Bumalatay sa kanyang mukha ang gulat na unti-unting napalitan ng pag-aalala. Nanghihina niyang ibinaba ang mga dala niya sa sahig at humawak siya sa may cabinet na malapit upang humanap ng suporta. She's obviously hiding it from me! Halatang ayaw niya na malaman ko na nakikipag-usap pa siya sa taong iyon.
Nanghihina akong naglakad pabalik sa may sala at naupo sa sofa. The TV is still on. Ang natitira kong lakas ay ginamit ko sa pagkuha ng remote at pagpatay no'n. Gusto kong tumakbo palabas ng bahay o magkulong sa kwarto at hintaying humupa ang galit ko.
I am disappointed. For everything that is happening. Hindi ko inaasahan ito. I thought she's just hurting but I didn't know she still have a communication with him!
Nakatitig ako sa TV sa aking harapan at mula roon ay kita ko ang repleksyon niya na lumapit sa akin. I felt her presence beside me. Umupo siya sa sofa na siya ring inuupuan ko.
Ayaw kong magalit kay mommy, ayaw kong sisihin siya sa nararamdaman kong disappointment, ayaw kong mag-away kami ng dahil lang sa lalaking iyon.
But I'm mad. I can't help it. Nagulat ako. Nadismaya ako at hindi ko magawang kontrolin ang nag-uumapaw na inis ko sa mga nangyayari.
And then what? Sino ang gusto niyang makita at makausap? Ako? Like what the heck is he doing? Anong laro na naman itong pinapalabas niya? Playing the good father trick?
Sarkastiko akong humarap kay mommy. Guilt crept inside me as I catch her looking at me with teary eyes. Namumula ang ilong niya at kitang-kita ang pagkibot-kibog ng kanyang labi.
"Madalas ka niyang kamustahin sa akin," aniya sa nanginginig na boses.
I rolled my eyes. Not letting her say something about it.
"Hindi ako interesadong malaman iyon," malamig na sambit ko. "We should just cut ties with him, mommy! Dapat ay hindi mo na ine-entertain pa ang mga messages niya."
"Anak, ama mo pa rin siya..."
Here she goes again with that line! Lalong umigting ang inis na nararamdaman ko. Ama? Nagpaka-ama ba siya?
Ang pinakaayaw kong ugali ni mommy ay grabe niya mahalin at ipagtanggol ang ex-husband niya- well, I'm not really sure if they are annulled or not yet. Noon kasi ay hindi ko na masyadong binabanggit o tinatanong ang nangyari. Kinimkim ko na lang ang galit at poot sa dibdib ko.
Especially when he didn't even think of me when he left the house. What kind of a father is that?
"Kahit na, mommy. Mahal mo pa rin ba iyon? He's already with someone else!"
Nag-iwas siya ng tingin. Isa iyong kumpirmasyon sa hinala ko. She still loves him! Paanong nagagawa niya pang mahalin ang taong nanakit sa kanya ng sobra-sobra? Mom deserves better! We deserve better!
Kaya bakit siya nagse-settle sa ganoon?!
Nanginginig na ang kalamnan ko sa galit na nag-uumapaw. Ngayon lang kami nag-usap ng ganito ni mommy. Dati kasi ay bihira niya banggitin ang taong iyon sa akin at kung babanggitin niya man ay sa marahan at nakikiusap na paraan, at ako naman ay iiwas sa topic.
But now...
Now that I learned she still texts him...
Hindi ko na alam. Hindi ko na kaya pang kimkimin sa sarili ang galit at inis ko.
"Kahit bali-baliktarin mo ang mundo, anak, siya pa rin ang daddy mo," aniya sa tonong mas kalmado kaysa kanina.
She looked at me, trying to capture my sight and explain everything. Kalmado na naman siya, palagi na lang ganito. Can't she just stop being so nice? Sumigaw siya at magalit, mas maganda iyon. Because she can't make me believe she's no longer hurting.
Hindi ako magaling magbasa ng emosyon pero alam ko kung ang mommy ko ang nasasaktan. She can't lie to me about that.
"The moment he stepped outside this house, mom, he already lose his chance to be my father. Kahit bali-baliktarin natin ang mundo, niloko pa rin niya, niloko niya pa rin tayo!"
Mariin niyang ipinikit ang dalawang mata na tila kinakalma ang sarili. Nang dumilat siya ay hindi na siya sa akin nakatingin. Nakababa na ang paningin niya sa mga kamay niyang nakapatong sa kanyang hita at nilalaro-laro ang mga iyon. It's her own way to calm herself.
I sighed. Hindi ko alam ang patutunguhan ng usapang ito. Sa harap ko ay mataman kong pinanood ang bawat galaw ni mommy. At sa kabila ng lahat ay hindi ko mapigilang hindi maiyak. Because this scene, this moment, those memories are hurting me so much.
"Gusto ka niyang makita at makausap, Coreen." Hindi ako nagsalita at nagpatuloy naman siya. Nagtaas na siya ng mukha ngayon at nakatitig sa akin, kita ko iyon sa repleksyon niya mula sa TV. "He badly wants to see you."
"I don't though," I said in a low voice.
Ayaw kong maging pa-victim pero hindi ko maiwasan na maawa sa sarili ko. Mula sa boses ko ay tanga na lang ang hindi makakaisip na hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin ako. Na apektado pa rin ako.
Kaya nga mas maganda na na hindi na siya nababanggit pa! Mas ayos na yung kanya-kanyang buhay na kami.
I can live without him anyway, since that's what I've been doing for years now! Hindi ko siya kailangan!
"Anak, please..."
Why is she begging for that? For him?
"Just this once," she begged. "Subukan mo lang siyang kausapin at pakinggan."
"Mom, what for?" Tumayo na ako at humarap sa kanya. My hands are shaking, my whole system is shaking with anger and frustration! "He should just live his life and we will live the way we want, too. Bakit kailangan ko pa siyang makita? I don't want to see him, not even his shadows, not even his name on the street. Ayaw ko, mommy..."
"Honey," she tried to reach me out. Umatras ako. Hindi ko kinakaya ang usapang ito.
"I-delete mo na ang number niya at i-block. Huwag mo ng kinakausap ang taong iyon, mom."
Her eyes focused on me fiercely, hindi yata nagustuhan ang huli kong sinabi.
"Hindi kita pinalaking bastos, Coreen."
I scoffed. "Do you expect me to respect--"
"Respect people even if you hate them!" Dumagundong sa buong espasyo ng first floor ng aming bahay ang malakas at mariin niyang pagkakasabi ng mga salitang iyon. "Respect is not just for people you like, Coreen. Lalo na at daddy mo ang pinag-uusapan natin dito."
"Mommy..." Hindi na ako umalma o nakipagtalo pa. This is my mom right here.
Yumuko na lang ako at pinigilan na mqgsalita pa ng mga bagay na tiyak na hinding-hindi niya magugustuhan.
"Take a seat," she commanded. "Mag-usap tayo."
I pursed my lips together. Ginawa ko ang sinabi niya habang nilalaro ang mga daliri. Galit na siya, nasisiguro ko iyon. And when mom is mad, I can't just blurt things out and talk back at her. Kung para sa akin ay hindi deserve ng ama ko ang respeto, well, my mom deserves it. Hindi ko siya kayang sagot-sagutin lalo na't iba na ang pinapakita niya ngayon, she's mad at me.
"I know who I married, Coreen. Hindi ako magpapakasal sa taong hindi ko kilala at hindi ko gusto. Mabait ang daddy mo. He loves you, I'm sure of that. He loves you more than the woman she's with right now. He loves you more than anything in this world. Mahal na mahal ka ng dad mo na sa kabila ng kagustuhan niyang magmahal ng malaya ay pinili ka niya. Ilang beses na ikaw, Coreen, ikaw higit sa lahat, ikaw sa kahit na kanino, ikaw sa kahit na anong sitwasyon. Kaya hindi ako papayag na ganito na lang kasama ang tingin mo sa kanya."
Umiling-iling ako habang umiiyak. No, hindi iyon totoo. Mahal? Paano nangyaring pagmamahal iyon? Alin at saang parte ang pagmamahal na tinutukoy niya roon?
That's not love!
Pinili? I want to laugh sarcastically so bad. Pero pinigilan ko iyon dahil tiyak na pag-aawayan ulit namin iyon ng mommy.
"He wants to see you," pag-uulit niya. "Ilang taon na niyang ipinapakiusap sa akin iyan. Ilang taon na siyang nagmamakaawa na makausap ka, Coreen, kaya sana ngayon ay pagbigyan mo siya."
"N-no..."
She caressed my hair softly. Hindi ko na napigilan ang pagbuhos ng mga luhang kanina pa namumuo sa aking mga mata. My emotions are already overtaking my system. Hanggang sa humikbi na lang ako ng humikbi at patuloy sa pagpupunas ng mga luha.
Bakit kailangan kong masaktan ng ganito?
"Ang problema naming dalawa ay hindi mo problema kaya hindi ka na dapat nadadamay rito, anak..."
"No," pilit ko pa rin. "Ayaw ko siyang makita o makausap..."
"But you have to, honey, you have to. Pakinggan mo lang ang side niya." Hinawakan niya ang dalawang kamay ko. Nag-angat ako ng mukha sa kanya. Her right hand automatically went up to my face and wiped my tears away. Mas lalo lang bumuhos ang mga luha ko dahil sa hawak niya.
Yumuko ako. "No..."
"Hindi mo siya kailangang patawarin agad, alam ko na hindi iyon madali. Hindi rin kita pinagpapanggap na gusto mo siyang makita o makasama. Pero kailangan mo siyang makausap. Just let him sleep at night peacefully because he already explained his side, anak..."
"So, para sa kanya na naman lahat ito, mom? Why do you care so much about him even after all the heartaches?"
Nakatakas ang pait sa sistema ko.
"Hindi lang para sa kanya, anak, ikaw ang higit na pinaka may kailangan ng pag-uusap na iyon. Gusto kong matulog ka na hindi magsisisi ano man ang mangyari kinabukasan. Pakinggan mo, iyon lang. Hindi yung araw-araw kang nagtatanong sa isipan mo kung bakit. Mga bakit na hindi mo masasagot sa sarili mo lang. Your father is the only one who can answer all of your why's, my dear. So, please, do it for yourself."
Lumunok ako. "Still you make his name clean even after causing you a lot of pain, huh," sambit ko, pinapagaan ang mabigat na hangin sa pagitan namin.
She chuckled. "Because that's love, honey. That's love."
Huminga ako nang malalim. Unti-unti ko ng naiintindihan ang mga sinasabi niya at kumakalma na rin ang mga nerves ko.
I guess she's right.
I will do it for myself.
After this, hindi na niya ako kailangang kausapin pa.
"Kailan ko siya imi-meet?"
Nabigla siya, naramdaman ko iyon lalo na at nakahawak siya sa akin.
Matapang kong sinalubong ang mga mata niya. Her lips curved into a sweet smile which I don't get. Bakit kailangan niyang maging masaya sa pagkikita namin ng dati niyang asawa?
I fight the urge to roll my eyes.
"Bukas," aniya sa pirming boses. "Bukas ng tanghali."
"Mom!" Kinabahan ako bigla. Bukas agad? "Birthday ko bukas," rason ko na para bang hindi ko dapat sinisira ang araw ko sa espesyal na araw na iyon.
"He wants to meet you tomorrow. On your favorite restaurant."
Umiling-iling ako. Alam ko ang tinutukoy niya. Favorite restaurant, more like the restaurant I hate the most because we have lots of memories there.
Mula nang iwan niya kami ay hindi na ako kailanman kumain pa roon.
Nakita niya ang hesitation ko. Alam ko na alam niya na rin na nag-iisip na akong umatras at bawiin ang mga sinabi ko ngayon.
"After this, you'll be fine." She leaned in and kissed my hair. "I want you to be freed from all of those pains, Coreen. It's time for you to let go all of those bad things inside your heart."
"Will you go with me, then?"
Ngumiti siya. "Hihintayin kita sa loob ng sasakyan."
"Paano kung hindi ko magustuhan ang rason niya, mommy? Paano kung ayaw ko siyang pakinggan? Paano kung..."
"Ayan. Ayan ang sinasabi ko. Mga tanong na habang buhay mo na lang ba iiwan na walang kasagutan? The only thing you have to do tomorrow is to sit and listen. Magalit ka sa kanya kung gusto mo o manahimik ka na lang, ikaw ang bahala. Pero ayaw kong uuwi ka rito na walang baon sa mga sasabihin niya." Then she whisphered, "After all, I know how much you missed him."
Hindi ko narinig ang huling linya niya. Tumingin lang ako sa kanya gamit ang nangungusap na mga mata. Huminga ako nang malalim.
Tomorrow is also special for me and Vince, and to totally close the chapter between me and my dad, then I think I really needed that conversation.
Kung masasaktan lang din ako sa huli ay bahala na. Mom's right. The answers I'm seeking for all these years are in the hands of a person whom I'm avoiding, too, all these years.
"Come on." Ngumiti siya. "Bumili ako ng ingredients. Mag-bake tayo ng cake. Kalimutan mo muna 'yang mga nasa isipan mo."
Ngumiti ako at nagpahila sa kanya patayo.
Tomorrow...
I hope everything's gonna be okay after tomorrow.