Sabay kaming napatingin ni Yolanda sa kararating na si Vince. Nagulat ang kasama ko at agad akong binitawan, pero hindi naman no'n agad natanggal ang sakit sa paghawak niya sa akin. Again, in the middle of a trouble. Tss! Kailan ba mababago ang destiny ko? Minsan talaga mas okay na lang din na malayo ako sa mga tao, eh.
Or ako nga ba? O sadyang hindi lang ako gusto ng mga nasa paligid ko?
Sabagay. Even my parents made me without love between them at all.
"Pwede namang ayusin ang gulo ng hindi nagkakasakitan," sabi ni Vince na nananatiling kalmado ang boses. Sometimes I fancy how he remains so calm despite of everything that is happening.
Pinagtaasan lang ako ng kilay ni Yolanda at saka umirap. Funny. Ang mga nerds sa libro ay mahiyain at mabait, the usual protagonist, pero itong kaharap ko ay ni hindi mo kakikitaan ng pagsisisi sa nagawa niya. Ganyan ba siya talaga o dahil lang hindi maganda ang mga nauna naming pagkikita?
"Pakisabi sa magaling mong kaibigan, lumugar siya, hindi yung kung saan-saan siya nakikiepal," nanggigigil na sabi ni Yolanda na ang mata'y umaapoy at nakapirmi sa akin.
"Anong meron dito?"
Walang pumansin sa kararating na si Hiro. Ako lang ang sumulyap dito ng ilang segundo at napansin na hawak niya pa rin ang phone at mukhang katatapos lang ng ginawa niya. Lito siyang tumingin sa akin pagkatapos ay kay Yolanda at saka naman kay Vince.
"Trouble alert?" tanong niya sa tonong sanay na sanay na.
I smirked and shrugged. "Well..."
"Huwag niyo sasabihing pareho niyong kakampihan 'yang babaeng iyan?" ani Yolanda ulit. Hindi ko maintindihan kung ano ba ang ipinaglalaban niya.
"Ano ba ang nangyayari rito?" tanong ni Hiro. "Ano ba ang ginawa sa'yo ni Coreen?"
Matapang na sinalubong ni Yolanda ang tingin ni Hiro, tila ba hindi siya magpapatinag sa kahit na ano, pagkatapos ay humalukipkip siya bago nagsalita.
"May kausap ako at importante ang pinag-uusapan namin at itong babaeng ito," aniya at dinuro pa ako. Kumulo ang dugo ko sa ginawa niya at binalak tampalin ang kanyang kamay pero nagawa na iyon ni Vince bago ko pa man magawa. Umismid naman si Yolanda at nagpatuloy, "well, nakikiusyoso lang naman siya," sarcastic ang pagkakasabi niya roon.
"Why are you here anyway?" bulong ni Vince sa akin. "Nag-text ka sana sa akin."
"Actually, Miss," napatingin kami lahat kay Hiro, "hindi naman sa nangingielam o nakikichismis--"
"Ah, talaga? Ano ba ang pinapakain sa inyo ng babaeng ito at todo tanggol kayo lahat? Can't you see, siya ang may kasalanan dito!"
Halos patayin na ako sa titig ni Yolanda matapos sabihin ang mga salitang iyon kay Hiro. Kinagat ko ang ibabang labi at nagbuga ng hininga. This is nonsense. Walang patutunguhan ang pag-uusap na ito. As if naman ginusto kong makinig sa issue niya sa buhay.
Hindi nagsalita si Vince at si Hiro naman ay nagpipigil ng inis. Of course, she dared to talk to Hiro with her high-pitched voice. Sa ugali ba naman ni Hiro ay tiyak na maiinis ito, maski nga ako, eh.
"Magkasama kami ni Coreen kanina at napahinto kami dahil sa sigaw mo. Kung ayaw mo pala ng may nakikinig sa inyo, eh 'di sana ay hindi kayo sa publikong lugar nag-usap o 'di kaya ay hindi ka sana sumisigaw. Ilugar mo naman ang ugali mo, Miss, kaya ka iniiwan."
Halos lumuwa ang mata ko sa tinuran ni Hiro lalo na sa huling mga salitang binitawan niya. Napatanga naman si Yolanda at hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman, kung matatawa ba ako, maaawa, maiinis...
His words, of course, made her feel embarrassed and so am I. Kaya naiintindihan ko nang mag-walk out ito na walang sinasabi.
Hinampas ko si Hiro pagkatapos.
"You don't have to be so harsh," sabi ko.
"Nakakapikon, eh," sambit nito.
"Teka, magkasama kayo?" ani Vince na walang kaalam-alam sa mga nangyayari.
"At ikaw," ani Hiro kay Vince, "SSC president ka kaya dapat hindi ka one sided."
"Hindi naman, ah?"
"Ah, kaya pala laging si Coreen lang pinagtatanggol mo."
"Hindi ganoon iyon--"
"Sus! Oh, sige, una na ako, bahala na kayo diyan."
I rolled my eyes at Hiro's back while he's walking away from us.
Tinanong ni Vince ang nangyari at sinalaysay ko naman sa kanya lahat. Isinali ko na, s'yempre, yung part ng pag-aaway ni Yolanda at ng ex-boyfriend niya, tinanggal ko nga lang ang parte na parang sinisisi nung ex ni Yolanda si Vince.
"Alam mo, 'wag ka na nga lang lumayo sa tabi ko. Palagi na lang ganito ang nangyayari kapag wala ako," sabi niya.
I find his words comforting at the same time, insulting.
"Hindi ko naman kasalanan iyon, ano!"
"Oo nga pero hindi ko rin ma-gets kung bakit lapitin ka masyado ng gulo."
"I guess, I'm the world's least favorite."
He patted my head like I'm some sort of a kid. Pagkatapos ay komportable niyang idinantay ang braso sa akin, in short ay umakbay.
"You're my most favorite though," sabi niya sa mahinang tinig.
Pabiro ko siyang siniko. "Ang corny mo ha!"
Humalakhak siya at saka na ako hinila paalis doon.
Kahit na ganoon ang nangyari ay natapos pa rin naman ang linggo ko na maayos. Bumalik na ulit sa normal ang lahat sa school. Back to exam, quizzes, projects, recitations, and boring lectures na ulit.
Katulad ngayon, a week after the foundation, ibinigay na ang final requirement sa amin.
"Mamili kayo ng partner sa architecture department, by partner ang project na gagawin niyo, which is magde-design kayo ng building. As an engineer, kailangan niyo i-assess ang materials and cost ng building na iyon. By partner, dapat ay unique ang design, imagine having this as your own real project. Deadline would be on december, at kapag magaganda ang mga nagawa niyo at hindi basta may maipasa lang ay ito na rin ang magsisilbing final exam niyo sa semester na ito."
Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman, matutuwa ba ako o hindi? Like, well, it's hard. Isa pa, wala naman akong ka-close na architecture student. Argh!
"Ma'am kami na ba mismo ang mamimili ng partner?" tanong ng kaklase ko na halatang problemado rin sa gagawin.
Some are happy, may mga friends kasi sila sa department na iyon. Some are obviously annoyed, hindi ko nga lang alam kung dahil ba sa gagawin o dahil wala silang kilala sa kabila.
Sumandal ako nang kaunti kay Vince na siyang katabi ko ngayon. "May partner ka na?"
"Kasasabi lang, malamang wala pa."
Ngumuso ako. "I mean, may naiisip ka na ba na partner?"
"Wala pa. Hindi ko pa alam."
Tumingin na akong muli sa harapan nang magsalita ulit yung prof.
"Yes, kayo na ang mamimili. Walang mawawalan ng partner dahil pareho naman kayo ng bilang ng mga estudyante. Pakihanap na lang ako sa office kung may mga katanungan kayo tungkol dito. Pwede niyo na simulan, next meeting ko ibibigay ang mga detalye kung paano niyo ipapasa at kung saan ilalagay."
Parang nawalan kami ng lakas nang lumabas sa classroom. What do I do now? Kung engineer to engineer p'wede pa, kaso sa kabilang department? Aish!
Buong weekend ko yata pinroblema iyon. Ayaw ko ma-stress pero hindi ko rin alam kung ano rin ba ang dapat kong gawin. This is so annoying!
Humilata lang ako sa kama maghapon. Si Vince ay wala sa apartment niya at umuwi sa kanila kaya mas lalo akong na-bore dito.
Kaya nang mag-linggo ay naisipan ko na lang lumabas at pumuntang bookstore. Hindi ko sigurado kung ano ba ang bibilhin ko roon pero wala lang, wala rin naman akong gustong bilhin sa ibang store kaya doon na lang.
Kakaunti lang ang tao sa bookstore, as usual. Karamihan ng tao ay nasa department store, nasa mga branded na boutique. But that's better, I'm not a fan of crowded places anyway.
Kinuha ko ang isang pamilyar na libro na nakita ko sa shelf. Bagong release lang ito ng isa sa mga paborito kong author, it's quite expensive though, dahil limited edition.
"Coreen?"
Napalingon ako sa lalaking tumabi sa akin at tinawag ang pangalan ko. He looked a little bit familiar but I know clearly that I don't know him.
"Yes?" sabi ko at nagtaas ng kilay. Hindi ko naman balak magsungit o magtaray, normal na yata sa akin na nagtataas ng kilay. Bahala siya kung masungitan siya sa akin.
"Hi, schoolmate tayo, I'm Bryan."
Tumango ako. "I see."
Ibinalik ko ang atensyon sa libro at hindi na siya pinansin pa.
"Favorite author mo iyan? Bagong libro niya iyan, 'di ba?"
"Yup," sagot ko.
"Bibilhin mo?"
I shrugged. "Pinag-iisipan ko pa."
"Nagco-collect ka ng books?"
Pinagkunutan ko siya ng noo. Bakit ba ang dami niyang tinatanong at sinasabi?
Pumikit ako at huminga nang malalim. "No."
"Ah, pero mahilig ka magbasa?"
"Ini-interview mo ba ako?"
Natawa ito sa halip na mainsulto sa tono ng boses ko. "Sorry," anito. "By the way, engineering student ka, 'di ba? May partner ka na doon sa project about sa gagawa ng building design?"
"Why are you asking?" Pagkatapos kong itanong iyon ay bahagya akong nagtaka kung paano niya nalaman ang project na iyon. At lalong nanlaki ang mga mata ko nang ma-realize na posibleng...
"Architecture student ako, naghahanap kasi ako ng partner doon."
Literal na nabawasan ang mabigat na nakadagan sa dibdib ko at napangiti ng wala sa oras.
"Wala pa akong partner. Tayong dalawa na lang kung gusto mo."
"Talaga?" he excitedly uttered. "Sure, sure. Ayos lang ba na makuha ang number mo?"
Nag-alangan pa ako ng ilang segundo at ibinigay rin naman ang numero sa kanya. Well, at least nabawasan ang iniisip ko. It's a good thing I went out today.
"Kumain ka na?" Nagulat ako sa tanong niya. "Tara, kain tayo, libre ko."
Agad akong tumanggi. Hindi ako nagpunta rito para maghanap ng kasama. Gusto kong mapag-isa. Ngumiti naman ito at maluwag ang loob na umalis at ako ay nagpatuloy sa pagtingin-tingin sa loob ng bookstore. I ended up buying a set of materials used for painting. Matagal-tagal na rin mula noong huli akong nagpinta at gusto kong balikan iyon ngayon.
"Lumabas ka?" Kinuha ni Vince ang mga dala kong plastic pagkababa ng taxi. Nasa labas siya kanina at nagwawalis, wala rin sigurong magawa. Hindi ko alam na nakauwi na pala siya.
"Obvious ba?" Dire-diretso ako sa pagpasok sa apartment at sumunod naman siya dala ang mga pinamili ko. Bumili rin ako ng ilang meryenda para sulit naman ang pamasahe ko.
Pagod akong umupo sa upuan sa may dining area habang si Vince naman ay tinitingnan ang mga pinamili ko. Ang ilan ay inilagay niya na sa cabinet at ang iba ay sa ref. I smirked. People would probably think we are living together. Kawawa naman ang magiging future girlfriend niya 'pag nagkataon.
"Sa susunod na uuwi ka sa inyo ay sumabay ka na sa akin," anito. "Ibababa na lang kita sa may bus station kung saan kita nakita noon."
Humikab ako at hinilot ang sintido. "Kumakain ka na?"
"Hindi pa," mabilis niyang sagot. "May pagkain ka?"
"Wala." Tumayo ako. "Magluto ka. Tawagin mo ako kapag ready na, nagugutom na rin ako. Idlip lang ako sandali."
Pinigilan kong matawa sa reaksyon niya. Masama ang ginawa niyang pagtitig sa akin at sa huli ay bumuntong-hininga at walang nagawa. Isinenyas niya ang kamay niya para paalisin ako roon. What a jerk!
Inirapan ko siya bago tinalikuran at nakadalawang hakbang pa lang ay tuluyan ng kumawala ang ngiti sa mga labi ko. Sometimes I wonder what I'd do without that guy.
Hindi ako ma-social media na tao, I'd rather spend my time sleeping or reading, kaya hindi ko na rin iyon s-in-uggest kay Bryan kanin, my new project partner. Sana lang talaga ay hindi ko pagsisihan na siya ang ginawa kong partner. I don't mind kung hindi siya matalino basta ang mahala hindi pangit ang karakter niya. And I hope na sana ay wala siyang girlfriend. Baka tuluyan ng malagas ang lahat ng hibla ng buhok ko sa pananabunot ng kung sino-sino. Buti sana kung totoong inagawan.
Haist! I ended up sleeping soundly that time. Nagising lang ako sa mahihinang tapik ni Vince sa balikat ko.
"Hindi na mainit yung meryenda, madam," sabi nito nang mapansin na gising na ako. "Dalian mo at ilibre mo ako ng softdrinks."
Pupungay-pungay ang mata na bumangon ako. Nauna na siyang lumabas ng kwarto at saka ako sumunod. Agad nawala ang antok at napalitan ng gutom ng maamoy ko ang niluto niya. Excited akong umupo at binuksan ang takip nang...
"Hep! Bumili ka muna ng inumin natin." Tinapik niya ang kamay ko. Agad ko siyang inambaan ng sapak na hindi ko naman tinuloy.
"May tubig diyan, mas healthy iyon."
"Wow, ha?"
Umismid ako at tumayo rin naman para sundin siya. Nakakahiya naman, siya na nga ang nagluto. Tinignan ko pa siya ng masama bago pumanhik ng kwarto upang kumuha ng pera.
Why is that guy even inside my house?
Nevermind. Nagugutom na talaga ako.