Chapter 3

1729 Words
Habang lumilipas ang oras na kasama ko si Alex ay hindi ko maiwasang mapaisip kung tama ba ang naging desisyon ko na gawin syang maid kapalit ang pagtira nya sa bahay ko. Siguro naman hindi ako nagkakamali dahil mukha naman syang nasa tamang katinuan kahit na may pagkamakulit sya. Gayunpaman, dapat ko parin syang bantayan baka kasi mamaya kung kelan ako tulog o nakatikod ay bigla nya akong saksakin. Oh my gosh. Ano ba itong pinag-iisip ko. Napaparanoid ako dahil sa babae na ito. Kaya habang nasa living room at kunwaring nagbabasa nang script para sa new movie ko ay pinakikiramdam ko din si Alex na busy sa paglilinis. May pagkakataon pa nga na bigla nalang sya kakanta pero ngingiti kapag inirapan ko sya. She seems like a jolly person, laging nakangiti. Sobrang aliwalas ng personality. I know im not professional pagdating sa pagbabasa nang behavior ng mga tao pero Alex is just... hard to read. "Binabantayan mo ba ako?" Tanong ni Alex na focus na focus sa pagpunas ng mamahaling flower vase na nabili ko pa from Europe. Pero syempre nagkunwari ako na hindi alam ang ibig nyang sabihin. "What are you saying Alex?" I heard Alex chuckled. "Kanina ka pa kasi nagbabasa nang script pero until now ay hindi ka pa nagchechange page." This time i look at Alex who has a playful smile on her face. Samantalang ako namumula dahil sa pagkapahiya. Hindi ko naman kasi akalain na pati yun ay mapapansin nya. "Can't you see, im memorizing my lines?" Pagsisinungaling ko. "May mali ba don?" Nagkibit balikat ang babaeng may pula na buhok. "Nothing but.” "Yun pala e." Kunwari ay galit ako. "Saka wag mo akong pakialamanan, just do your job." Pero imbis na maintimidate ay lalo lang lumaki ang pagkakangiti nya. Binitawan nya ang basahan at tumayo sa aking harapan. "Gusto mo ba nang juice? Water Or—" I looked at her with my stoic face. "Me.." Nag-init ang pisngi ko. "Y-you?" "I said tea not me." Pagtatama ni Alex sakin. Pero tama naman ang pagkakarinig ko ah. Me naman talaga ang sinabi nya at hindi tea. Pinaglalaruan ata ako nang babae na ito e. "Artista ka pala ano?" Bigla akong napatuwid ng upo. Sa wakas ay narecognize din nya kung sino ako. Napakaimposible naman kasi na hindi nya ako kilala lalo na at kakapanalo ko lang sa The Globe kagabi. It's all over the news and newspaper. "Akala ko sa ibang planeta ka galing e. Kaya hindi mo kilala kung sino ang pineperwisyo mo." Natawa ulit si Alex. I started to feel irritated with her laugh. Tawa sya nang tawa kahit wala namang nakakatawa. "Oh.." Itinuro nya ang estante. "Nakita ko lang yung mga awards mo kaya nalaman ko na artista ka talaga." "Bakit mukha ba akong sinungaling?" I asked Alex through my clenched teeth. Alex shrugged her shoulders. "Wala akong sinabi na ganyan Carol." Hearing her saying my name is very foreign to me. "Nag-uusisa lang naman ako." Pabagsak kong binitawan ang hawak ko na script. "Oh sya, ikuha mo nalang ako nang tea." "Hindi me?" Nakangisi na pang-iinis ni Alex. I breath out a huge breath in annoyance. "Get out of my face." Walang salita na nagmamadaling umalis si Alex para magpunta sa kusina. Samantalang ako ay bubuga buga nang hangin para pigilin ang inis ko. Malapit na talaga akong mapikon sa kanya. Masyadong matabil ang dila. Pag hindi ako nakapagpigil sa kanya ay baka sipain ko nalang sya palabas ng bahay ko. I was interrupted ng biglang tumunog ang cellphone ko. At first, i didn't want to answer the call but it won't stop. It's frustrating because today supposed to be my day off. With a frown, i answered the call. Hindi na ako nag-abala na tignan ang caller ID. "Hello." Malamig pa sa Mount Everest ko na sagot while flipping through the script. "Good afternoon lovely." Pagbati nang tao sa kabilang linya. It makes me instantly rolled my eyes. "There's nothing good in the afternoon." Natawa si Bela. "What do you want?" I heard noises in her background. "Wala man lang bang kamusta ka? Kumain ka na?" Sumandal ako sa upuan at huminga nang malalim. Bakit ba ayaw akong tigilan ng babae na ito? At talagang nagkadalawa pa sila ni Alex sa pangungulit sakin. "We are not friends Bela." Matigas ko na sabi. "Kaya sabihin mo na ang sadya mo kung bakit ka napatawag because im busy." "Chill.." Pag-awat sakin ni Bela. "Masyado kang highblood. Magtatanong lang naman ako kung kelan magdidistribute nang script for chemistry." Lalo lang akong nainis. "Seriously Bela? You just call me para lang itanong yan? Well for your information im not your manager." "My manager is in Japan kaya wala akong mapagtanungan aside from you." Katwiran nya. Pwede naman syang tumawag o personal na sumadya sa writer, producer or direktor namin. Pero bakit sakin pa? Sadya bang gumagawa si Bela nang paraan para inisin ako? But still i chose to hold onto my emotions. "Well, that's not my problem anymore." Tumayo ako at humarap sa bintana. Medyo maulap at mukhang uulan pa. "Oh sya, goodbye—" "Wait Carol!" Sigaw ni Bela. "Can we go out?" My eyes drifted to my feet and thought of what she said. "Go out?" "Yeah." May ngiti sa boses nya. I took a deep breath before answering her. "Definitely no Bela. Goodbye!" At pinatay ko ang tawag without waiting for her reply. "May go out ka pang nalalaman e hindi nga tayo magkaibigan." Inis ko na sa sarili ko. "Over my dead body." "Eto na ang tea mo." Salita ni Alex from behind me. Hinarap ko si Alex na nakangiti parin. "Sige, iwanan mo na ako." I told her. Bumalik ako sa pagkakaupo at kinuha ang script. "Maglinis ka na ulit." Pero hindi sya umaalis, nanatili lang syang nakatayo sa harapan ko. "Ano pa ang tinatanga tanga mo diyan?" "Ah e." Kakamot kamot sya sa ulo. "Tapos na ako maglinis." I looked around the living room, nagkikintaban ang bawat sulok. "O-okay." Pero napansin ko na magkalat ang mga magazine sa ilalim ng lamesa sa tabi ko. "I-organize mo nalang yang mga magazine then after that magluto ka na." Walang reklamo na sinunod ni Alex ang pinag-uutos ko. I couldn't help but noticed her skin. Flawless sya, maputi at mukhang kutis na may sinabi sa buhay. I wonder what happened to her. "So, Alex.." I started off. "Pinalayas ka ba sa inyo? Nakipagtanan o—" Pagtatanong ko. Hindi naman siguro masama magtanong lalo pa at nakatira sya sa pamamahay ko. Alex fell in a deep thought. Maybe she was thinking the right frame of words to answer my question. "Or buntis ka at pinalayas nang magulang mo? May tinatakasan ka? Utang? Abosadong asawa?" "Wow." Natatawa si Alex na parang baliw. "Grabe ang mga conclusion mo Carol, artista ka talaga." "I don't know if it's a compliment or sarcasm." I said with shake of my head. "Okay, i will answer your question para naman hindi mo ako binabatayan." Natawa si Alex at tumigil sa pag-aayos ng mga magazine. "Paano mo naman nasabi na binabantayan kita aber?" Kwestyon ko sa babae na may pulang buhok. "I just know." She stated with a smile. "Umalis ako sa bahay dahil nagkaroon kami nang malaking pagtatalo nang mama ko." Natahimik ako at nakinig lang sa mga sasabihin ni Alex. "At para hindi kami lalo magkasakitan ay pinili ko munang magpalamig ng ulo." "Okay..." I was out of words. Dapat ba ako maniwala sa kanya. Pero ano nga bang mapapala nya if she lied to me diba? Kung ano man yung problema nya ay sa kanya nalang. I hate drama kasi and negativity. "I just want to make sure na you are not a bad person, or psychopath." Tumayo ako ay naglakad papuntang hagdanan. "Don't wake me up, i wanna rest." Hindi rin naman agad ako nakatulog dahil sa kakaisip kay Alex. Of course, not in romantic or malicious way. Masyado lang akong naiintriga sa kung anong meron pagkatao ang meron sya. Kung ordinaryong tao si Alex ay malamang kilala nya ako at baka nagkakamdarapa sya sakin because im Carol Lopez. Pero hindi e, kabaliktaran ang nangyayari dahil tila ako pa yung mas naiintriga kay Alex. "Carol.." May tumatawag mula sa labas ng kwarto ko na may kasama mahihinang katok. "Mm. No.. Go away." Pagtataboy ko sa makulit na babae na kulay pula ang buhok. I want to.sleep mor, gusto ko lang magbawi nang pahinga at lakas. "Carol..." Teka anong oras na ba? Pinilit kong buksan ang namimigat ko na mata at dinampot ang aking cellphone. It's already seven in the evening. Almost six hours din akong nakatulog pero bakit parang kulang parin? Ako ata yung tipo na kahit kagigising lang ay pagod parin. Pupungas pungas akong bumangon at inis na binuksan ang pintuan. Sinalubong lang naman ako nang ever smiling face na si Alex. I was about to spat at her when i noticed her clothes. She is only wearing a nn oversized white shirt and short short. Mamasa masa pa ang buhok ni Alex na mukhang katatapos lang maligo. "Handa na ang dinner." Anunsyo ni Alex. I just took a deep breath to calm down my nerves. "I'm not hungry." Pero napasimangot si Alex. "Pero hindi ka kumain ng tanghalian." "Alex..." Dahan dahan kong isinandal sa gilid ng pintuan ang aking ulo at taas kilay na sinagot ko sya. "Kakain ako kapag nakaramdam ako nang gutom." "It's bad for your health Carol." Bakas sa boses nya ang concern. "Maghapon ka nang tulog. Sa tulad mo na artista ay dapat mas kailangang kumain ng masusustansya para hindi ka magkasakit." Bigla akong natawa na parang baliw. Mukhang papunta na nga ako sa kabaliwan dahil kay Alex. Akalain mo bang pangaralan nya ako about my eating habits. "Are you serious? I'm the owner of this house and this is my life—" Alex immediately cut me off. "But it does not mean na pwede mo nang abusuhin ang katawan mo." Hearing her speaks like that makes me wonder what if mayaman ba si Alex at ginawa ko syang maid. She sounds very educated, straight ang english nya ay hindi nagbubulol. Sino ba talaga sya? Ano ang lihim ng isang Alex Cruz? Pero dahil kagigising ko lang ay hindi na ako nakipagtalo pa. "Okay fine, i will eat matahimik ka lang." Kailan kaya ako mananalo sa kanya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD