Akala ko ay tapos na ang usapan namin dahil sa pagsali namin sa treasure hunting na maze na ewan na iyon pero hindi pa pala. Sumali pa kami ng sack race at tug of war. Hindi ko alam kung paano akong napasama rito o kung paano niya akong napapayag pero ginawa ko pa rin.
At alam niyo ba kung ano ang mas nakakapagtaka? Kasi kahit madaming tao at maingay ay nakakaramdam ako ng saya. Hindi ko gusto ang mga ganitong klase ng laro, para sa akin ay pambata lang ang mga ganito, pero hindi pala. It gives fun. Nakakawala siya ng stress. Pansamantalang mawawala lahat ng nasa isipan mo, lahat ng gumugulo sa'yo.
"What the hell, your weird," sabi ko at inirapan siya.
"Minsan lang ito, 'wag ka ngang KJ. Dali magpalit ka na."
"No way! Mag-isa ka!"
Humalukipkip siya sa harapan ko at tinitigan ako gamit ang seryoso niyang mga mata. Kahit ganoon ang ekspresyon niya ay ang sarap niya pa ring tingnan. He looks like an angel, walang halong biro. Pero pinili kong ismiran siya at labanan ang tingin niya na posibleng nakakatakot na ang dating para sa iba.
Hindi naman nakakatakot kasi ang tao na ito. Never ko pa siya nakitang nagalit o ano. He's always the gentle type. Siya na yata ang taong nakilala ko na may pinakamahabang pasensya.
"May usapan tayo," sabi pa nito.
Ngumiwi ako at tiningnan ang booth na pinagtatalunan namin. Magsusuot doon ng gown sa babae at suit naman sa lalaki. Para siyang prom booth. And then magpi-picture. Oh, 'di ba? Very teenager na corny.
"Alam mo, sumali na lang kaya tayo sa quiz bee," suhestyon ko.
Umiling siya. "Tapos na ang registration doon. Dali na!"
Pumikit ako nang mariin saka bumuntong-hininga. Bakit ba kasi um-oo oo pa ako rito, eh.
Habang nagsusulat siya ng pangalan namin sa log book ay nakasampung irap na yata ako sa kanya. Maski ang mga nagbabatay roon ay nataasan ko na ng kilay sa sobrang pagkairita. Nakakailang pa ang mga tumitingin sa gawi namin. At ang pinakanakakainis ay ang narinig ko sa dalawang babaeng dumaan kanina.
"OMG, si Coreen?" may panunuya ang tono nito na hindi ko talaga nagustuhan.
"Love booth?" Tumawa ang kasama niya. "Sino naman sana ang isasama niya diyan? Saka naggaganyan pala siya?"
"Last year na foundation week natulog lang iyan sa classroom, eh."
"Si Vince pala kasama niya?"
"Ah, baka pinilit niya na naman si Vince. Usap-usapang napipilitan lang naman si Pres na samahan siya."
Pinaikot ko ang dila sa loob ng bibig habang kinakalma ang sarili. Ikinuyom ko ang dalawang kamao. Come on, Coreen, bawal ang bad vibes ngayong araw.
Nagpatianod na lang ako nang hawakan ni Vince ang kamay ko at hinila ako patungo roon sa may mga naka-display na gown. Wala sa sarili na kinuha ko na lang ang ibinigay niyang gown at saka marahan niya akong tinulak sa may dressing room.
Nawala na ako sa mood. Wala ako sa mood gawin ito pero wala na rin ako sa mood makipagtalo pa kaya gagawin ko na lang para matapos na.
Red gown iyon na may mga beads and glitters. Agaw pansin. Literal na mga suotan ng mga nanalong prom queen. I love the gown. Maganda ang design. Makati nga lang sa balat, dahil siguro sa tela o dahil sa disenyo o dahil naiirita lang ako at wala na akong masisisi sa nararamdaman ko kaya maski ang damit ay pinupuna.
"Ang ganda mo, Coreen," pahayag nung babaeng nakabantay sa booth. Hindi ko siya kilala pero natitiyak kong fourth year student na ito. Mukha siyang mas matanda sa amin at isa pa, karamihan talaga ng in-assign nila sa mga booths at programs ay ang mga higher year students.
"Salamat po," nahihiyang sabi ko at inilipat ang tingin kay Vince.
He's wearing a black tuxedo and a navy blue tie that fits his body well. Hindi ako naka-make up at hindi rin siya nag-ayos.
"Let's go?" Ngumiti siya at inalalayan akong maglakad patungo sa may photobooth. It's a closed space, hindi nakakahiya mag-pose o ano pero...
"Mukha tayong tanga," sabi ko.
Kumunot ang noo niya. I think I offended him a bit.
"Hindi naman, ah? Ang ganda nga, eh."
"Yeah, whatever." Pinaikot ko ang mga mata.
"Kung hindi mo gusto, magpalit na lang--"
"Nandito na tayo, bakit pa magpapalit?"
Tumingin ako sa kanya. Hindi ko na ngayon mabasa kung galit ba siya o ano. Normal lang naman ang mukha nito maliban na lang sa kilay niyang magkasalubong. I think he's mad or something?
Aaminin ko naman na kabado ako ngayon. Ayaw kong magalit siya. He's my closest friend.
"Oh, sige. Mag-pose na tayo."
Ngumisi ito at saka in-on na ang timer. What the heck?
Nadaya niya ako roon ah!
Sa unang pag-click ng camera ay nakatingin ako sa kanya habang ito ay nakangiti sa camera. Sa pangalawa ay umakbay ito sa akin at pareho na kaming nakatingin ang kaso ay mukha akong tanga na nagulat sa flash.
At ang pangatlo ang pinakagusto ko sa lahat. Nakaakbay ito sa akin pero maayos na ang itsura namin. Maayos ang ngiti niya at ganoon din ako. Pasok na sa pormal na portrait iyon.
"Okay lang ba na balikan niyo na lang mamaya yung picture, Vince?" tanong nung babae na naroon din. "Nagloko kasi itong printer namin."
"Ayos lang," ani Vince. Natawa ako sa loob-loob ko dahil iyon na iyon ang alam kong sasabihin niya.
He can't say no anyway.
"Gutom ka na?" tanong niya habang naglalakad kami palayo sa prom booth o photo booth whatever na iyon.
"Malamang," sagot ko. "Kanina pa tunog ng tunog ang tiyan ko."
He chuckled. "Alam ko. Ang lakas kaya. Nakakahiya ka!"
Hinampas ko siya at mahinang sinuntok sa balikat.
"Wow ha!"
"Saan mo gustong kumain?"
"Gusto kong umuwi, matulog, at 'wag ng bumalik dito."
Pinitik niya ang noo ko. "Lugar ang tinatanong ko, hindi ko tinatanong kung anong gusto mong gawin."
"Sinabi ko ba na tinanong mo?"
"Eh, bakit mo sinasabi?"
"Share ko lang, bakit ba?"
Sabay kaming natawa nang magsalubong ang mga mata namin. This conversation won't get us anywhere but I find it funny and at the same time... calming.
"Okay, sige. Umuwi na lang tayo at mag-drive thru ng pagkain."
"Tapos?" Ngumuso ako. "Babalik na naman dito?"
"Tss." Umiling-iling siya. "Oo na, sige na, ako na ang bahala sa'yo. Ako na lang ang babalik."
Pumalakpak ang tainga ko sa narinig. "Talaga? Makakatulog ako maghapon?"
Nagbuga ito ng hininga pero ngumiti rin kalaunan. May ibinulong ito na hindi ko narinig at pagkatapos ay inakay na ako palabas ng school.
True to his words, dumaan nga kami sa fastfood bago umuwi. Sabay kaming kumain sa apartment niya bago ako bumalik sa apartment ko.
Haaayy salamat. Makakapagpahinga na rin sa wakas. Nakakapagod ang araw na ito kahit na mahigit kalahating araw pa lang ang lumilipas. Pagkatapos maligo dahil ang lagkit ko na ay sumalampak ako sa kama at kinuha ang libro na nasa bedside table ko.
Self-help book iyon na nabili ko sa bookstore noong nakaraang araw. Balak ko basahin pero hindi ko na nagawa dahil sa dami ng distraction. At ngayon habang nagpapatuyo ng buhok ay magbabasa na lang ako.
Pero wala pa sa pang-sampung page ay tuluyan na akong humiga sa kama. Dahan-dahang pumikit ang mga mata ko hanggang sa nilamon na ng kadiliman.
Nagising ako na hindi maganda ang pakiramdam. Sobrang init at pawis na pawis ako. Masakit ang puson ko at maski ang tiyan. Kumikirot din ang ulo ko.
Shit! Alam ko na ito.
Bakit ang aga kong dinapuan ng period ngayong buwan? Ugh!
Nanghihina kong kinuha ang phone ko at nakita ang oras. Alas singko pa lang ng hapon. Tumayo ako pero agad ding napaupo sa panghihina. Seriously? Ngayon lang ako nanghina ng ganito habang may period.
Naiiyak na ako dahil sa halo-halong sakit pero pinilit kong tumayo at dumiretso sa banyo.
I'm right. Dumating na nga ang red days ko. Mabibigat ang hininga na lumabas akong muli ng CR at naghanap ng pads sa cabinet na nasa kwarto kung saan ko madalas na nilalagay ang mga napkin ko. Pero shit... hindi ko na kaya.
Mas lalo akong nanghina nang makitang wala ni isa akong stock. Gusto kong maiyak at mainis pero wala akong magawa.
Bumalik na lang ako sa higaan at humiga ng patagilid. Mabibigat ang naging paghinga ko pero hindi ko magawang makatulog.
Bakit naman kasi...
Bumuntong-hininga akong muli kasabay ng pagtulo ng mga luha ko. This is what I hate about my period. Bukod sa masakit talaga ang pag-atake ng dysmenorrhea ko ay sobrang emosyonal ko pa. Kapag wala akong menstruation ay hindi naman ako iiyak kahit na masakit ang ulo ko o tiyan pero kapag dinapuan na ng menstruation ay maski kaunting bagay lang ay iiyakan ko.
Masahol pa ako sa buntis.
Ite-text ko lang sana si Vince pero nanghihina na ako kaya pinindot ko na lang ang call button. Sumagot naman agad ito.
"H-help..."
Nagulat ako nang ibaba niya ang tawag. Binitawan ko ang phone ko at nagkusang pumikit ang mga mata at nilamon na muli ng kadiliman.
Nagising akong muli sa mararahang tapik ng kung sino sa balikat ko. Dahan-dahan akong nagmulat ng mata at nakita ang mabait kong kapitbahay na kanina lang ay binabaan ako ng tawag.
"May sakit ka? Medyo mainit ka. Anong masakit sa'yo?"
Pumikit-pikit ang mata ko. Kung kanina masakit ang ulo, puson, at tiyan ko, ay dumoble pa yata ang sakit no'n ngayon. Parang nauubusan ako ng energy na hindi ko maintindihan. O dahil ba pagod ako ngayong araw kaya nakadagdag iyon? Hindi ko alam.
Bumuka ang bibig ko pero walang salitang lumabas.
"Nagugutom ka na?" tanong niya ulit. Kitang-kita ko ang pagkataranta at pag-aalala sa kanyang mukha bagaman pilit niyang ginagawang kalmado ang tono ng boses niya.
I nodded to answer his question.
Tumayo siya. "Magluluto lang ako ng sopas o may gusto ka bang ipaluto na may sabaw para p'wede mong higupin habang mainit?"
Hinawakan ko ang t-shirt niya. Lumapit naman siya sa akin at tila naintindihan na may gusto akong sabihin.
"Pabili nga ako ng napkin."
"Ha?"
"N-napkin..."
Tumayo na siya ng maayos at mukhang naintindihan na ako.
"May dalaw ka?" I nodded. "Kailangan mo na ba?" Tumango ako ulit. "Bibili muna ako sa tindahan at magluluto pagkatapos ay pupunta ako sa grocery mamaya para bumili."
"Thank you," pabulong na sabi ko.
"May masakit ba sa'yo? Kaya mo bang tumayo?"
"Mamaya siguro, medyo nanghihina lang."
Pumikit ito ng mariin at emosyonal na muling nagmulat ng mata. "Sorry..."
Pinilit kong tumawa pero agad ding tumigil dahil sa pagkirot ng ulo. "Normal lang 'to sa babae."
Saka bakit naman siya magso-sorry, as if naman kasalanan niya. This guy should know how to stop being so kind. He should set his limit at least.
"Bibili na muna ako ng pads mo. Hintayin mo ako rito. May ipapabili ka pa ba sa tindahan?" Umiling ako. "Oh, sige, alis na ako."
Pinanood ko siyang lumabas ng kwarto. May kung anong humaplos sa puso ko habang pinapanood ang katawan niyang tuluyang maglaho sa loob ng kwarto ko. Hindi ko alam kung matatawa ako o mahihiya pero sanay na sanay na si Vince sa akin.
Paano ba naman kasi ay ilang beses na akong naubusan ng pads at nagpabili sa kanya. Minsan ay kapag dadaan itong grocery store ay nagbibilin din ako sa kanya at nagpapabili ng napkin. At some point I know it's a bit awkward for him but he says its okay. Wala siyang kapatid na babae kaya natitiyak kong hindi siya sanay na bumili ng ganoon.
Ang gentleman, ano? Ang swerte ng babaeng mamahalin niya. Hindi ako naniniwala sa love, specifically, alam kong most of the guys do not know how to be contented, pero alam ko na si Vince ay hindi nila katulad.
Umiling-iling ako. Ano ba itong naiisip ko. Napkin lang naman ang usapan kanina pero napuna na sa lovelife. But for real, I want Vince to be my friend forever. Romantic relationships might not last but friendship does.
Pumikit akong muli habang iniinda ang sakit. Freaking annoying period. At some point it's a blessing, may excuse na ako para hindi dumalo ng foundtion week.
But damn, the pain is not a joke.