Chapter Eight

2182 Words
"Kainin mo habang mainit para mainitan ang sikmura mo," sabi niya habang pinapanood akong kumain. Ngumiwi ako. Wala ako sa mood magsalita ng madami pero ang daming sinasabi ng kasama ko. "May binili akong heating pad, gamitin mo ha, mamaya kapag hihiga ka na ulit. Dalawang pack ng pads ang binili ko, kumuha na rin ako ng pain reliever, p'wede ka ba uminom ng gamot? Masakit pa rin ba ang ulo mo?" Tiningnan ko siya ng masama. I get that he's worried but he's a bit OA na. Nakikita niyang kumakain ako ng maayos bakit ang dami niyang tinatanong. Ay kung makabilin naman siya ay parang aalis ako ng bansa. "Pwede ba---" "Kumain ka pa," he cut me off. Napanganga ako sa sinabi niya. Paano ako makakakain ng maayos, eh, maya't maya siyang salita ng salita. Tumalim lalo ang tingin ko pero unti-unti ring natawa. I find it funny, him being so over about my current status. "Kakain pa naman talaga ako. Alam kong marami akong utang na loob sa'yo, pero pwede ka ng tumigil magsalita diyan. Kumain ka na nga lang din," natatawa kong sabi sa kanya. "Yung ulo mo, masakit pa?" Hinawakan niya ang noo ko. "Medyo mainit ka pa rin. Magpapakulo ako ng luya at bawang mamaya, inumin mo." "Eeww! Ikaw na ang uminom kung gusto mo." "Ako ba ang may sakit?" "Eh, kung painumin kita ng nilagang sili kapag ikaw ang may sakit." Hindi makapaniwala ang tinging ipinukol niya sa akin. Umiling ito pagkatapos. "Ewan ko sa'yo." Siya na rin ang nagpresinta na maghugas ng mga pinagkainan namin. Masakit pa rin ang puson ko pero tumulong naman ako kahit papaano at nag-ayos ng mesa. Pagkatapos ay umupo na ako sa sofa na nasa living area habang hinihintay siyang matapos sa ginagawa. The next morning, nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa aking mukha. Huh? Bakit ang taas na ng araw? Sakto namang tumunog ang phone ko senyales na may tumatawag. Sinagot ko iyon dahil dalawang tao lang naman ang posibleng tumawag sa akin ng ganito kaaga. My mom or Vince. At hindi nga ako nagkamali. (Hindi naka-lock yung apartment ko. Nagluto ako ng champurado roon, ipainit mo na lang ulit. Kumusta tulog mo?) "Bakit?" lutang na tanong ko. "Umalis ka na?" (Malamang! Nine o'clock na, madam, kalahati na naman na araw ang lilipas.) I groaned. Pinasingkit ko ang mga mata para makita ng maayos ang oras na nakalagay sa phone. It's five minutes before nine. Wala pa namang nine-- Wait, what? Bumangon ako agad at naramdaman ang kaunting kirot sa puson ko pero hindi naman na malala. Manageable na siya na kung tutuusin ay pwede na ako pumasok pero dahil nandito na lang din at ayaw ko naman pumunta sa school ay susulit-sulitin ko na. Hindi na ako nakapagpaalam kay Vince dahil napindot ko ang end call button sa sobrang gulat nang makita ang oras. Ganoon katagal ang tulog ko? Seriously? Naligo ako at nag-ayos bago lumipat sa kabilang bahay para kumain ng breakfast. Hindi nga nag-lock ang loko. Habang pinapainit ang champurado na tinutukoy niya ay nag-ikot-ikot muna ako sa apartment niya. Seriously, wala ka talagang mapupuna sa taong iyon. Ang linis din sa mga gamit, eh. Marunong magluto, lahat na. Hindi ko maiwasang hindi mapangiti habang kumakain ng niluto niya. The guy is really caring. Mapapa-sana all ang lahat dahil may bestfriend akong kagaya niya. At sobrang nakaka-amaze lang na sabay kaming nagpa-enroll noon tapos biglang magkapitbahay pa kami. Destined, huh. Magseselos ang magiging girlfriend no'n in the future panigurado. Pero ako mismo ang magsasabi sa kanya kung gaano siya kaswerte kung siya ang mamahalin ng kaibigan ko. Pagkatapos kong kumain ay hinugasan ko ang pinagkainan at tumambay sa apartment ni Vince. Nanood ako ng movie sa sala habang hinihintay siya. "Gising ka na?" sabi ng isang boses matapos kong magmulat ng mata. Nagsalubong ang kilay ko habang iniisip kung nasaan ako at biglang nanlaki ang mga mata nang maalala na nasa kabilang bahay nga pala ako. Nakanganga kong tiningnan si Vince, nakasuot ito ng pulang apron habang nakadungaw sa akin. Ngumiti siya, yung ngiti na normal niya namang suot pero hindi ko alam kung bakit bigla akong natulala sa mukha niya. Siguro dahil sobrang lapit niya sa akin. Ni hindi ko namamalayang nahihigit ko na pala ang sariling hininga. Saka lang ako nakahinga nang maluwag nang tumayo ito ng maayos. "Nagluto na ako ng pananghalian natin." I gave him a weird look. Sinilip ko ang digital clock niya sa may wall at nakita na past twelve na. Pero hindi ko alam na uuwi siya. "Bakit hindi ka na lang sa school kumain?" Nagkibit siya ng balikat. "Wala akong kasabay roon. Ano ako, loner?" Idinampi niya ang palad sa noo ko. "May sakit ka pa ba? O may masakit pa ba sa'yo?" Umiling ako. "Yung puson ko na lang pero hindi na sobrang sakit." "Ginamit mo yung hot compress?" "Hindi na iyon kailangan." "Pero nakatulog ka naman ng maayos?" "Oo. Nasaan na ba yung pagkain, ang dami mong tanong, masahol ka pa sa interviewer." He smiled again. He patted my head like how an adult does on a kid. Tinabig ko ang kamay niya pero humalakhak lang ito. Ano bang nakain nitong tao na ito? Parang ang saya niya na ewan. Tumayo na ako at nauna nang naglakad patungo sa dining area niya. Nakahanda na nga roon ang pagkain at naaamoy ko na ang pork and beans na niluto niya. Umupo na ako at hindi rin naman nagtagal ay umupo na rin siya sa katapat kong upuan. "Ehem, coke sana," parinig ko. "Ehem, bawal malamig sa'yo." Ngumuso ako. Pagkatapos ay pinanood ko siyang maglagay ng pagkain sa pinggan ko at kinuha ang pitsel na may lamang tubig. I shrugged. Now that I'm a bit emotional, I notice every single thing that he's doing for me. He's always caring in his own little ways. Damn, bakit ba ganito ang mga naiisip ko ngayon? I guess I'm the weird one here. Nang sumunod na araw ay nagamit ko pa ang excuse ko dahil sa period pero hindi ko na iyon nagawa nang mag Friday na. Suot ang black cap na nahanap ko sa cabinet ko kanina ay pumasok ako ng school. Ang taas ng sikat ng araw kaya naisipan ko mag-cap, wala naman sigurong sisita lalo na at busy ang lahat. Ngayon ang huling araw ng foundation week, mamayang hapon gaganapin ang mga pag-a-award sa mga nanalo at mamaya na rin ang closing program. Wala akong balak magpagabi, si Vince siguro oo dahil tiyak na hahanapin siya ng mga prof. "Oopss, sorry!" Tumakbo ito palayo na parang walang nangyari. Masakit ang pagkabangga sa akin nung babae pero wala naman akong magagawa. Alangan habulin ko pa at magrambulan kami, like duh. Hindi ko mahanap si Vince, nauna kasi itong pumasok dahil kailangan daw siya ng maaga rito. Umupo na lang muna ako sa may bench malapit sa gym at walang ganang pinanood ang mga estudyante na tuwang-tuwa dahil walang klase. Humikab ako ng dalawang beses at napagpasyang maglakad-lakad na lang. Hindi naman ako nahihiya maglakad mag-isa kahit puro magbabarkada ang mga nakakasalubong ko. "Coreen!" Nilingon ko si Hiro. May mga kasama ito pero may binulong siya sa katabi niya bago lumapit sa akin. Ngumiti naman ako at kumaway. "Uy, kumusta?" "Ikaw ang kumusta, ilang araw kitang hindi nakita, ah? Wala yata yung bodyguard mo ngayon?" Tumawa ako at pabiro siyang inirapan. "Baliw! Bodyguard ka diyan." "Bored ka na naman, ano?" I shrugged. "Ano pa nga ba?" Nagsimula na akong maglakad at sumabay siya sa akin. Wala na gaanong tao sa parteng ito ng school dahil abala sila lahat sa gymnasium o kaya sa malawak na field doon kung saan ginagawa ang kung ano-anong activities. Naroon din kasi ang mga booths kaya karamihan ay nakatambay roon. "Well, you're not Coreen if you're enjoying the program," sabi niya at tinapos iyon ng isang matamis na ngiti. "Anong plano after exam?" "Kayo ba? Eh, kung mag-aral ka na lang kaya ng mabuti dahil ga-graduate ka na next year." "Sinusulit ko lang ang college life ko," palusot ng mga taong tamad lang talaga mag-aral. Ngumiwi ako. "Huwag ako, Hiro." "At ano? Talagang pasikreto pa rin tayo mag-usap kahit maghihiwalay na?" Nagkatinginan kami ni Hiro at sabay na napatigil sa paglalakad nang marinig ang sigaw na iyon ng isang babae. Dinungaw namin iyon at nakita ang isang babae at lalaki na nag-uusap. Naka-jersey uniform ang lalaki ng school namin at ang babae naman ay naka-jeans at white off-shoulder tops. Wait... Familiar yung girl. "Siya yung top one ng educ department," ani Hiro na parang naririnig kung ano ang laman ng isipan ko. "Umamin iyan kay Vince last year, 'di ba? Hindi mo maalala?" "Sshh!" sabi ko sa kanya at inilagay ang hintuturo sa labi bago ibinalik ang tingin sa dalawa. I remember her now. Her name is Yolanda, matalino siya at maganda kahit naka-glasses. But there's something so off about her o feeling ko lang dahil madalas akong sungitan ng babaeng ito kapag nagsasalubong ang landas namin. She hates me, obviously because of Vince. Binasted kasi ito ng loko. Well, bigla ba naman kasing umamin na may gusto siya kay Vince, magkasama kami noong time na iyon. Vince turned her down in the most generous way. Pero masama yata ang loob niya. "Ayun na nga, 'di ba? Balak mo na rin naman tapusin ito kaya bakit pa kailangang malaman ng iba?" sabi nung lalaki. "W-wow?" Her voice broke but she managed to send a sarcastic line. "Wow, ganoon na lang iyon? Ang kapal ng mukha mong gago ka." "Ako pa ngayon? Hindi ba ikaw naman ang hindi pa nakakamove-on sa Vince ng engineering department na iyon?" Natigilan ako nang mabanggit nila ang pangalan ni Vince, at bakit pati ang mokong ay nadamay rito? "Bodyguard mo yata yung pinag-aawayan nila," bulong ni Hiro. Siniko ko siya at pinandilatan. Ang lakas kasi niya magsalita kahit na bulong lang. "Bakit? Akala mo ba hindi ko alam na kaya mo gusto isekreto lahat ito ay dahil may nililigawan ka na kaklase mo? Tangina, nagpatay malisya lang ako pero ganito? Ganyan ba talaga kayong mga lalaki ha?" "Ano bang sinasabi mo?" bakas ang iritasyon sa boses ng lalaki. Base sa reaksyon niya ay tila wala naman siyang pakielam sa nararamdaman ni Yolanda. I felt sad for her. No one deserves to be treated this way. Not even when she's mean. Nakita ko kung paano siya nagpunas ng mga luha sa kanyang mga mata. She cried, too, when Vince turned her down pero iba ngayon. Siguro dahil mahal niya ang lalaking kaharap, hindi lang simpleng paghanga. At isa pa, nagkasama sila ng matagal. She probably felt betrayed. Dumagdag lalo ang iritasyon ko sa mga lalaking manloloko. Tumaas ang porsyento ng trust issue ko sa mga lalaki, kung mataas na noon, hindi ko alam na may itataas pa pala. Naalala ko bigla si mommy... "Sagutin ko lang itong tawag, Coreen," paalam ni Hiro. Hindi ko na ito pinansin pa dahil abala ako sa pakikinig sa dalawa. Wala naman akong plano makiusyoso pa lalo ang kaso ay hindi ko rin magawang umalis sa kinatatayuan ko. "You know what?" she uttered after drying her tears away. "Sana hindi na lang kita nakilala. You're the worse person I've ever met." "Alam mo na ang dahilan ng lahat ng ito ay dahil masyado kang mapanghinala at clingy, 'wag kang gumawa ng issue." "Wow? Wow, ha? Sinong gagong boyfriend ang chat ng chat araw-araw sa kaklase niyang babae kahit hindi naman school related? Gago ka ba?" "Alam mo ang dami mong sinasabi. Maghiwalay na lang tayo--" Paakk! Ouch! She slapped him. Malakas at alam kong masakit. Maski ako ay nasaktan kahit nakatingin lang dahil grabe yung impact ng sampal niya. Nag-walk out si Yolanda at hindi ako agad nakapagtago. Huminto ito sa harap ko, bahagyang nanlalaki ang mga matang halatang galing sa pag-iyak. "What the fvck are you doing here?" bakas ang iritasyon at inis sa kanyang boses. "Masaya ba? Masaya bang nakikita akong ganito? Now what? Ipagkakalat mo?" My brows met halfway. "I'm not interested with your affairs." "Talaga? Kaya pala nandito ka at nakikinig? Huwag ka ngang feeling anghel. Bida-bida ka talaga kahit kailan." Napanganga ako sa sinabi niya. Aba! Sinaktan siya ng boyfriend niya pero parang ako ang may kasalanan. Bakit sa akin niya binubunton ang galit niya? "Ewan ko sa'yo," sabi ko at umambang lalagpasan siya nang hawakan niya ang braso ko at mahigpit akong hinawakan. Bumaon ang matutulis niyang kuko sa akin. "As if naman hindi ko alam na siniraan mo ako kay Vince noon," aniya. "You're nothing but a flirt, Coreen, hindi mo kailangang magpanggap sa harap ko na parang hindi ka nagpapanggap na kaibigan ni Vince." Mas lalo akong hindi nakapagsalita. Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang mga sinasabi niya. Was it true, though? Yung sinabi ng boyfriend niya, I mean her ex? Na baka hanggang ngayon ay si Vince pa rin ang gusto niya? Nagkamali nga ba ako ng pagbasa sa reaksyon niya? She sounded so insecure and jealous and mad. "Bitiwan mo siya."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD