Chapter Fifteen

2204 Words
Mabilis lumipas ang weekend na iyon. Hindi rin naman kami nag-jogging noong Linggo dahil pareho kaming late nagising but we ran some errands like buying groceries and cleaning our own apartments. "May gusto akong palitan doon sa may mga glass window niya at sa rooftop." I rolled my eyes. "Hindi talaga kayo marunong makuntento, ano?" Sa halip na mainsulto ay tumawa si Bryan. Ipinakita niya sa akin yung bagong drawing na may pinalitan na siya. "Pero ikaw, kung ano ang mas maganda. The engineer has to approve my design," anito. "Tiningnan ko na ang possible materials na p'wede ipakita pero expertise mo ito kaya ikaw ang magdesisyon." "Well--" "At huwag mo akong hugutan ng drama dahil hindi bagay sa'yo," tatawa-tawa niyang sabi matapos akong hindi patapusin sa pagsasalita. "Sabihin mo sa akin kapag niloko ka nung Vince na iyon, akong bahala." "Siraulo," sambit ko at pabiro siyang inirapan. "Wala naman kaming something ni Vince hindi gaya ng naiisip mo. At tungkol dito sa design, well, I think mas okay nga itong bago pero kailangan ko muna mag-research about sa new materials na gagamitin." "I-send ko sa'yo yung soft copy ng bagong design mamaya." Matapos niyang sabihin iyon ay sumimsim siya sa kanyang inumin na juice. Nasa isang restaurant kami na malapit lang sa university. Nagyaya ng libre si Bryan at may sasabihin din daw kaya kami nandito. Vince had some errands to do din kaya hindi siya nakasama kahit inaya rin siya ni Bry. Pero sandali lang kami dahil hindi rin naman katagalan ang lunch break namin pareho. "So, kumusta naman ang lumipas na linggo natin diyan?" tanong ko dahil medyo matagal na rin kaming hindi nagkausap ni Bryan. Busy kasi siya at ganoon din ako. Madalas kaming nagkakasalubong sa school pero hindi na nakakapagkwentuhan o kumustahan. We just smile at each other or wave our hands to each other's direction pero hindi na kami tumitigil pa para mangamusta. He sighed exasperatedly. "Tinanong mo pa." Matunog akong ngumisi. "Huwag kang mag-alala dahil hindi ka nag-iisa." "Pakiramdam ko graduating na ako sa dami ng ginagawa," sabi pa niya na ikinatawa ko dahil medyo totoo din naman. "Ikaw? Malapit na naman exams." "Sana nga magbigay sila ng kahit three days break lang dahil nakaka-stress sa mga estudyanteng katulad kong tamad." Umiling-iling siya. "I hope we can graduate on time though, so, tuloy ang laban." Itinaas ko ang baso ko na may lamang juice sa kanyang harapan. "I hope we can work together as professional architect and engineer in the future, too." He raised his glass and toast with mine. "Be the best engineer that ever existed." "Be the worse architect--" "Hoy, ang ayos ng sinabi ko sayo ha." Tumawa ako at napangisi pagkatapos. "Kunwari ka pa, gusto mo lang naman yumaman." "Balak pa naman kita ilibre ng serbisyo ko kapag nagpabahay ka na tapos ganito..." I laugh it off. Ngumiti rin siya at natawa pagkatapos. Mga one percent na tungkol sa project at ninety nine percent kwentuhan at bardagulan ang maging kabuuan ng lunch namin. Medyo magaan ang pakiramdam ko pagpasok ng classroom. What I like about Bry is he is so fun to be with. Napaka-light lang lagi ng mga usapan at the same time is masaya at hindi boring. He doesn't judge. Kasi kung ganoon siya, baka hindi kami naging partners sa project na ito. Come to think of it, I'm thankful he approached me at the bookstore that day. He solved my problem of finding a partner in a day. At nagkaroon din ako ng bagong kaibigan. "Hi," bati ni Vince nang makita ako. "Kumusta ang lunch?" Ibinaba ko ang bag ko sa desk, umupo sa upuan, at kinuhang muli ang bag upang kandungin habang hinihintay ang prof namin para sa susunod na subject. "Ayos lang," sagot ko at saka humikab. Ugh! I feel sleepy. "Kumain ka na?" "Oo, pinag-lunch nila ako sa faculty office. Oo nga pala, ihahatid kita mamaya after class kasi may kailangan akong i-meet." "Sino?" "Just some relatives." "Uuwi ka sa inyo?" nagtatakang tanong ko. "May pasok bukas, ah? Saka magagabihan ka na." Medyo nag-alala ako dahil baka may emergency. Pero base sa mukha at reaksyon niya ay mukhang wala naman. "Dadaan daw sila rito sa lugar natin kaya sabay-sabay kami magdi-dinner. Or you can also join us if you want. Actually, mas maganda nga pala na sumabay ka na sa amin para hindi kung ano-ano na naman ang kakainin mo mamayang gabi." I rolled my eyes. "I appreciate the concern and the effort to ask me but no thanks." Ayaw ko namang makisingit pa sa kanila. Busy siya lagi and probably yung mga relatives na tinutukoy niya ay bihira niya makita at makasama kaya dapat lang na magkaroon siya ng aline time with them. Isa pa ay hindi ko yata kaya kumain ng maayos kaharap sila kaya 'wag na lang din. "Eat healthy foods," bilin niya. "I always eat healthy foods," pagtatanggol ko sa sarili na alam kong wala rin namang katotohanan. "Junks, you mean?" Inirapan ko siya at saktong pumasok na ang prof namin kaya hindi na rin kami nakapag-usap pa. Pagkatapos ng huling subject namin para sa araw na iyon ay tinawag na ako ni Vince para umuwi pero sinabi kong dadaan ako ng bookstore muna at may bibilhin kaya ayos lang na hindi na niya ako ihatid. It's a lie. Ayaw ko lang na mahuli siya sa lakad niya para lang ihatid ako, kaya ko naman umuwi, at alam ko naman sumakay ng taxi kahit papaano. "Mag-text ka sa akin kapag nakauwi ka na." "Oo na," I uttered in an annoyed tone. "Pumunta ka na." Pinaningkitan niya ako ng mata. "Something's fishy here..." Umirap ako at saka iniling-iling ang aking ulo. Itinaas ko ang phone at sinenyas na magte-text na lang ako pagkauwi. Tumango siya at sinara na ang bintana ng kanyang sasakyan. I watch as his car move away from my position. Uuwi na sana ako nang may mag-park na sasakyan sa harapan ko. Oh, the great Hiro from the senior engineering department. Ibinaba niya ang bintana ng driver's seat. Mula roon ay nakita ko rin na kasama niya sina Kent, Jane, at Marcus. Nasa likod silang tatlo at bakante ang shotgun seat sa tabi ni Hiro. "Pinagmukha nila akong driver. Tara?" Bagaman nalilito at nagulat sa bigla nilang pagsulpot ay sobrang saya ko na makita sila ngayon. Matagal-tagal na rin nang huli kamimg nagsama-sama. "Saan lakad niyo?" tanong ko. "Mall lang," sagot ni Marcus. "Magdi-date," ani Kent. Ngumiwi naman ang katabi niyang si Marcus, hindi ko na napansin ang iba pang nangyari pero may tumamang kamay sa braso ni Kent. Marcus probably hit him jokingly. "Bibili lang kami ng regalo, Coreen, tara na," ani Jane na siyang may pinakamaayos na sagot sa kanila. "Regalo? Para kanino?" Itinuro nilang lahat si Hiro na hindi na maintindihan ang itsura ng mukha ngayon. "Hindi niya raw alam kung ano ang ireregalo niya sa girlfriend niya," ani Jane. "Hindi pa niya girlfriend, nililigawan pa lang," sagot naman ni Marcus. Kent interrupted the two with his entry. "Baka nililigawan? Ni hindi nga yata siya kilala no'n." Napa-facepalm si Hiro sa mga pinagsasabi nung tatlo. Natawa rin ako at gusto ko tuloy malaman ang buong kwento. Umikot ako at sumakay sa may passenger seat. "So, mayroon ka na palang love of your life, ha?" sabi ko sa tonong nang-aasar. "Hindi mo man lang ako in-update." "Huwag ka nga'ng maniwala sa mga diyan." Namumula ang mukha nito at halatang nahihiya. Hiro's not the type of guy who would buy a girl a bouquet of roses nor a bunch of chocolate bars, huh, not even a wasted time at the theater with a movie he doesn't like. Pero ngayon ay nahuhulaan ko na ang nangyayari. Humarap ako sa tatlo na nasa likuran habang nagmamaneho si Hiro. "So, sino sa inyo ang hiningan niya ng tulong?" I assumed it's one of them. Nagtaas ng kamay si Marcus. "Narinig niya though," saad niya at saka itinuro ang katabi niyang si Kent. Hindi na kailangan pang i-explain kung bakit alam ni Jane, automatic na iyon dahil alam ng boyfriend niya. Looking at these two loverbirds now, masaya ako na masaya sila. Ang gaan sa pakiramdam na maaliwalas ang mga mukha nila. Ang totoo ay hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari. Kung lalo bang nagalit ang mom ni Kent o naging maayos na ang lahat. But I hope it's the latter. Jane looks so carefree pero ganoon rin ang tingin ko sa kanya noon bago ko malaman ang problema niya. She's a bit good in faking her emotions. "So, may nililigawan ka na?" Kay Hiro ko naman ngayon ipinokus ang tanong. His jaw twitched twice, obviously not wanting the conversation to go on. Pero sa halip na tumigil ay pinagpatuloy dahil alam kong hindi naman siya magagalit, nahihiya lang iyan dahil sa image niya. I guess love makes all the things possible, huh. It's really magical, then. Pero darating yung araw mapapagod si Hiro, darating yung araw magsasawa siya, darating yung araw na tulad ng iba ay hahanap din siya iba. Lumunok ako bago muling nagsalita. "Bakit sabi ni Kent hindi ka raw kilala nung babae?" More than the curiosity, I'm more curious of the feelings that's growing inside of me. Pilit kong kinokontrol ang mga emosyon dahil ayaw ko ng ganito, ayaw kong kinukumpara o nilalahat ang mga lalaki dahil lang sa pagkakamaling nagawa ng tatay ko. "She knows me," mahinang sabi ni Hiro at naghiyawan ang tatlo sa likod habang ako naman ay nangingiti. "But yes, hindi pa nga ako nagtatanong kung pwede manligaw." "Kaya siya naghahanap ng regalo kasi magco-confess siya! Oh my gosh!" Jane shrieked out. "Like OMG talaga, ipakilala mo na siya sa amin, Hiro!" "Ang ingay mo, Jane," ani Hiro at tinakpan ang tainga gamit ang isang kamay na agad din namang tinanggal dahil nagda-drive siya. Napailing-iling ako at natatawa sa kanila. You know, I hate noisy people and crowded places. But not when it's my people. "Bakit hindi mo kasama si bebe loves mo ngayon?" Marcus asked. Akala ko ay hindi ako ang kausap niya pero nang magtama ang mata namin sa front mirror ng sasakyan ay alam kong ako nga ang kausap nito at ang tinutukoy niya ay si Vince. "May lakad siya," sagot ko at hindi na lang pinalaki pa ang pagbibiro nito ng bebe loves. Sa sobrang ingay nila ay in-on ko na lang ang bluetooth speaker ng sasakyan at nagpatugtog ng kanya na siyang nasa top lists na pinapakinggan ng mga pinoy ngayon. In the end, all of them jammed with the song, enjoying it like we're going on a trip. Para silang mga bata. I tsk'ed and silently sang with them, too. Dumating kami sa Mall na parang mga timang na nagtatawanan. Mula sa pakanta-kanta ay napunta sa school ang topic, mga estudyanteng hindi nila gusto, mga kaklase nila na bida-bida raw, mga prof na masisipag magbigay ng activities, at napunta pa kay Marcus na inaasar nila dahil siya na lang daw ang walang jowa. Well, wala pa rin naman kami ni Hiro. In short, we had a great fun even before we really reached the Mall. "Ano ba ireregalo mo?" tanong ko kay Hiro. "Pakisabi sa girl na iyan, buong angkan mo ang namili ng regalo para sa kanya." "Tss. Makikisali ka pa sa kanila." I chuckled. "So who's the girl? Schoolmate ba natin?" He patted my hair. Umatras ako at tiningnan siya ng masama. Tumawa ito at inakbayan ako pero siniko ko siya kaya humalakhak lang itong muli at umiling-iling. "Sagutin mo muna yung tanong ko." Nagtaas ako ng kilay upang ipagpatuloy niya ang sinasabi. "May something na ba sa inyo ni Vince?" Namula ang pisngi ko, hindi ko man kita pero ramdam ko ang pag-init no'n. Ngumuso siya at unti-unting umalpas ang ngiti sa mga labi, mapang-asar na ngiti. Lumaki ang mga mata ko at umiling-iling upang ipaalam na mali ang naiisip niya pero ngumiti lang siya ulit. "Girl, samahan mo nga ako mag-CR," ani Jane at hinila na ako palayo kay Hiro nang hindi ko man lang naipagtatanggol ang sarili ko o mai-deny ang naiisip niya. But destiny really has its own way of making things happen. Like seeing a person you've never dreamt of meeting again. "Hintayin mo na lang ako rito," dinig kong sabi ni Jane pero wala roon ang atensyon ko. "Huwag kang aalis, Coreen, ha!" Napakapit ako sa may frameless glass railings na malapit sa pwesto ko nang maramdaman ko ang panghihina at pangangatog ng tuhod. Gusto kong tumakbo palayo pero nanatili ang mga mata ko sa pwesto ng taong iyon. It's been years... Yung mundo na binuo ko mula nang mawala siya ay unti-unti na namang nawawasak. The pained heart inside of me feels breaking all over again, too, wala pa man siyang ginagawa. I closed my fist and closed my eyes firmly as a tear escaped from it. Akala ko okay na ako. Akala ko kakayanin ko na. Akala ko hindi na ganito ang reaksyon ko kapag nakita ko ulit siya. Little do I know, it would hurt two or prolly three times than it hurt before. Pagmulat ko ng mata ay mas lalo akong nagulat. "Vince," I whisphered, hurting.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD