyang kausap. Habang nakaupo ako ay may batang babae na lumapit sa akin at humihingi ng abuloy. Mukha na siyang gusgusin at mukhang hindi pa siya kumakain. “Nasaan ang mga magulang mo bata?” tanong ko sa kanya at malungkot na napatungo. Naawa naman ako sa kalagayan niya kaya kinapa ko ang aking bulsa at nakita ko na may dalawang libo ako rito kaya naman ibinigay ko itong lahat sa bata. Total ay hindi ko naman kailangan ang napakaraming pera lalo na kung pwede ko naman siyang ipamahagi sa mga nangangailangan. Kinuha ko ang kanyang kamay at saka binigay sa kanya ang dalawang libo na kanyang ikinatuwa. Siguro ang akala niya ay maliit na halaga lamang ito pero nang buklatin niya ito ay laking gulat niya na dalawang asul na papel ang hawak niya. “Thank you po ate! May pangkain na po kami sa isang linggo.” Tumakbo siya palayo at sinundan ko naman siya hanggang sa makita ko na linapitan niya ang dalawang maliit na batang lalaki. Bigla naman akong nakaramdam ng awa dahil kung sakaling buhay ang aking mga kapatid ay baka sakaling maging ganyan din ang naging buhay namin. Ang kaso ay parehas silang nawala na mas lalong ikinasama ng aking loob. Namalayan ko na lang na tumutulo na pala ang aking luha sa aking pisngi kaya mabilis ko itong pinahid. Saktong paglingon ko ay nakita ko na nakatitig sa akin si Keith ng mataman. Linapitan ko siya at saka nakipagtitigan sa kanyang mga mata nang bigla ko na lang tapakan ang kanan niyang paa. “Ahh! Fu*k!” sigaw niya at saka tumakbo naman ako palayo habang iika-iika siyang naglalakad palapit sa akin. “What the hell is wrong with you, woman? Oras na mahuli kita humanda ka sa akin.” Tumawa na lang akong tumatakbo palayo sa kanya habang sumisigaw siya. Sino ba kasi ang nagsabi sa kanya na panuorin niya akong umiyak? Iyan ang napala niya sa pagtitig sa akin kaya magdusa siya. Nang makalayo ako sa kanya ay hinayaan ko na makalapit na siya sa akin at masama siyang napatingin sa akin. Ako naman ay matamis na nakangiti sa kanya at saka tinanong kung sino ang kanyang kausap kanina sa telepono. “Pasalamat ka at hindi ako marunong sa black belt o kahit ni anong martial arts kundi ay kinarate na rin kita. Magpasalamat ka rin at hindi ako pumapatol sa babae pero alalahanin mo na lalaki pa rin ako at kahit ano’ng lakas mo ay mas malakas pa rin ako.” Huminga siya ng malalim at pinipigilan ko ang matawa sa pag-iinarte niya. “Ang arte mo naman. Malayo naman iyan sa bituka e at saka hindi ka naman mamamatay agad dahil lang sa sakit ng paa mo noh.” Pinaningkitan niya ako ng kanyang mga mata. “Ms. Callejo, para sabihin ko sa iyo malayo nga iyon sa bituka pero tinapakan mo ang mamahalin kong sapatos. Tsk!” Napailing siya sabay natatawa naman ako ng mahina sa kanyang inaakto. “Hays. Mabuti pa ay tara na.” Yaya niya at nagpatiuna nang naglakad papasok sa airport habang bubulong-bulong sa ere. Natawa na lang ako sa aking isipan dahil naiinis siya para lang sa mamahaling sapatos? Tsss. What a weird guy, but handsome as hell.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD