Chapter 20

2206 Words
Nagpresinta ako na maghugas ng mga nagamit sa pagluluto. Kaunti lang naman iyon dahil hindi naman kami gumamit ng pinggan at iilang kubyeryos lang ang nakalabas pero hindi sila pumayag kaya ngayon ay tumutulong na lang ako sa pag-aayos sa mesa na kinainan namin. "Ipasyal mo si Coreen pagkatapos nito Vince." Humarap sa akin ang mommy niya at masuyo akong tinitigan. "Nakasakay ka na ba ng kalabaw, anak?" Hindi pa ako nakakasagot ay inutusan niya na agad si Vince na hayaan akong makasakay. Nakasakay na ako sa kabayo pero hindi sa kalabaw. Halong kaba at excitement ang naramdaman ko nang sabihin iyon ng nanay niya. Vince looked at me with his not so usual playful look. "Bukas ay uminom ka ng gatas ng kalabaw. Sakto naman at kapapanganak nung isa naming kalabaw kaya maraming gatas," sabi naman ng dad niya. Si Via ang naghugas ng mga nagamit naming kubyertos ang mga kaserola sa pagluluto kaya wala siya rito. The married couple never failed to welcome me warmly. Pakiramdam ko tuloy ay gusto ko na lang magpaampon dito. The familiar but painful emotions run to my system. Hindi ko na in-entertain pa iyon at inabala ang sarili sa pagsulyap-sulyap sa paligid. Honestly, wala naman gaanong espesyal, normal na bukiran lang iyon na may kaunting konkretong mga bagay katulad na lamang ng daan at bahay. But aside from it, it's just simple. But the simplicity of being here, staying here, waking up here, and living here is what makes all of it special. "Ang bait ng parents mo." Hindi ko napigilan ang sarili na hindi sabihin sa kanya iyon. I hope he won't notice the hopefulness in my voice. Bihira ako mainggit pero isa ito sa mga bagay na tunay na kinaiinggitan ko. Pamilya. Buo. Masaya. Simple. Nasa ilalim kami ng puno ng mangga at malapit lang ang isa sa mga kalabaw nila sa pwesto namin. Ito ang kukuhanin at sasakyan namin mamaya pabalik sa may bahay nila. Abala pa ang kalabaw sa pagkain ng mga d**o sa kabyang paligid. I love carabaos. Mukha silang maamo, mabait, at tila tulad din ng mga aso na marunong maglambing. Their eyes, gosh, their soulful eyes... Sana ay nakikita rin iyon ng iba. Para silang mga aso na kapag tumingin sa'yo ay parang ang daming nais sabihin, parang ang daming mensahe na balak bitawan pero hindi magawa. Punong-puno ng emosyon ang mga mata nila, na katulad ng aso, na katulad din ng mga tao. Sa tabi ko, sa inuupuan naming tila higaan na gawa sa kahoy, ay nakaupo si Vincent. Nagbabalat siya ng mangga at may baon din kaming bagoong at tubig. "Mabait din naman ako, ah," sagot niya sa sinabi ko at pagkatapos ay itinutok niya sa bibig ko ang kahihiwa niya lang na mangga at katatapos lang din isawsaw sa bagoong. Binuka ko ang bibig at sinubo iyon. "They are so welcoming. Mahilig talaga sila sa mga bisita?" Medyo hindi maayos at malinaw ang pagkakasabi ko no'n dahil ngumunguya pero sana ay naunawaan niya. He nodded and smiled curtly at me. "They get too excited because it's my first time bringing a lady here." Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Nagsalubong ang dalawang kilay ko sa pagtataka habang bumibilis ang t***k ng aking puso. "Joke time ba iyan?" Umiling siya at muling ginawa ang ginawa niya kanina. Itinutok niya ang mangga sa bibig ko na agad kong isinubo. I chewed it while waiting for his answer. It took him some time before answering. Akala ko nga ay hindi na niya sasagutin pa. "Ikaw pa lang talaga ang ipinunta kong babae rito. Sino naman sana ang idadala ko?" "You have a lot of girl... friends." My last word didn't seem like what I want it to mean. Tunog sarkastik iyon, at may halong ka-bitter-an na hindi ko alam kung saan. His lips protruded as he stare at me. Nag-iwas ako ng tingin at bahagyang nahiya sa hindi ko malamang dahilan. Ngumuso ito lalo na parang may iniisip na malalim. Binato ko naman siya ng balat ng mangga sa aking harapan para magtino ang isip niya pero bago pa iyon tumama ay nakailag na siya. He laughed for a moment. "Alam mong ikaw ang pinakamalapit na kaibigan kong babae, Coreen." "Oo nga pero..." Damn. My words fell like a drip of acid. "Noon. S'yempre noon may mga kaibigan ka na close mo rin 'di ba?" "Boys prolly. Pero babae? Mayroong mga kaibigan at mga kakilala pero hindi ganoon ka-close." Napangiti ako sa sagot niya pero agad ding napawi nang mapansin na nakatingin pa rin siya sa akin. Why am I even happy to hear he doesn't have another close girl friend except for me? Kumalabog ang dibdib ko lalo na nang ilapit niya ng kaunti ang kanyang mukha sa akin. Napaatras ako. "A-anong ginagawa mo?" "Just checking." Pinindot niya ang tungki ng ilong ko. "You sound like a jealous girlfriend. Pati ang reaksyon mo ngayon na tila nagsasaya ay para kang nagseselos. Well," he licked his lower lip. "Are you?" He asked using his manly and ay the same time, husky voice. Dumoble yata ang kalabog ng dibdib ko na kanina pa sobrang bilis ng t***k. "B-bakit naman ako magseselos? Feeling mo, huh." Tumatawa siya na umatras at bumalik na sa dating pwesto. Hindi niya ako tiningnan at sa halip ay pinukol ang atensyon sa binabalatan niyang mangga na hindi na natapos-tapos. "I have a confession to make." I shifted my weight to the other side. Bigla ay hindi ako mapakali dahil kinakabahan sa sasabihin niya. Is this the confession I've been wanting to hear? "Ano?" kunwari ay masungit at walang pakielam na tanong ko pero nagwawala na ang kalooban ko. What if he confessed his feelings right here, right now? I don't mind the place, it's lovely anyway. I don't mind the time, the wind is perfect, the silence with the natural sounds of animals and nature... How perfectly combined for a wonderful confession. Pero ang tanong, kung aamin siya ngayon ay ano nga ba ang sasabihin ko? Ano ba ang gagawin ko? Because even with my growing feelings for him, I'm still not ready to take another step in this relationship. "Parang may something sa iyo nitong mga nakaraan." Hindi ko pa rin siya tinitingnan. "Wala ka na yata gaanong gulo na napapasukan? Sumasabay ka na sa akin madalas sa pagpasok, at huli kang napagalitan noong naabutan ka na natutulog..." He tilted his head, I can see it from my side. "May nakain ka ba o ano? Maganda naman na ganito at hindi ka napapahamak pero nakakapagtaka lang din." Gusto kong maiyak sa inis at sapakin siya kahit na ba lugar niya ito. How could I not? He's frustratingly annoying. Iyon? Iyon na ang confession na tinutukoy niya? Ang pagpansin sa mga ginagawa ko lately? My heart sank for unknown reason. Sabi ko kanina ay baka hindi pa ako ready kung sakaling aaminin niya ang feelings niya pero bakit ngayon ay nasasaktan ako na hindi siya umamin? Hindi ko na rin maintindihan ang sarili ko. "Bakit?" tanong niya. "Na-offend ba kita? Huy, hindi naman ganoon, maganda nga iyon, eh, para hindi ka napapahamak. Sinabi ko lang naman na napapansin ko iyon..." What kind of confession is that? Ikinuyom ko ang dalawang kamao habang pilit pinapakalma ang sarili. Minsan talaga ang sarap sapakin ng taong ito, eh. "Coreen," tawag niya dahil hindi pa rin ako nagsasalita. "My Coreen..." Nanigas ako sa pagkakaupo nang marinig ko ang sinabi niya. Did he just... Awtomatiko akong nag-angat ng mukha sa kanya. His lips rose from the sides, halatang natutuwa siya sa reaksyon ko. "What?" masungit kong sambit kahit na ang totoo ay nawala na ang inis ko. Why am I being so pabebe now? Nakakainis! Nawawala na ako sa karakter ko. Hindi ako ganito, eh. "Bakit ang sungit mo?" Humalakhak siya. Am I really changing? O baka sadyang nabawasan lang ako ng kamalasan sa buhay? Palagi akong sumasabay sa kanya lately, oo, pero hindi iyon kusa dahil naiirita lang ako sa sobrang aga niyang panggigising sa akin, I guess, after some days, nasanay na. Binabawi ko lang ng weekend ang tulog ko. "Bakit ang epal mo?" masungit at inis pa rin na sabi ko. "Kung ano-ano napapansin," I murmured. Narinig ko ang matunog niyang paghalakhak. Nag-eenjoy ang mokong. Muli niyang itinapat ang mangga sa bibig ko pero iniwas ko ang mukha at saka siya inirapan. Lumambot ang ekspresyon ng kanyang mukha at nawala na ang bahid ng kasiyahan. "Galit ka ba?" even his voice became softer. "I'm sorry. I didn't mean it to be an offensive one." Ako naman ngayon ang na-guilty. Wala naman talagang nakakagalit sa sinabi niya. Sadyang nag-assume lang ako ng ibang bagay kaya ganoon ang naging reaksyon ko. But I can't tell him that. So I just laughed and acted like everything is funny. "Ang seryoso mo naman," natatawang sabi ko. Peke, s'yempre. He sighed. "Akala ko galit ka." "Para iyon lang? Anong akala mo sa akin, ganoon kababaw?" Yes, ganoon nga ako kababaw. Dahil lang sa hindi iyon ang gusto kong sabihin mo ay naiinis na ako. Ganoon ako kababaw. And this is one of the things I don't like when you're in love. The fact that every single thing that is related to him, everything that's coming out from his mouth would affect you. I'm not yet in love. But the point is... it's scary. Pinasakay niya ako ng kalabaw at siya ay nasa tabi lang nito at naglalakad. Tuwang-tuwa ako lalo na at mabagal lang ang paglakad nito. Para lang akong lumulutang at gumagalaw kahit hindi hinahakbang ang mga paa. "Nasaan ang phone mo?" tanong ko. "Wala tayong picture!" "I-enjoy mo na lang. Saka na ang picture-picture na iyan." "Baka wala ng next time, ano ka ba!" Nagkatinginan kami at agad akong pinamulahan ng mukha dahil may kakaiba sa kanyang emosyon. "I'll make sure there is a next time." Kumalabog muli ang dibdib ko at tumingin na lamang sa harapan. Nang maramdaman ko na hindi na siya nakatingin ay unti-unting sumilay ang ngiti sa aking mga labi. The assurance of having a next time feels so good. Pakiramdam ko ay lumulutang ako sa ere at hindi iyon dahil sa nakasakay ako sa kalabaw. Dahil hapon na ay nag-shower na rin ako pagdating sa bahay nila. Maganda ang CR nila, naka-tiles din at malinis. Kumpleto sa kagamitang panligo kasali na ang shampoo, conditioner, body wash, at kung ano-ano pa. I wore a pair of cotton pajamas before leaving the shower with a towel on my hair. "Coreen!" Nilingon ko si tita nang mapadaan ako sa kusina. Nahihiya akong lumapit at nakita na naghahanda siya ng meryenda. Mukhang bumili pa sila sa labas ng tinapay, at kasalukuyan siyang nagluluto ng turon na mukhang patapos na rin. "Ano po ang maitutulong ko, tita?" I shyly offered. Itinuro niya ang upuan at umupo naman ako. "Sinamahan ni Vince ang dad niya na magpakain ng mga alaga," aniya. "Kumakain ka ba nito?" Mabilis akong tumango. "Oo naman po." Ngumiti siya at doon ko napansin ang magagandang features ng mukha nito. She actually doesn't look like a mom of a college student. Hindi naman siya mukhang dalaga pero kung hindi ko siya kilala ay iisipin kong nasa kindergarten pa lamang ang panganay niya. She looks way younger than she actually is. So Vince's soft features came from her, huh. "P'wede po ba akong magtanong?" She motioned me to keep going. "Hindi naman po lingid sa kaalaman ko na medyo may kaya rin kayo sa buhay. Given that Vince has a car, and you have a quite large land here, too. I just wonder... bakit po mas pinili niyo rito? I also heard na may iba pa kayong bahay pero dito rin kayo madalas talaga umuuwi..." She gave me a sweet smile like what I said was a compliment. Nanatili akong nakatingala sa kanya dahil nakatayo ito at nakaharap sa niluluto pero maya't maya ay tumitingin sa gawi ko. "Because a simpler life is happier than the extravagant one, anak," sambit niya. "Ang pangarap kong pamilya ay yung may oras sa isa't isa. Ayaw ko ng may kanya-kanya kaming mundo dahil sa mga TV, gadgets, at kung ano-anong karangyaan sa mundo. Gusto kong lumaki ang mga anak ko sa masaya, simple, at payapang mundo. Isa pa, sariwa ang hangin at mga pagkain dito. Hindi katulad sa siyudad." Humalakhak siya. "Kung makapagsalita ako ay parang kalayo namin sa bayan, eh, ilang minuto lang naman. Masaya ako at napansin mo iyon." Ipinatong ko ang dalawang kamay sa mesa pero agad ding inalis iyon at tumayo upang tumulong na magligpit ng kalat. Pinigilan niya akong kumilos pero sinabi ko na ayos lang. "Naiinggit po kasi ako," I honestly said. "Ganito rin kasi ang gusto ko. Simple pero masaya. Kumpleto at buo kahit may kanya-kanyang buhay na. I can see how good you are as a mom, knowing that Vince grew up so well." Ang mga mata niya at tila naghahatid ng mensahe na tumingin sa akin. "Kung hindi mo iyon naranasan sa pamilya na nagluwal sa'yo. P'wede mo namang gawin iyon sa mga anak na manggagaling sa'yo." She tapped my shoulders. "It's not the end yet, my dear. That's not how an ending should be."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD