On time kami nakarating sa lokasyon ng taping ko today. All set na ang mga cameras, busy na ang mga crew, producers at director sa kani-kanilang gawain. Pagkatapos ng maikling pagbati para sa aking pagkapanalo bilang best actress mula sa kasamahan ko sa showbiz ay nagtuloy na kami sa tent na bukod tanging para sakin. Isa to sa mga pribilehiyo na mararanasan mo kapag tinitingala ka na ng mga tao o kahit kapwa mo pa artista. Masarap sa pakiramdam, Oo. Pero syempre hindi ko rin maiwasan na maisip minsan na kaya lang sila lumalapit ay dahil sa estado ko.
"Saan ko ito ilalagay?" Tanong sakin ni Alex.
I couldn't forget her reaction ng pagkadating na pagkadating namin dito sa taping. Halos lumuwa ang mata nya habang nililibot ang paningin sa set. Para syang bata na first time nakarating ng disney land.
Nilingon ko si Alex na hindi magkanda ugaga sa pagbitbit ng mga bag ko na gagamitin today. Pwede naman kasing ihanger nya isa isa. Siguro naman may hanger din kung saan lupalop man sya ng mundo nanggaling.
"Amy.." Pagtawag ko sa staff. "Pakikuha yung mga damit ko kay Alex at pakiayos narin." Nagmamadali namang tumalima si Amy at ginawa ang sinabi ko.
"Thanks." Pasasalamat ni Alex kay Amy.
Naglakad lakad si Alex sa loob ng air-conditioned tent ko. "Ganito pala ang ang artista." I heard her says. While i was busy reading and memorizing the script. "Nag-iisa ka lang at may aircon pa." Humarap sya sakin. "Masaya ba?"
I looked at her in wonder. "Masaya ang ano?"
Tinitigan ako ni Alex. I really hate it when she does that. Ayaw na ayaw ko na tinititigan ako especially her. Hindi ko alam pero parang kaya nyang basahin ang nasa loob ng isip at puso ko. Weird but it's true.
"Maging artista." Finally she replied.
I crossed my legs and leaned back so i can see a better view of Alex. "Well, masaya na mahirap." Pag-amin ko. "Masaya dahil sikat ka at may pera, mahirap dahil marami kang dapat isakripisyo. Unang Una, ang pamilya mo. Gaya ko.." Napahinto ako saglit sa pagsasalita habang nag-iisip. "Malayo ang pamilya ko sakin at minsan lang kami magkita kita. Minsan nga e kahit tawag sa cellphone hindi ko pa magawa dahil sa sobrang busy."
"Time management and priorities." Alex stated with a serious tone. "Kung importante ang pamilya mo sayo, gagawa at gagawa ka nang paraan para makausap at makita sila. Dahil ang kasikatan ay hindi panghabambuhay Carol. At isa pa nasayo nanaman ang lahat kaya bigyan mo rin ng panahon ang sarili at pamilya mo."
I didn't blink while looking at Alex. The look of her face is so sad. Ramdam ko sa bawat letra na sinabi nya ay totoo at galing sa puso. Maraming pa akong tanong pero mas makakabuti na itikom ko nalang aking bibig. Hindi ko rin naman alam kung ano ang sasabihin. Mabuti nalang at dumating ang make-up artist ko na pumutol sa usapan namin ni Alex.
"I’m sorry Carol, traffic." Paghingi nang paumanhin ni Betty. She has been my make up artist for almost three years. Matagal tagal narin ang pinagsamahan namin kaya feel at home na kami sa isa't isa.
"Nothing is new." Biro ko sa kanya. Lagi naman kasi syang late sa trabaho kaya hindi narin ako nagtataka. "At saka alam ko na abala ka sa boylet mo."
"Hindi naman." Pagdedeny ni Betty. Inumpisahan nya na ang pagsusuklay sa buhok ko then spray. "Marami lang akong sideline this week especially last night. Nagservice ako sa isang prominenteng pamilya." Huminto si Betty. "Anyway, who is she?"
Napatingin ako Kay Alex na abala sa pagkilatis sa mga earings ko. "My personal assitant."
"Parang nakita ko na sya pero hindi ko lang alam kung saan at kelan. She looks really familiar.”
"Really?" Nagtataka ko na sambit while watching Alex. "But it's really impossible." It feels like i was convincing myself than Betty. "Ngayon ko lang sya dinala dito."
Sa dami ng tao sa mundo ay hindi imposible na magkaroon tayo nang kamukha. Kaya baka ibang tao ang nakita ni Betty.
"Okay maybe i was wrong." Pag-amin ni Betty. "Sa dami kasi nang tao na nakilala at nakasalamuha ko araw araw ay napaghalo halo na sila sa isip ko."
Gayunpaman, hindi ko maiwasang pagdudahan si Alex. Sino ba talaga sya? Anong klaseng pagkatao meron sya? O anong pamilya ang pinanggalingan nya. Wala naman problema sakin ang estado sa buhay basta marangal pero alam ko naman na walang balak mag open ng topic si Alex about her family even more kaya kailangan ko mag-ingat at wag masyado magtiwala sakanya.
"Cut!" Sigaw ni Direk. "Good job guys. Let's pack up na."
Ilang oras din bago matapos ang shooting ko. Hindi naman ganon kabigat ang eksena pero parang pagod parin ako. Akala nyo ba madali magartista?
Na easy easy lang? Pero ang totoo, isa ito sa pinakamahirap na trabaho. Lahat ng parte ng katawan mo ay puhunan mo at pagmamay ari nang publiko. Kaya dapat maging magandang
ehemplo ka lalo na para sa kabataan. Hindi ka rin pwede magkamali dahil kahit isang pagkakamali lang ay pwedeng matapos ang karir mo.
Agad akong pumasok sa tent and found Alex sleeping. Nakalungaylay ang ulo nya mula sa bangkuan habang natutulog. Pinagkasya nya ang kanyang sarili sa folding chair. Ewan ko ba kung bakit napatitig ako sa mukha ni Alex. She is beautiful kahit pulbos lang ang gamit nya.
Tinapik ko si Alex sa balikat. "Alex." Pero tulog na tulog parin sya. "Wake up." Nilakasan ko ang boses ko para naman magising sya pero wala parin. Kaya sinipa ko nalang ang upuan na tinutulugan nya na muntik nyang ikatumba.
"Nasaan, nasaan ang sunog?" Natataranta tanong ni Alex at palinga linga sa loob ng tent.
I bit my lower lips hard to prevent myself from smiling. "Walang sunog."
Napatigil si Alex na mukhang bumalik sa kanyang tamang huwisyo. "Oohh.." Nakahinga sya nang maluwag. "Gosh, akala ko kung ano na."
Nagpunta ako sa cabinet para iligpit ang gamit. "Kanina pa kita ginigising pero tulog mantika ka parin."
Kakamot kamot sa ulo si Alex. "Sorry, pagod lang ako."
Natawa ako sabay lock sa make up kit. "Pagod? Bakit ano bang ginawa mo?"
Ngumiti si Alex. "Tumulong ako sa pagluluto para sa buong crew kanina habang busy ka naman sa taping mo." Okay that's new. At least valid ang reason nya para mapagod. "Nakakatuwa lang dahil mabait sila sakin."
Tinulungan ako ni Alex magbitbit ng mga gamit ko bago kami lumabas ng tent. Tumayo ang balahibo ko from my head to toes dahil sa lamig ng hangin. Konti nalang rin ang mga tao sa set, karamihan sa kanila ay crew na nagliligpit n mga equipment. Ngunit napahinto ako nang aking makita ang taong papalapit sa direksyon ko.
"Hey Carol!" Tawag ni Bela sakin na may kasama pang pagkaway.
"Ano namang ginagawa mo dito?" Kwestyon ko kay Bela na todo ngiti pa.
She fixed the strap of her bag. "Katatapos ko lang din magtaping malapit lang dito kaya dumaan narin ako." Luminga linga sya. "Katatapos nyo lang din ba?"
Nagkibit balikat ako. "Oo, pauwi na kami."
Nang maglalakad na kami palayo pero tinawag ulit ako ni Bela. "Wait, will you consider a dinner with me?"
Pero nakatunganga lang kami ni Alex sa sinabi ni Bela. Napaatras ako nang bahagya at pinakatitigan ng mabuti si Bela kung totoo ba yung narinig ko, na iniimbitihan nya ako mag dinner? Bakit? Para saan? Birthday ko ba? Tapos na celebration ng pagkapanalo ko.
"Excuse me, I don’t want to be rude." Pagsingit ni Alex. Pareho kaming napatingin ni Bela kay Alex. "Mauna na ako sa kotse, napakabigat ng mga bitbit ko."
I was about to say no when Bela cut me off. "Go, we don’t need you here."
"No.." Pagkontra ko. "Don't go." Napatingin sakin si Alex but im too focus with Bela. "I'm sorry but im tired and i want to rest."
"But.." Bela tried to protest.
"No Bela." Pag-iling ko. "Hindi ko matatanggap ang invitation mo. Una, bakit mo ako aayain for dinner? I mean, we are not even friends and most especially I don’t like you." Straight to the point ako just to make it clear, para hanggat maaga palang alam na ni Bela kung ano lang ang meron kami at kung hanggang saan lang ang kaya kung ipakitungo sakanya. "I hope you understand Bela."
Kitang kita ko sa mukha ni Bela ang pagkadisapoint pero mabilis nya itong naitago, artista talaga sya, mabilis magpalit ng emosyon na pinapakita pero hindi naman ako tanga o manhid para hindi maramdaman ang sakit na naramdaman ni Bela.
"Okay." Her voice is so sad. "It's okay."
Hindi kami nagkikibuan ni Alex sa loob ng sasakyan, pakiwari ko naramdaman nya rin yung sakit na naramdaman ni Bela pero kung hindi ako magiging totoo Kay Bela baka umasa pa sya.
"Anong iniisip mo?" I asked her curiously.
She turned to look at me. "Wala, wala naman." Hindi ako convince sa sagot nya dahil hindi sya yung tipo nang tao na tatahimik lang pero ayaw ko naman pilitin sya kaya tumahimik nalang din ako. "Carol.."
"Mm yeah?" Paghuni ko. Alex is too focus on the road.
She can't afford to take my eyes off the road dahil madilim na at ayaw ko na maaksidente kami. "Are you homophobic?"
Umayos ako nang pagkakaupo sa passenger seat side. "No, im not homophobic." I told her truthfully. "Meron akong mga gay and lesbian friends Alex, mabait silang tao at masayang kasama.”
"Talaga?" She asked with a raised eyebrow. "Pero bakit parang iba ang pakikitungo mo kay Bela? Dahil ba gusto ka nya?"
"Oo.." Mabilis ko na sagot. "Alam ni Bela na hindi ko sya gusto una palang beside.." I took a glanced of her. "I don't see myself with any woman." Biglang napapreno si Alex na sya namang ikina off balance ko at muntik ko pang ikasubsob. "Ano ba Alex!"
"Pasensya na Carol." Paumanhin nya at walang pasabi na bumababa nang sasakyan.
“Teka Alex. Saan ka pupunta?" Pagsigaw ko sa kanya pero tuloy tuloy lang sya. Nakita ko na may dinampot sya sa gilid ng kalsada at saka nagmamadaling bumalik sa loob ng kotse. "Anong nangyari? May nasagasaan ka ba?" Natataranta ko na tanong kay Alex pero hindi nya ako pinapansin. "Ano ba yang hawak mo?"
Hindi na sya sumagot sa tanong ko kundi pinakita nya sakin kung ano ang nasa kanyang kamay. "Suprise!"
Pero muntik na akong mapatalon at nagtitili ako sa takot. "Itapon mo yan!" Galit na utos ko kay Alex pero hindi nya ako iniintindi, tawa lang sya ng tawa. "This is not funny Alex."
"Hindi ko pwedeng itapon itong napakacute na kuting." Katwiran nya habang hinagod hagod ang mabalahibo at maliit na pusa na kulay puti. "At saka gabi na, baka masagasaan sya ng mga sasakyan pag iniwan ko sya dito, hindi ka ba naaawa sakanya?" Pangungunsensya nya at iniharap nya ang kuting sakin na ngumiyaw naman.
"Oh my gosh." I said in disbelief. Hindi ako makapaniwala na nangyayari sakin ito. Una, kumupkop ako nang babae na weirdo na may kulay pulang buhok ngayon naman ay pusa, yung totoo? Ano susunod? Aso? Ibon? Ang malala pa at baka elepante o bayawak.
"See baby, payag na sya." Nakangiti si Alex habang kinakausap ang pusa.
"Excuse me pero wala akong sinabi na payag ako."
Pero tila walang narinig si Alex. She gently placed the kitten sa ibabaw ng hita ko at nagpatuloy na sya pagmamaneho. Hay nako, hindi ko na talaga alam kung ano ang gagawin ko, hanggang kailan ba ako magtitiis?