Hindi pa man masyado sumisikat ang araw ay gumising na ako para magjogging. Hindi ko na ginising sina Mama at Papa pati narin si Alex. Gusto kong mapag-isa para makapagisip narin dahil hanggang ngayon hindi mawala sa isip ko ang lahat ng nangyari kagabi. How i really wish it was only a dream, that it wasn't true and never have happened. Sa totoo lang hindi ko maisip kung ano ba ang pumasok sa utak ko para muntikang halikan si Alex. Pero alam nyo ba kung ano yung pinaka nakakainis? Iyon ay parang si Alex pa argabyado at umaayaw sa akin. Hello? Sino ba sya? Ano ba tingin nya sa sarili nya? Hindi ko sya kalevel at lalo nang hindi ako lesbian. Oo. Tama. Hindi ako lesbian. Dahil sa sobrang inis ko sa aking sarili ay napabilis ang takbo ko, hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng mga paa