"Alex!" Pasigaw na tawag ko sa babae na may pulang buhok.
Kanina ko pa sya hinahanap pero hindi ko sya makita. Wala sya sa loob at labas ng bahay. Hindi ko tuloy maiwasang kabahan dahil baka mamaya ay may ninakaw si Alex kaya nawala sya parang bula.
"Nasaan kaya ang babae na yon." Iritable ko na bulong sa aking sarili habang iginagala ang mata ko sa mini garden dahil baka abala lang sya sa paglilinis sa labas. "Alex!" Pero wala paring Alex na dumating. "Bahala ka nga. Hindi na kita mahihintay."
Kailangan ko na kasi umalis dahil baka malate ako sa party. Sa lahat ng ayaw ko ay ma late sa kahit anong gathering para walang maipintas ang mga tao sakin. I grabbed my bag and opened the door, pero ang mukha ni Alex ang bumulaga sakin.
"Oh aalis ka ata?" Agad nyang tanong ng mapansin na nakabihis ako. "May taping ka ba?"
I crossed my arms in irritation. "Kanina pa ako naghahanap sayo. Saan ka ba nagpunta?"
Napakamot ulo si Alex. "Naglakad lakad lang ako, naiinip na kasi ako dito sa bahay mo."
At dahil ayaw kong masira ang gabi ko ay hindi na ako nakipagtalo pa. "Oh sya, tutal ay nandito ka na." Tinulak ko si Alex paalis sa daraanan ko. "Ikaw na ang bahala sa bahay, wag na wag kang magpapasok ng kahit na sino okay?"
Tumaas ang kilay ni Alex. "Kahit sino?"
"Kahit sino." Pag-uulit ko.
"Teka saan ka ba pupunta?" Sigaw ni Alex sakin.
Pero hindi ko sya nilingon, tuloy tuloy lang ako sa paglalakad. Maingat din akong umaapak sa medyo basang daan dahil katatapos lang umulan. "None of your business."
"Pasalabong ko ha." Pahabol ni Alex.
I rolled my eyes as i opened my car's door. Ano sya bata at gusto nya pa nang pasalubong? Bomba gusto nya? O di kaya ay palayasin ko sya sa bahay ko. Abusado ang babae na yon, pinatuloy ko na nga e gusto pa nang pasalubong. Walang pag-aaksaya na binuhay ko ang makina nang aking sasakyan at nagmamadali nagmaneho palayo from my house especially from Alex. Sa wakas ay matatahimik din ang mundo ko kahit ngayong gabi lang.
Nakinig ako nang kanta habang bumabyahe. Pampaalis ng inis sa katawan ko. Medyo traffic ngayong gabi dahil sa rush hour mabuti nalang at hindi kalayuan ang venue nang party. Kaya after almost thirty minutes ay pumarada na ako sa harap ng isang sikat na hotel. Ngunit hindi pa man ako nakakababa nang sasakyan ay agad akong hinarang ng mga press at media.
The security came for my rescue. Nakakabinging hiyawan at tilian ang sumalubong sakin pagkababa ko nang kotse. May mga fans na naghihintay sa gilid ng daan. Hindi nila alintana ang pagod at ulan basta makita lamang ang mga hinahangaan nilang artista.
"This way Ma'am." Anang ng manager sakin sabay turo nang direksyon papunta sa venue ng party.
Ngumiti ako sa mga security at nagpasalamat. Iba parin kasi talaga ang nagagawa nila para protektahan ako mula sa mga nagwawalang fans. Hindi kasi maiwasan minsan na masaktan ako nang mga nagkakagulong tao. May pagkakataon pa nga na nakakalmot at kinukurot nila ako out of excitement.
Tahimik lang kaming naglalakad ng manager sa napakaengradeng hallway ng hotel. Inabala ko nalang din ang aking sarili sa pagtingin, pag-uusisa sa paligid ko. May mga nakasabit na paintings sa pader at nakahilerang statue of different person na hindi ko naman kilala. I always know that this hotel is owned by a very rich business woman na si Mrs. Aurora Monteralba.
Itinulak ng manager ang pintuan ng ballroom hall. "Let's get inside."
I gave him a grateful smile before entering the room. Flash nanaman dito, flash doon. Minsan pakiramdam ko malapit na akong mabulag sa lente nang kamera. Tinitiis ko lang dahil pinili ko ang trabaho na ito kaya wala akong karapatang magreklamo.
"Sige tama na yan." Biglang sumulpot si Tim, my manager at tinulak palayo ang mga reporters.
"Carol, anong masasabi mo sa pagkapanalo mo?" Tanong ng ayaw paawat na reporter.
"Sabi nang tama na e." Inis na salita ni Tim. "O gusto nyong patanggal kita sa privilege list?"
Hindi nakakibo ang reporter at talunang tumalikod nalang. Nang makaalis na ang mga ito ay ibinaling ni Tim ang atensyon sakin. "I'm really sorry about that." He apologized. We started walking to our table. "Though it's still a good publicity."
I turned to look at him a little impatient. "Publicity? Bakit hindi pa ba sapat yung pagkapanalo ko kagabi?"
Tim adjusted his eyeglasses. "Oh dear." Ubos tamis na pagbanggit ni Tim sa pangalan ko "Gusto ko lang na maya't maya kang ibalita ng media sa tv, para hindi ka makalimutan ng tao." Nakarating kami sa table namin. "This is for you okay." Hinawakan ni Tim ang balikat ko. "And for your next movie."
I just let it go, tutal sya naman ang manager ko at sya rin ang nakakaalam kung paano patatakbuhin ang career ko. We are working together for years now and i know he is only doing what's good for me. Tim isn't only a manager for me but a friend, a brother.
Naging kaliwa't kanan din ang pagbati sakin ng mga tao sa party. Nakipagkwentuhan din ako ako sa mag producers, directors at writers. Mas gusto ko pa silang kausap kaysa sa kapwa ko artista dahil alam ko na behind their smiles ay naiinggit din sila sakin. Sa mundo kasi nang showbiz ay walang permanenteng kaibigan, walang permanenteng kaaway. Lahat ay nasisira dahil sa inggit.
"Anyway Carol." Pagbasag ni Tim sa malalim kong pag-iisip. "Where is your mom?"
Ibinaba ko muna ang wine glass sa lamesa bago sagutin si Tim. "Nakauwi na sya nang probinsya—" My body froze when i realized something. "Oh jeez. I forgot my phone at home."
Kaya pala kanina ko pa iniisip na parang may nakalimutan ako at hindi ko lang maalala kung ano. Kasalanan ito ni Alex e. Kung hindi nya ako pinaghanap edi sana hindi ko nakalimutan ang cellphone ko.
Tim pulled out his phone. "Here, you can use mine."
But i shakes my head. "No it's okay, i will just call mom when i get home."
"Are you sure?" Paninigurado ni Tim.
Ngumiti ako. "I am sure."
The hall is now filled with music and laughter. May mga nag-aalok sakin sumayaw pero i decline them politely. Heck, i don't even know how to do a simple calisthenics. To occupied myself, nagpunta nalang ako sa buffet table para tumingin tingin ng pagkain since im still hungry.
"There's a sushi." Nakangiti ko na bulong sa aking sarili habang pinagmamasdan ang sushi at california maki. I was about to get some when someone bumped into me. "Watch your—" Natigalgal ako nang makilala kung sino ito. "What are you doing here Alex?"
"Asdfghjkl." Hindi ko maintindihan na sagot ni Alex dahil punong puno ang bibig nya nang pagkain.
"Lunukin mo muna yang pagkain mo." Utos ko sa kanya.
Nilunok naman ni Alex ang pagkain at uminom ng juice. "Gosh, ang sarap." Parang nasa langit pa ata sya.
"What are you doing here?" Paubos ang pasensya na tanong ko kay Alex. "Paano ka nakarating dito?"
"Nagbus ako." Pilosopo na sagot ng bruha.
Lalo lang nagpanting ang tenga ko. "Kinakausap kita nang maayos Alex. Paano mo nalaman na nandito ako?"
Napatuwid sa pagkakatayo si Alex sabay abot ng cellphone ko sakin. "Nakalimutan mo kasi yan."
"Oh gosh." Pagsusumamo ko sa langit. Pakiramdam ko si Alex ang magiging dahilan ng maaga kong pagkamatay. "Hindi ba sabi ko na wag mong pakialamanan ang gamit ko?"
"I know..." Alex said in conflict. "Hindi ko naman nakakalimutan ko yang rules mo pero yung tawag ng tawag sayo ayaw tumigil kaya sinagot ko na."
With my arms crossed. "Sino ang tumawag sakin?"
Nag-isip munang maigi si Alex bago sumagot. "Bellia or Bela?”
Isa pa itong si Bela. Dumadagdag pa sa inis ko. Bakit ayaw nya akong tigilan? Sinabi ko na ngang hindi ako makikipagdate sa kanya. "Ano naman ang kailangan nya sakin?"
Humarap ulit si Alex sa buffet table ay kumuha nang pagkain. Gusto ko sana syang sawayin pero wala na akong gawa. "Well, tinatanong nya lang kung pupunta ka sa party."
"Yun lang?" Hindi ko makapaniwalang tanong.
"Oo, yun lang."
"Dapat hindi mo na—" Pero natigilan ako nang mapansin ko na paparating ang isa pang asungot sa buhay ko. "Speaking of the devil."
"Carol, stunning as ever." Matamis na pagbati sakin ni Bela na sobrang sexy at seductive sa suot nyang gown. I couldn't deny na she is beautiful but not enough for my liking. "Fancy seeing you here."
Napatawa ako. Yung tawang pilit at mapang-asar. Fancy seeing me here daw as if i didn't know na she was really looking for me. "Well, I'm not happy to see you."
Natawa si Alex na kunwari ay abala sa pagkain. "One point.."
Napabuntong hininga si Bela. "I just want to be your friend Carol." She tried to touch me but i quickly recoil from her. "So please don't turn me down."
Nagsitayuan ang balahibo ko sa katawan. I know it's not a malicious but still i feel not comfortable with it. "We can be friends but you don't have to touch me."
Sumubo si Alex ng pagkain at bumulong. "Two points."
This time napatingin si Bela sa direksyon ni Alex. "Teka sino ka ba?" Pero hindi ko nakitaan ng pagkagulat o intimidate si Alex habang nakikipagtitigan kay Bela. "Kanina ko pa napapansin ang pakikialam mo."
When i saw Alex's mouth about to open ay agad na akong pumagitna. "She is with me."
Natuon ang pansin ni Bela sakin. "Huh? Who is she?"
Hinawakan ko ang kamay ni Alex without breaking eye contact with Bela. "You don't have to know." Hinatak ko sya paalis sa buffer table at kay Bela. "Let's go."
"Teka kumakain pa ako." Pagpoprotesta ni Alex. Pero kinaladkad ko sya palabas ng ballroom hall at hotel. Dumaan kami sa likod kaya wala masyadong nakakita samin. Nagmamadali akong sumakay ng kotse at sumunod naman si Alex. "Saan tayo pupunta?"
Binuksan ko ang makina nang sasakyan. "Sa langit.."