Chapter One
Coreen Sanchez's POV
"Seryosong bagay ito, Coreen! Anong tingin mo sa sarili mo, bata? Seriously?"
Pairap akong tumingin sa tinutukoy niya. Bakit ba bintang ng bintang ang teacher na ito sa akin? Obvious na obvious na mainit ang dugo nito sa akin.
"I told you I didn't do it," kalmadong sagot ko habang magka-krus ang dalawang braso.
Lalong namula ang buong mukha nito sa galit. "At talagang ide-deny mo pa? Eh, ikaw nga ang nakita rito. Sino namang maniniwala sa'yo na hindi ikaw ang gumawa, ha?"
Damn those stupid teenagers. Totoong nandito ako kanina but duh, hindi naman ako tumulong sa kanila. Pinanood ko lang sila dahil mukhang masaya. Saka bakit ba sila nagagalit, eh, kung tutuusin nilagyan lang naman ng mga bata ng art ang pader? Sila ang may problema kung ganoon.
"Paniwalaan niyo po ang gusto ninyong paniwalaan pero hindi ako ang may gawa niyan."
Buti na lang talaga at hindi ko na siya professor ngayon kung hindi ay malalagot ako sa pagsagot-sagot sa kanya. She's my professor way back in first year and swear, ang init ng ulo sa akin nito dahil madalas akong nali-link sa kung ano-anong problema. Aba! Maski nga wala akong kinalaman sa akin sinisisi.
"May ebidensya ka ba na hindi ikaw ang may gawa?"
"You have no evidence that I did it, too, anyway."
"Aba't--"
"Anong problema, Ma'am?"
Tumingin ako sa bagong dating pagkatapos ay ibinalik ang tingin sa teacher na nasa harap. Nag-iba ang reaksyon niya, nabawasan ang galit. See? Kung ako paborito niyang pagalitan, ito namang lalaking bagong dating ay paborito niya na literal.
Ngumiwi ako dahil medyo naiirita na.
"Itong si Miss Sanchez ay may ginawa na namang hindi kaaya-aya."
"Hindi nga po ako ang may gawa--" Vince held my hand to stop me from talking. Hindi siya tumingin sa akin at diretso lang ang tingin sa guro. Napairap ako ulit.
I probably looked like a pathetic childish college student now.
"Ano po ba ang ginawa niya?" tanong ni Vince.
Kinuha ko ang kamay sa kanya saka nakangiting itinuro ang magandang vandal sa pader. "It's pretty, right? Pero mas maganda iyan kung ako nga ang gumawa."
"Sanchez!" sigaw nung teacher. Napaatras ako sa lakas ng boses niya. A vein popped out in her neck, halatang-halata na mapupugtas na ang pasensya niyang natitira.
Aba! Ako rin, noh! Wala naman akong ginagawa pero bintang siya ng bintang. Bakit naman ako matatakot ma-guidance kung alam ko naman sa sarili ko na inosente ako?
"Huwag mo na kasing galitin," sita sa akin ni Vince kaya lihim akong napangisi. Pinanlakihan ako nito ng mata kaya napipilitan akong tumango na lang.
"May CCTV sa banda roon," tinuro ni Vince ang camera na medyo malapit ang pwesto sa naturang pader na nalagyan ng paint. "I-check na lang po muna natin, Ma'am, para makita kung sino talaga ang may kasalanan."
The teacher glared at me. "Kapag nalaman kong ikaw talaga ang may kagagawan nito, Sanchez..." aniya saka tumalikod at nauna ng maglakad sa amin.
Tumingin si Vince sa akin samantalang ako ay napangiwi at umirap. "Tss. Palibhasa--"
Tinakpan ni Vince ang bibig ko gamit ang kamay. "Halika na, 'wag mo na dagdagan ang kasalanan mo." Hinawakan niya ang palapulsuhan ko saka hinila patungo sa CCTV room.
It took us another five minutes to go there. Panay ang tingin ko sa relo na nasa left wrist ko. Damn. Male-late pa ako ng uwi rito, ang dami ko pa namang kailangang gawin. Kukunin ko pa ang mga damit ko sa laundry shop at balak kong mag-grocery rin dahil wala na rin akong stock.
Yeah, so much for a Monday.
"Time, ma'am?" tanong nung lalaki na nakabantay sa CCTV room. Sinabi naman ni Ma'am Rina, yung teacher na masungit, yung oras na bago siya dumating sa mismong site.
"Ano ba kasing ginagawa mo roon?" tanong ni Vince. I know he believes what I'm saying. "Sabi ko hintayin mo ako."
"Yeah, I'm waiting nga."
"Bakit doon?"
"Bakit hindi roon?"
Natatawa siyang umiling. "Minsan talaga nage-gets ko rin kung bakit ka napagbibintangan, eh. Ayusin mo kasi sagot mo."
Sabay-sabay kaming tumitig sa screen habang pine-play ang nangyari kanina. May grupo ng magbabarkada na may mga dalang spray paint ang pumasok sa side na iyon kung saan nahagip ng camera. And the next thing that happened is that they put paints all over the place. Hindi ako kita sa camera pero nasa gilid ako nung time na iyon at nanonood.
"I'll make sure to find these teenagers, Ma'am," Vince said. Taray ng Supreme Student Council president namin.
Tumingin sa akin si Ma'am Rina, I smiled to annoy her even more.
"Ang sabi mo nandoon ka, 'di ba? Bakit hindi mo sila pinigilan?" At talagang ipipilit niya na kasalanan ko, ha.
I shrugged. "I thought they were hired to paint it. See? Pang-professional level naman ang ganda ng ginawa nila. How would I know na dapat ko silang bawalan?"
Sa isang gilid ay pasimpleng tumatawa si Vince at yung lalaki na staff dito. Namumula ang mukha nung teacher saka nagtitimpi ng galit na tumingin sa akin, pagkatapos ay umiling saka padabog na binukas-sara ang pinto ng CCTV room.
Doon lang bumunghalit ng tawa ang dalawang lalaki. Umakbay sa akin si Vince saka sabay kaming lumabas ng school. He has a car kaya ko siya hinintay. Sabay kaming umuwi dahil magkatapat lang ang apartment namin. Parehong apartment for one person iyon kaya maliit lang.
"Saan tayo?"
"Laundry."
He chuckled. "Dapat ay matuto ka ng maglaba para makatipid."
I snapped my fingers in front of him. "There is no damn way."
Dumaan kami sa laundry shop bago nag-take out ng pagkain para sa hapunan. Like I said earlier, wala akong groceries at tinatamad na rin akong magluto. Kung bakit ba naman kasi naharang pa ako ng teacher na iyon, eh 'di sana hindi nasira ang plano ko ngayon.
"Coreen," he called just before I can open the car door beside me. "Maaga akong papasok bukas kaya agahan mo rin."
"Ah," dismayado kong sambit. "Magco-commute na lang ako."
"Sumabay ka na sa akin--"
"No thanks." Binuksan ko ang pinto saka patalon na bumaba ng sasakyan. "Good night, Vincent! Thanks for the ride."
"Hindi ka magtha-thank you sa pagligtas ko sa'yo sa harap ni Ma'am Rina?"
I rolled my eyes heavenward and right after that, I heard him crackling a laugh. "Duh! Dapat nga nag-sorry siya sa akin. Lahat na lang sa akin isisisi."
"Chill. Good night, Coreen."
I waved my hands before closing the door of his car.
Pagpasok ko sa loob ng apartment ay agad akong na-stress. Damn the mess. Hinagis ko ang bag sa sofa saka nagtungo sa may kaliitang kusina. Ibinaba ko ang take out na pagkain sa mesa saka itinaas ang buhok gamit ang clam. Wala akong aircon dahil hindi naka-disenyo ang apartment para sa aircon. Ang daming bintana at mayroon pang ilan na hindi maisara ng maayos. But at least I have an aircon on my bedroom, that's fine.
Coreen Sanchez, second year engineering student, the ultimate troublemaker- for them, but for me, I'm not. Paano akong naging troublemaker, eh, hindi naman ako ang maker ng trouble. Tss. My title should be, the teachers’ most hated student.
Mabilisan kong inubos ang pagkain saka itinapon sa basurahan ang mga plastic. Umakyat na ako agad sa kwarto matapos mag-shower. I turn my phone off so I could sleep peacefully.
Nagising ako sa malalakas na katok sa aking pintuan. Maliit lang ang apartment kaya rinig na rinig ang katok sa main door hanggang dito sa kwarto. I stood up, yawning, half-awake, only to see Vincent. Alam ko na agad na siya iyon dahil siya lang naman ang malakas ang loob na sirain ang tulog ko.
"What?" Inis na sambit ko pagkabukas ko ng pintuan.
He sighed, the kind of sigh that half disappointed and half expecting it already. "Sabi ko maaga tayo ngayon."
Akmang isasara ko ang pintuan nang hinarang niya ang kamay. Tiningnan ko siya ng masama. 'Wag niya akong mainis-inis ngayon na kagigising ko dahil talagang masasapak ko siya.
"Sabi ko hindi ako sasabay," I said, mocking at his words.
"Forty minutes before class," anito na tumingin pa talaga sa relo niyang mamahalin. Nang tumingin siya sa akin ay nakataas na ang kilay. "At kung hindi pa ako kakatok dito ay hindi ka pa babangon."
I groaned in frustration. "Damn first period class."
Mahina niyang pinitik ang noo ko. "Ang aga-aga, Coreen," anito.
Muli akong bumuntong-hininga bago siya tuluyang pinagsarhan ng pintuan. Babalik na sana ako sa higaan nang mahagip ko ang wall clock. I sighed and cursed silently. Sanay naman na sila na lagi akong late pumasok ng first period plus hindi naman nagche-check ng attendance yung prof namin for that period as long as pasado ka sa exams niya.
But I can’t have zero appearance on his subject so might as well dress up now.
Almost thirty minutes of dressing up and then I'm done. Mom jeans from Zara and a cute top that I bought online. Nagpatong ako ng semi-leather na black jacket dahil tiyak na masisita na naman ako kapag nagsuot ako ng sleeveless inside the campus. As if naman sinisita nila yung mga girls na halos makita na ang kaluluwa sa sobrang ikli ng shorts or skirt.
"Late ka na naman, Sanchez," bati ni kuya guard sa akin. Natawa ako dahil talagang memorisado niya na ang pangalan ko.
"Maaga pa sa second period, kuya," sigaw ko saka patakbong tinahak ang daan patungo sa building namin.
Hindi naman lingid sa kaalaman ko ang ipinupukol na tingin ng mga estudyante rito sa akin. I'm famous here, in a bad way nga lang. Aba! Sa dami ba naman ng gulo na nasasangkot ako, hindi na nakakapagtaka na halos i-example ako ng mga teacher sa lahat ng klase ng kabulastugan. Akala mo naman ako na ang pinaka-masamang estudyante rito. Sus!
I was just on time when I arrived at our classroom's door. Tanaw ko na ang papalapit na teacher namin for this class. Nagtungo agad ako sa pinakalikod matapos tumango kay Vince na nasa harap. Teacher's favorite.
"Alis," sabi ko sa babaeng umupo sa tabi ng upuan ko.
"Hindi ba dito ka sa kabila nakaupo?" mahinhin na tanong niya.
"Yeah."
"So, walang nakaupo rito..."
"Meron."
"Huh?" Kunot-noo siyang tumingin sa akin at bahagyang nag-isip. "Sino?"
"Bag ko." Ibinaba ko ang bag sa mesa niya. "Bumalik ka na sa dati mong upuan at 'wag ka ng maraming tanong."
Ngumuso siya. "Ayaw ko nga sa harap."
"Darn--"
"Miss Sanchez," humarap ako sa teacher namin na kapapasok lang. "Dito ka na umupo sa harap at nang makita ko kung nakikinig ka ba talaga."
Gusto kong sumagot ng, "Aabot ba ako ng second year kung hindi ako nakikinig." But instead I glared at the girl who dared to take my seat before following what the teacher has said.
Kainis! Ayaw ko rito sa harap. Nakakaantok.
Padabog kong ibinaba ang bag sa natitirang bakanteng upuan sa harap bago umupo. Buti na lang hindi napansin ni Ma'am dahil abala na siya sa pagche-check ng libro niya kung saan huminto ang discussion. Paglingon ko sa kaliwa ay si Vince ang una kong nakita. Seatmates pa nga!
"Ang aga-aga, ang init ng ulo natin, ah?" bulong niya.
"Ulol! 'Wag mo akong kausapin."
Mahina siyang humalakhak na mas lalong nagpainit ng ulo ko. Bakit ba tuwang-tuwa lagi ang isang ito kapag naiinis ako? Tss. Minsan naiisip kong may galit siya sa akin, eh. Nevermind. Siya lang naman ang pinaka-matalik kong kaibigan sa school na ito. Kung bakit pa kasi dito ako nag-aral, ang we-weird ng mga tao rito.
Nagkaroon kami ng mabilisang discussion for that period. Mabilisan dahil pinatawag yung teacher namin sa dean's office. Umalis din si Vince para mag-ikot sa buong building. Trabaho nga naman ng president, tss. Bakit ba kasi siya pa ang naging president, eh, second year palang kami.
Napunta talaga lahat sa kanya ng favoritism what-so-ever ng mga tao rito.
At ako... dumukdok ako sa mesa at naghintay ng susunod na mangyayari.
Sa cafeteria kami nag-lunch ni Vince. Hindi ko alam kung sino ba sa amin ang pinagtitinginan ng mga tao. Vincent Yu is a very popular especially to freshmen. Aba! Puno ng letters and chocolates ang locker araw-araw, malas nila, ako ang kumakain. He has a Chinese blood but you can't see it on his face. Sa halip na singkit ay bilog pa ang mata nito at medyo malalim. Skin color lang yata ang nakuha niya sa mga Yu at bukod doon ay wala na. Ang lakas ng dugo ng mommy nito na Fil-Aussie.
I haven't met his parents yet, sa picture at sa mga kwento palang.
"Gusto mo pa?" tanong ko at inginuso ang mango shake na hindi niya pa nagagalaw.
"Pasimple," bulong niya na sa sobrang hina ay hindi ko narinig. Itinulak niya ang shake sa akin at parang bata na kinuha ko iyon. Bakit kasi ang bilis maubos ng akin?
"Ayaw mo?" tanong ko, naninigurado, pero kinakabahan na baka bawiin niya.
"Gusto."
"Um-order ka ng sa'yo," sambit ko saka inilayo nang tuluyan ang inumin sa kanya.