Chapter 5

1238 Words
Minsan talaga may mga bagay na mahirap unawain, mas lalo na kung ngayon mo lang ito naranasan. I felt my chest is going to explode dahil sa pagkairita at badtrip kay Alex. Bakit ba kasi kailangan pa nyang magpunta sa party, pwede naman syang maghintay sakin sa bahay pagkauwi ko. Kamuntikan pa syang gumawa nang eksena, hindi man lang nya iniisip ang kahihiyan ko at ang sasabihin ng ibang tao. Alex could have ignore Bela's calls pero mas pinairal nya lang talaga ang tigas ng ulo. Kung ako kasi ang tatanungin ay kaya ko namang sakyan at pagtiisinan ang kahambugan ni Bela. "Are you serious na sa langit ang punta natin?" Pang-uusisa ni Alex habang nagdidrive ako. Hindi rin ako kumikibo dahil baka kung ano lang ang masabi ko sa kanya. "Galit ka ba?" Focus lang ako sa daan. "Galit ka ba?" Pagtatanong ulit ni Alex. Pero imbis na sagutin ay mas diniinan ko pa ang pagkakatapak sa gas ng sasakyan at pinaharurot ang kotse na halos ikasigaw ni Alex sa takot. "Woah, slow down!" In my mind, i was laughing and mocking her. This is my revenge for ruining my night. Good thing though na wala nang sasakyan malapit sa village na tinitirahan ko. "Say sorry.." Pang-iinis ko kay Alex. "Ahhh." Tili ni Alex, napakapit sya sa upuan ng bigla kong iliko ang kotse. "Oh my goodness." I saw her turned at my direction. "Dahan dahan naman." I smiled in victory. "Say sorry Alex." "What?" Naguguluhan na tanong nya sakin. "Bakit ako magsosorry?" I put more pressure on the gas. "Ayaw mo?" Nang bumilis lalo ang takbo nang sasakyan ay napatili si Alex. I tried not to smile because of her cuteness. "Fine. Fine. Fine! Sorry. I'm sorry kung ano man yung nagawa ko." With her saying that, unti-unti ko nang binagalan ang takbo nang kotse. "Gusto mo ba akong patayin?" Natawa ako. "Bakit gusto mo ba? Madali naman akong kausap Alex.” Ngunit buntong hininga lang ang sinagot nya sakin. Siguro natakot talaga sya. Well, dapat lang sa kanya yon para kahit paano ay madala itong si Alex sa kakulitan nya. Walang kibuan kami sa byahe pero pinakikiramdaman ko din si Alex. Masyado naman sya nanging seryoso at nakatingin nalang sa labas ng bintana. After few minutes ay nakarating na kami sa bahay. Nauna akong lumabas ng kotse habang kasunod ko si Alex. "Gutom ka ba?" I heard her asked out of the blue. Siguro tapos na syang magtampo sakin. "Ipagluluto kita." Pumasok kami sa loob ng bahay at pabalabag akong naupo sa sofa. Ang sakit ng paa ko sa mahabang pagkakatayo sa party kanina at kahit na gutom ako ay nawalan narin ako nang gana. "No, it's okay." Hinubad ko ang aking heels. "Magpapahinga nalang ako." Tumayo si Alex sa harapan ko. "Are you sure?" Nag-inat inat ako at huminga nang malalim. I felt suddenly tired. "Yeah." I'm not in the mood makipagtalo kay Alex. "Magpahinga ka na, bukas nalang." Tumango si Alex at ngumiti. "Okay sige, mauna ako." Naglakad na sya papunta sa kwarto nya dito sa first floor. "Goodnight." Hindi na ako sumagot. I just sit there and listen to the sound of the insects outside. It's relaxing and give me comforts. Bigla ko tuloy namiss ang probinsya namin sa Batangas pero syempre mas namiss ko sina Mama at Papa. Maybe one of these days ay isuprise visit ko sila and im pretty sure they will be really happy. Naalimpungatan ako dahil sa ingay na nanggagaling mula sa labas ng kwarto ko. Teka, sinong matino na tao ang magpapatugtog ng ke aga aga at super lakas. Eh syempre sino pa ba? Edi yung bruha na may pulang buhok. Mukang gumaganti sya dahil sa ginawa ko kagabi. "Kailan ba ako makakatulog ng maayos." Reklamo ko sabay bangon. Nagsuot muna ako nang robe since im only wearing underwear bago ako lumabas at bumaba. "Alex!" Pero hindi nya akon marinig dahil sa ingay ng musika. "Alex!" Bigla akong napahinto at napanganga nang makita ko si Alex na pawis na pawis habang nagsasayaw. Pero hindi ako magpapadala sa itsura nya kaya agad kong hinugot ang pagkakasaksak ng music system sa outlet. "What do you think you are doing Alex?" Napatigil si Alex at lumingon sakin. "Oh hi Carol. Good morning." "Anong good sa morning kung hindi naman ako makatulog ng maayos dahil sa napakalakas na tugtog mo." Ke aga aga binabadtrip ako nang babae na ito. Pinunasan ni Alex ang mukha nya using the hem of her shirt. I even saw the glimpsed of her v-shape stomach. "Ay pasensya ka na." Ngumiti sya. "Nagzuzumba kasi ako." Tumaas ang kilay ko. "Hindi ako bulag Alex pero sino nagsabi sayo na paki-alamanan mo ang gamit ko?" "Carol..." She took a sighed while looking deeply at me. I was waiting for more words from her. "Nakapagluto na pala ako." I rolled my eyes. "You are good in changing subject." Or maybe she knows na food is my krypton. Naglakad palayo si Alex. "Kinakausap pa kita!" Napangiti lang si Alex at inayos ang table. "Kain na." Pagkaamoy ko sa pagkain ay tila linipad ng hangin ang pag-inis ko. Kaya naupo ako at naglaway sa pagkain na nasa aking harapan. "Nagluto ako ng paella with seafood." It took me a little while to recover. Mukhang napakasarap naman kasi nang pagkain at paella pa. We all know na mahirap lutuin ang dish na yan dahil matrabaho at kailangan ng maraming pasensya. Excited akong kumuha nang pagkain, wala na akong pakialam kung magkamay ako. Napansin ko na nakangiti si Alex habang pinanunuod ako. "Bakit mo ako tinitignan?" "Wala naman." Very formal na sagot ni Alex. "Masarap ka lang panuorin kumain." Bigla akong naself-conscious. Malakas ba akong kumain? Pero mas napunta ang pansin ko sa buhok nya. A question suddenly pop up in my head. "Bakit pula ang buhok mo?" Biglang naging seryoso ang mukha ni Alex. As if i asked a deeper question. Matagal ko narin kasing gustong itanong sa kanya kung bakit pula ang napili nyang ikulay sa kanyang buhok "In three simple words." She started off. "Red is the color of fire, anger and adventure. Naniniwala ako na yang tatlo na yan ang nagrerepresent ng pagkatao ko ngayon." Okay, that's interesting. "Including anger?" Nagtataka ko na tanong. Tumango si Alex. "Yes." I also noticed na nagbago ang expression ng mukha nya, tila ang lalim ng pinaghuhugutan nya. "Sino si Bela?" Pati si Bela ay hindi nya kilala? Ngayon na ako naniniwala na nanggaling si Alex sa ibang planeta o kung hindi ay nakatira sya sa pinakabundok na bahagi nang Pilipinas. Wala sigurong TV sakanila? O hindi sya nagbabasa ng mga newspapers or magazine. Uminom muna ako nang tubig bago sumagot. I feel already full kahit konti palang ang nakakain ko. "Artista din sya gaya ko." Hindi kumukurap si Alex. "Mukhang hindi kayo magkasundo nang Belia na yon." "Bela, not Belia." I corrected her. But she just simply shrugged it off. "Bakit mo sya ganon kausapin?" I know what she is talking about but i try to play it cool. "What do you mean?" "Mm.." Napaisip si Alex. "Kung masungit ka sakin ay mas triple pa ang pagsusungit mo sa kanya." “Well." Dumekwatro ako. "I just don't like Bela right from the start." I told Alex seriously. "Umiiwas lang ako." Agad kong pinutol amg sasabihin nya nang tumayo ako. "Let's go." Tumingala sya sakin. "Ha? Saan?" "You are coming with me Alex."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD