Chapter Sixteen

2255 Words
Nagtatawanan sila na parang matagal ng magkakilala. Dalawa lang sila sa table na iyon ng restaurant, wala pang naka-serve na pagkain kaya baka kapupunta lang din nila dito. Vince is wearing the same clothes he is wearing earlier. While the other man is wearing a dark blue polo shirt by a popular brand in Italy. Kitang-kita ang brand logo no'n kaya alam ko. His hair is in a clean cut state, he looked as healthy as he is when he left us. He looked happier and bitterness crept all over me. Masama ba sabihing ayaw ko siya maging masaya? Masama ba na hilingin na sana magdusa rin siya katulad ng pagdurusa na naramdaman naming mag-ina? Yes, it's my biological father. The one who made me believe that it's a man's nature to cheat. My first heartbreak. The one who makes this girl's heart hard. The one who's my inspiration in building a wall in my heart so no one can ever go in it. Ililipat ko na sana ang mga mata kay Vince nang humarang sa aking harapan si Jane. Ngumiti siya na parang bata at isinukbit ang kamay sa braso ko. "Tara na," aniya at hinila na ako paalis doon. Palayo sa dalawang lalaki na hindi ko alam kung bakit magkasama ngayon. He told me he's meeting with some relatives. Huwag niya sabihing kamag-anak ko siya? Because it's either that or he's lying. Why would he lie though? Bakit kailangan niya pa sabihing kamag-anak niya ang kasama kung pwede niya naman sabihing may kikitain siya. Hindi niya kilala ang dad ko, sure ako roon. Maliban siguro sa magkaapelyido kami ay wala naman na siyang alam tungkol sa tatay ko. So why is he meeting with him now? Napuno ng pagkabahala ang puso't isipan ko kaya halos lutang ako sa buong oras naming pamimili ng regalo para sa balak ligawan ni Hiro. Kumain kami sa foodcourt dahil nagtitipid sila at dahil din iba-iba kami ng gustong pagkainan. "Uy, kanina ka pa ganyan, ah?" sita sa akin ni Marcus at pasimple akong siniko. "May problema ba?" Hindi ko siya tiningnan. Nagbaba lang ako ng tingin sa pagkain ko. Hindi mawala sa isipan ko ang nakita ko kanina. Hindi matanggal sa isipan ko ang mga katanungan kung ano ba talaga ang nangyayari. Nanghihina pa rin ako at nanginginig hanggang ngayon. Napuno ako ng pagdududa na hindi ko naman gustong i-entertain pa pero kusang naglalaro sa aking isipan. It's like I saw a ghost. Well, as if he's not. "Ayos ka lang, Coreen?" nag-aalalang tanong ni Jane na sinundan pa ni Hiro ng tanong na kaparehong linya. Huminga ako nang malalim. "Pasensya na, guys, medyo sumama lang ang pakiramdam ko." "Oh," ani Marcus na tila nakahinga nang maluwag. "Akala ko masama na ang loob mo dahil may gusto ka kay Hiro at nagseselos ka sa liligawan niya." Doon natuon ang pansin ko. Inambaan ko siya gamit ang hawak kong kutsara. Tumawa ito at umiling-iling na lang din ako. At least, he made me forget what I saw earlier for a moment. Hinatid kami ni Hiro isa-isa dahil siya lang naman ang may dalang sasakyan sa amin at ayaw niya rin kaming mag-commute dahil gabi na. It's been nearly two hours since I saw Vince with my father on a Japanese restaurant inside the Mall, looking so happy like they know each other for all of their life. Hindi ko mapigilang hindi makaramdam ng pait. How come that guy looks so contented with his life despite abandoning his own child? I hate him... a lot, actually. I hate him for making my mom cry. I hate him for leaving his daughter just like that. I hate him for cheating. I hate him because he's happy and guilt-free despite of everything. How come I live an unhappy life while... ugh. "Byeee!" Kumaway ako sa kanila at pinanood ang paglayo ng sasakyan. Ako ang una nilang hinatid. Bago ako pumasok sa loob ng bahay ay sinilip ko ang katapat kong apartment. Lights are still off. Wala pa rin siguro siya. Wala rin ang sasakyan niya sa garahe. He is still out, I wonder what is he doing still with that man. Huminga ako nang malalim dahil nakakagaan kahit papaano ang simoy ng hangin ngayong gabi. Everything is so stressful but I want to be just happy and contented as I can right now. No negativities, please, Coreen. Pumasok ako sa loob ng kwarto ko at tuluyan ng napaupo sa sahig. Hindi pa ako nakakapagbihis, wala pa akong nagagawa pero nanghihina na ako. My eyes are fixed at the rug near my bed. Wala roon ang atensyon at isipan ko. Pauli-ulit ang larawan ng eksena na naabutan ko kanina. Maraming mga katanungan na hindi ko alam kung mabibigyan pa ba ng kasagutan. I can't ask Vince and I'm not even sure if he'll ever say the truth. Bakit sila magkasama? Bakit siya nagsinungaling? How come he's there happily meeting just anyone when he can't even go to his daughter or try to ask for her forgiveness? Tulala ako roon ng ilang minuto at naputol lang sa tawag na narinig ko mula sa cellphone malapit sa akin. Kinuha ko iyon at lalong sumama ang pakiramdam nang makita ang pangalan ni Vince. I answered it anyway. (Nakauwi ka na ba? Bakit parang walang tao sa apartment mo? Tara, dinner, nag-take out ako.) And act as if nothing has happened. "Nakauwi na ako," sabi ko. Mabuti at hindi nag-c***k ang boses ko habang nagsasalita. "At kumain na rin ako." Pinatayan ko siya ng tawag pagkatapos no'n. Hinagis ang cellphone kung saan at saka niyakap ang dalawang tuhod. I closed my fist as tears began betraying me. In this close, tight space, all I can hug and all I can ask for comfort is no one but myself. Unti-unting nanginig ang mga balikat ko hanggang sa tuluyan ng bumuhos ang mga luha ng dire-diretso na para bang wala ng katapusan ang sakit, parang wala ng kagamutan sa lahat ng nangyayari. Tumunog muli ang cellphone ko at base sa tunog ay text message iyon. Hindi ko na pinansin pa. I'm busy trying to console myself because for now, only the walls of this room can catch my back because I really need something to lean on. What is he doing here anyway? Nakatulog ako na umiiyak sa sakit ang mga mata at puso. And guess what? I woke up early in the morning with a nightmare. "Oh," he said, almost laughing. "Bakit ganyan itsura mo? Late ka natulog?" He probably noticed my eyes. The eyes that cried a river last night. Umismid ako para umaktong normal sa harapan niya. "Nanood ako ng drama kagabi." "Anong kwento?" He turned the car's engine on. Pinaandar niya na ang sasakyan bago pa ako makasagot. "Something like a father and daughter meeting after so many years." Nakatingin ako sa harap pero naramdaman ko ang pagsulyap niya sa akin. Hindi ko makita kung ano ang reaksyon niya, kung ano ang nasa isip niya ngayon. He met with my father. Hindi ko alam kung alam niya na tatay ko iyon o hindi pero nakipagkita siya sa ama ko. The father that I have never seen in years! The father who abandoned our family for his fvcking damn mistress! Pumikit ako nang mariin. Come on, Coreen, control your anger. Walang magandang maidudulot sa iyo ito. "Ayos ka lang? Na... naalala mo ba ang dad mo?" He sounds so careful. Nasaktan niya na ako bago pa man sumikat ang araw kaninang umaga. Only that he's not conscious about it. "Yeah," I whisphered. "Somehow..." Napuno ng katahimikan ang loob ng sasakyan. Hindi siya nagsalita at hindi ko na rin dinagdagan pa ang mga sinabi ko. It's a good thing na sinalubong kami ng mga kaklase namin pagkalabas namin ng sasakyan. Nagkataon na papasok pa lang din sila. Nakalimutan namin pansamantala ang naging pag-uusap namin sa loob ng sasakyan. "Exams na naman next week," one of my classmates said. Exams don't worry me how much the scene yesterday does. Nakakatakot. Sumulyap ako sa gawi ni Vincent. Kausap niya ang ilang mga kaklase ko na nagpapaturo ng formula sa isang topic na hindi nila ma-gets. He looks so genuine and kind. Sabi ko bibigyan ko ng chance. This guy must be different from my father. Pero paano... Kung sa mismong pagkakataon na gusto ko siyang bigyan ng tyansa ay bibigyan ako ng senyales para 'wag ituloy. "Pang-isa na lang itong favorite mong meal set. Set B na lang ako," anito at hindi na hinintay pa ang sasabihin ko para um-order. Paborito ko iyon pero hindi ko din naman na-enjoy. My mind is stuck somewhere between my father and our situation right now. I heaved a sigh. Kumurap-kurap ako at nilaro-laro ang kanin gamit ang kutsara. Wala pa yatang tatlo na subo ang nagawa ko, ni hindi pa nakakalahati ang kakaunting kanin pero pakiramdam ko ay busog na ako. Or was it because I have no appetite for today? "May problema ba, Coreen?" His serious voice made me come out from my reverie. Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa kutsara at tinidor saka nameke ng ngiti upang humarap sa kanya. Too bad, he sees through me. He sees more than what I show, he sees beyond the face I make. "Kulang lang sa tulog." Nagtagal ang tingin niya sa akin. Alam ko, alam kong alam niya na may something sa akin, na may iniisip ako na mas malalim kaysa sa dahilan na kulang lang ako sa tulog. Alam ko na alam niya kahit hindi ko sabihin. But his response made my heart flutter, like I am a very fragile thing he always want to protect. "P'wede kita i-excuse ngayong hapon. You should rest." He acted like he doesn't know a thing. He acted like he believe me wholeheartedly. I hate actors, I hate pretenders, but this time, I really want him to act and pretend like he doesn't know a thing. "Don't worry. Sasabihin ko lahat ng gagawin namin ngayon," dagdag niya pa bago pa man ako makapagsalita at masagot ang sinabi niya. He smiled a bit. "Ubusin mo ang pagkain mo at ihahatid kita." "I can commute though," mahinang sabi ko. Pakiramdam ko ay sobra-sobra na ang mga ginagawa niya para sa akin. The anger I felt earlier is now replaced by another kind of feeling. He's too much. He deserves someone better. He deserves to be treated much better. I don't deserve this guy. "Ako na ang maghahatid sa'yo, Coreen. Kung ayaw mo ng kausap ay hindi ako magsasalita sa loob ng sasakyan. Kapag nakita na kitang pumasok ng bahay ay aalis na rin ako." His words pierced in my heart. Aaminin kong nakakakilig ang sinabi niya pero sa halip na saya ay sakit ang bumaon sa dibdib ko. His voice sounded so sad. Hindi ko alam kung para saan pero nasasaktan ako. Hindi ako sanay sa ganoong boses niya. But still, he tried to understand me. And even offered me a ride. Kahit na ganito ang ugali ko ngayon sa kanya. Kahit na nasasaktan ko siya ng sobra. My life is a mess, you see that, Vince. I'm not a rare piece, I'm just a common and simple one with broken pieces. I'm not special. I'm just an ordinary woman. My family's not so perfect, not even close to one. Ang daming bagay na kalait-lait sa akin. He could just let me be. But instead, he held my hand and hugged me so tight figuratively. He didn't let me go despite of all the strength I did to push him a way. He protected me while I'm crashing him down. All these things he did for me... I hope someday I could finally give this man a chance. A chance not only for him but also for myself. A chance to believe in love again. A chance to let a man inside my heart again. "Thank you," sambit ko bago lumabas ng sasakyan. Hindi ko na siya nilingon pa. Nasa paa ko ang mga mata habang naglalakad. Dire-diretso ako sa loob ng bahay at hindi ko na siya binigyan pa ng kahit na isang sulyap. One afternoon. Just this one afternoon, I want the break I needed. Gusto kong mapayapa ang puso at isipan ko. Gusto ko na paggising ko kinabukasan ay maging maayos ng muli ang lahat. Sana... Nag-search ako sa online ng mga meditation. I did some. Nag-journaling din ako kahit hindi ko naman talaga forte iyon. I just wabt to sort out my thoughts. And lastly, nagbasa ako ng self-help book na siya na ring nakatulugan ko. I woke up around seven in the evening. Nagising ako sa pagkalam ng aking sikmura. Akala ko ay magluluto pa ako pero naabutan ko na may mga pagkain sa mesa. Lumapit ako at nakita ang dalawang klase ng ulam. May kanin na rin at mga prutas. There's no single note on it but I know already who made all of these. Isang tao lang naman ang gumagawa nito. Sumulyap ako sa may pintuan, naka-lock na iyon, kanina ay hindi ko ni-lock. For the first time today, my lips formed a genuine smile, the realest since I woke up. My heart's heaviness is now lifted. Siguro dahil din sa mga ginawa ko kanina para mabawasan ang mga kung ano-anong bumabagabag sa isipan ko. My mind is now more clear than earlier. I want to call him but maybe tomorrow can wait. For now, sosolohin ko na lang muna ang mga pagkain na niluto ni Vince para sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD