Her words struck me like a lightning. Tila mabisang pambura iyon ng lahat ng alalahanin ko. Hindi ko alam kung paanong ang iilang salita mula sa nanay ni Vince ang siyang magpapawala ng lahat ng pangamba ko.
She told me, in some way, it could be different. She told me, in different words, I could lead a family of my own. Sinabi niya iyon!
"Tawagin ko na muna sila, bantayan mo muna ito sandali ha," aniya at saka ako iniwan sa may kusina, kaharap ang mga meryenda na inihanda niya.
Lumulutang ang isipan ko pero kakatwang sa halip na mangamba ay magaan ang puso ko. Para akong nabigyan ng pag-asa, para akong nakahanap ng ilaw sa madilim kong mundo.
Dahil bukod sa maganda sa pandinig ang mga sinabi niya, ay alam ko ring tama siya.
For the first time in many years, I feel so sure of my decision. For the first time, I want to be committed with someone. Sa unang pagkakataon ay gusto ko namang sundin ang puso ko. Gusto ko ng gawin yung matagal ko ng pinipigilan. At ngayon, sa mga salita na narinig ko, ay nabigyan ako ng lakas para ipagpatuloy ang lahat. Para pagbigyan ang nararamdaman ko.
"Kumain ka ng madami, kakaunti lang ang kinakain mo. Tignan mo nga, ang payat-payat mo na."
"Kuya," iritadong sabi ni Via at inalis ang kamay ni Vincent sa kanyang ulo. "Kumakain ako ng madami. At hindi ako payat, ano! Pareho nga lang kami ni Ate Coreen."
Vince gave me a knowing look. "Anong hindi payat, pareho kayong payat!"
Sa halip na mainis o mainsulto ay natawa na lang ako. He cares for his sister a lot. Alam ko iyon, saksi ako roon. Ngayon ko lang nakita si Via pero madalas siyang maikwengo ni Vince. He's always proud of her. He is proud of her achievements, he is proud how good his sister is when it comes to decision-making.
Kaya kahit mag-asaran sila sa harap ko ay hindi ko iyon masyadong sineseryoso. Normal naman iyon sa magkapatid. These two grew up with fine, kind, loving parents. Hindi na nakakapagtaka na napalaki sila ng maayos.
"Ate, binu-bully ka niya, oh."
I laughed. Kani-kanina lang ay medyo nahihiya si Via sa akin pero medyo gumaan na ang pakiramdam niya, napansin ko iyon lalo na at ilang beses na rin kaming nagpalitan ng linya kaninang tanghali. Maybe because we're both girls so we get along well and fast? Or baka hindi naman siya nahihiya kanina, medyo naninimbang lang dahil ito ang una naming pagkikita.
"Ganyan iyan lagi," sumbong ko.
"You're bullying a girl, Vincent?" kunwari'y galit na tanong ng mom niya.
Nagtaas ng kilay sa akin si Vince at ang mga mata'y nanlalaki, tila sinasabihan akong bawiin iyon. I wonder kung pagagalitan nga siya talaga? I laugh inside my mind with the scene of him getting a scold from his parents.
"Hindi, mommy, 'wag mo na lang pansinin iyang si Coreen, kulang lang iyan sa tulog. Aww--" Nakagat niya ang ibabang labi matapos ko siyang sipain sa ilalim ng mesa. At talagang sa harap ng pamilya niya pa ako gaganituhin ha?
"Huwag ka ngang maging rude kay Coreen," pagtatanggol ng mom niya sa akin at kahit kaharap ang pagkain ay hindi ko maiwasang hindi dumila sa kanya.
I also gave him a mocking look. Huh! Ano ka ngayon?
Pero hindi ko maiwasang hindi mapaisip. Alam kong ginagawa lang ni Vince ito para maging komportable ako. That I can speak out my opinions, and be as carefree as I wanted to. At na-appreciate ko iyon. Kasi effective. Hindi naman ako mahiyain pero iba kasi ang pakiramdam kapag pamilya ng kaibigan mo, lalo na dahil lalaki, ang kasama at kaharap mo.
"Nakakaasar ka talaga, kuya," dinig kong sabi ni Via mula sa labas ng kwarto niya. Nasa loob ako at hinihintay siyang pumasok.
Nakahanda na ako na matulog dahil nahihiya naman akong mahuling bumangon bukas lalo na at hindi ko naman ito bahay. Maaga laging nagigising si Vince kaya sa tingin ki ay ganoon din sina tita at tito.
"Oh, sige na," boses iyon ni Vince. "Matulog na kayo." Umawang ng kaunti ang pintuan at dumungaw si Vince. "Good night," he told me.
"Good night," sagot ko at ngumiti sa kanya.
Nag-asaran pa sila sa labas bago tuluyang pumasok si Via na may yakap-yakap na unan at kumot.
"Ito ang kumot at unan mo, ate," aniya. "Saang banda ka matutulog?"
"Ikaw, saan ka ba sanay..."
She gave me a cute smile. "Dito ka na lang ate," turo niya sa may right side. "Sanay kasi ako na nagcha-charge ng phone kapag nagigising ng madaling araw."
Nakuha ko agad ang ibig niyang sabihin dahil may outlet doon sa may left side. Tumayo ako at pumunta na sa pwesto ko na sinabi niya. Nagpasalamat siya at dumiretso sa may simpleng vanity table niya. Nanguha siya ng suklay roon at nagsusuklay habang naglalakad pabalik ng higaan.
"Nag-e-engineer ka rin, ate?" tanong niya.
Medyo nagulat ako na siya ang nagbukas ng topic o naunang nakipag-usap. Akala ko kasi ay ako ang magtatanong sa kanya para lang may mapag-usapan.
"Yup," I answered with full bottled energy. "Classmates kami ng kuya mo."
"Girlfriend ka ba niya?" Halos masamid ako sa sariling laway sa tanong niya. She's so straightforward.
"Hindi." I let out an awkward bunch of laughter. "Kanino mo naman nalaman iyan?"
"May gusto si kuya sa'yo, ate, ano? O nanliligaw?" She shrugged. "Ikaw pa lang kasi ang babaeng kaibigan daw na pinakilala niya sa amin at dinala rito. Noon pa lang ay alam ko ng may gusto siya sa'yo dahil bukambibig ka no'n madalas. Grabe! Torpe pala iyon?"
Nahihiya akong ngumiti sa kanya. Ramdam ko ang init na dumaloy sa aking katawan paakyat sa aking mukha dahil sa sinabi niya.
"Magkaibigan lang naman kami, Via," sabi ko.
"Bakit?" Her eyes reflected sadness. "Hindi mo ba gusto si kuya, ate? Mabait iyon kahit na mapang-asar. Gustong-gusto nga kasama iyon ni papa dahil masipag. Malambing din iyon paminsan-minsan at maaalalahanin. Saka matalino iyan si kuya, ate Coreen. Hindi ka lolokohin niyan, promise. Ayaw mo ba siya bigyan ng chance?"
Nagulat ako sa lantaran niyang pagbibigay ng interes na magkaroon nga kami ng relasyon ng kapatid niya. May parte sa aking natutuwa pero may parte na nalulungkot. Why is Vince not confessing, then?
Ako na lang kaya ang umamin? O i-trigger ko na lang siya?
Damn.
So much for the I don't want to be in a relationship, huh.
"Hindi naman nanliligaw sa akin si Vince. Saka ikaw na ang nagsabi, halos nasa kanya na ang lahat ng gusto ng babae sa isang lalaki kaya... madali lang siyang makakahanap ng gugustuhin niyang girlfriend."
This is so awkward!
Bakit ba sa kapatid niya pa ako nakikipag-usap ng usapang love life? Who knows kung sabihin nito sa Kuya niya ang mga babanggitin kong salita? Paano na lang ako, kung ganoon? Nakakahiya!
Natatakot akong maglapag ng mga salita. Blood is thicker than water, sabi nga nila. Hindi naman ito life and death situation pero nakakahiya pa rin talaga.
"Ikaw ang gusto ni kuya, ate," pirming sabi niya. "Alam ko mas matanda kayo sa akin pero kaya ko rin namang alamin kung may gusto ba ang isang tao sa isang tao. At kung paano ka tingnan ni kuya? Naku! Kung nakikita mo lang, ang mga mata niya... mukha siyang aso na nakasunod lang lagi ang atensyon sa'yo."
Biyakap ko ang unan na binigay niya at sumandal sa bedframe ng kama. Siya naman ay nagpatuloy sa pagsusuklay.
"Kung ako ang tatanungin mo, ate, yung characteristics na mayroon si kuya, ganoon ang ideal man ko. Walang halong echos, ha. Hindi ko rin siya inaangat dahil kapatid ko siya pero dahil kilala ko siya. Hindi ka na lugi doon kahit na medyo abnormal iyon."
Natawa ako at napangiti. "Hintayin na lang natin na ang panahon ang magdikta..."
"Pero gusto mo ba siya, ate?" Nag-indian sit ito at humarap sa akin. Ibinaba na niya ang suklay at ngayon ay kinuha na ang kumot at tinakpan ang kanyang paa bago ibinalik ang tingin sa akin, naghihintay ng sagot.
I gulped as I tried to think clearly. Kapatid ni Vince ang kausap ko at hindi ibang tao. Paano niya nagagawang tanungin ako ng diretsahan kahit ngayon lang naman kami nagkita at nagkasama? This is so awkward.
Pumadausdos ako hanggang sa mapahiga. Sinundan niya ako ng tingin at mukhang hindi siya hihinto hangga't hindi ako umaamin.
"Promise hindi ko sasabihin sa kanya. I'm a great secret keeper. Kahit itanong mo pa sa mga friends ko." Nagtaas pa siya ng kanang kamay para manumpa sa harapan ko. "May gusto ka ba sa kuya ko, ate?"
"Ang masasabi ko lang sa ngayon ay..." Tutok na tutok ang mga mata niya sa akin. "Ang swerte ng babaeng mamahalin niya at ang malas ng babaeng hindi siya pipiliin."
Natutop niya ang kanyang bibig gamit ang dalawang palad. Ang mga mata niya na kanina pang titig na titig sa akin ay nanlalaki na ngayon.
"Oh my gosh! So may gusto ka nga sa kanya? Hindi mo diretsahang inamin pero ganoon na rin iyon."
Nagkamot ako ng noo at pumikit ng mariin. Akala ko ay titingin na siya pero hindi pa pala.
"Kapag ba nanligaw ang kuya ko ay papayag ka, ate? Mukhang gustong-gusto ka naman na nila mom at dad... at pati na rin ako."
Nahihiya akong tumango at ayaw ko rin namang itanggi.
"Tingnan natin."
Ngumuso siya pero ngumiti din at iniba na ang usapan.
Tilaok ng mga manok at ingay ng iba pang hayop ang narinig ko paggising ko kinabukasan. I slowly opened my eyes. Hindi ko na kailangan pang mag-isip, alam kong nasa bahay ako nila Vince.
Sinilip ko ang katabi ko na mahimbing pa ang tulog. Thank God! Ayaw kong ako ang huling babangon sa bahay na ito. Inaantok pa ako at ang sarap matulog dito, komportable, tahimik, ang kaso ay nakakahiya.
Sinuot ko ang tsinelas na ibinigay ni Vince kahapon. Saktong paglabas ko ng kwarto ay nakasalubong ko si Vince.
Tiningnan niya ako at ang sulok ng kanyang labi ay bahagyang tumaas. Ang mga mata nito, sa halip na gulat, ay tumingin sa akin na may panunukso.
"Ang aga mo naman yata?"
Umirap ako sa kanya. Pero agad ding napaatras nang ma-realize na hindi ko alam ang itsura ko ngayon. I probably look like a mess with a messy hair and with different particles what so ever on my face!
Nahihiya akong yumuko. "Maaga akong nagising, eh, bakit ba? Tss."
Sinubukan kong umaktong normal pero bahagyang nanginig ang boses ko. Nahihiya ako. Damn. Hindi ko alam kung bakit ako nahihiya sa kanya ngayon, eh, kung tutuusin ay madalas niya naman akong nakikita na bagong gising.
"Ang ganda mo kahit kagigising," sambit niya na nagpatigil sa mundo ko.
Literal na naestatwa ako at hindi nakagalaw sa sinabi niya. My heart beat raced. Unti-unti akong nag-angat sa kanya habang kagat ang loob ng aking pisngi upang pigilan ang pagngiti ng malaki.
But I can't help but to smile! Ugh!
"Oh, gising ka na pala, Coreen." Napatingin ako sa dad niya na kapapasok lang ng bahay. Ang mga mata ni Vince ay nanatili sa akin at hindi ko alam kung bakit siya titig na titig ngayon.
Maybe he thinks I'm weird. Weird nga naman kasi ang kinikilos ko sa harapan niya.
"Good morning po," bati ko kay tito.
"Good morning! Halina kayong dalawa at magkape na kayo."
Umalis na siya at sa tingin ko ay nagtungo na sa kusina.
Tumingin akong muli kay Vince. Nakataas na ang isa niyang kilay ngayon at nakahalukipkip.
"Bakit?" Na-conscious ako bigla sa kinikilos at sa mga tingin niya.
"Wala," anito at ngumuso, bahagya ring umiwas ng tingin pero agad ibinalik sa akin. "Pagkatapos mong kumain ay samahan mo ako na mamingwit ng isda para sa ulam natin mamayang tanghali."
My lips formed an O shape. Tila bata na bigla akong nabuhayan. I've never done that! And thinking about it now excited me a lot.
"Maghihilamos na muna ako," at magto-toothbrush, dagdag ko sa isipan.
Yumuko ako ng kaunti dahil naalala ko na hindi pa nga pala ako nag-toothbrush. Gosh! This is freaking annoying!
"Let's go, I'll make you a coffee."
Umamba siya upang hawakan ang kamay ko pero ko iyong iniwas. Tinuro ko ang daan patungo sa kanilang CR. Na-gets niya naman at tumango siya saka sinabi na sumunod na lamang ako sa pagkainan.
Bago siya makalayo ay tinawag ko siyang muli. Tila nag-slow motion sa aking paningin ang kanyang paglingon. I bit my lower lip but then I need to say something.
"Thank you," sabi ko ng buong puso.
Ngumiti siya at may sinabi na hindi ko naintindihan o sinadya niya na hindi maglabas ng boses. But that doesn't matter. What matter is that I'm with him right now, I feel relaxed, happy, and safe.
Inside the house of a so-called-friend that made me forget all the traumas I have when it comes to love. The only man who changed the perspective I have to men.
Kumirot ng bahagya ang aking puso sa kabila ng saya.
I hope... this never ends.