Chapter 25

1769 Words
- COREEN SANCHEZ - "Happy birthday, anak!" Nagising ako dahil sa pagpasok ni mommy sa kwarto ko. May dala siyang cake na may nakasinding kandila. It's the cake we made last night. Natawa ako ng bahagya, was it supposed to be a surprise when I already saw it? Umupo ako sa kama at tumingin sa kanya. "Make a wish," she commanded before I can even say or do a thing. "Mom, ano ako bata?" reklamo ko at umambang hihipan ang kandila pero inilayo niya ang cake sa harap ko. Lumamlam ang mga mata ni mommy. Tinikom ko ang bibig at bahagyang pinag-aralan ang ekspresyon na lumalabas sa kanyang mukha ngayon. Sadness. Iyon ang nababasa ko. Katulad ng sinabi ko noon ay hindi ako magaling manghula ng nararamdaman ng ibang tao maliban na lang kung masyadong halata iyon. Like what she's showing to me right now. Ibinaba niya ang cake sa side table at siya na mismo ang umihip ng kandila. Tila may pumasok sa isipan niya na kung ano. Umupo siya sa tapat ko pagkatapos. She slowly caressed my cheeks. "I'm sorry. Dapat ay elegante ang birthday mo dahil debut mo ngayon. I'm sorry, honey..." Umiling-iling ako at ipinakita sa kanya na ayos lang dahil ayos lang naman talaga. Hindi naman ako ma-party na tao at ano naman ang gagawin namin sa party? Makikipag-plastikan sa mga dadalo? I'd rather have an intimate dinner with family and close friends. "Ayos lang iyon, mom. Don't worry about it." "I have a gift for you, actually." Tumayo siya at may kinuhang envelope sa may bedside table ko. Hindi ko iyon napansin kanina. It's an elegant envelope with gold and red colors. "What's that? Card?" tanong ko at banggit sa unang suspetsa. Ibinigay niya iyon sa akin. "Buksan mo. Ibibigay ko sana ito kahapon pero nawala na sa isipan ko." Binuksan ko iyon at tumambad sa akin ang two-way ticket patungong Batanes. Nabigla ako at literal na hindi nakapag-react. My lips parted in awe and surprise. Pangarap kong makapunta ng Batanes at alam iyon ni mommy! More than any places, I'd chose Batanes, kahit na papiliin mo pa ako kung Batanes o abroad. Ngumuso ako at lumuhod sa kama saka niyakap ng mahigpit si mommy na nakatayo sa aking harapan. She hugged me back and slightly patted my back. "Happy birthday, Coreen." "Thank you dito, mom! Super saya ko!" Pagkatapos ko siyang yakapin ay nakangiti kong tiningnan ang detalye ng flight. Bukas na ito agad ng madaling-araw pero sinabi ni mommy na pwede raw i-move. May pasok ako bukas kaya baka nga imo-move ko na lang. "You'll go with me?" tanong ko. "No," agarang sagot niya. "You've always wanted to travel alone. At ngayon na eighteen ka na ay pagbibigyan kita. After all, Batanes seems like a peaceful place. Panatag ako na magiging maayos ka roon. Unless you want me to come? P'wede naman akong bumili ng isa pang ticket." Ngumisi ako at hindi na naitago ang kilig na nararamdaman. Hindi pa lumilipas ang isang oras mula nang magising ako ay sobrang saya ko na. Sana ay maghapon ng ganito. "It's fine, mom. Gusto ko nga mag-travel mag-isa." I gave her a big smile. Humalakhak siya. "I know right. Oh, bumangon ka na riyan at nagluto ako ng breakfast natin." Tiningnan niya ang cake. "Ako yata ang may birthday, bakit ako ang umihip ng kandila? Mag-ayos ka na at mag-bo-blow ka ng candle sa baba." "Mommy!" reklamo ko na tinawanan niya lang. Kinuha niya ang cake saka lumabas ng kwarto at pag-alis niya ay saka lang pumasok sa isipan ko kung ano nga ba ang mga naka-schedule na mangyayari ngayon. My meeting with the man I hate the most and a date with the man I'm in love with. Hindi ko alam kung kakabahan ako o ma-e-excite. Pero sana ay maging maayos ang kalalabasan ng lahat. Dahil nakapagluto na si mommy ng breakfast ay mamaya na lang ako maliligo. Naghugas lang ako ng mukha at nagsipilyo bago bumaba na sa dining. "Coffee?" "Yes, please." Ang totoo ay kinakabahan ako. Kahit anong gawin kong pagpapakalma sa sarili ay hindi ko magawa. I'm meeting my father in a few hours. Ano ang sasabihin ko sa kanya? I hate him but... can I really say that in front of him? O baka naman magwala na lang ako bigla 'pag nagkita kami? Honestly, I don't know. "Kinakabahan ka ba para mamaya?" Hindi ko namalayang nakatulala na pala ako at malalim ang iniisip. Kumurap-kurap ako at nag-angat ng tingin kay mommy matapos niyang ilagay sa may mesa, sa tapat ko, ang aking kape. "Mom, kailangan ko ba talaga pumunta roon? I don't think I can..." I bit my lower lip, "face him." "Darating ang panahon na kailangan mo pa rin siyang harapin, anak, kaya kung kaya ngayon ay gawin mo na. It will be less painful, then." Suminghap ako at muling tumitig sa aking harapan. Hindi ko alam, honestly, kung ano ang gagawin. Kaya pagkatapos mag-breakfast ay pinilit kong pakalmahin ang sarili sa pagre-reply sa mga kaibigan ko. Gusto ko sabihin kay Vince na makikipagkita ako sa tatay ko mamaya pero hindi ko ginawa dahil hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa akin kung bakit sila magkasama noong nakita ko sila sa Mall. I want to ask him that but am I ready to hear his answer? Pero baka rin kasi hindi niya alam na tatay ko iyon. Maybe at some point they have a connection, a common friend, family friend... Basta ang alam ko lang ay ayaw ko siyang paghinalaan. "Mommy, 'wag kang aalis ha," parang bata na sabi ko sa mom ko. Nakahanda na kami ngayon para pumunta sa restaurant na napag-usapan. At kanina pa rin sobrang lakas at bilis ng pintig ng puso ko. Naka-ready na ako at lahat-lahat pero hindi ko magawang maglakad palabas ng bahay. Nag-blouse lang ako at high-waisted jeans. Ayaw kong mag-dress o mag-ayos. I don't want him to think I made an effort for him! Ang malambot at mainit na kamay ni mommy ang sumakop sa palad ko. Pinisil niya iyon ng bahagya at ngumiti sa akin. Walang salitang namutawi sa kanyang bibig pero ang mga mata niya ay tila kaydaming nais iparating. Hindi ko alam kung paanong iyon lang ang huli kong alaala at ngayon ay nandito na ako sa may entrance ng restaurant. Nagpaiwan si mommy sa sasakyan katulad ng sinabi niya. At mula rito sa pwesto ko ay tanaw ko na siya. The same man I saw a few weeks ago. Kaya hindi na rin ako nagtaka at nagulat na medyo tumanda siya ng kaunti dahil nakita ko naman na siya noong nakaraan. At mula sa kinauupuan niya ay natanaw niya ako. Tumayo siya at lumapit sa akin. "Anak," emosyonal na pagkakasabi niya. "Nagpa-reserve ako ng VIP room para sa atin." Hindi ko napigilan ang pagtaas ng kilay. Who says I want a VIP room with him? Humigpit ang pagkakahawak ko sa sling ng bag na suot at inikot ang mata sa kabuuan ng restaurant. Has it been three years? Four? I don't know. I lost count. Malaki na ang pinagbago ng restaurant. Mas lumuwang iyon, alam ko naman dahil nakikita at naririnig naman kapag may mga establisyementong ginagawa at inaayos sa lugar namin. The insides of the restaurant are no longer the same as I can remember. Ibang-iba na. Mas moderno na ang istilo nito ngayon. And they have VIP rooms already, huh. Wala ito noon. Lumunok ako bago matapang na tiningnan ang ama ko na nakatitig sa akin na tila namamangha. His tired and lonely eyes are something you shouldn't fall for. Masayang-masaya lang siya noong magksama sila ni Vincent kaya paanong nagkukunwari siyang malungkot ngayon? Ngumiti siya at inaya na ako patungo sa tinutukoy niya. Hindi na ako umangal lalo na at maraming tao. Ayaw kong mag-eskandalo rito. Mabuti na lang din at pribado ang lugar namin at kung sakali na hindi ko makontrol ang inis ko ay hindi naman ako makakagawa ng eksena. Hindi malaki ang VIP room, sapat lang sa espasyo ng pagkakainan at mayroon lang harang. The designs are expensive though. Pero hindi iyon ang ikinagulat ko. Dahil sa may maliit na kwartong iyon ay may mga lobo at may nakalagay pa na 'Happy 18th birthday, Coreen.' Sa baba ng mga disenyong iyon ay may mga paperbags mula sa mga sikat na brands. Hindi ko maiwasang hindi mapangiti ng sarkastiko. Ano iyon? Suhol? Does he really thing I'd fall for material things like that? Hindi na ako bata na mauuto niya agad kapag binilhan ng paboritong candy! The pain of the past ate my system. Kaya ngayon ay hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng pait. Humarap siya at ngumiti sa akin na para bang normal lang ang lahat. Na parang hindi niya ako iniwan. Na parang wala siyang nasaktan. "Happy birthday, anak," masayang bati niya. I smiled weakly. "Thank you," I half-heartedly said. Kaya ko ba siyang awayin? Hindi ko alam. Nalilito na rin ako sa nararamdaman ko. I hate him but I can't seem to make a move that will make him hate me, too. Ayaw ko siyang bastusin but at the same time, ayaw kong umaktong normal at ayos lang sa harapan niya. Umupo kaming pareho at magkatapat ang pwesto namin. Ibinigay niya sa akin ang listahan ng mga menu at tinanong kung ano ang gusto kong kainin. I ordered the most expensive one. "May gusto ka pa bang idagdag, Coreen?" The mere mention of my name from his mouth disgusts me. Umirap ako at alam kong nakita niya iyon pero hindi siya nag-react. "Wala na..." Sinabi niya sa waiter ang mga order namin at pagkalabas ng lalaki ay doon na nagsimula ang awkward air sa pagitan namin. Nakatitig siya sa akin na tila kinakabisado ang kabuuan ng mukha ko. I refused to look back at him because every damn time I look at his face, it reminds me of how happy we are back in days. At hanggang sa mauuwi sa memorya kung paano niya ako iniwan noon at pinili ang babae niya. Yes, he cheated on my mom. He cheated on our family! Kahit gaano kabuti ang ipinapakita niya ay mauuwi lang din pala sa ganoon. Narinig ko ang malalim at emosyonal niyang pagbuga ng hininga. "Ang dami ng nagbago sa'yo," anito. "Engineering ang kinuha mo, hindi ba? Ayaw mo ba na mag-business? Iyon ang sinasabi mo dati na gusto mo, hindi ba? Sabagay, p'wede ka pa rin naman mag-business kahit na engineer ka na." "Stop acting like you know me," mariing sabi ko, hindi pa rin siya tinitingnan. "You don't know me, even a bit, Sir."

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD