bc

The Superstar

book_age0+
4.2K
FOLLOW
28.4K
READ
second chance
friends to lovers
arrogant
dominant
drama
tragedy
sweet
gxg
bisexual
like
intro-logo
Blurb

Pano kung nasayo na ang lahat? Pero pakiramdam mo hindi ka parin kumpleto, na parang may kulang, na hindi ka lubos na masaya. Hanggang sa dumating sa buhay mo ang isang tao na baliktaran ng lahat ng katangian mo para baguhin ka.

Tatanggapin mo ba ang pagbabago o pilit na lalaban ito?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Sobrang nakakabinging katahimikan ang bumalot sa loob ng venue kung saan ginaganap ang taunang The Globe na kumikilala sa mga artista na nagkaroon ng kontribusyon sa larangan ng entertainment industry dito sa Pilipinas. Malaking pagkilala ang nabibigay The Globe, hindi lamang dahil sa premyo na pera kundi ito rin ang magiging daan para mas sumikat kung sino man ang magwawagi ngayong gabi. Kaya't lahat ng tao, maging artista man o hindi ay hindi mapigil ang kaba habang pinapanuod ang host na unti-unting binubuksan ang ginto na sobre na naglalaman ng pangalan ng nagwagi para sa taon na ito. “And the best actress award goes to...” Nagbukas sara ang kamay ko habang naghihintay sa resulta. Alam ko na marami na akong nakuhang award simula nang pasukin ko ang showbiz pero hindi ko parin maiwasang kabahan. I silently took a glimpse of my mom next to me habang hawak ng mahigpit ang kamay ko. Lumuwas pa sya from Batangas to give me her support which makes me really happy. And whatever happens tonight, manalo man ako o hindi ay tatanggapin ko ito nang buong puso. Dahil alam ko na hindi laging panalo, hindi laging matamis kung minsan ay may pait— “Carol Lopez from The Good Daughter!" Hindi lang mundo ang tumigil sakin pagkadinig ko sa pangalan ko kundi pati ang pagtibok ng aking puso. All people rise with an ear splitting applause bilang pagpupugay sa pagkapanalo ko. Even my rival actress Kristen is giving me a smile. I know everyone deserves the award because of their hardwork ngunit nagkataon lang na mas nangibabaw ang galing at talento ko sa The Good Daughter. Heck, it was a blockbuster movie in and out of the country. Sabay kaming tumayo ni Mama at agad nya akong niyakap. “I'm so proud of you Carol." She said happily. "I always know that you will win everything." Ewan ko ba at kung bakit naging emosyonal akong bigla. Maybe because of my mother's presence and support. “Thanks Ma', you know this is for you.” Ngumiti si Mama sakin habang hinahaplos ang pisngi ko. “Go and get your award.” I gave mom a squeezed in her hand bago ako maglakad papuntang stage. Para akong nasa ulap dahil sa saya at excitement habang hindi magkanda ugaga ang press sa pagkuha nang picture ko. “Congratulations Ms. Lopez.” Pagbati sakin ng host bago nya iabot ang trophy. “Thank you.” I told him before he left. Naiwanan akong nag-iisa sa stage at tahimik kong pinagmasdan ang paligid. Lahat ng tao ay nakatingin sakin, hindi lang dito sa awarding venue kundi pati narin ang mga nanunuod sa kanilang mga bahay sa iba't ibang parte nang bansa. "Wow, this is unbelievable." Alam nyo ba yung pakiramdam na sayo na ang lahat? Yung tipo na wala ka nang mahihiling pa dahil sobra sobra ang blessings na dumadating sa buhay mo. Yung pakiramdam na your life is too perfect like a beautiful constellation were set in the skyline. “Nakakaspeechless talaga kapag nandito sa stage.” Pagbibiro pero totoo ko na sabi na ikinatawa nang mga tao. “Unang una ay nagpapasalamat ako kay God para sa award na natanggap ko ngayong gabi.” Huminga ako nang malalim habang pinagmamasdan ang trophy na hawak ko. “Syempre sa parents ko, kay Mama na nagbyahe pa nang malayo para sumuporta sakin.” I gave mom a flying kiss na sinalo naman nya earning another laugh from the crowd. “At kay Papa na nasa Hawaii ngayon pero alam ko na updated parin sa lahat ng nangyayari dito ngayong gabi.” Ngumiti ako at inilibot ang aking paningin. "To all my directors, producers, staffs, co-actors and fans. Maraming maraming salamat sa suporta nyo sakin." I'm not good in giving speech kaya hindi ko na pinatagal. Beside, baka maiyak lang ako. I didn't want to ruin my make up either. Naging mahaba ang gabi para sakin dahil pagkatapos ng awarding ay dumaretso na kami sa party. Kaliwa't kanan ang interview ko sa mga media, i even got an instant deal with a well known branded clothes and phone company. Iba talaga ang nagagawa nang kasikatan, grasya na ang lalapit sayo. “Well, well, well.” Kahit hindi ko lingunin kung sino ang nagsalita sa likuran ko ay kilala ko na agad kung sino ito. “What can i say, ikaw parin ang nanalo." I looked over my shoulder. “What do you want?” Walang pakundangan syang naupo sa tabi ko at dumekwatro pa. “Nothing much." Bela said with a drunken smile. “I just wan't to congratulate you Carol for winning the best actress award tonight." But i only gave her a raised eyebrow. “At tsaka hindi ba kita pwede kausapin?” Pinagmasdan ko si Bela nang maigi. Sa pagkakatanda ko lang ay hindi kami close. “Thank you sa pagbati at hindi mo ako pwedeng kausapin kung wala kang mahalagang bagay na sasabihin." I know im being rude with her, wala namang mali sa kanya. Siguro naiilang ako dahil Bela is a lesbian. Wait, i don't judge nor criticize her. Umiiwas lang ako sa kahit anong issue lalo pa at very scandalous ang career ni Bela. Ayaw ko lang madamay. Alam nyo naman dito sa Pilipinas, karamihan ay sarado ang isip sa usaping sekswalidad. “Why you hate me so much." It's not even a question but statement from Bela. I know she was hurt by the way i treat her. “I didn't do anything wrong with you.” Fine, it's my bad. But hey was it wrong to protect my own imagine? “Correction. I don't hate you.” Pagtatama ko sa kanya. We stared at each other intensely. "I just..." Suddenly, i was out of words. My mind is trying to find a perfect frame of words to say it... “Anyway." Tumayo nalang ako. “I have to go.” Tatalikod na sana ako when i heard her say something. “Dahil ba lesbian ako Carol?” I stood still. How can i say yes kung lalo ko lang sya maooffend. "No..." Pagsisinungaling ko. Sinulyapan ko si Bela. “I honestly don't care about your sexuality Bela, hindi lang kita gusto simula noon pa kahit hindi ko pa alam na lesbian ka.” “Really? Bakit parang kabaliktaran yung nararamdaman ko?” It makes me rolled my eyes at her. “Wala akong pakialam kung hindi ka naniniwala sakin.” Matigas ko na sabi. “It's not my problem anymore.” Tumayo rin si Bela, this time bumalik ang ngiti sa labi nya. “Better answer than i expected.” Sinuklay ni Bela ang kanyang daliri sa buhok nya. “Now the coast is clear, that you don't hate me because of my sexuality but because im hot and pretty.” See? This woman is very confident. I don't know if it was a joke o sadyang nang-iinis lang sya. “Whatever Bela.” I said between my clenched teeth. “Oh wow.” Paghinga ni Bela na walang kakurap kurap ang mata. “Tama ba yung narinig ko?” Naconfused ako sa sinasabi nya. “Did you just says my name?” My eyebrows furrowed. “Anong pinagsasabi mo?” Bela flips her long hair. “Well Carol. Sa haba ng panahon na kilala kita ay kahit minsan hindi mo ko tinawag sa pangalan ko. You used to call me on my last name Cuevas.” That's true. If i don't like someone. I will call them in their last name. Like what i did to Bela. “Oh okay." I gave her a playful smile. "Goodbye Cuevas." Agad akong tumalikod at walang lingon naglakad palayo. I feel so relieved ng makauwi ako nang bahay after a long night sa party. Hindi kasi ako pwedeng umuwi nang maaga lalo pa't ako ang nanalo sa awarding kaya kailangan kong magtiis sa pagtayo, makipag-usap sa kung sinong sino tao. Nakakapagod ang makipag plastikan dito, plastikan doon. Dumaretso narin si Mama pauwing probinsya, at kahit pilitin ko syang magover night sa bahay ay ayaw nya dahil pauwi narin si Papa tonight. Nag-inat inat ako pagkalabas ko nang sasakyan. I even heard my bones crushing and makes me feel so good. “Ah finally! I'm home!” Despite of my success and stardom in showbiz at the age of 26 ay mas pinili ko na wag kumuha nang personal assistant at driver. I don't need anyone to do things for me kung kaya ko namang gawin. Napangiti ako habang pinagmamasdan ang bahay ko from outside. Masaya ako kapag nakikita ko ang mga bagay na pinaghirapan ko. Though my house is not that big but it is perfect for me dahil mag-isa lang naman ako since yung parents ko ay nakatira sa probinsya. To my surprise, biglang umulan kaya nagmamadali akong tumakbo para buksan ang gate. Maybe i need a guard na magbubukas sakin ng gate at magbabantay ng bahay pagwala ako. Lakad takbo ang ginawa ko kahit madilim at hindi ko nakikita ang dinadaanan ko nang bigla akong nadapa. My arm crashed on the ground making me yelp in pain. “Aray...” Pagdaing ko habang pilit ko na itinatayo ang aking sarili. Tila may kung ano na nakaharang sa paahan ko kaya ako nabuwal. “Teka ano ba ito..” “Diyos ko ang ulo ko.” May nagsalita na hindi ko alam kung saan nagmula. I blinked my eyes and after few minutes ay nakaadjust narin ang mata ko sa dilim. “Ang sakit naman.” At hindi ako pwedeng magkamali, boses babae ang narinig ko. Ngunit imbes na matakot at isipin na isa itong elemento o masamang loob na nais magnakaw sa aking bahay ay nakaramdam ako nang matinding inis. Kahit kailan hindi pa ako nadapa o napahiya ng ganito sa tanang buhay ko. Alam ko na wala namang nakakita sa nangyari pero feeling ko nabaliwala ang nakuha ko na best actress award dahil sa sakit ng katawan na naramdaman ko ngayon. I saw the silhouette slowly standing. “Who the hell are you!” “Excuse me im not hell.” Pilosopo nitong sagot sakin. Lalo lang nagngalit ang mga ngipin ko. “Sino ka ba?” Sa tulong ng liwanag na nanggagaling sa buwan ay naging maliwanag sa paningin ko ang itsura nang taong naglakas loob na manghimasok sa bahay ko. “Anong ginagawa mo dito? Paano ka nakapasok?” I didnt blink as i look at her. The moonlight illuminates the stranger's face at ang una kong napansin ay ang agaw atensyon nyang kulay pula na buhok. Napalunok nalang ako. This girl is also has a pair of grey eyes which very untypical para sa mga Pilipino. Well, siguro may suot syang contact lens. Matangos din ang kanyang ilong, makapal ang kilay na bumagay naman sa kanya. Sobrang haba din ng pilik mata nya, mapupula ang labi kahit wala syang lipstick. I have seen so many beautiful girls in showbiz business pero masasabi ko na isa sya sa pinakamamagandang babae na nakita ko. Her beauty is incomparable. Okay. Maybe i was describing her over exaggerated. Pinagpag nya ang kanyang suot na skinny jeans. “I'm sorry hindi ko sinasadya.” Samantalang ako ay kunot noo lang. “Hindi ka lang kasi tumitingin sa nilalakaran mo.” Binaliwala ko ang pagkapilosopo nya. “Just answer my question, who are you?” Slowly, she lifted her head up and met my gaze. Her eyes were so clear and bright but it hides so many emotions. “I'm Alex.” My eyebrows raised even more. “Paano ka nakapasok dito?” I looked at her from head to toes. This woman is about my height and age. She is only wearing an over size white shirt and skinny jeans na basang basa nang ulan. Hindi ko alam kung saan nanggaling ang babae na to, pero mukha namang hindi sya palaboy dahil malinis at maputi ang kanyang balat, maayos ang itsura. “Siguro akyat bahay ka no.” “Ha? Ako akyat bahay?” Hindi nya makapaniwalang tanong sakin na nanlalaki ang mata. “Then if you are not, bakit ka nandito?” I questioned her. “Hindi mo ba alam na pwede kitang kasuhan ng trespassing.” “Woah, wait.” Pagpigil ng babae sakin na ang pangalan ay Alex. “Nasa labas ako nang bahay kaya bakit mo ako kakasuhan ng trespassing? Hindi ba pwedeng nakisilong lang ako dahil sa lakas ng ulan?” Should I believe her or not? “Nakisilong?” Natatawa na tanong ko kay Alex. “Kaya pinanik mo ang mataas na gate?” Napakunot noo si Alex. “Oo naman, bakit hindi ba yon pwede?” “Hindi!" Halos lumuwa ang mata ko sa inis. “Nadapa at nasaktan ako nang dahil sayo.” I crossed my arms. “Kilala mo ba kung sino ako?” Alex stopped and look at me from my head to toes. “Hindi kita kilala e.” Napanganga ako. “Anak ka ba nang presidente ng pilipinas? Oh. Wala nga palang asawa at anak si Noynoy.” Aba... Napailing nalang ako. Hindi ako makapaniwala na hindi nya ako kilala dahil kahit saan mang lupalop ng Pilipinas ay nakabalandra ang pagmumukha ko. “Shut up.” Tumalikod na ako para at naglakad papunta sa pintuan ng bahay. “Leave.” “And for your information Miss. Ikaw ang umapak sakin kaya wala akong kasalanan." Paliwanag ni Alex. But who cares? Hindi ko na sya pinansin dahil nag-aaksaya lang ako nang panahon sa kanya. “Umalis ka na bago pa ako tumawag ng mga pulis.” “Teka sandali.” Pagtawag nya sakin. Hindi ako huminto. Nagtuloy tuloy lang ako. “Pwede bang makituloy? Ang lakas ng ulan e.” 12 But i pretend not to hear her. Hindi ako baliw para patuluyin sya sa bahay ko. Aba, baka mamaya e magnanakaw sya, mamamatay tao o baliw. Mas mainam na ang nag-iingat kaysa mapahamak ako. At saka sigurado naman ako na titila rin ang ulan at makakalis narin ang weirdong babae na ito.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Redemption (Complete His Series)

read
5.6M
bc

Mr. Tanner's Babysitter

read
73.5K
bc

An Omega's Confused Heart

read
23.4K
bc

Revenge 2: Charlie's revenge

read
144.4K
bc

The Alpha King's Rebellious Queen

read
450.7K
bc

An Unexpected Wolf Rank

read
746.8K
bc

IN LOVE WITH AN UNDER LORD ( MxM )

read
116.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook