Sayang naman ang ganda ng araw na ito kung mananatili lang ako sa loob ng bahay, kaya niyaya ko si Alex na mamasyal sa farm ng pamilya namin. Hindi naman ito kalayuan kaya nilakad nalang namin. Actually, namiss ko ang buhay dito sa probinsya, simple lang, wala masyadong traffic, hindi karamihan ang tao at syempre sariwa ang hangin hindi gaya sa maynila na puro usok na nagmumula sa mga sasakyan, pabrika o mga sinusunog na plastik.
"Namiss ko to!" Sobrang saya ko na sabi kay Alex. "Hindi ko nga maintindihan ang mga tao kung bakit nila gusto sa maynila."
"Maybe because of lack of opportunities in the province, like job and education." Causal na sagot nya sakin.
Napatingin ako kay Alex because what she said is true. The wind blew and it makes our hair curtain in our faces. Alex just simply shrugged it off. "Well yes.." I agreed. "Kaya nagdecided si Papa na magtayo nang farm at other businesses na pwedeng makatulong sa mga tao dito." Ngumiti si Alex at napatingin sa mga kamay nya na puro paso. Kahapon kasi ay hinamon sya ni Mama na magluto. E syempre hindi aatras itong si Alex. "Kamusta kamay mo?"
Napaangat ang mata ni Alex sakin. "Wala to." Sabay tago ng kamay nya. "Oh saan tayo unang pupunta?"
Medyo nakalimutan ko na ang paikot-ikot ng farm kaya hindi ko alam kung saan unang pupunta. May mga tao naman sa farm pero lahat sila busy sa pagkuha nang mga bunga, paglilinis habang pagkukwentuhan.
"May hinahanap ba kayo dito mga iha?" Biglang may nagsalita sa likuran namin ni Alex. Pagharap ko ay agad akong nakilala ng matandang lalaki. "Señorita Carol?"
Ngumiti ako. "Opo." Hindi ko na sya kilala dahil sa tagal kong hindi pagbisita dito sa farm.
"Welcome back po Señorita." Nag-alis ng sumbrero ang matandang lalaki. "May maitutulong ba ako sa inyo?"
"Ah wala naman." I told him. "Mag-iikot ikot lang kami."
"Tamang tama dahil harvest season ngayon ng mga mangga, kape at kung ano ano pa." Pagmamalaki nya sakin. "Tawagin nyo lang ako kung may kailangan kayo."
Naglakad lakad kami ni Alex sa farm at para kaming mga bata na enjoy na enjoy sa lahat ng nakikita namin. Umalis narin ang ibang trabahador kaya iilan-ilan nalang ang natira. Medyo nakaramdam narin ako nang gutom kaya huminto kami ni Alex sa ilalim ng puno.
"Sobrang laki nang lupain nyo." Bulong ni Alex habang ginagala ang kanyang paningin sa kabuuan ng farm. "Marami pa kayong pwedeng itanim dito."
Sumandal ako sa puno at huminga nang malalim. "Itong farm na ito ang bumuhay sa pamilya ko, ito rin ang nakapagtapos sakin ng pag-aaral."
Tumabi sakin si Alex at halos magkadikit ang kamay namin. "Kaya ayaw iwanan ng parents mo ang lugar na ito." I nodded my head as an agreement. "Kahit naman siguro ako, mas pipiliin ko ang tumira dito kaysa sa Maynila."
"Talaga?" I asked.
"Oo." Alex said with a satisfying smile. "I always wanted a simple life Carol."
Kahit medyo matagal tagal na kaming magkasama ni Alex ay nagagawa nya paring patibukin ang puso ko a little faster whenever she says my name. Tumingala ako sa sanga nang puno at napangiti nang makita ko ang hitik nabunga nang mangga.
Ibinalik ko ang aking atensyon kay Alex na nakapikit ang mata. "Gusto mo nang mangga?"
Napadilat si Alex. "Oo naman." I smiled and about to place my foot in the ladder. "Wait, anong gagawin mo?"
I looked at Alex over my shoulder. "Kukuha nang mangga."
"I know but it's dangerous, baka madisgrasya ka e." Pag-alala ni Alex sakin. Heck, I'm not a baby and i can manage myself. Hindi naman ako tatanga tanga. "Wag na, magpakuha nalang tayo."
Hindi ko inintindi ang sinabi ni Alex at patuloy ako sa pag-akyat sa hagdan. Naalala ko na nakasuot nga lang pala ako nang maiksi na short. Kaya tumingin ulit ako kay Alex. "Wag kang titingin."
Napakagat labi si Alex. "Ha? Saan?" Patay malisya ang bruha.
Umikot ang mata ko. "Wag kang manilip Alex." Natawa sya. "Tutusukin ko yang mata mo."
Itinaas ni Alex ang kamay nya sa hangin. "Okay okay."
Bubulong bulong akong pumanik sa unang sanga. Nangabay ako para hindi ako malaglag. Medyo magaspang ang balat nang puno kaya nakahanap ako nang pwedeng kapitan. Syempre kabado ako dahil hindi naman talaga ako sanay umakyat ng puno. Gusto ko lang talagang magpasikat kay Alex.
May nakita akong mangga na malapit sa akin, kaya dahan dahan ko itong nilapitan pero bigla akong nakaramdam ng pagkalula. Before i know it, nadulas na ang paa ko at parang slow motion akong nalaglag. "Alex!"
Nanlaki ang mata ni Alex habang nakatingala sakin. "Carol!" Sabay salo nya sakin at pareho kaming gumulong sa lupa.
I felt my world spinning when i realized that our lips crashed at each other. My stomach scrunched like there is something inside i couldn't describe. Hindi ako makakilos dahil pakiramdam ko ay nangangatog ang aking mga kamay at tuhod. Kitang kita ko sa mga mata nya ang pagkagulat. Kaya agad akong napatayo mula sa ibabaw ng katawan ni Alex.
"Aray ko po.." Pagdaing ni Alex habang unti-unti syang umuupo. Hindi ako tumingin kay Alex dahil sobrang pula nang mukha ko. "Ikaw okay ka lang ba Carol? May masakit ba sayo?"
Bakit parang wala lang sakanya yung nangyari? Manhid ba sya?
"Ye-yeah." Matipid ko na sagot at pilit kong nilakad ang nanakit kong binti.
"Wait Carol. Teka lang." Tawag sakin ni Alex.
Pero hindi ko sya pinapansin dahil sa inis, para naman kasing baliwala sa kanya yung kiss na nangyari. I know na it was accident but still... She kissed me. Alex is the person woman na nakahalik sakin.
Biglang sumulpot ang matandang lalaki na nakausap ko kanina. Napansin nya agad ang pamumula nang binti ko at paikat maglakad. "Ano pong nangyari Señorita? Gusto nyo bang ihatid ko kayo sa mansyon?"
Pilit akong ngumiti despite of pain. "Wag na po, okay lang po ako."
He just looked at me deeply. "Sigurado ka ba?"
"Ako na po ang bahala sa kanya." Pag-singit ni Alex sa usapan. Hindi na ako nagprotesta nang alalayan akong mahlakad ni Alex papuntang kotse, wala kaming kibuan until we arrived at the house.
Tinulungan ako ni Mama maka-akyat sa kwarto ko then hinilot nya ang binti ko para hindi mamaga. But in my mind, i was still thinking about the kiss that happened between Alex and I. Oo, segundo lang yon pero bakit parang ramdam ko parin ang labi nya sakin?
"Wag ka munang maligo today para hindi mamaga ang binti mo okay?" Paalala ni Mama bago sya tumayo.
"Thanks Ma." Pasasalamat ko. "Si Alex po?"
Inilapag ni Mama ang baby oil sa bedside table at ngumiti sakin. "She is okay Carol. Masakit lang ang likod sa pagtama na lupa."
Tumango tango ako. "Mabuti naman."
"Pagpahinga ka muna Carol at magluluto muna ako nang dinner." Hinalikan ni Mama ang ulo ko. "At kung gusto mo nang mangga sabihin mo lang sakin para hindi ka madisgrasya pa."
Kakamot kamot ako sa ulo. "Yes mom."
Nakaalis na si Mama at pinipilit ko naring matulog dahil wala akong ganang kumain. But no matter what i do ay hindi ako dalawin ng antok. Kapag pipikit ako ay si Alex ang nakikita ko. Agh. I hate this! What is happening to me?
Kaya bumangon ako at binuksan ang binatana para sumagad ng malamig na hangin. There were many stars in the sky, i could even imagine the constellations with them. Napangiti ako at huminga nang malalim but then i noticed someone sitting in the pool side. With the help of the moonlight, nakilala ko kung sino ito dahil sa kulay ng kanyang buhok.
Mukhang malalim ang iniisip nya.
Bumaba ako at walang ingay na tumabi sa tabi ni Alex na napatingin sakin. "Why a long face?"
Ngumiti si Alex at ibinalik ang atensyon sa pool. "Wala naman. Hindi lang makatulog. Ikaw?"
I dipped my feet in the pool. The water is cold but it feels good. "Hindi rin makatulog."
"Kamusta ang binti mo?"
"Okay na, nawala na yung sakit." I told her before the silence consume us. "I'm sorry."
Alex turned to look at me. "For what?"
My jaw hardened while thinking the right frame of words to say. Ayaw ko kasing mamisinterpret nya ang lahat. "Sa nangyari kanina sa farm." Nanginig ang boses ko. "It was an accident."
Alex gave me a smile like always. "It's okay Carol, kagaya nga nang sabi aksidente lang."
I don't know but i feel there's a double meaning of what she said. O ako lang ang nagbibigay ng meaning ng lahat? Nagtitigan kami ni Alex. Walang nagsasalita sa pagitan naming dalawa until i found myself slowly leaning in...
"Carol..." Alex whispered. Her breathing is heavy and shaky. "Don't do this.."
Parang nakawala ako sa magic spell ng marinig ko ang sinabi ni Alex. Nanliit ako, napahiya dahil hindi ko alam kung ano ba ang pumasok sa isip ko para tangkain halikan sya. Mabilis akong lumayo at tumayo.
"I—I'm sorry." Those words almost stuck in my throat. I also feel like crying for whatever reason. Alam ko na simula ngayong gabi, may mga bagay na magbabago. Mga pagbabago na hindi ko alam kung paano ko haharapin.