It's a U-shaped building with over all rose gold look. Looking so fab and chic but a big no-no to me.
"Hindi mo gusto?" Tumayo siya at hinila ang upuan patungo sa tabi ko. Hindi ko tinanggal ang paningin sa nagawa naming design, hindi pa siya final, at hindi pa rin maayos na naka-drawing. "Girls like this color."
"Maganda naman talaga ang rose gold but for a building? I do think it's too much. Baka mas maganda pa ang magkasamang matingkad na kulay na itim at matte version niya. That would look more expensive and luxurious than..." Ngumiwi ako. "that."
"Grabe!" Humalakhak siya. "Hindi ka man lang ba magkukunwari na nagustuhan mo?"
"So, ito ang pinili mong kulay kasi baka magustuhan ko?"
He shrugged. "My partner has to love the design."
"And why is that?"
"Iyon ang gusto ni Ma'am na mangyari. Yung mailagay natin ang puso natin sa design, in order to be fully creative, you have to love what you are doing. Bago mo mahaplos ang puso ng ibang tao dapat ikaw mismo nahulog ang puso mo sa gawa mo."
Umirap ako. "Dapat ay nag-aral ka na lang ng poetry or drama writer kaysa architecture."
Umiling-iling siya bago kinuha ang papel sa harapan ko. Dalawang linggo na mula noong una kaming nag-lunch ni Bryan, sa karenderya. Two weeks na rin kami nagpa-plano ng gagawin. Hindi lang kasi basta design, we have to measure the costs and also to present materials. Hindi naman kami pwedeng mag-imagine lang ng ganito ganiyan, we also have to measure the quality of the building like we're building for real.
"Pero ayos na ba ang disenyo ng building o may papalitan pa?"
And we also spent the last two weeks jumping to different details. Araw-araw may nababago dahil kahit perpekto na ang lahat ay nagkakaroon naman ng problema sa materyales. May mga materyales kasi na maganda ilagay pero hindi siya recommended for longer use kaya nagkakaproblema kami.
"Wala na, sa tingin ko. Kailangan pa raw ba design-an ang loob? Like the floors?"
"Tinanong ng kaklase ko iyan, hindi naman na raw."
That's good. Designing each floors would be a lot of trouble. Tapos na kami kung ganoon, finalizing na lang lalo na sa kulay.
"May kailangan pa bang gawin?" tanong ko. "Sino ang magco-compile ng reports?"
"Ako na. Hati na lang tayo sa gagawin?"
"Ako na sa material details. Ikaw na sa mga kung ano-anong disenyo ng building, the explaining, I mean."
"Okay!"
Nagkasundo kami na tapusin na ang meeting na iyon. Sakto namang nagtama ang paningin namin ni Vince. Nasa tabi siya ng sasakyan niya sa may harapan ng coffee shop kung saan kami nagkita ni Bryan. Hindi ko alam na susunduin niya ako.
Mabilis kong inayos ang mga gamit ko. At sa huling bagay na nilagay ko sa bag ko ay nagsalita si Bryan.
"He likes you a lot, does he?"
Nanliit ang mga mata ko at nagsalubong ang kilay. I clearly know what he means but I also don't know what he meant by it. Alam mo iyon?
"Huh?"
Matunog siyang ngumisi. "Vincent. Alam mo, kung hindi mo lang itinanggi na boyfriend mo siya ay hanggang ngayon iyon pa rin ang tingin ko. Poor Yanna, the girl probably has high hopes on him now."
Tumayo na ako at isinukbit ang shoulder bag ko sa balikat. "Ligawan mo na lang kaya si Yanna, ikaw talaga yata may gusto do'n, eh."
"Wala nga--"
Iniwan ko na sis kahit 'di pa ito tapos magsalita. Throughout the two weeks Bryan and I have spent together, na-realize ko na ang daldal niya pala. Medyo naging komportable na rin kami sa isa't isa kaya nakatulong din iyon para hindi kami mahiya na magbigay ng opinion.
"On the way naman kaya dumaan na ako," paliwanag niya nang ilang hakbang na lang ang pagitan namin.
He's obviously guilty. Wala pa akong sinasabi ay defensive na siya.
Sa halip na sumagot ay nagtaas lang ako ng kilay at nagtungo na sa may kabilang side kung saan naroon ang passenger seat. Binuksan ko ang pinto at malayang naupo roon. Pumikit ako at isinandal ang ulo.
Ngayon lang ulit sumagi sa isip ko na ang dami pala naming gagawin. Isa lang ito sa project na kailangan kong tapusin. May powerpoint pa ako na sa Monday ang deadline. Damn exhausting projects! Sana ay hindi sila sabay-sabay nagpapagawa. Hindi ba sila p'wedeng mag-usap-usap? Like one subject this week, other next week...
I heaved a sigh.
"Problema?" my driver asked. "Hindi pa rin ba ayos yung ginagawa niyo nung Bryan? Akala ko ba finalizing na?"
Pinanatili kong nakapikit ang mga mata. Nakaka-amaze din talaga minsan kung paano nagagawa ni Vince na maging kalmado, eh. Akala ko kalmado na ako sa maraming bagay pero ang bilis ko pa rin ma-stress kapag natatambakan ng activities.
Hindi na siya umimik nang hindi ako sumagot. Sa halip ay binuksan niya ang speaker ng sasakyan at saka nag-connect ng phone. Kasalukuyang naka-play ngayon ang OST ng isang sikat na K-drama. I love how relaxing it feels.
Hindi ko namalayang nakatulog pala ako dahil doon at nagising lang sa mahihinang tapik ni Vince.
"Hey, sleepyhead, dumilat ka na diyan at nang makapagpahinga ka na sa kwarto mo."
I groaned. Ugh! I really hate it kapag napuputol ang tulog ko. Nagmamadali akong umalis at iniwan na si Vince doon saka lakad-takbong tinungo ang kwarto. Ibinaba ko na lang sa sahig ang bag na dala saka dumapa sa kama. Now, this feels nice.
Buong araw ng linggo ay magkasama kami ni Vince, hindi siya umuwi sa kanila dahil napag-usapan naming gagawin namin ang mga due na requirements namin this week ngayong araw.
"Hindi ka pa tapos?" Sinilip niya ang ginagawa kong article sa laptop. Kasabay ng paglapit niya ay ang pagkalam ng tiyan ko. I sighed in disappointment, kanina pa talaga ako nagugutom, pero mas gusto kong kumain mamaya kapag tapos na lahat.
Vince fight the urge to laugh. Halata sa mukha niya na natatawa siya pero pinilit pa ring magseryoso dahil nakita na wala ako sa mood. Sa halip na asarin ako ay umupo ito sa kabilang gilid ko at kinuha ang isa ko pang ginagawa na requirement. Searchable lang naman iyon, matrabaho lang dahil madami.
"Ako na ang gagawa rito, tapusin mo na iyan," sambit niya.
Para akong nabuhayan sa sinabi niya. At least nabawasan ang gagawin ko. Remind me to eat a lot of sweets after this week.
I finished doing it after an hour. Patapos na rin siya kaya ako na ang nagpresinta na tapusin. Nakikita ko rin kasi na medyo nangangawit na siya. He's constantly massaging his neck like it hurts a lot.
"Ayos ka lang? Mahiga ka kaya muna?"
Tumayo siya. "Magluluto na muna ako ng pagkain. Iayos mo na muna 'yang mga kalat natin."
"Mag-order na lang tayo, 'wag ka na magluto," nag-aalalang sabi ko.
Kung ako busy, paano pa siya? Siya ang president ng student council, siya ang literal na pinaka-busy sa aming mga estudyante. Plus the fact that he's always fighting for his rank. Madami siyang ginagawang project at hindi lang basta-basta lahat iyon.
Ngumiti siya, hindi ko alam kung paano nangyari pero may kumislap sa mga mata niya. Medyo nagulat ako at namangha. It's as if there's a glitter on it!
"Ayos lang ako, Coreen," natatawang sabi niya. "Nangawit lang."
I still look at him in doubt. Sa huli ay napapayag ko rin naman ito sa gusto ko at um-order na lang kami ng pagkain.
Literal na hell week nga ang linggong iyon kaya nang dumating ang sabado ay tuluyan na akong naubusan ng enerhiya. Nag-aya ng inuman sila Kent kasama sila Hiro pero hindi na ako sumama. I'd rather sleep the whole weekend.
"Coreen!" sigaw ni Vince mula sa baba. Nasa kwarto ako at nandiyan na siya sa baba mula pa kaninang umaga. Inaya kasi ako mag-jogging pero hindi niya ako napilit kaya tumambay na lang siya doon sa sala at nanood ng TV. Boring daw sa apartment niya, eh, pareho lang naman kami.
Hindi ko pinansin ang pagtawag niya. I'm too sleepy to even care whatever he wants to tell me. Kaso ang siraulong kapitbahay ko ay pumasok sa kwarto, well, bukas talaga iyon kanina, nakalimutan ko isara.
"Wala ka ng stock ng pagkain. Tara, mag-grocery."
I groaned and moved to the other side of the bed. "Ikaw na lang. Kuha ka ng pera sa wallet ko," inaantok na sabi ko saka tinakpan ng unan ang ulo para hindi na marinig pa ang sasabihin niya.
Pero ang mokong, lumapit sa gawi ko at tinanggal ang tinakip kong unan. I swear, I want to punch him right now, kahit gaano pa siya kagwapo!
"Move away," mariing sabi ko.
"Buti at hindi sumasakit ang ulo mo? Natutulog na lang ang ginagawa mo. Get up, you need to exercise or walk around, at least, Coreen."
"Ugh! Ang ingay mo!"
Guess what?
Umabot kami roon ng mahigit fifteen minutes na nagtatalo hanggang sa tuluyan ng magising ang katawang lupa ko. Napilitan akong bumangon, maligo, at magbihis para mag-grocery kasama siya. He told me he'll pay for my stock this month. Iyon na raw ang bayad niya para doon sa pagsama ko sa kanya noong foundation week namin.
Well, sino ba ako para tumanggi? Plus siya naman din halos nakakaubos ng stocks ko kapag nandito siya.
"Plus cook me chicken curry for dinner," hirit ko pa bago kami makalabas ng apartment.
Pareho kaming kaswal lang ang suot. Para nga lang siyang nakapambahay, naka-shorts lang. Naka-jeans naman ako. We're both wearing plain white shirts. Hindi pinag-usapan, pareho lang kaming tinamad mamili.
Sinulit ko na ang libre niya kaya bumili na ako ng madaming biscuit at junkfoods, mura lang naman iyon, s'yempre ayaw ko rin naman paggastusin siya ng malaki, ano! I'm not that wicked.
"Hindi ko iyan bibilhin," kontra niya bago ko pa maihulog sa cart ang canned beer na kakakuha ko lang.
I rolled my eyes at him. As if naman 'di siya uminom sa binili kong ganito noong nakaraan.
"Eh 'di ako magbabayad."
Pumirmi ang kamay niya sa hawakan ng cart. "Hindi maganda iyan sa kalusugan, Coreen."
"Ano ka, good for the brain kaya ito."
Pumikit siya ng mariin. Pagkamulat ng mata ay unti-unti siyang tumango. "Fine! Pero dalawa lang ang p'wede mo bilhin para sa buwan na ito."
Kumuha ako ng apat. Buwan na ito? Duh! I can buy a drink from the store near us, mas mahal nga lang doon.
"Dalawa lang ang sinabi ko, Coreen."
Umamba ako na ibabato sa kanya ang beer na hawak ko pero nagtaas lang ito ng kilay. I rolled my eyes after.
"Kabwisit," bulong ko. "Sa iyo yung dalawa, oh, masaya ka na? Ang dami mong reklamo, tatay ba kita?"
Umirap ako ulit saka siya iniwan doon. Sumunod siya sa akin pero tahimik lang. Hindi naman ako ganoon kababaw para magalit para lang doon. Medyo nainis lang din dahil bawal siya ng bawal. Two beer in a month? Serious? I can even drink ten cans in one sitting tapos paiinumin niya ako ng dalawa lang sa isang buwan?
Nawalan ako ng gana bumili ng mga gusto ko. Puro importante na lang ang kinuha ko. Soy, patis, some noodles na inakala kong ibabawal niya rin pero hindi naman, and other things na necessary sa pagluluto.
Dumiretso na ako sa counter pagkatapos no'n. Tahimik pa rin siya at ganoon din ako.
"Bakit kakaunti binili mo?" tanong niya, halata sa boses na alam niyang galit ako. "Sorry. I don't mean to be strict to you, Coreen. Kaso alam ko na may drinking nights ka rin na mangyayari ngayong buwan kasama sina Hiro kaya at least mabawasan mo man lang ang pag-inom kapag nasa bahay. And also, it's unhealthy for you, too. Dagdagan na lang natin. Huwag ka naman magalit, oh."
Buti na lang at kanya-kanyang mundo ang mga tao rito kaya hindi siya narinig o napansin.
I rolled my eyes. Hindi na ako naiinis. At some point alam kong tama siya. Hindi ko ba alam kung bakit ang dali kong napikon kanina. I have my period today, isa siguro iyon sa dahilan, I'm a bit emotional.
Now that I think of it, he means no harm, ako dapat ang mag-sorry at hindi siya.
"Sorry," sambit ko. "Madali lang talaga ako mainis ngayon, you know, girls and their period."
Nag-ngising aso na siya pagkatapos at ngumiti rin ako. Ang haba talaga ng pasensya ng taong ito. Muling bumalik sa isip ko any sinabi ni Bryan last week.
Could it be true?
Nawala ang ngiti ko unti-unti habang nakatingin kay Vince. Ngayon ay unti-unti kong napapansin ang mga gesture niya sa akin.
Does he like me?
He shouldn't.