Chapter 2

1338 Words
Chemistry, mabasa ko palang ang salita na yan parang sasakit na ang ulo ko dahil alam naman nating lahat na isa iyan sa isa sa pinakamahirap na subject noong nag-aaral pa tayo. Hindi ko rin naman maisip kung bakit chemistry ang title nang bago kong pelikula. Pero ano nga ba ang chemistry? Syempre unang una papasok sa isip mo ay science na tumutukoy at nag-aaral about matter and changes sa lahat ng bagay. Maari din naman na chemistry ng dalawang tao. When two people say they have chemistry between them, they usually mean they feel a strong attraction towards each other. Yung chemistry na tipong hindi mapaghihiwalay ng kahit na anong super powers at hindi mapipigilan ng mga advice ni LolaNiDora sa sikat na kalyeserye. At isa pa, nalaman ko rin na makakasama ko sa movie na to si Bela. Alam ko naman na hindi malayo na magkatrabaho kami one of these days dahil maliit lang ang mundo ng showbiz para sa aming dalawa kaya hindi na ako nagprotesta pa dahil ayaw ko naman sabihin ng mga producer at director na isa akong Prima Dona. Teka nga, bakit ko ba iniisip nyang si Bela e wala rin naman akong mapapala. Mabuti pa siguro ay bumangon na ako dahil nagrereklamo na ang sikmura ko sa gutom. Hindi ko matandaan kung kumain ba ako kagabi dahil sa sobrang saya at lunod ko sa atensyon ng mga tao. Nag-inat inat ako muna ako. Stretch dito, stretch doon. Ang sarap lang sa pakiramdam na makatulog ng siyam na oras. Lately kasi masyado ako naging busy sa The Good Daughter. Halos wala nang tulugan kaya ngayon ay nagbabawi na ako. I heard my bone cracked. "Oh my gosh. It feels freaking good." Agad kong binuksan ang bintana sa kwarto ko para pumasok ang hangin at grasya. Naniniwala kasi ako na pagmaaliwalas ang bahay ay mas papasok ang blessing which is working naman sakin. "Mmm. Ang bango." Paghuni ko habang inaamoy ang malamig at mabangong hangin. "Ano kayang masarap kainin? Magluto kaya ako?" Well, hindi naman ako ganon kagaling sa pagluluto. Yung tipong pwede na. Pwede na pagtyagaan. "Or order nalang ulit." Masigla akong lumabas ng kwarto at pahuni-huni pang bumababa nang hagdanan. But i immediately stop nang salubungin ako nang mabangong amoy mula sa kusina. Iniisip ko kung nandito ba si mama sa bahay para ipagluto ako. Iginala ko ang aking paningin pero kahit anino ni Mama ay hindi ko makita. "Mom?" I tried calling her pero walang sumasagot. "Nasaan ka?" Huminto ako sa harapan ng table na may nakalagay na pagkain. There's fried rice, hotdogs, bacon, eggs and of course my favorite chicken adobo. "Wow, ang dami nito Mom—" "Oh hey, gising ka na pala." Isang hindi pamilyar na tinig ang nagsalita mula sa likod ko. My mouth dropped when i come face to face with a stranger. "Teka, paano ka nakapasok dito!?" Halos pasigaw ko na tanong. "Trespassing ka sa bahay ko! I will call a police—" Inilabas ko ang aking cellphone pero agad itong hinablot ni Alex sakin. Well, at least i still remember her name. "What the!" "Teka nga kasi, wag kang tumawag ng police." Paki-usap ni Alex habang nakataas ang kamay para hindi ko makuha ang cellphone ko. "Hindi naman ako masamang tao e." "I don't care." Pinagsamang galit at inis ang nararamdaman ko ngayon.. How dare she para pumasok sa pamamahay ko? "Hindi kita kilala at malay ko ba kung may balak kang masama sakin." Tumalon ako para agawin ang cellphone ko pero masyado syang maliksi. "Give me back my phone!" "Nope." Natatawa nitong sabi na lalong nagpausok ng ilong ko. "Not until you let me stay here in your house." "No freaking way!" Pag-angil ko sabay lundag kay Alex na nanlaki ang mata dahil hindi nya ineexpect ang ginawa ko. Tila bumagal ang bawat segundo habang unti-unti akong nabuwal kay Alex hanggang sa bumagsak kaming dalawa sa sahig. Ako sa ibabaw, si Alex sa ilalim and our lips almost touch. I felt my heart in my throat. Walang nagsasalita sa pagitan naming dalawa. Basta nagtitigan lang kami— "Aray ko naman." It was Alex who first breaks the wall. "Bakit mo ginawa yon?" Parang bigla akong bumalik sa katinuan ko sabay hablot ng cellphone ko from her bago ako tumayo. "Kung binibigay mo kasi ang cellphone ko edi sana hindi ka na nasasaktan pa." "Hobby mo siguro yan ano?" Naiiling na tanong ni Alex habang dahan dahan syang umuupo sa sahig. "Ang ano?" Medyo naguluhan ko na tanong. "Ang madapa at manlundag ng tao." Inirapan ko si Alex, kung nakakamatay lang talaga ang pag-irap baka dead on the spot na ang babae na ito. "Ano bang gusto mo sakin? Money? Name your price, just please leave my house." Pera lang naman ang gusto nang lahat diba? Kaya i will give her money dahil baka kailangang kailangan nya kaya ayaw nya akong tigilan. Tumayo si Alex na tatawa tawa. "Wow. I don't need your money Ms." I looked at her face deeply. "Ang gusto ko lang ay ang may matuluyan hanggat wala pa akong nahahanap na bahay." "I can help you—" "Hindi naman ako masamang tao, hindi ko kayang manakit, at lalong hindi ko kailangan ng pera mo." I could feel the sincerity in her voice. "Who cares?" Syempre ayaw ko mafall sa mga salita nya. "Kaya nga I'm offering a help para kahanap ka nang matutuluyan—" "Let's eat." Pagbabago nya sa usapan. Kakaiba talaga ang babae na ito. Hindi ko sya kayang iintimidate. Ano bang kailangan nya sakin? Ayaw nya nang pera. So ano pa ba? Hindi ko rin naman alam kung saan sya itatapon dahil baka mamaya e may mangyari pa sa kanyang masama edi kargo de konsensya ko pa. I feel like i didn't have any choice kaya naupo na ako at pinagmasdan ang mga pagkain na nasa lamesa. Kahit hindi ko pa man sya pormal na tinatanggap sa pamamahay ko ay nakuha nya nang magkalikot sa kusina. Biglang kumulo ang tiyan ko na ikinatawa ni Alex. "Calm down your dragon." I gave her a glare. "Shut up." Ngumiti lang sya sakin. "Oo nga pala." Ibinaba ni Alex ang hawak nyang babasagin na pitsel. "Ano ang pangalan mo?" "Oh my God." Napabuga ako sa hangin. "Are you serious na hindi mo ako kilala?" Tumango lang si Alex. "Saan planeta ka ba galing?" Naupo si Alex sa harapan ko. "Yeah." Sumandal ako sa upuan at pinakatitigan sya nang maigi. "Carol. I'm Carol Lopez." Pero wala syang reaksyon kundi ngiti lang. Kumuha ako ng fried rice at ulam. Bigla ako nagkaroon ng pagdadalawang isip, baka kasi— "Don't worry. Walang lason yan." Nakakalokong salita ni Alex na as if she reads what's going in my mind. "Wala kasing pagkain dito kaya nagluto na ako." "I'm not surprise." I gave her a fake smile sabay subo nang pagkain. "Mm." Napaungol ako nang malasahan ko ito. Oh my gosh, ang sarap. Kelan pa ba ako hiling nakatikim ng lutong bahay? Hindi ko na maalala. Okay maybe i need her here. Lalo na sa pagluluto nang pagkain. "Okay.." Seryoso ko na sabi. "I will let you stay here Alex." "Really?" Excited na sambit nya. Nagtitigan kaming dalawa. "In one condition." Parang nagkaroon ng stars ang mga mata ni Alex. "Sure, anything." Ngumiti ako. "Be my maid." Napatayo si Alex at nagtatalon na parang bata. Napaikot nalang ang mata ko. Masyadong childish ang babae na ito. "Thank you, thank you!" "Just remember na hindi porket tinanggap kita dito ay may karapatan ka nang makialam sa mga gamit ko." Arogante ko na paalala kay Alex. Dahil isa yan sa pinakaayaw ko, ang nangingialam ng mga gamit ko. "Or else—" "I know, i know." Pag-awat nya sakin. "I'll behave okay, i won't touch anything." Tumango tango ako. "Okay good." I smile in victory. "Maiksi lang pasensya ko kaya wag mo akong sagarin." "Yes princess." Nakakaloko nyang salita sakin. Nagsalubong ang kilay ko. "Anong princess?" Natawa lang lalo si Alex, more like nag-aasar. Hay nako. Ano ba itong napasukan ko....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD