Chapter Fourteen

2034 Words
You know that kind of feeling that you never feel bored or uncomfortable even if you are alone with someone? Ganoon kami ni Vincent. Or should I say ganoon ang nararamdaman ko kapag kasama ko siya, never boring, never uncomfy. Kapwa namin ine-enjoy ang katahimikan at nagmamasid sa paligid habang hinihintay ang order namin. "May tanong ako," bigla kong sambit at saka nangalumbaba paharap sa kanya. Sinenyas niya ang kamay niya upang ipagpatuloy ko ang sasabihin. "Like seriously, when are you planning to have a girlfriend?" Halatang nagulat siya sa tanong ko. Tumawa siya pero halata ang pag-alangan sa kanyang pagtawa. It was as if he doesn't know how to answer my question, and also it was as if he doesn't know the answer himself. Pinanood ko ang bawat reaksyon niya. May parte sa aking umaasa na sana mali ang hinala ko, na wala siyang gusto sa akin. Pero hindi ko maalis yung parte na sana nga totoo na lang lahat iyon. I'm hypocrite, I know. Siguro nga may gusto na rin ako sa taong ito, sino bang hindi? Nasanay na ako sa presensya niya. Nasanay na ako sa suporta niya sa bawat bagay. But the thing is... I cannot trust him enough not to cheat like my father did. He's a guy after all. "Bakit? Curious ka?" nagbibiro ang tono niya pero may bahid ng panginginig at kaba. "Wala lang. Baka may nililigawan ka na tapos hindi mo sinasabi sa akin ha!" I don't know why that thought hurt me. Nag-iwad siya ng tingin at hindi iyon binalik sa akin, nanatili siyang nakatanaw sa magandang tanawin sa aming harapan. Saktong dumating ang mga pagkain kaya pansamantalang nawala kami sa pinag-uusapan kanina. Hinintay naming makaalis ang nag-serve. Akala ko ay hindi na niya sasagutin pa ang sinabi ko dahil inaayos niya na ang mga pagkain namin. Naglagay siya ng kanin sa pinggan ko at iniayos ang mga pagkain ko sa aking harapan. He finished doing mine before he started doing his. Palagi niya namang ginagawa iyon pero ngayon ko lang napapansin. "Ikaw ang unang makakaalam kung may balak akong ligawan," anito habang naglalagay ng kanin sa pinggan niya. Pagkatapos ay nag-angat siya ng tingin sa akin. "Kain na, Coreen." "But do you like someone right now?" Hindi ko pa rin binibitawan ang topic namin. Sa tagal na rin naming magkasama at magkaibigan ay sobrang bihira namin mapag-usapan ang tungkol sa mga love life namin. Or napag-usapan na nga ba? Parang hindi pa ever. At kung mayroon man ay baka ilang palitan lang iyon ng salita. He stare at me directly in the eye. "I am in love right now, Coreen." "Bakit hindi mo aminin sa kanya kung ganoon? Mag-jowa ka na para naman may kasama na rin tayong babae na gagala sa susunod." Pinilit kong gawing magaan ang lahat sa pagitan namin kahit hindi na magkumahog ang puso ko sa malalakas na pintig nigo. He said it directly at me. He never mentioned a name. He also didn't say it's me. Pero... pakiramdam ko ay para sa akin ang mga salitang iyon. I'm not naive enough not to notice it. Pero siguro nga manhid din ako dahil hindi ko napapansin ang mga bagay na ito noon. Akala ko normal lang lahat. The way he look at me. The way he's always half step behind me when we're walking on the streets together. The way he watch me when I'm about to step down from a stair, or even from his car. The way he fixes my food. The way he even fixes my mood. The way he made me feel like I'm right without spoiling me for the things I'm wrong about. The way he makes me feel. "She isn't ready for it right now, Coreen. Bakit mo tinatanong? Ikaw ba, may nagugustuhan na ngayon?" My lipped remain tight and pursed together. Hindi ko alam ang isasagot sa tanong niya. May nagugustuhan na nga ba ako? Am I really breaking my own rules? Am I breaking the wall I especially built myself? May gusto na nga ba ako sa kanya? Ayaw kong malito ako sa nararamdaman ko. I need some time to think about it. Ano nga ba ang pagkakaiba na mahal ko siya bilang kaibigan sa gusto ko siya bilang lalaki? For now, hindi ko iyon masasagot. "Duh!" Nakagat ko agad ang ibabang labi pagkatapos kong sabihin iyon dahil naramdaman ko ang panginginig ng mga labi ko at halata rin iyon sa boses ko. "Syempre wala. Those things aren't my priority right now, alam mo naman iyon." He whispered something. Malakas ang hangin at mahina ang boses niya kaya normal lang na hindi ko narinig pero hindi ko mapigilang hindi ma-curious kung ano iyon. Nonetheless, I tried my best not to ask. "Kailan ka magiging ready kung ganoon?" Pakiramdam ko ay nagkapalit kami ng pwesto. Ako na ngayon ang nasa hot seat. Ramdam na ramdam ko ang kaba sa dibdib habang nakatingin siya sa akin, pinagmamasdan ang bawat ekspresyong lalabas sa aking mukha. I tried my best to smile and to look normal in front of him. Medyo mahirap nga lang gawin iyon sa taong mas kilala pa yata ako kaysa sa sarili ko. "I.. I don't know," I shrugged it off. "Pwedeng next week, next month, next year, o baka din never ako magiging ready." Ngumiti siya. "You will never be fully ready, Coreen. In everything that you do. You don't have to be ready to start something because if you do, you will never be able to leave the place where your shoes are glued on." "Woah!" Literal na namangha ako sa mga salitang binitawan niya. Hindi na nakakapagtaka. This guy is a real genius. Sanay na ring magsalita ng diretso dahil palagi rin namang natatawag sa harap para mag-announce ng kung ano-ano. Pero alam ko naman na totoo ang sinabi niya. We will never be fully ready. Kailangan lang natin ipunin yung lakas ng loob natin. Mayroon at mayroong kaba kasi sa lahat ng laro may mananalo at may kailangang matalo. At yung kaba na iyon ay para sa porsyento ng katotohanang posible kang matalo. Umiling-iling siya. "Kumain na nga tayo." Nagkibit ako ng balikat, hindi na nagsalita, at tahimik na rin na kumain. We both ate in silence, hindi iyon awkward silence ha, talagang in-enjoy lang namin ang pagkain, ang tahimik at payapang lugar, at ang magandang view sa aming harapan. Bihira lang ito mangyari. Plus ang sarap pa ng luto nila. I should bring my mother here, too, one day. "She likes you. Huwag ka nga'ng manhid diyan," sabi ko habang naglalakad-lakad kami malapit doon sa kinainan namin kanina. Naisipan naming maglakad-lakad habang papalubog pa lang ang araw. Babalik na rin kami maya-maya. "Hindi ako manhid. Ayaw ko lang siyang paasahin dahil hindi ko naman kayang ibalik yung nararamdaman niya." Topic namin ngayon si Yanna, ang project partner niya. "So, alam mo nga? At saka bakit hindi mo naman kaya? You could try it, you know." "May gusto nga akong iba. Alam mo ikaw napapansin na kita, kanina mo pa ako tinatanong tungkol sa love life ko." Pinaningkitan niya ako ng mga mata. "Selos ka?" Awtomatikong tumama sa braso niya ang kamay ko. "Ang feeling mo!" Tumawa siya at tumakbo. "Hindi ko alam na selosa ka pala?" sigaw niya. Ngumiwi ako at hinabol siya para hampasing muli pero sa halip na iyon ay iba ang nangyari. Naghabulan kami sandali at pagkatapos ay huminto sa may tapat ng sasakyan niya at saka nagtawanan. For a moment I felt like a child. Inabutan niya ako ng bottled water at kapwa kami sumandal sa likod ng sasakyan niya habang unti-unting nawawala na ang sinag ng araw. Padilim na. "I had a fun day," anito habang magkakrus ang dalawang braso at nakapikit ang mga mata, dinadama ang hangin na siyang umiihip sa buhok naming dalawa. "Thank you," sabi ko at humarap sa kanya na may ngiti sa mga labi. "For everyday." Tumaas ang isa niyang kilay at ang dalawang sulok ng labi ay tumaas sa magkabilang banda. His eyes teared up a bit, halatang nagulat sa sinabi ko. Nothing is on his face aside from happiness. "We should try to look for different restaurants in other places. Puntahan natin every weekend kapag hindi tayo uuwi sa kanya-kanya nating bahay." I chuckled a bit. "Ano ka? Umuwi ka. Alam ko naman na every weekend ka umuuwi maliban na lang kung marami kang school works na gagawin." His face lit up. Para bang may naisip siyang ideya at napagtanto kong tama ang pagkabasa ko sa kanyang mukha nang magsalita ito. "Maganda sa farm namin, kade-develop lang din last month. You should go and visit, nakaka-relax doon, promise." Pinalobo ko ang pisngi gamit ang hangin saka unti-unting inilabas ang hangin at ngumisi. Hindi naman ako kuryoso dati kung saan siya nakatira, kung anong itsura ng lugar nila, kung anong klaseng pamilya ang mayroon siya, pero ngayon an siya na ang nagbanggit ay gusto kong malaman kung saan nga ba siya lumaki. After all, friends should learn about each others din naman, 'di ba? "Baka may multo doon tapos iwan mo ako ha," biro ko. Tumagos ang tingin niya sa aking balikat, nanlalaki ang mga mata. "Multo ba kamo?" Lumakas at lalong lumamig ang ihip ng hangin ng gabing iyon dahil sa sinabi niya. Halos tumalbog palabas ng katawan ko ang aking puso habang ang mga mata ay halos lumuwa na. s**t! Sinapak ko siya at hindi nilingon ang likod ko kahit sigurado naman akong biro niya lang iyon. Hindi ako matatakutin pero hindi rin ako matapang sa ganito. Lalo na at madilim na ngayon at wala kami sa lugar na may naglalakihang mga establisyemento at nagliliwanag na mga ilaw. Humagalpak siya ng tawa. "Tara na, baka mapanaginipan mo pa." Ngumiwi ako at muli siyang sinapak. Kapag naman alam kong hindi maganda ang magiging panaginip ko dahil sa nangyari ay nagbabasa ako ng libro. Honestly, gabi-gabi naman ako nagbabasa maliban na lang kung tambak ang gagawin o masyado na akong pagod para hindi pa matulog. Dumiretso na rin kami na umuwi pagkatapos noon. It's not long but not a short drive, too. Pinipigilan kong makatulog sa byahe pabalik dahil bukod sa kawawa naman ang kasama ko na nagmamaneho at walang kausap ay tiyak din na baka mahirapan akong makatulog ulit kapag naistorbo ako kalagitnaan. "Coreen!" Bago ko maisara ang pintuan ng sasakyan niya dahil kabababa ko lang ay tinawag niya ang pangalan ko. And in the middle of a quiet street, his voice echoed my name with a small smile plastered on his lips. It made my heart skipped a beat for unknown reason. "Good night!" Ngumiti lang ako at hindi nakasagot. Nararamdaman ko ang panginginig ko dahil lang sa sinabi niya. Anong nangyari? This is so not me. Nasaan na ang mga pader na iniharang ko sa puso ko? Nasaan na ang mga pangakong hinding-hindi ako mahuhulog sa mga lalaking iyan kasi alam ko rin ang kahihinatnan. Why am I eating my own words now? Why am I stepping on the trap that I've tried so hard to avoid for years now? Pumikit ako nang mariin at nagtakip ng unan sa mukha. Sa kabila ng frustration ko ay hindi ko maiwasang hindi mangiti. Sa kabila ng takot ay namamayagpag pa rin ang kasiyahang nararamdaman ko. It's scary but it's making me happy. Do I like you that much already, Vincent? Or I'm just confuse because of the fact that you probably like me? Nagbuga ako ng hininga matapos higitin iyon ng ilang segundo nang hindi ko namamalayan. My heart is pounding like crazy inside my chest. Sinong makakatulog ngayon? Itinabi ko ang unan at sinilip ang phone ko nang may mag-text. Nakagat ko ang ibabang labi upang pigilan ang pagngiti nang makita ang pangalan niya sa inbox ko. Matulog ka na. Bukas pa ang ilaw ng kwarto mo. Jogging tayo bukas, bawal antukin. Good night, Coreen, I really had a very fun day today! Sasabihin mo na naman korni kaya 'wag ka na magreply at matulog ka na. Sugar dreams! I pouted. Hindi na ako nagtipa pa ng reply katulad ng sinabi niya pero natulog ako nang gabing iyon ng may ngiti sa mga labi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD