Umupo siya sa tabi ko. Kapwa na kami ngayon nakaupo sa may maliit na bench na pang-isang tao lang pero kasya pa rin naman kaming dalawa sa tapat ng bahay ko. Nasa labas kami at pinagmamasdan ang mga bituin na walang kasing ganda. Payapa at tahimik ang gabi kaya nagagawa kong makapagmuni-muni kahit papaano.
He handed me the coffee he just made.
"Iniisip mo pa rin ba yung sinabi ni Ma'am kanina?" He probably think it's about what happened earlier. Well, sort of.
Nagpakawala ako ng mabibigat na hininga. Pinagmasdan ko ang kape sa loob ng tasa. Life is like a coffee. Bittersweet. But we need a creamer to balance the two.
Pero minsan nga lang may nag-o-overpower sa lasa. Lalo na kung nagkamali ng timpla. Kapag sobrang tamis ay nakakasawa, kapag sobrang pait ay hindi rin kaya, kapag sobrang creamy ay hindi rin maganda. Like life, it needs to be balanced so we can enjoy it to the fullest.
"I just realized how people tend to hate me without even knowing the real me," sabi ko habang pinapainit ang kamay sa tasa ng mainit na kape. Medyo malamig na rin kasi.
"Huwag mo na lang sila pansinin," anito kahit alam ko na hindi niya rin alam kung ano bang mga tamang salita para mapagaan ang kalooban ko ngayon.
"Kaya rin siguro ako iniwan ng tatay ko, ano? Kasi hindi naman ako kamahal-mahal. Hindi ako yung tao na pinag-i-stay-an." I let out a painful chuckle. "Siguro nga hindi sa kanila ang mali, hindi sa kanila ang problema kung 'di nasa akin."
Suminghap ako at tumingin sa itaas. Tonight I realized how worthless I am as a person. I never mean so much to anyone except for my mom. Kapag nawala ako dito sa mundong ito ay wala namang may pakielam. Only that, I don't want to leave my mom behind, alone and lonely all by herself, while drowning with the pain of losing me.
Pero kung wala siya... hindi ko na rin gugustuhing manatili pa rito.
I feel like my whole life is also a whole mess. Something you wouldn't want to stay on.
"Never invalidate your self, Coreen," seryosong sabi ng katabi ko. Ibinaba niya ang tasa sa maliit na espasyo sa kanyang tabi saka niya kinuha ang kamay ko para mapaharap ako sa kanya.
Now he's looking at me directly in the eye. I can see how serious he is at the moment. His jaw are moving repeatedly, as if he's stopping himself to say something. He did talk anyway.
"Alam ko na hindi lang ito tungkol sa nangyari kanina," panimula niya. He pressed his lips together before continuing. "Alam ko rin kung ano ang tumatakbo sa isipan mo ngayon. You're hurting and you are slowly hating yourself. But please don't. Hindi ka masamang tao, hindi ka kaiwan-iwan, at hindi sila ang magdedepina kung sino ka ba talaga. Those people don't know you, Coreen, I pity them for not knowing how precious you are as a person, how precious and amazing your heart is."
Nilunok ko ang kung anong namumuo sa aking lalamunan. Bumaba ang tingin ko sa kanyang kamay na nakahawak sa aking palapulsuhan samantalang ako ay nakahawak pa rin sa hawakan ng tasa. His thumb brushed the back of my palm.
"My father left me, too, Vince," pag-o-open up ko sa kanya. "Katulad ng iba, siguro ay hindi niya rin ako gusto. Malas siguro ako, ano? Wala naman akong balat sa pwet. My mom says she's lucky because of me. Pero ako? Anong naidulot ko sa kanya?"
Kinuha niya ang tasa ko at hinayaan ko siyang kunin iyon dahil kapag natapon ang laman dahil sa pag-aagawan namin ay kapwa kami mapapaso. Ibinaba niya iyon sa tabi ng pinaglagyan niya ng kape niya.
Naroon sa may kape ang mga mata ko nang bigla niya akong higitin at yakapin ng mahigpit.
"What the--" angal ko na agad niyang pinutol.
"Sshh. Alam ko na hindi madali ang lahat ng pinagdadaanan mo ngayon pero 'wag na 'wag mong iisipin na ayaw ng mga tao sa'yo, na wala kang nagandang naidudulot sa iba. Because, Coreen, you're one of the best things that ever existed in my life. Please don't invalidate yourself."
Tahimik lang ako habang yakap-yakap niya ako ng mahigpit, tila ayaw niya akong pakawalan.
Napapikit ako sa init na dumadaloy mula sa kanyang katawan patungo sa akin. The feeling of comfort. Unti-unting nare-relax ang puso at isipan ko. Unti-unting nawawala ang mga negatibong naiisip ko kanina.
I felt worthless some minutes ago. But because of him, I feel so worth it.
"I always got your back, please always remember that."
Iyak-tawa ang ginawa ko at saka siya tiningnan matapos kumalas sa pagkakagapos niya sa akin. He slowly wiped my tears away with his gentle thumb. At ang sumunod niyang ginawa ay hindi ko lubos na inaasahan. He leaned in and kissed my forehead.
Lalo akong naiyak sa ginawa niya.
"Thank you," bulong ko pero tiyak na narinig niya. Sa sobrang lapit niya ba naman at sa sobrang tahimik ng gabi.
Gumalaw ang bibig niya pero wala akong narinig na salita mula roon. May sinabi siya pero hindi ko naintindihan o sinadya niya na hindi ko iyon maintindihan.
Then he slowly took the cup of my coffee and gave it back to me. Mainit pa naman pero hindi na kasing init kanina.
Ngayon na umayos na kaming dalawa ng upo at kapwa na nakatingin sa mga bituin sa kalangitan ay saka ko lang na-realize kung gaano nakakahiya ang ginawa ko. s**t! Kumalabog ang dibdib ko habang unti-unting pumapasok sa isipan ko ang nangyari. He hugged and showered me with sweet words. Plus he kissed me!
"Uuwi ka this weekend?" tanong niya. Hindi ko alam kung gusto niya bang tanungin iyon o gusto niya lang basagin ang katahimikan sa pagitan namin.
Our arms touched and I felt a spark coming from it to every part of my body. Dumoble ang bilis at lakas ng t***k ng puso ko.
"B-baka..."
Wala naman sa tanong niya kasi ang isipan ko. Naroon pa lang ako sa mga nangyari kanina. It feels too surreal. Like, it never happened before. He never kissed my forehead. He never hugged me that serious. And his eyes... his eyes can't lie. The emotions that are dancing with his eyes...
I'm not a good judge of emotions but I am sure, I am very sure that there is something when he looked at me earlier.
"Next weekend tara sa bukid namin. Para naman makalanghap ka ng sariwang hangin kahit papaano."
"H-huh?'
Ngumiti siya. "Kung ayos lang sa iyo."
"A-ayos lang naman..."
Damn, Coreen, bakit ba kanina ka pa nauutal? He seems unaffected. Ikaw lang naman ang ganito. And you accused him of having feelings for you but you're the one who acts weird.
"Okay!" masayang anito. "Sabi mo iyan, ah?"
Unti-unti akong ngumiti, nahahawa na sa kasiyahan niya at saka tinaas-baba ang ulo bilang pinal na pagpayag sa gusto niyang mangyari.
I was so excited that night to the point that I shared it with my mom that I'll be on my friend's farm next weekend. Nagulat siya dahil hindi naman ako madalas nagsasabi ng mga plano kong gawin.
"Is that a special friend or something?" puno ng paghihinala ang tono ng boses niya. "Are you seeing someone now, anak?"
Mula sa paghihinala ay napuno ng excitement ang boses niya. Talagang itinungko niya pa ang dalawang kamay sa mesa at lumapit ng kaunti sa akin, interesadong-interesado sa topic. She raised one of her brows, commanding me to answer her questions.
"Hindi, mommy," sagot ko. Nakita ko ang pagbalakas ng pagkadismaya sa kanyang magandang mukha. "But I'm trying to open up my heart to someone like you always say."
Tila nakahinga ito nang maluwag sa sinabi ko. "Okay. Ayos na muna ako sa nagta-try ka. Pero teka, sino nga itong friend na ito?"
"Just someone, mom." Iniwas ko ang tingin sa kanya pero dahil doon ay lalo siyang nagduda.
Hindi ko p'wedeng sabihin na si Vince dahil tiyak na babaha na naman ng pang-aasar at pag-asa na magkaroon ng something sa amin. Yes, I'm trying to open up my heart to Vince but then, I'm not even hundred percent sure if he likes me the way a man does to a woman. P'wedeng pure friendship lang talaga iyon at nag-a-assume lang ako.
Hindi ko p'wedeng paasahin si mommy sa mga bagay na hindi pa naman talaga nasisimulan.
She reached out and messed my hair a little. "My baby is having secrets, huh."
"Hindi ganoon iyon, mommy--"
Humagikhik siya. "Oo naman. Naiintindihan ko."
Pagkasabi niya no'n ay saktong tumunog na ang oven dahil tapos na ang time at luto na ang b-in-ake namin na cupcake. Tumayo siya at nagtungo roon habang ako ay pinanood ko siyang gumalaw at kumilos.
I want that woman to be happy. Tuwing nakikita ko siya at naaalala ko ang ama ko ay nasasaktan ako, because I know how it hurt her- what happened in the past. I know that she loves him truly and that she wants a whole, perfect, happy family.
"Food is ready," anunsyo niya at ibinaba ang maiinit pa at bagong luto na mga cupcake. "Get the juice na, honey."
Tumayo ako at sinunod ang sinabi niya. We spent the rest of the weekend bonding with each other. Nag-bake, nanood ng TV, nagkwentuhan, and we even sleep side by side together. I missed my mom, a lot, and I will miss her again after I leave the house.
"Malapit na ang birthday mo, may plano ka ba? Should I go to your apartment or are you going home?"
Nag-angat ako ng tingin sa kanya at pasimpleng nangunot ang mga noo habang iniisip kung anong araw na ba ngayon. I almost forgot my birthday! Hindi naman kasi talaga ako ma-celebrate na tao. I also don't have a lot of friends to celebrate with. Si mommy lang at nadagdag lang last year sina Vince, at ang grupo nila Hiro.
Pero ngayon ay hindi ko alam kung ano ang plano ko. Maybe I'd just sleep and just do the things normally. Kung hindi ako nagkakamali ay linggo iyon.
"Uuwi naman ako ng sabado, mom, we can just have dinner and all that."
"Maghahanda ako. Imbitahin mo ang mga kaibigan mo."
"Busy ang mga iyon, mommy," sabi ko kahit alam kong pupunta naman sila kapag sinabi ko. "At malayo rin ang bahay natin sa university kaya baka mahirapan sila na pumunta at umuwi."
"Oh," aniya sa tonong dismayado. "Are you going to be okay to celebrate it with me only?"
"You know I'm not really fond of having a lot of people around me, mom, so of course, ayos lang." Ngumiti ako para i-assure siya na totoo ang sinabi ko. "And also, pwede naman nating imbitahin sila lola, ang ilan sa mga pinsan ko, right?"
Her eyes twinkled with the idea. Oh how I love to see her happy.
Ang kaarawan ko ang nasa isip ko hanggang makabalik na ako sa apartment ko. I looked at the other apartment in front of mine, Vince's. Hindi pa siya nakakauwi at nagsabi naman siya na baka gagabihin siya. I wonder if he knew about my upcoming birthday. I mean, naaalala niya kaya?
Because I want to celebrate with him, too.
Umupo ako sa kama matapos mag-blow dry ng buhok. Nagsusuklay na ako ngayon habang tulala at puno pa rin ng kung ano-ano ang isipan. Pero hindi ko maintindihan kung bakit sa dami ng iniisip ay naroon lahat si Vince.
I imagined him picking me up from my place. Normal naman na nangyayari pero na-i-imagine ko na sabay kaming pumapasok, nagtatawanan, nag-uusap, masaya...
But in my imagination I am genuinely happy, our hearts are connected, our hands are intertwined, and he looks at me the way how I secretly want him to be.
Kapag ba pinagbigyan ko ang lahat ng ito ay magiging masaya ako? Or would it even make him happy? Kapag ba sinubukan ko ay magiging successful na?
Alam ko na walang kasiguraduhan lahat. But this time, maybe I should give it a try.
Wala na rin naman akong magagawa dahil sa tingin ko ay wala na rin akong kawala. He already caught my heart, even how much I tried to believe he hasn't.