"Wala pa ba yung mga security?" Naiinip ko na tanong kay Alex.
More than ten minutes na kaming naghihintay sa loob ng sasakyan at hindi makalabas dahil sa dami nang tao na nakapalibot sa kotse ko. May mall show ako today but until now wala parin yung security.
Sumilip si Alex sa bintana. "Ayan, nandito na sila."
"Oh thanks God." Pagbuntong hininga ko na may kasamang pag-ikot ng mata. "Akala ko mabuburo na tayo dito sa loob."
"Relax ka lang." Pag-alo sakin ni Alex. "Ikaw din, masisira make up mo dahil nakasimangot ka nanaman."
Hindi ko alam kung matatawa o lalo lang akong maiinis sa pinagsasabi nitong si Alex. At the end, i just ignored her and took my bag.
Bumukas ang pintuan ng mini shuttle ko at sumilip si Tim na pawis na pawis. "Tara na." Pag-aya nya samin. "Kinausap ko pa kasi yung security ng mall."
"It's fine." I said before turning to Alex. "Sa tabi lang kita, wag kang lalayo." Kakamot kamot lang sya nang ulo. Alam ko na naninibago at overwhelmed sya sa mga nangyayari but i need her.
Pumalibot sakin ang mga security habang naglalakad ako papasok ng mall. Nag-uumapaw ang hiyawan ng mga tao at bilang ganti ay kinaway ko sila. Hindi ko natuloy alam kung nakasunod pa ba sa akin si Alex.
Pagdating sa back stage ay nagretouch lang ako at salang agad sa kantahan, questions and answer, especially sa activities with the fans. Kanina ko parin hinahanap si Alex pero wala sya, kahit si Tim ay hindi sya makita. Tumagal din ng dalawang oras ang mall show and trust me, i feel so tired.
"Water?" Biglang sumulpot si Alex sa backstage na may hawak na water bottle.
"Saan ka galing?"Agad ko na tanong. "Kanina pa kita hinahanap."
"Nanuod ng mall show mo." Pormal na sagot nya sakin. "Ang galing mo nga e."
Napailing nalang ako. "Kakaiba ka talaga.". Tumayo ako at huminga nang malalim. "Oh sya, tara na. Umuwi na tayo."
Si Alex na ang nagbitbit ng bag ko. She knew im tired and hungry kaya mas pinili nyang hindi na mangulit which makes me happy. I just want to rest and some peace of mind. We didn't talk either in the car but music filled us. Nang makauwi kami sa bahay ay agad na nagluto si Alex ng pagkain. Samantalang ako nagpapahinga sa sofa at nanunuod ng documentary movie.
Muntik na akong mapatalon ng may maramdaman akong malambot at mabalahibo na bagay na kumikiskis sa paa ko. Pagtingin ko ay ang pusa pala na inampon ni Alex. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko para kargahin si Caicai. Kakawa ang pusa na ito, ang liit liit pa at siguradong hinahanap sya nang mama nya.
Naalala ko tuloy si Mama at Papa. Alam kong miss na miss na nila ako at ganon din naman ako sa kanila pero mas inuuna ko ang trabaho. Ano bang klaseng anak ako? Hindi man lang ako makapaglaan kahit isang araw with them.
"Hey. Are you okay?" Pagpukaw ni Alex sa pag-iisip ko.
I looked at her and felt a hot water dripped down my cheek. "O-oo okay lang."
Her face is unreadable. "Bakit mo iniiyakan si Caicai?"
Pinunasan ko ang luha sa aking pisngi. "Excuse me, hindi ko sya iniiyakan."
"E sino?" Pangungulit nya.
"It's none of your business." Tumayo ako at naglakad papuntang kusina. "Nakapagluto ka na ba?"
"Oo naman, ako pa." Medyo mayabang na sagot nya sakin.
Pinaghain ako ni Alex ng pagkain. Sinigang na baboy at kanin. "Grabe, pinatataba mo talaga ako."
I heard her laugh softly habang naglalagay sya nang sabaw sa mangkok. "There's nothing wrong with being fat as long as you are healthy Carol."
"I know." I said with a casual shrugged. "But i can't. Alam mo naman ang buhay artista, katawan at mukha ang puhunan namin."
Naupo sya sa harapan ko at nag-umpisa na kaming kumain. "Hanggang kailan mo ba balak mag-artista Carol?"
Lagi kong naririnig ang tanong na yan sa parents ko at iisa lang ang sinasagot ko sa kanila. Iyon ay kapag nakuha ko na ang lahat ng gusto ko not only for myself but for them too.
"I'm not sure." I answered her just to cut the conversation. "But i know i won't be in showbiz for life."
After we ate, tinawagan ko si Mama para kamustahin sila. Trust me, sobrang saya nila dahil tumawag ako. Sobrang miss ko si Mama at ang masarap nyang lutong bahay. Yes, i know Alex can cook very well pero iba parin ang luto ni Mama.
"Kamusta na po kayo diyan Ma?" Todo ngiti ko na tanong. I'm currently here in my mini garden with my tea. Sobrang nakakarelax ang hangin. "Where is Papa?"
"Mabuti kami dito Iha, wag ka masyadong mag-alala." Masayang sagot ni Mama mula sa kabilang linya. "Ang Papa mo ay nasa farm pa dahil anihan ngayon ng mga mangga."
"Ma' syempre lagi akong nag-aalala sa inyo." Seryoso ko na sabi sa kanya. "Pakisabi din kay Papa na wag masyadong magpapagod dahil hindi na sya bumabata."
Natawa si Mama. "Kilala mo naman sya Carol. Mas magkakasakit yang Papa mo kapag nasa bahay lang sya."
"Kahit na Ma." I took a breath. Matigas ang ulo ni Papa. Ayaw paawat sa pagtatrabaho. "Magbakasyon muna kayo dito sakin, kahit isang linggo lang."
"Sige, kakausapin ko ang Papa mo about that."
Napangiti ako. Ang tagal ko nang gusto na tumira sila sakin dito sa Manila pero ayaw nila. They always told me na ang buhay nila ay nasa probinsya. "Please consider that para lagi tayo magkasama sama."
"E ikaw kamusta ka dyan?" Tanong ni Mama sakin.
Hindi ko pa nasasabi sa kanila about Alex. Wala naman sigurong masama if she is staying with me. Lalo na at napapakinabangan ko sya sa pagluluto nang pagkain for me. Hindi na fast food ang laman ng fridge ko kundi totoong pagkain.
"Mabuti naman po Ma. Abala lang sa taping." Humigpit ang kapit ko sa cellphone. "I'm sorry kung hindi ako nakakatawag madalas."
"Anak..." Sambit ni Mama. "Naiintindihan ka namin ng Papa mo okay, hindi kami nagtatampo o nagdadamdam."
I bit my lower lip. "Thank you."
Marami pa kaming napag-usapan ni Mama about my new movie and the farm. Until we finally said goodbye dahil lumalalim narin ang gabi. Kahit paano ay gumaang na ang pakiramdam ko nang makausap ko sila but i also promise to myself na i will visit them no matter what.
Tumalon ang puso ko sa gulat ng mapansin ko na may katabi na pala ako, si Alex. Hindi ko man lang namalayan na nandito sya. "Paano ka napunta sa tabi ko?"
"Naglakad.." Eto nanaman ang pagkapilosopo nya. "Dinalhan kita nang dessert." At napatingin ako sa lamesa, may carrot cake na mukhang masarap. "Busy ka sa pakikipag-usap sa Mama mo kaya hindi muna ako nang-istorbo."
"Mabuti naman." Pagsang-ayon ko. "Ihanda mo na ang damit natin."
Napatingin si Alex sakin. "Bakit?"
Kinuha ko ang platito at tinikman ang cake. "We are going to Batangas, to my parent's house."
Mag-aalas singko palang ng umaga ay nagbyahe na kami papuntang Batangas. Syempre binitbit namin si Caicai dahil baka mamatay ang pusa sa gutom kung matatagalan kami kina Mama. Ako na ang nagdrive dahil kabisado ko naman ang daan papunta sa bahay namin samantalang humihilkhilik pa si Alex sa passenger seat side. Hinayaan ko lang sya matulog until we arrived at home. Walang kaideya ideya ang parents ko na darating kami ngayon.
"Alex.." Paggising ko sa kanya at tinapik tapik ang balikat nya. "Gising na, nandito na tayo."
Unti-unting bumukas ang mata ni Alex at luminga sa paligid. "Nakatulog pala ako."
Binukasan ko ang pintuan ng kotse at bumaba. Everything is very nostalgic for me. I remember my childhood memories sa bawat pamilyar na bagay na makikita ko. Malamig at mabango parin ang hangin. Hindi katulad sa metro manila puro usok ang malalanghap mo.
Nagdoorbell ako habang abala parin si Alex sa pagkuha nang mga gamit namin sa kotse at kay Caicai. It took awhile before someone opened the gate.
"Supris—" Nabitin na sigaw ni Alex nang takpan ko ang bibig nya.
"Hindi sya si Mama." Pagsaway ko sa kanya.
"Ohh.." Tatawa tawang sambit ni Alex. "I'm sorry, akala ko sya."
Inirapan ko lang sya. Pinagbuksan kami ng kasambahay ng gate. We walked inside the garden and immediately saw my parents sitting near the pool. Walang ingay akong tumayo sa likuran nina Mama at Papa habang nakikinig sa usapan nila.
"Carol is so cute." Mom whispered while looking at my photoalbum.
"Naaalala ko nang bata pa yang si Carol." Nakangiting pag-aalala ni Papa. "Lagi syang umuuwi na may sugat sa tuhod dahil napakalikot at adventurous ng batang yan."
Natawa si Mama. "Look at her now though."
"Sino ba ang mag-aakala na magiging artista sya." Naiiling na salita ni Mama. "Pero syempre sakin sya nagmana—"
Bigla kong inakbayan si Papa at Mama na ikinagulat nila nang sobra. "Kanino ako nagmana?"
They both look at me in disbelief. "Carol!" Sabay nilang sambit sa pangalan ko.
"Suprise Ma at Pa." Buong pagmamahal ko na salita sa kanila. I even gave them a soft kiss in their cheeks. "I miss you two."
After few minutes of kamustahan at medyo iyakan ay kumalma na kaming tatlo. Hindi talaga sila makapaniwala na nandito ako. It makes me feel bad dahil alam ko na malungkot sila kapag wala ako. Kaya i will try all my best para makadalaw sa kanila madalas.
Napatingin si Mama kay Alex na muntik ko nang makalimutan. "She is Alex." Pakilala ko. "She is staying with me."
Agad na nagmano si Alex kina Mama at Papa. "Hello, kamusta po kayo?" Pagbati nya sa parents ko. "Maid—"
"She is my personal assistant." Pagtatama ko. Nagkatinginan sina Mama at Papa. "She cook for me kaya laging on time ako kumain."
Ngumiti si Mama kay Alex. "Thats nice."
"And she can cook so well." Pagmamalaki ko.
I felt her nag at me. "Hindi naman." But i know deep inside ay lumalaki ang ulo nya dahil sa compliment ko. "Konti lang po."
Tumayo si Mama at naglakad paikot kay Alex. "Talaga?" Medyo kinabahan ako. "Let's see if my daughter is telling the truth."