Chapter Ten

2161 Words
Alam mo yung pakiramdam na gusto mo na lang humilata maghapon, magtalukbong ng kumot, at ipikit ang mga mata? O kaya babangon maya-maya para uminom ng kape habang nagbabasa. Aish! Iyon ang gusto kong gawin ngayon pero hindi ko magawa. Lunes na naman, ang pinakaayaw kong araw. Nagmamadali kong kinuha ang nagkalat na notebook sa sahig dahil doon ko tinapos ang lahat ng gagawin at maski ang pagre-review kagabi. Inilagay ko lahat iyon sa bag bago dumiretso ng CR para maligo. Sure ako na maya-maya lang ay kakatok na si Vincent sa pintuan. And I was right. Habang nagpapatuyo ng buhok ay dumating si Vince. Maaga pa naman pero nakarinig na naman ako ng sermon dahil late na naman daw kami. "Thirty minutes pa bago ang first class, 'wag ka ngang OA," sabi ko at ininom ang mga huling patak ng kape ko. Nagtataka niyang tiningnan ang baso ko. "Nagkape ka lang? Hindi ka kumain?" Hindi ako sumagot kaya na-gets niya na iyon. "Magkakasakit ka sa ginagawa mo, Coreen." "Eh, nagmamadali nga ako--" "Kahit na. Eh 'di kumain ka man lang sana ng tinapay." Ngumiwi ako at hindi na siya pinansin. pagkatapos magsuklay ay d-in-ouble check ko ang mga kailangang timgnan, switch ng mga ilaw, tubig na baka nakasindi, at maski ang mga saksakan. Hindi ko inaasahang dadaan si Vince sa may fastfood chain na malapit sa school. Wala akong sinabi na kahit na ano at siya ang namili ng pagkain at iniabot sa akin iyon pagkatapos. "Sa room ka na kumain, maaga pa naman," anito. Ngumuso ako upang pigilan ang pagngisi. Seriously, kaya minsan napagkakamalan kaming mag-jowa dahil ganito siya, eh. "Yey!" Parang bata na sabi ko. "Thanks, Pres." He shook his head as he continued driving. Ang seryoso naman ng lolo niyo. Pinanood ko ang bawat paggalaw ng mga parte ng mukha niya. The way he close his eyes, the way he purse his lips... "Stop staring at me." Umismid ako saka bumulong, "Feeling." Matunog ang ginawa niyang pagngisi kaya napangiti na rin ako. Minsan din naiisip ko na hindi ko siya deserve maging kaibigan. He's the good boy type and I'm here to pull him down on the hell I'm living in. Maayos namang natapos ang buong umaga namin. So far walang requirements na nakaka-stress at maayos naman ang pagsagot ko sa quiz kanina. "Saan tayo kakain?" tanong ko. "Gusto mo bang sumabay sa akin? May kasama ako." Nagulat ako sa sinabi niya. At kailan pa siya nagkaroon ng kasabay kumain na hindi ako? Nakaramdam ako ng inis pero ayaw ko rin namang isipin niya na hindi siya pwede makipag-date. Of course he has all the right to do so. At ayaw ko rin namang makaistorbo. Sakto namang paglingon ko ay nakita ko si Bryan. Kumaway siya sa akin habang suot ang black na bagpack. "Hindi na. May kasama rin ako," sabi ko. "Bye! See you later." Nagsalubong ang kilay niya. "Sinong kasama mo?" Hindi ko na siya sinagot pa at dumiretso na sa gawi ni Bryan. He looks a bit fresher today. "Hi," he greeted. "Lunch?" "Saan?" We ended up eating in a carenderia near our school. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o ano. Honestly, yung sa school cafeteria niya ako aayain ay inaasahan ko pa pero dito? Well, in all honesty, hindi talaga ako kumakain dito. Hindi dahil madumi, hindi dahil madaming tao, hindi dahil hindi masarap... hindi lang talaga ako nasanay. "Mas masarap ang lutong bahay kaysa yung mga nasa fastfood," sabi niya na parang nababasa ang nasa isip ko. "Anong gusto mo? Adobo? Sinigang? Beans? Munggo? Chicken curry? Nilaga--" "Sinigang na baboy na lang." "Iyon lang?" "Mukha ba akong matakaw?" He chuckled. "Masarap ang chicken curry nila rito. You should at least taste that." May tinuro siya na pwesto. "Doon na lang tayo at may electric fan." Dumiretso na ako roon at naupo sa pwestong itinuro niya. Iginala ko ang tingin sa buong carenderia. Nagsisidatingan na ang mga estudyante at unti-unti ng napupuno ang lugar. Bigla tuloy akong na-excite kumain, amoy na amoy kasi ang mga ulam, nakakagutom. But I'm a bit worried. Baka naman amoy ulam na ako mamaya? "Here is your food, Ma'am," pabirong sabi ni Bryan at umupo sa tapat ko matapos ilagay ang mga pagkain namin sa mesa. Marahan niyang tinulak ang sinigang at chicken curry sa akin. He ordered two chicken curry! "Magkano babayaran ko?" Pinanliitan niya ako ng mata. "Mukha ba akong walang pera?" "Hindi. Sinabi ko ba?" Humalakhak siya ulit. This guy is making me feel like I'm a clown or some stupid girl he's talking to. Sinalinan niya ng tubig ang baso ko gamit ang pitsel na naroon. "Malinis iyan," anito na para bang jina-judge ko ang tubig kahit hindi naman. "Hindi ko rin sinabi iyon." Ngumiti siya at umiling-iling. "You're always the blunt type of person. No pretense at all," sabi niya at bahagyang humalakhak. "Kain na tayo." Tahimik kami pareho na kumain. Hindi ko na rin siya gaanong napagtuunan ng pansin dahil tama siya sa sinabi niya, masarap nga rito. Siguro iba talaga kapag lutong-bahay o kaya ay bihira ka makatikim. Specially their chicken curry, the best. Mai-request nga kay Vince na lutuin niya rin ito. Bumalik din kami agad sa school pagkatapos kumain. Umupo ako sa may bench na malapit lang sa cafeteria at tumabi naman sa akin si Bryan. Sa gilid ng mata ko ay nakita ko ang paglapag niya ng bag sa tabi at saka sumulyap sa akin. Huminga ako nang malalim. Hindi ko maintindihan ang pabago-bagong panahon. Kahit maulan ay maya-maya lang aaraw na naman. Maayos naman ang panahon ngayon, mahangin pero hindi makulimlim at hindi rin mainit. Sapat lang para tablan ako ng antok. Well, I just yawned. "Dream come true iyan kay Yanna." Bigla na lang nagsalita ang katabi ko. Medyo napaisip pa ako kung ako ba ang kausap niya o may katawagan siya pero nang tumingin ito sa akin ay nakumpirma kong ako nga ang kausap niya. May itinuro siya sa may bandang cafeteria gamit ang kanyang nguso. "Si Yanna, kaklase ko." Sa halip na ang babaeng sinasabi niya ang makita ay si Vince ang nahuli ng mga mata ko. Nakatawa ito habang may kausap na babae. I wonder if he's courting her? Napangiwi ako. No, I don't think so. Manliligaw ba siya ng hindi sinasabi sa akin? He's a bit mean if ever. "Saan?" tanong ko habang nakatingin sa pwesto ni Vince. You know, when I say men are jerks, I know Vince is not one of them. I mean, yes, lalaki pa rin naman siya pero hindi ko rin naman nilalahat. Mostly nga lang. "Ayun, yung kasama ni pres." Na-gets ko na agad na ang babaeng kasama ni Vince ang tinutukoy niyang Yanna. "Iyan ang pinakamadaming nanliligaw at nagkakagusto sa department namin. Malambing kasi at maganda. Mabait din at matalino. Nasa kanya na nga raw ang lahat pero walang gusto sa dami ng nakapila. Si Vince kasi ang matagal niya na talagang crush. I think same school sila nag-highschool." Nagulat ako sa impormasyong iyon. Oh, so they know each other even before college? Wow! Nagpatuloy ito sa pagsasalita na animo'y isa siya sa mga may gusto sa babae dahil halos lahat ay alam niya. "No boyfriend since birth. Ang sabi ng iba takot daw sa commitment pero sabi ni Yanna ay hindi raw, may nagtanong sa kanya dati na kaibigan niya. She's aesthetically pleasing inside and out. Magaling siya magdisenyo at..." Natigilan siya. "Sorry, naparami na ba ang nasabi ko?" Ngumiti ako habang nakatingin sa gawi ni Vince. Gusto kong sabihin sa kanya na oo pero nagugustuhan ko rin naman ang pagiging madaldal niya. "It's fine..." "Kaibigan mo iyan, si Pres, 'di ba?" I nodded. "May girlfriend ba siya? Nililigawan? Sana tingnan niya rin in a special way si Yanna, ang swerte niya nga, eh, sa dami ng nakapila ay sa kanya lang nakatingin si Yanna." "Magkasama sila ngayon, wala pa rin bang something?" Medyo nagtataka na rin ako at nalilito. Itinaas niya ang kamay at nagsenyas na hindi. "Hindi mo alam? Walang something kasi magkasama lang naman sila dahil sila ang partner sa project natin." "Ah?" Literal na napanganga ako sa sinabi niya. Oh my gosh! All this time ang nasa isip ko ay nakikipag-date si Vince tapos... "Hindi ba nasabi sa'yo ni Pres? Pero teka, ano ba ang type ni Pres sa babae?" Umismid ako at pasimple siyang biniro. "Ikaw yata ang may gusto kay Vince, eh, dinadamay mo pa si Yanna." "Hindi, ah! Straight ako." "Weh?" He smirked and he shook his head afterwards. "Kaka-break lang namin nung girlfriend ko a month ago." Medyo na-guilty pa tuloy ako kahit hindi naman dapat at wala namang nakaka-guilty sa sinabi ko. "Reason?" "Selosa kasi, madami na rin kaming napag-aawayan kahit hindi naman dapat." Nagkibit siya ng balikat. "Ilang buwan na rin naman na shaky ang relationship namin kaya alam kong darating rin sa punto na pareho kaming susuko." "Who initiated the break up?" Hinuli ko ang mga mata niya pero lumingon siya sa may cafeteria kaya hindi side view na lang ng mukha niya ang nakikita ko ngayon. Siguro ay hindi niya gustong makita ko ang sakit sa mukha at mga mata niya. You know, even if it's hard, if you sincerely love the person, it will always hurt. "Siya. Ang weird na ako pang lalaki ang nag-o-open ng mga ganitong bagay sa'yo--" "I don't mind," putol ko agad. "Continue..." "Kahit gaano na kahirap yung sitwasyon ayaw kong bumitaw, ayaw kong bitawan yung tao kaya kahit minsan naiinis na rin ako ay hindi ko magawang makipaghiwalay. I hate regrets the most, Coreen, ayaw kong makipaghiwalay pagkatapos ay araw-araw kong tatanungin ang sarili ko kung tama ba ang ginawa ko. Gusto kong magmahal hanggang sa dulo, hanggang sa maubos ako, hanggang sa dumating sa punto na kahit na ano pa man ang mangyari ay hindi ako magsisisi kasi alam ko na ginawa ko yung best ko." Kinagat ko ang ibabang labi at pinigilang maluha sa mga memorya na naglalaro sa isipan ko. I hope everyone's like him. Yung hindi basta-basta susuko kahit gaano kahirap. Ang dapat sana na time naming magplano para sa project ay nauwi sa pagkukwentuhan namin tungkol sa mga seryosong bagay. Madaldal at easy-going kasi si Bryan, hindi na ako magtataka kung marami rin siyang kaibigan. "Una na ako, Coreen," sabi niya at kumaway sa akin. "I-te-text na lang kita mamaya." Ngumiti ako at kumaway pabalik. Pinanood ko siya hanggang siya makababa siya at makalayo sa building namin, hinatid niya kasi ako. "Partner mo?" "Ay letseng nilalang ka!" Napatalon ako sa gulat at binato ng panyo ang may sala. Vincent is eyeing at me curiously. "Saan ka kumain? Hinahanap kita kanina pero wala kayo sa cafeteria. Teka, kumain ka ba? Baka ginutom ka nung kasama mo, ah!" Pumasok na ako sa classroom at sumunod naman siya. Umupo siya sa tabi ko dahil seatmates kami. "Sa may carenderia diyan sa malapit. Kain tayo doon next time, masarap sila magluto." "Anong inulam mo?" Ngumiti ako na parang bata habang inaalala ang lasa ng inulam ko kanina. Oo nga pala at balak ko magpalito no'n kay Vince. Kaninong version kaya ang mas masarap? "Well, I think you would get jealous of it," I shrieked. "Chicken curry ang inulam ko, and it's one of the best, no actually, it is the best chicken curry I have every tasted." Bahagya niyang inatras ang kanyang ulo saka ako pinanliitan ng mga mata. "Kung makapagsalita ka parang may gayuma yung kinain mo, ah?" I smiled at him sweetly. "Totoo nga! Masarap talaga. We should eat there, too." "Saan kayo kumain?" "Sa may karenderya." His mouth fell open upon hearing my answer. "Seryoso ka?" Ako naman ngayon ang ngumiwi. Hindi ko ma-gets ang reaksyon niya. Am I forbidden there or something? "Hindi ka kumakain sa carenderia, Coreen!" Gusto kong matawa sa tono at mga salita niya. He sounded like he just found a miracle. "At napapunta ka nung lalaki na iyon doon?" His eyes glanced up at me and I found emotions in there I cannot name. "Do you like that guy?" Inipon ko ang hangin sa loob ng bibig habang pinipigilang matawa. Seriously? Ganoon ba kasobrang himala ng pagkain ko sa carenderia? Now I'm a bit offended. "I barely know the guy," sabi ko dahil iyon naman ang totoo. Except for his name and for his course, I absolutely know nothing about him. "Ano iyan? Lover's quarrel?" Sabay kaming lumingon ni Vince sa kaklase naming nasa likuran ng upuan namin. Nag-peace sign ito at nagkunwaring busy sa pagkausap sa kanyang katabi. Lover's quarrel? Tss. "Sana sumabay ka na lang sa akin sa cafeteria." "Duh! Siya ang partner ko sa project natin. Ang OA ng reaksyon, ha?" His face softened. Mukhang nahalata niya na rin sa sarili niya na ang weird niya nga. "Sorry. Nagulat lang ako na kumain ka roon." He looked away as if he's ashamed of something. "P'wede naman kitang lutuan ng chicken curry anytime."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD