-VINCENT YU-
"Kuya!" sigaw niya kahit na ang lapit niya lang sa pwesto ko. Nilingon ko ang kapatid ko na ngayon ay nakasampa na sa aking kama.
Anong ginagawa ni Via sa kwarto ko?
"May ginagawa ako, Vi," sabi ko at muling hinarap ang laptop dahil may poster ako na tinatapos.
I need to finish all of these today because tomorrow is Coreen's debut. Alam ko na hindi siya magpa-party, hindi siya nag-imbita ng madami, at baka pa, marahil, ay nalimutan niya na rin na hindi lang ordinaryong kaarawan niya ang mangyayari bukas. It's her eighteenth birthday, and that's one of the most special day for a lady.
"Patulong sa assignment, kuya."
Inilipat ko ang mga mata sa kanya. Nagpapaawa siyang ngumuso at nag-beautiful eyes pa.
I sighed.
"Ano ba ang assignment mo?"
Ngumiti siya ng malaki at ipinakita sa akin ang notebook niya. Pinirmi ko ang tingin sa kanya bago unti-unting ibinaba iyon upang makita ang nakasulat sa kanyang kwaderno.
It's a certain topic about chemistry. Assignment quiz iyon. Kung tutuusin ay p'wede naman niyang i-search na lang sa internet, hindi ko maintindihan kung bakit niya pa ako ginugulo rito. Maiintindihan ko pa kung mathematics ang subject na ipapakita niya dahil mahirap hanapin ang mismong problem online bagaman nagkalat naman ang formula.
Pero theory? Theory about chemistry?
Huminga ako nang malalim at tumingin ulit sa kapatid ko na halata na sa mukha ngayon ang pilit na pagkakangiti. Obvious naman na hindi itong assignment ang pakay niya sa akin.
"What is it?" tanong ko. Hindi ko mapigilan ang hindi pagseseryoso.
Hindi naman ganito si Via maliban na lang kung seryoso ang pag-uusapan namin. Ang huli niya akong kinausap sa ganitong paraan ay noong nahuli siyang nag-cut ng class para lang pumunta sa Mall at makipag-agawan sa tickets para sa concert ng favorite band niya.
Magagalit ang parents namin dahil kahit hindi sila istrikto at ayos lang naman ang pagiging fangirl niya, hindi pa rin maganda ang ginawa niyang pag-absent at pag-cut ng klase. Idagdag pa na quiz nila noon kaya kung hindi darating ang guardian niya ay hindi na siya pag-ki-quiz-ing muli.
Yep, she asked me to go instead of my parents. Tiyak na grounded siya kapag nagkataon at baka hindi rin siya payagan na dumalo sa concert kahit nabili na niya ang ticket. Umiyak siya noon sa harapan ko pero iyon na ang huli.
Ngayon na lang ulit...
She's usually straightforward.
"May boyfriend ka na?" Iyon ang unang pumasok sa isipan ko.
Namula ang mukha niya. "Wala, kuya," aniya sa tonong naiinis. "At saka kung mayroon, nanliligaw pa lang ay binanggit ko na."
Humalukipkip ako at tuluyan ng nawala ang atensyon sa ginagawa kong poster. Isinara ko na ang laptop at ibinaba iyon sa bedside table bago hinarap ang kapatid ko.
"Ano? Nag-cut ka na naman ng klase? Nawala ka sa top? Bagsak ka? May nakaaway?"
Ngumiwi siya. "Bakit puro na lang negatibo ang sinabi mo? Hindi, ano!"
Nakahinga ako kahit papaano dahil doon pero hindi ko pa rin maiwasan na hindi kabahan sa mga susunod niyang sasabihin.
"Diretsuhin mo na kung ano ang sasabihin mo. Marami pa akong tatapusin, Via."
"Itatanong ko lang naman sana kung..." Ngumiti siya ng pilit, nahihiya marahil. I saw how her soft hands clasped together. Kinakabahan siya. "Kung p'wede mong isama ang girlfriend mo sa birthday ko."
Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Agad kong sinara ang nakabukang mga labi at hindi nakapagsalita.
"Si Ate Coreen, Kuya, ang tinutukoy ko," dagdag niya.
Ako naman ngayon ang nahihiya na nag-iwas ng tingin at kinuhang muli ang laptop, binuksan, at nagkunwari na abala roon.
"She's not my girlfriend," maayos na sagot ko sa mga sinabi niya nang hindi siya sinusulyapan.
"Eh, hindi pa, kuya, pero may gusto ka naman sa kanya 'di ba? Nililigawan mo pa lang ba?"
I'm not as nosy as her. Nagkamot ako ng noo at umiling. Hindi ko alam kung nakuha niya ang gusto kong mangyari. This conversation about Coreen is making me shy.
At talagang malakas ang loob niyang tanungin ako.
"Tumulong ka na lang kay mommy na magluto kung wala kang magawa," sabi ko sa kanya.
At kahit bukas ng muli ang laptop at naka-open na ulit ang site ng pinag-e-edit-an ko ng poster ay hindi ko pa rin iyon masimulang muli. Abala pa rin ako sa pag-iisip ng mga tanong ibinato sa akin ng kapatid ko.
"Hindi mo nililigawan, kuya?" gulat na tanong niya.
She did get it, huh.
I pursed my lips as I turned to her once again. Naka-ponytail ito ng buo, walang make-upsa mukha- may muta pa nga, eh. Girl version ko raw siya, iyon ang sinasabi ng karamihan. I don't see it though. Girl version siya, oo, pero hindi ako. Girl version siya ng dad namin. I look like my mom, with the soft and sweet features. But my sister has this fierce aura all over her face. Ang mata niya lang ang mukhang maamo.
"Bakit hindi, kuya? Akala ko pa naman ay may gusto ka sa kanya. Sinabi ko pa kay Ate Coreen na may gusto ka sa kanya!"
Lumaki ang dalawang mata ko at ngayon ay kuhang-kuha niya na ng buo ang atensyon ko.
"Sinabi mo ang alin?" sabi ko at pilit pinapaulit sa kanya ang mga nauna niyang sinabi. "Sinabi mo sa kanya ang alin, Via?"
She bit her lips as she looked away guiltily. "Sorry, kuya," she answered in a soft and low voice.
I pinched the bridge of my nose. Pagkatapos ay minasahe ko ang sentido dahil hindi ko alam kung bakit bigla akong na-stress.
Ano na lang iniisip no'n ngayon?
Tumango ako sa kapatid ko. Wala na rin naman akong magagawa dahil nasabi na niya. She'll know it eventually anyway. Hindi ko lang inaasahan na sa halip na ako ang magsabi ay ang kapatid ko pa.
"Sige na, Via, tulungan mo na ang mommy roon at marami pa akong tatapusin," kalmadong sabi ko.
I don't usually get mad. Especially to my sister. Medyo kinakabahan lang ako. Ano naman kaya ang naging reaksyon ni Coreen doon? Hindi naman siya umiwas sa akin nitong mga nakaraan. Hindi rin naman naging weird ang mga kilos niya.
"Sorry, kuya..."
Ngumiti ako para ipaalam sa kanya na ayos lang. Ginulo ko ng bahagya ang kanyang buhok at muling tumango.
"Hindi ako galit, Via..."
"Sorry pa rin." Tumayo na siya at mukhang paalis na pero huminto siyang muli at humarap sa akin. "Pero gusto ko siya para sa iyo, kuya." Ngumisi siya. "Isama mo siya sa birthday ko, ha!"
Bago pa ako makapagsalita ay tumakbo na siya palabas ng kwarto ko. Hindi ko na lang pinansin at sa halip ay tinuloy ang ginagawa.
Tinapos ko iyon hanggang hapon. I skipped lunch. Bukod kasi sa mga school requirements na kailangan kong gawin at ilang mga trabaho bilang SSC president ay may mga kailangan pa akong kausapin para sa birthday ni Coreen bukas.
I want it to be like a fairytale themed but with a touch of elegance and not too childish. Plano ko na mag-confess bukas.
Yes, I like her. No, scratch that, I actually love Coreen. Not as a friend but way more than that.
Pero hindi ko basta pwede na lang aminin iyon lalo na at alam kong nasa healing process pa rin siya sa nangyari sa pamilya niya. Alam ko na nahihirapan siyang magtiwala.
I don't plan to ask her to be in a relationship with me. Gusto kong samahan lang siya sa kung anong sapat na bilis ang gusto niya. I just want her to know but I also don't want to pressure her. Pero aaminin ko na umaasa ako na bibigyan niya ako ng chance. Not to be a friend but to be more than that.
"Salamat po. Na-i-send ko na po sa inyo ang mga paborito niyang pagkain. Okay. Sige sige po. Salamat."
Pagkababa ko ng phone ay tumabi sa akin si dad. Nakasandal ako sa pader sa harap ng aming bahay at nakatanaw sa aming bukid. Ibinulsa ko ang cellphone ko bago hinarap si dad.
"You really like her a lot, don't you, son?" Hindi ako sumagot. Humalakhak siya na para bang sigurado naman siya sa kasagutan na nasa kanyang isipan. Hinawakan niya ang balikat ko. "Malungkot ang mga mata ng dalagang iyon kahit nakangiti. Inosente at mukhang mabait."
"She's gorgeous, intelligent, and cool, too, dad." Proud kong hinarap ang ama ko. "I just hope she won't friend zoned me though."
Dad laughed. "She likes you. Sino ba naman ang hindi magkakagusto sa'yo, eh, nagmana ka sa akin?"
Umiling-iling ako. Minsan ay hindi ko na alam kung paniniwalaan ko pa ba si daddy dahil madalas na puro biro ang lumalabas sa bibig niya.
"Sincerity, anak, as long as you are sincere, you'll get the kind of love you dreamt of."
Kabadong-kabado ako nang magising kinabukasan. Nag-text ako sa kanya pagkagising ko para batiin siya sa kanyang kaarawan. Nag-reply naman siya agad at nagpasalamat. Gusto ko sanang tumawag kaso ay oras niya naman ito para sa pamilya niya at ayaw kong makaistorbo.
Magkikita naman kami mamaya.
Dumating ako sa venue bago pa dumating ang tanghalian. Nag-order na lang ako ng fast food at sa mismong venue na kumain.
It's a garden. Private garden ito na hindi niya pa napupuntahan. Alam niya naman kung saan dahil madalas naming nadadaanan, hindi lang talaga siya nakapasok pa.
Napangiti ako sa ganda ng lugar. Mas lalong gaganda ito mamayang gabi dahil sa mga ilaw.
"Okay na po ba lahat?" tanong ko sa isa sa mga nag-ayos doon.
"Okay na po, sir, ready'ng ready na," masiglang sagot niya. "Tatanungin mo na ba, sir, kung pwede mo maging girlfriend? Grabe sa effort, para kang magpo-propose."
Humalakhak siya samantalang ako ay hindi na makatawa ng matino dahil sa kaba.
"Hindi. Magco-confess lang muna ako. Saka na iyan at baka mabigla siya."
"Ay! Ang swerte naman ni Ma'am sa'yo."
No, I'm more lucky because she's with me.
The gold, black, and some pastel colors combined are the overall theme. Fairytale na modern and elegant version. Hindi ako nagpalagay ng red carpet dahil tiyak na mas mai-intimidate siya roon at sa halip ay mga magagandang bulaklak ang nakalagay sa gilid ng pathway na daraanan niya mamaya.
Sa mismong gitna ang ang pabilog na mesa na gagamitin namin. Nakaayos na rin iyon. Table cloth, the wine is ready- ilalabas na lang mamaya. The bouquet of flowers that I ordered has arrived already, too.
Habang patagal ng patagal ang oras ay mas lalo akong kinakabahan. Nakapaikot na ang mga fairy lights sa mga puno at kung saan-saan pa malapit sa amin. Panay na rin ang pangungulit ko sa mga chef na bilisan ang pagluluto dahil sinigurado ko na mai-se-serve lahat iyon ngayong gabi. It's her day. Dapat ay walang pagkakamaling mangyayari. I want her to be happy tonight and until the rest of her life.
Simple na lang ang ginawa ko. Bukod sa disenyo ng lugar ay hindi na ako nagpakuha pa ng kakanta o tutugtog. Gusto ko dalawa lang kami mamaya lalo na at ngayon lang ako magkakalakas ng loob na umamin ng nararamdaman ko. Alam ko rin naman na hindi siya komportable kung may manonood.
Ngayon lang ako aamin hindi dahil sa torpe ako kung 'di dahil alam kong hindi pa siya handa. Marami pa rin siyang katanungan sa isipan. At hanggang ngayon ay batid kong takot siyang magtiwala pero susubukan kong ayusin lahat ng iyon. I want her to conquer all her fears with me. To fix all her traumas with me. I want her to accept her flaws with me. I want her to share with me all her imperfections.
Damn. I'm so in love with her.
I glanced at the red box sitting on the table. Hindi ko sigurado kung matutuwa ba siya rito dahil hindi naman siya mahilig tumanggap ng mga regalo.
Simple lang si Coreen. Medyo bossy lang minsan pero siguro ay nasanay na lang din sa akin. But she's never the high maintenance type. Ayaw niya ng mga mamahaling regalo. Madalas ay pagkain lang talaga ang pinapabili niya. Pero ngayon ay deserve niya ito. At alam kong bagay sa kanya.
I checked my watch for the nth time today. Nag-text na ako sa kanya at tinatanong kung nasaan na siya pero hindi ito nag-reply.
Padilim na nang padilim. Late na siya ng twenty minutes sa napag-usapan naming oras at habang tumatagal ay mas lalo akong kinakabahan.
Thirty minutes passed. Sinubukan ko siyang tawagan. Nagri-ring iyon pero walang sumasagot. Nagsimula na rin akong kabahan.
I hope nothing bad happened while she's on the way...
Pinalipas ko pa ang isa't kalahating oras para maghintay dahil baka na-traffic lang o nakatulog kaya late. Maybe she's dressing up?
Lumunok ako upang mawala ang bara sa lalamunan. She'll come. I know she will.
Kanina pa nakasindi ang mga ilaw. Napakaganda ng paligid. Maayos at masarap sa mata ang lahat ng bagay. Natitiyak kong magugustuhan niya lahat ito kapag dumating siya.
But to my dismay, another hour passed, and there is no sign of her.
Kahit gabing-gabi na ay pinilit kong umuwi dahil baka nasa apartment na siya, baka nakatulog, baka late nakauwi at dumiretso na sa apartment, o baka iniisip niyang hindi ko na siya hinintay pa.
But the again, the lights are off on her apartment. No sign of her being inside the place.
Nanghihina akong napaupo sa may sidewalk habang nakatingin sa apartment niya at hawak ang cellphone sa aking kamay.
I waited again, hoping she'll come. I waited again, hoping she'll send me a message. I waited. I hoped.
But nothing came.
She didn't come.