Chapter 7

2416 Words
"Carol.." Masayang tawag sakin ni Alex habang nanunuod ako nang American horror movie dito sa sala. I looked in her direction, she is feeding the kitten in the kitchen. Ako ang may-ari nang bahay pero wala parin akong nagawa nang iuwi nya ang pusa dito. "Ano kaya ang ipapangalan ko sakanya?" "Don’t tell me pati pangalan ng pusa at poproblemahin ko pa Alex?" Balik na tanong ko sa kanya. "Mingming kaya?" Patuloy na pagkausap ni Alex sa kanyang sarili, binaliwala nya lang ang sinabi ko. Actually, parang hindi talaga maid si Alex dito sa bahay ko dahil malaya syang gawin ang lahat kahit na sabihin ko na hindi pwede. "Kapag sumagot yang pusa sayo, ewan ko nalang." Pagbibiro ko. Well at least nagagawa ko nang magjoke kay Alex and it only means na im now comfortable with her. Natawa sya sabay kindat sakin pero sinuklian ko sya nang pag-irap. "Parang si Doraemon lang." And I honestly don't know who is Doraemon. "Seriously speaking, i need a name." She looked at the kitten who keeps on rubbing her fur to Alex. "Snow? Kuting? Pero masyado nang common ang mga yun e." Biglang kinargan ni Alex ang pusa at walang pakundangang naupo sa tabi ko. "Ano sa tingin mo Carol?" Ang hirap magfocus sa pinanunuod ko dahil sa prisensya ni Alex. Ewan ko ba kung bakit ganito ang effect nya sakin. I always look for her and couldn't stop thinking about this girl. Maybe nagwoworry lang ako na baka may gawin syang hindi maganda because i swear to God, i won't forgive her. "Oh please Alex, don't ask me stupid question." Pagtataray ko habang nakapako ang mata sa TV. "Hey.." Pag-awat ni Alex. She slowly leaned in and i could even feel her breath on my cheek. "It's not stupid because—" Dahan dahan nyang ibinaba ang pusa sa sahig. "Her name would be Caicai." My forehead creased. Para kasing kinuha nya sa pangalan ko ang Caicai. "No.." "Why not? It's a good name." "Basta hindi pwede." Matigas ko na sabi. Ginawa pa akong pusa nang babae na to. Tumakbo ang kuting at sumuot sa ilalim ng lamesa. "Maglakad lakad ka muna Caicai." Salita ni Alex na todo ngiti pa. Napaikot nalang ang mata ko. Wala e. Sya parin ang nasunod. So, bakit pa ako mag-aaksaya nang laway para makipagtalo? Dahil kahit umiyak pa ako nang dugo ay Caicai parin ang magiging pangalan ng pusa. "Teka ano ba yang pinanunuod mo?" "Wag ka na magtanong." This time medyo inis na ako dahil hindi ko na maintindihan ang nangyayari sa movie. "Manuod ka nalang." Like what i said, we drew silence habang nanunuod but still nakikiramdam parin ako kay Alex. Good thing wala akong appointment today kaya todo chill and relax lang ako. I even told Tim not to call me para naman maenjoy ko ang araw na ito. Believe me or not, hindi ako tulad ng mga artista na panay ang party, night out, inom even do drugs. Mas pipiliin ko ang magkulong sa bahay at manuod maghapon ng movies. But there's another thing na unti-unti kong nagugustuhan, yun bang nagpapaexcite sakin sa pag-uwi nang bahay after work. It's not Alex but her cooking. "Paano ka nga pala natuto magluto?" I found myself asking a question na matagal ko naring gustong usisain kay Alex. Hindi agad nakakibo si Alex pero yung mata nya ay sumusubod sa bawat galaw ng character sa movie. "Sa cooking book at YouTube." I tore my eyes and took a glance of her. "Really?" There's a doubt in me. Ang mga pagkain kasi na niluluto nya for me ay makikitalang sa mamahaling restaurant. "Nag-aral ka din ba nang culinary?" “Aalis nga pala ako mamaya." Pag-iiba ni Alex sa usapan and it only made me think na umiiwas sya sa usapan. My eyebrows raised. "Uuwi ka na ba?" Alex shakes her head eagerly. "Oh no. Maggogrocery lang ako dahil ubos na ang stocks." Pinagmasdan ko ang mukha ni Alex. Ang ganda talaga nang mata nya. Nakakahypnotize. "At saan ka naman kukuha nang pera?" Parang naumid ang dila ni Alex at hindi agad nakasagot, hindi rin makatingin ng diretso. "Ah, eh." Hindi sya mapakali sa tabi ko. “May pera naman akong naipon at saka nakakahiya na sayo dahil nagiging pabigat ako." Natawa akong bigla. "At talagang ngayon ka pa nahiya?" Alex just smiled. "Wala naman akong hinihingi na kapalit from you at lalong hindi kita inuobliga na gumastos dito sa bahay." "Pero—" Alex tried to argued but immediately cut her off when i stood up. Dinampot ko ang wallet at susi nang kotse sa lamesa. "Tara na.." "Ha? saan?" Medyo nagulat at naguluhan si Alex habang nakatingala sakin. "Edi sa grocery store." I said it in a duh tone. "I can go to the mall alone Carol, you don't have to—" "Don't argue with me Alex." I warned her while looking at her up and down. "Magbihis ka na." Ayaw ko naman lumabas sya nang bahay na nakapanjama pa. "Maghihintay ako sa labas." Napatayo narin si Alex. "Teka lalabas ka nang ganyan? Baka nakakalimutan mo Carol artista ka." She is right but i know what i was doing. Lumalabas naman ako nang bahay with my disguise especially sa matatao na lugar gaya nang malls. "Alam ko." Naglakad ako papuntang cabinet para kuhain ang nakatago kong shades at blue cap. "I'm not dumb." Ilang minuto na akong naghihintay sa loob ng sasakyan pero wala pa rin si Alex. Bakit ang tanggal nya? Ano pa ba ang ginagawa nang babae yon? Baka traje de boda ang sinuot nya kaya napakatagal. I impatiently turned on the engine of my car at sunod sunod na bumusina. After a moment ay lumabas na si Alex na halos magkandarapa pa sa pagtakbo at pagmamadali. "Pasensya na." Humihingal na paghingi nang pasensya ni Alex nang makapasok na sya sa kotse. "Inilagay ko pa kasi si Caicai sa bathroom, binigyan ng pagkain at tubig." "Akala ko nagtraje de boda ka pa e." Mauubusan talaga ako nang pasensya sa babae na ito. Pinatakbo ko na ang sasakyan at inilabas naman ni Alex ang mahabang papel. "Handang handa ka." Ngumiti si Alex. "Syempre baka makalimutan natin ang mga bibilin." Iniliko ko ang kotse. "Good for two weeks ba yan?" "Oo Carol." Kapag si Alex ang nagbabanggit sa pangalan ko ay parang kinikiliti yung sikmura ko. Ang weird diba? After almost twenty minutes without traffic ay nakarating narin kami sa pinakamalapit na mall. I wear my cap and shades as we went inside. Since it's sunday ay napakadaming tao ang nagkalat, karamihan ay pamilya na ineenjoy para sulitin ang day off ng mga nanay, tatay at walang pasok sa school ng mga anak. I felt guilty ng bigla kong maisip sina Mama at Papa, until now kasi ay hindi ko parin sila nabibisita, o natatawagan man lang. "Hey, okay ka lang?" Curious na tanong sakin ni Alex ng mapansin nya na hindi ako kumikibo at nakatingin lang sa kawalan. I quickly adverted my eyes and focused to Alex's beautiful face. "Yeah." "Are you sure?" Alex looks unconvince. Pero imbis nasagutin sya ay dumaretso ako sa grocery's store. Kuha dito, kuha doon ang naging role ko habang si Alex ay balik dito, balik doon. "Teka bakit mo ba binabalik yung mga nilalagay ko sa cart?" "Wala naman kasi sa listahan yung ibang kinukuha mo." Katwiran ni Alex. Kinuha nya ang isang brand ng pork and beans. "Kagaya nalang nito, im pretty sure na hindi ito magagamit." I crossed my arms. "Eh hindi naman ikaw ang magbabayad ng mga yan." Napakamot ulo sya. "I know pero—" Tumalikod ako at nagpatuloy sa pagkuha nang mga gusto ko. "Ah basta." Tumagal nang mahigit isang oras ang pamimili namin. Naka-isa, dalawa hanggang tatlong cart kami sa dami nang napamili ko. Pero syempre, si Alex ang pagbibitbitin ko. Humingi kami nang tulong sa mga bagger at staff para dalhin ang lahat sa kotse ko kasama si Alex. Samantalang naiwanan ako sa counter para magbayad. "Credit card or cash?" Tanong ng cashier sakin. Kinuha ko ang card at inabot sakanya. I saw Alex na nakikipagtawanan sa mga baggers at staffs. Lahat kinakaibigan nya. For Alex, walang masamang tinapay. "Napakarami mong binili." Reklamo ni Alex. Nagkibit balikat ako. "That's okay, marami tayong stock." Wala sa loob na tinggal ko ang shades at cap na suot ko dahil pinagpapawisan ako kahit napalamig sa store. "Ka-kayo po ba si Carol Lopez?" Biglang tanong ng cashier habang inaabot ang card ko sakin. Nagkatinginan kami ni Alex. Kaya nagmamadali kong ibinalik ang disguise ko. "No, hindi ako yon." "Pero hindi talaga ako pwedeng magkamali Ms. Ikaw si Carol Lopez." Pagpupumilit ng cashier. Hinablot ko ang card ko from her at hinatak si Alex palayo nang counter. Walang lingunan dahil baka may makakilala pa sakin. Ito yung mahirap sa pagiging sikat, hindi ko pwedeng ilantad ang sarili ko sa kahit na saang publikong lugar dahil siguradong kukuyugin nila ako. "Gutom na ako.." Narinig ko na bulong ni Alex. "Kain muna tayo." "Sige." Pagpayag ko dahil kumakalam narin ang sikmura ko. "May alam ka ba?" Alex smiled and held my hand. I felt a spark between our skin. Hindi ko alam kung ako lang ba ang nakakaramdam nito. But still, i didn't recoil from her. Sumunod lang ako kay Alex hanggang sa pumasok kami sa isang kilalang restaurant. Habang tumitingin sa menu ay nagsuggest si Alex kung anong masarap na dish. So ako naman go lang kaya at pumayag sa mga gusto nya. "Oh my.." I breath out habang pinagmamasdan ang pagkain sa harapan ko. Sa itsura palang ng lobsters ay mukhang mapaparami ang kain ko. Dahan dahan kong hiniwa ang malambot na laman ng lobster at dinala ito sa bibig ko. The meat is so tender, it melted in my mouth. "Mmm." Natawa si Alex. "See, it's delicious." "Heaven." Pagsang-ayon ko. Nagpatuloy kami sa pagkain. Galit galit muna at walang kibuan. I want to devour the food and enjoy it. "I'm so full." "I'm not surprised, naubos mo yung lobster e.” Inirapan ko si Alex. "You can't blame me, it's scrumptious." Uminom ako nang red tea. "Paano mo nga pala nalaman ang lugar na ito?" "Oh.." Ngumiti si Alex. "Nagpupunta kami ni Mama dito lagi." Lagi? So you mean, she is not poor. Well, obviously this restaurant is pricey and only rich people can only afford. Gaano ba kayaman itong si Alex? Sumenyas sya sa waiter para kunin ang bill. Pero ang lumapit sa table namin ang manager. "Good afternoon ladies." Pagbati nito samin. "Thank you for dropping by Ms. Lopez. Our pleasure to have you here." Tumingin sya kay Alex, napahinto saglit but after a moment ay ngumiti sya. "Did you enjoy the food? If there's anything i can help you ladies don't hesitate to tell me." "Actually, the food is really good." I told him truthfully. "Especially the lobster." "That's good to hear Ms. Lopez." The manager said sincerely. "We always make sure that our seafood are fresh." Ilalabas ko na sana ang card ko nang bigla akong titigan ni Alex. The kind of look na super nakakatakot, nakakapanghina. "It's on me." She told me bago iabot ang hawak nyang black card sa manager na nagmamadaling umalis. Tahimik kaming lumabas ng restaurant ni Alex at naglakad lakad. Pinakikiramdaman ko sya at alam ko na ganon din sya sakin. Ang daming tanong sa isip ko pero hindi ko naman magawang mag-usisa dahil baka isipin ni Alex na interesado ako sa kanya. Kaya—muntik na akong mapatili nang hatakin ni Alex ang braso ko papasok sa loob ng arcade. "Ay, ano ba Alex." Pilit kong binabawi ang kamay ko from her. "Teka nga, hindi mo ako kailangan kaladkarin." She released my arm. "Sorry." "Muntik na akong madapa sayo e." Sermon ko sa kanya. Papakainin nya nga ako nang mamahalin tapos kakaladkarin naman nya ako. Pero nagtatakbo na sya palapit sa isang basketball arcade machine. Wala na akong nagawa kundi sumunod sa kanya. Naghulog sya nang token na hindi ko alam kung saan nya kinuha. Magic lang? May lumabas na bola, dinampot nya ito at mabilis na nag shoot. Walang sumasablay, lahat pasok. Kung ako siguro ang maglalaro nyan baka kahit isa walang mashoot. Hindi ko napansin na marami na palang tao na nanunuod at nakapaligid sa amin. Karamihan ay lalaki na titig kay Alex. Hindi ko tuloy mapigilang mainis dahil nakakabastos sila kung tumingin, sarap dukutin ng mga mata. "Yes!" Sigaw ni Alex pagkatapos nyang maglaro. Walang sumablay. "Nakita mo yun—" Pero natigilan sya nang makita ang mukha ko. "Okay ka lang?" Teka nga, kailan pa ako naging concern na babae na ito? "Oo." Malamig ko na sagot. Pinagmasdan ko ang mukha ni Alex. Dim light sa lugar na ito pero tila nagliliwanag na parang bituin ang kanyang mata. "Let's go." Luminga linga si Alex sa paligid at natawa nang makita nya ang mga tao. Naglakad kami palayo pero hindi ko sya pinapansin. "Hayaan mo na." "Ang ano?" Patay malisya ko na tanong. "They can only see but can't touch." Namula ang mukha ko. "I don't know what you are saying." There's no way na aaminin ko yung reason ng pagkairita ko kay Alex. Baka kung ano pa ang isipin nya. Palabas na sana kami nang arcade nang makita ko ang stitch na laruan sa loob ng claw machine. As for all you know, im a huge fan of Stitch. Marami akong collection nito na binili ko pa sa iba't ibang bansa. Hinawakan ko ang salamin ng claw machine. "Ang cute ng stitch." "Mahilig ka pala kay stitch." May ngiti sa labi na salita ni Alex. Tumango lang ako. Gusto kong makuha ang laruan. Pwede kayang bayaran nalang ito? "Then let me get it." I was about to say something pero nakapaghulog na si Alex ng token. So, umatras ako nang kaonti para bigyan sya nang space. Medyo nahihirapan nyang makuha ang laruan. Nakakailang coins na sya pero bigo parin kami. "Hayaan mo na." Umiling si Alex. "I can do this." Napahinto ako sa paghinga nang mahagip ng claw ang laruan at dahan dahan itong dinala sa butas. I couldn't believe na magagawa nya nga. "Here's your stitch." Inabot nya sakin ang laruan. "From my blood and sweat." Sino ba ako para hindi maapreciate ang ginawa nyang effort at pagod para makuha lang stitch na ito. Kaya buong galak ko na tinanggap ang laruan from Alex. This maybe a simple thing pero ito rin yung kauna-unahang bagay na binigay nya sakin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD