Bright colors as beautiful like a painting, spectacular, and very calming. The bright blue skies and beautiful white clouds are the view from the top of a very scenic place. A place where fairytale meets reality.
Ang sarap pagmasdan at pakinggan ng mga dahon at sanga ng puno na tumatama sa isa't isa. Maraming mga ibon sa paligid at ilang mga halaman na bulaklakin. There are three bikes parked under a big mango tree. May malawak na taniman ng mga gulay at ilang mga hayop na madalas nakikita sa bukid katulad ng kalabaw, baka, at kambing. Chickens are walking freely all over the place, too.
Nakasunod lang ako kay Vince habang pasimpleng pinagmamasdan ang paligid. Hindi naman ako ignorante at mas lalong hindi ko naman first time sa bukid. Pero nang sabihin niyang dine-develop nila ang lugar ay talagang developed siya. Benches are newly built, kapansin-pansin iyon. Nakwento niya rin na may maliit na swimming pool sa likod, indoor swimming pool daw at kita ang ulap dahil glass ang tila yero nito.
Some trees are trimmed. And the pathway towards the house from the main gate has these cute little stones.
"You have an aquarium din?" manghang tanong ko dahil sa labas ng may kaliitan pero konkretong bahay sa gitna ng kabukiran ay may parihabang aquarium. Malinaw at malinis ang tubig at may humigit kumulang sampo na iba't ibang klase ng isda. Mga maliit na isda.
"Mahilig sa isda yung kapatid kong babae," sabi niya habang pinapanood ako na panoorin ang mga isda na nakakatuwa sa paglangoy. "May fishpond din kami sa likod. Try natin na mamingwit mamaya."
"Talaga?" Lumalabas ang pagka-isip bata ko kapag sa ganitong bagay.
People probably don't know it about me, my love for nature and these kind of species. Nakaka-relax kasi sila. I like the City, too, but I prefer quiet and serene places.
"Hmm." He gave me a smiling assurance. Inilagay niya ang kanyang kamay sa aking likod upang alalayan ako sa pagpasok sa kanilang munting tahanan.
Sinalubong kami ng mama at papa niya. Bigla akong tinablan ng hiya. Ano kaya ang iniisip nila ngayon na nagdala siya ng babae sa bahay nila? They probably thing we're in a relationship or something close to that.
Nagmano ako sa kanilang dalawa at saka umatras, bahagyang yumuko, at bumati ng, "Hello po."
"Hi, Coreen," his mom greeted happily. She looks so genuine and kind. Lumapit siya at bumeso sa akin. "Masaya ako na finally ay nakita na rin kita sa personal."
Tumikhim ang dad niya at bahagya akong kinabahan. Mukha kasi itong seryoso. Ang mom ni Vince ay hindi man lang pinansin ang pagtikhim ng kanyang asawa, nanatili ang kanyang mga mata sa akin na tila namamangha. My heart melted with her welcoming and sweet reaction.
"Tuwing umuuwi iyan dito ay walang ibang bukambibig kung hindi ang pangalang Coreen," sabi ng dad niya pagkatapos ay ngumiti ito sa akin. "My son seems so fond of you, young lady."
Namula ang pisngi ko sa sinabi niya. Ramdam na ramdam ko ang init na dunaloy sa aking katawan at ang bahagyang pagkabahala dahil nahihiya ako.
"Mom, nandito na raw si ku--" Her voice slowly faded into a thin air. Ang nakabukang bibig ay sumara nang mapansin na nakatingin kami lahat sa kanya. Her eyes remained looking at me. Pasimple niyang ineeksamin ang kabuuan ko kahit hindi niya igalaw ang ulo. Then she slowly drifted her gaze to her brother.
"Via," Vince called her name. Tumakbo paglapit ang dalaga kay Vince at saka yumakap.
Isang tingin pa lang ay alam ko ng kapatid niya iyon. Magkamukha sila. Girl and younger version ni Vince. Nakita ko na rin ang ilan sa mga larawan niya before kaya madali na lang malaman na siya ang nag-iisang kapatid ni Vince.
She's in highschool. Graduating na yata sa pagkakaalam ko. She's also tall but I'm taller.
Tumingin siya sa akin matapos yumakap sa kanyang kapatid. Her lips moved as if she wants to greet me but she ended up forming a grim line and pursing his lips altogether.
"Hi," ako na ang naunang bumati. "I'm Coreen."
I extended my hand for a handshake. Kinakabahan ako dahil baka hindi niya tanggapin pero nakahinga naman ako nang maluwag ng kuhanin niya ang kamay ko. Mahiyaing ngiti ang ibinigay niya sa akin bago sinabi ang kanyang pangalan.
"Via, po."
"Oh, siya, kumain na muna kayo at baka napagod kayo sa byahe."
"Via, samahan mo muna ang ate Coreen mo sa kwarto niyo." Vince's mom came to me. "Ayos lang ba na tabi kayo ni Via? Okay ka lang ba na may katabi? Wala kasi kaming extra na kwarto."
I smiled to assure her that I'm fine. "Ayos lang po, tita, tumatabi rin naman ako sa mommy ko kapag umuuwi ako sa amin."
"Oh. Mabuti naman kung ganoon." Humarap siya sa anak niyang bunso. "Ihatid mo na muna ang Ate Coreen mo sa kwarto niyo para makapagpahinga siya habang inaayos ang pagkain."
She shyly smiled and gestured me to the way. Hindi ko mapigilang hindi suriin ang bahay nila. Sa pagkakaalam ko ay may iba pa silang bahay bukod dito sa may bukid pero ang kwento ni Vince ay mas madalas din naman sila rito.
The house isn't so big but it's alive. Full of wood furnitures. Maski ang mesa nila na sa amin ay glass ay kahoy sa kanila. Except the flooring that is tiled. Wala silang TV sa sala, napansin ko lang. Sa main house siguro ay mayroon. May radyo, the traditional one, yung mga makalumang radyo pero tiyak na mamahalin.
Pumasok kami sa pangalawang pintuan na nakita. Via's room isn't so different from their whole house theme. Tiled floor and full of things made up of expensive wood material.
"Magpapahinga ka ba muna, ate?" mahinhin na tanong niya. "Iiwan muna kita rito kung ganoon. Wala naman masyadong gamit dito at hindi rin naman kalakihan para i-tour pa kita. Iyan ang bed, ayun ang cabinet ko, may vanity table doon sa gilid na siya ring ginagamit kong study table."
She's right. Kung ano ang nakikita ng mata ko ngayon ay iyon na iyon. Hindi na niya kailangan sabihin o ipaliwanag pa ang mga bagay-bagay.
"I love your bed," sabi ko dahil halos kuminang ang mga mata ko sa intricate designs ng kanyang higaan na halatang hindi lang basta-basta ang pagkakagawa.
"Salamat po."
Nahihiya ako na maupo sa kama kaya hinintay ko muna siya na magpaalam at umalis bago ako naupo roon pagkatapos kong magpalit ng damit. Wala ring CR ang kwarto, baka common room lang na isa ang mayroon sa mismong bahay.
The wall paint are either green or the color of wood. Ang ganda ng kabuuan ng bahay, simple pero buhay na buhay. Ito yung klase ng bahay na gusto ko kapag nagkaroon na ako ng sariling trabaho. I don't want a mansion just to feel lonely. I don't want a big house with nothing but sadness creeping all over me. Gusto ko yung ganito, yung kahit mag-isa ka lang ay hindi mo mararamdaman.
Napaigtad ako nang may kumatok sa may pintuan matapos ang ilang minutong pagkakatulala sa paligid. Oh, nakalimutan kong banggitin ang glass window kung saan kita ang magandang parts ng kabukiran, the flowers blooming like there's no tomorrow and the beautiful animals that looks like a painting.
Tumayo ako at pinagbuksan ang kung sino man ang nasa labas. Nakahinga ako ng maluwag nang makita si Vincent doon. I admit, kahit welcoming naman ang pamilya niya ay nahihiya pa rin ako. Napapaisip tuloy ako kung tama ba na sumama ako sa kanya rito.
Inilapag niya ang isang pares ng tsinelas sa sahig at saka sumandal sa may gilid ng pintuan. He crossed his arms as his right brow was lifted up. Nakapagpalit na siya ng damit ngayon katulad ko. He's now wearing a faded blue branded shirt and a black simple shorts with white string and nothing anymore. Nakatsinelas din ito.
"Need anything?" hindi ko alam kung ako lang ba o may panunukso sa kanyang boses. My heart hammered inside upon hearing his voice inside the room of his sister in their house.
Hindi ko alam kung ano ang pagkakaiba noon kapag nasa ibang lugar kami pero ngayon, pakiramdam ko ay lugar niya ito. It's as if this is a palace and he's the king of it. Or it is a country where he is the president, ganoon ang pakiramdam ko.
The masculinity of his body is now more evident than ever, must be his clothes.
Tumayo ito ng tuwid at humakbang palapit sa akin. Nagulat ako sa ginawa niya kaya napaatras ako. Sobrang lutang ko naman yata, bakit biglang naging ganito?
Hindi ko na namalayan ang nangyari, naramdaman ko na lang na napaupo na ako sa kama dahil hindi naman sobrang laki ng espasyo ng kwarto.
What the heck is he doing? It's his sister's room! Halos mag-hysterical na ang kaloob-looban ko. Nagulat ako nang umupo siya sa mismong tapat ko at ibinaba sa tapat ng mga paa ko ang tsinelas na dala niya.
Napabuga ako ng hininga dahil doon. s**t! Bakit hindi ko napansin na pinulot niya ang tsinelas kanina? Nakakahiya!
My cheeks burned upon realizing what he was doing. Bahagya akong nakayuko at nakatingala naman siya sa akin. Our position right now made me want to just look at him and be content in this position for a while.
Ngumiti siya sa akin. Halos manlamig ako nang hawakan niya ang pisngi ko. Why am I not reacting at all? Nasaan na ang dila mo, Coreen? Huwag mo sabihing nalunok mo na.
"Nagugutom ka na?" malambing na tanong niya. Hindi na halos maibalik sa tamang huwisyo ang puso at isipan ko. Bakit ganoon ang tono niya! Nakakainis.
I nodded like a slave. I nodded like I'm begging for his touch. I nodded because it feels like he is hypnotizing me right now.
He caressed my cheeks and damn, how badly I want to push him away but I just can't.
"Let's eat, then," he said in a very husky voice. I can smell his breathe from here, the freshness from his toothpaste and the heat coming from his mouth. "Nakahanda na ang pagkain." Tumayo siya at iniabot ang kanyang kamay sa akin. "Let's go."
Hindi ko alam! Nababaliw na yata ako pero bakit biglang nagbago lahat? No, hindi ako ganito. Hindi ako ganito kamasunurin para sundin siya at agree-han sa bawat sasabihin.
Matagal kong pinagmasdan ang kanyang kamay habang iniisip kung dapat ba akong humawak doon.
Sa huli ay naisipan kong tumayo na lang mag-isa at maglakad palabas gamit ang tsinelas na bigay niya nang hindi siya hinahawakan. I don't want to feel his touch, I don't want the warmness of his body, not when I do not have a control of myself. Pakiramdam ko ay malulunod ako sa pakiramdam na may gusto na nga ako sa kanya.
Humalakhak siya sa aking likuran nang mapansin ang pag-iwas ko pero ayos na rin dahil hindi naman siya nagsalita tungkol doon.
Pagdating sa kusina ay wala namang katao-tao. Half disappointed and half relieved ang naramdaman ko. Aaminin ko na gusto ko kasabay kumain ang pamilya niya, gusto ko sila makilala pa, pero alam ko rin nw mahihiya lang ako sa presensya nila kapag nagkataon.
"Follow me," utos ni Vince at lumabas ng bahay.
Naguguluhan man ay sumunod na lang din ako sa kanya. At habang papalapit kami ng papalapit sa may kubo sa ilalim ng naglalakihang mga puno ay mukhang alam ko na ang mangyayari.
I was right.
Nandoon silang lahat. His parents and Via. Nagulat ako sa set-up. Boodle fight ang dating. Banana leaves as a big plate. Rice are scattered and as well as the viands. May pritong saging at talong. May adobong manok at baboy, may mga ilan pang putahe na ang iba ay hindi ko kabisado ang pangalan.
Inalalayan ako ni Vince sa pag-upo. Nahiya tuloy ako bigla lalo at nakatingin silang lahat sa amin. Then he poured a juice, which is I think, a mango juice to my glass. Kagat ang labi na iniwas ko ang tingin sa kahit na sino lalo na nang matamaan ko ng tingin ang mapanuksong titig ng mommy niya.
"Let's pray!" anunsyo ni Via at yumuko silang lahat para manalangin.
I don't usually pray but when they did, I closed my eyes and bow my head, too.
Mas lalo akong humanga sa pamilya nila. Mas lalo akong humanga kay Vince. He, surely, came from a decent and nice family. How'd I wish I have one, too.
Napuno ng pagtatawanan ang kainan. Natutunaw ang puso ko sa sobrang saya. Para sa kanila ang normal na kainan na magkakasama sila ay normal lang pero hindi nila alam ay espesyal sa akin ito.
Because for a moment, they made me feel like I have a complete family, too, like I am part of them, too.
"Anak, kain ka pa," sabi ng dad niya. At tumango ako habang pinipigilang maluha dahil sa pagtawag niya sa akin ng anak.
How can someone's father call me that way when my own can't even.
Pasimple ko na namang tiningnan ang gawi ni Vincent. His girl would be so lucky. Because he won't just marry her, she will also marry into a fine, nice, welcoming, and wonderful family.
And for the first time in my life, I silently wish that it will be me.