Chapter 22

2207 Words
Nag-harvest kami ng mga prutas at gulay. Sinamahan ko siya magpagatas ng kalabaw. At magkasama rin kaming namingwit ng isda para sa aming tanghalian. Hindi pa man nangangalahati ang araw ay buong-buo na iyon para sa akin. Sa dami ng ginawa ay hindi ko lubusang maramdaman ang pagod. Maybe because I'm happy or maybe because I'm enjoying this kind of day, and life with him. "Kailan ka babalik?" tanong ng dad ni Vince nang naghahanda na kami sa aking pag-alis. Katatapos lang namin kumain ng tanghalian mga one hour ago at ngayon ay kailangan na naming umalis bago pa man kami magabihan sa daan. Nahihiya akong ngumiti dahil hindi ko alam kung paano sagutin iyon. But I want to go back here, for sure. "Bisita ka lang dito kapag may oras ka," sabi naman ni tita na katatapos kaming ipag-bake ni Vince ng brownies para may baon kami sa daan. "Welcome ka rito palagi." I felt the kilig while she's saying that. Kahapon lang naman kami nagkakila-kilala at nagkasama-sama pero heto at tila ang hirap na mawalay sa kanila. Because they are the kind of people you want to surround yourself with. Komportable silang kausap, masaya silang kasama, magaan silang kakwentuhan. At kahit may mga trabaho na hindi ko naman madalas ginagawa ay masaya pa rin akong ginawa ang mga iyon. "Salamat po," magiliw na sabi ko. "Kapag po hindi na kami gaanong busy sa acads ay babalik ako rito." "Wow," Vince sarcastically made fun of what I've said. "Kailan ka naging busy sa acads?" dugtong niya pa. Siniko ko siya at inirapan. Narinig ko ang paghagikhik ng kanyang ina kaya mas lalo akong nahiya. I also caught his father hiding a smile. Ngumuso ako. "Masipag kaya ako," giit ko kahit na alam ko sa sarili ako na hindi iyon ganoon. Masipag lang naman ako kapag malapit na ang deadline. Yumakap ako sa kanila isa-isa bago kami tuluyan ng nagpaalam. Pagkasakay sa loob ng sasakyan ay agad kong hinampas ang braso ni Vince. Sa halip na magtaka o mainis ay humalakhak siya, tila alam na ang dahilan kung bakit ko ginawa iyon. "Seatbelt, madam," anito habang inaayos ang kung ano-anong gamit sa loob ng sasakyan. Inayos ko naman ang seatbelt ko matapos kong ilagay ang dalang bagpack sa backseat ng sasakyan. "Malayo ba rito yung bahay niyo na isa?" tanong ko habang nilalakbay na namin ang daan palabas ng kabukiran nila. "Malapit lang," sagot niya. Hindi siya sumulyap sa akin dahil abala siya sa pagmamaneho. "Madadaanan natin iyon, ituturo ko mamaya." True enough, wala pa yata kaming ten minutes sa daan ay hininto niya na ang sasakyan sa tapat ng isang magarbong bahay. Magarbo hindi dahil malaki, kung hindi dahil pangyayamanin talaga ang istilo no'n. Ang hardin ay hindi sobrang laki. May sasakyan din na nakaparada sa garahe, kita iyon mula sa gate. May second floor ang bahay, puno ng glass windows and glass doors. Sa labas pa lang ay alam mo na kung gaano kamamahalin ang mga materyales na ginamit. It's far different from their house at the farm. "Sinong nakatira rito?" nagtatakang tanong ko dahil nandoon naman silang lahat sa may farm house nila. "Umuuwi rin naman kami paminsan-minsan dito. Nandiyan din ang opisina ni mommy kaya kapag naka-work from home siya ay dito siya. Mahina rin kasi ang internet sa may farm, hindi ganoon kaganda ang signal. Kapag nag-aaral at maraming gagawin ay dito rin natutulog si Via." Oh. Parang second choice siya kapag wala ng choice. Natawa ako sa naiisip habang nakatunghay sa bahay. Maraming sasakyan na dumadaan dahil highway, medyo maingay ang mga tao, at halos wala ng espasyo ang bawat bahay. Kung ako rin ay mas gugustuhin ko na lang sa farm house nila. Mas payapa, mas simple, mas tahimik. Hapon na nang makarating kami sa kanya-kanya naming apartment. Dahil na rin siguro sa sobrang pagod ay madali akong nakatulog. Mabilis na lumipas ang bawat araw sa linggong iyon. At ngayon ay naghahanda na naman ako sa panibagong weekend ng buhay ko. "Anong oras ka uuwi ng linggo?" tanong niya. "I need to have an appointment with the birthday girl." Hindi nakatakas sa pandinig ko ang lambing sa boses niya. My lips twitched as I continued cleaning the living room. Trip ko lang maglinis bago umalis dahil nauumay na ako na umuuwi rito ng pagod tapos mas nakakapagod pa ang uuwian ko dahil madumi at makalat. Nakaupo siya ngayon sa pandalawahang sofa sa aking living room. His arms are well rested on the backrest of the sofa. Masyado siyang malaki kaya nagmukhang pang-isahan lang ang espasyo na iyon. "Baka hapon na ako umuwi," sabi ko. "Manlilibre ka ba?" He chuckled. "Baliktad na ba ngayon? Hindi ba ikaw dapat ang manlilibre?" "Aba! Inimbita ba kita?" pabiro kong sabi. Honestly, gusto ko rin talaga siyang makasama sa araw na iyon. Plano ko na mag-dinner na lang kami ng gabi dahil hindi rin naman kaya na mag-lunch kami ng sabay lalo na't baka nasa bahay pa lang ako ng mga oras na iyon at ganoon din siya dahil uuwi rin naman siya. There's nothing really much special about Sunday. Hindi naman ako gaanong nagce-celebrate talaga. Usually ay kumakain lang kami ni mommy. Tinanggal ko na rin ang pagkaka-public ng birthday ko sa mga social media accounts ko. "Ako na ang bahala sa dinner natin sa Linggo." Kumindat siya sa akin pagkatapos ay nagseryoso. "Ise-send ko sa'yo ang venue kaya huwag na huwag kang a-absent." Tumayo na siya at mukhang aalis na ng apartment ko. "Ha?" Umupo ako sa armrest ng sofa na pang-isahan lang at saka siya tiningnan. "Bakit may pa-venue ka pa diyan? Dito na lang tayo." "May alam akong magandang restaurant," anito na tila isang agent na nanghihikayat. "Isa pa, birthday mo iyon, hindi p'wedeng dito lang." I really appreciate how Vince makes me feel special, in every way he can. Halos mapanguso ako sa sobrang pagpipigil ng ngiti. He's becoming more and more blunt and open now. Dati ay hindi naman siya ganyan. Sweet na siya dati pero hindi ganito, hindi niya lantarang sinasabi ang mga ganyang bagay, pinaparamdam lang. "At isa pa, Coreen," he looked at me directly in the eye as if he wants me to take note his next words, "may kailangan akong sabihin sa iyo." Kumalabog ang dibdib ko dahil nagkaroon na ako kahit papaano ng ideya pero ayaw ko ring madismaya. Hindi ako dapat umasa pero dahil sa sinabi niya, kahit anong gawin ko, ay natitiyak kong aasa pa rin ako. "You could say it now though," mahinang sabi ko. Ngumiti siya. "Makakapaghintay pa naman ang sasabihin ko." Tiningnan niya ang buong living room ko. Malapit na ako matapos maglinis. "Tapusin mo na iyan at magluluto na muna ako ng hapunan natin. May gusto ka bang kainin?" "Fried chicken lang ang naiisip ko, eh." Natawa siya sa sinabi ko, napangiti naman ako habang nakatingin sa kanya. We were both look so relaxed right now. Wala kasi gaanong requirements sa school at nakatulong din na weekend na ulit bukas. Parang pareho kaming walang stress sa buhay nitong mga nakaraan. Or is his presence the one that makes me feel calm and relaxed? Hindi ko alam. Pero masaya ako sa ganito. Kuntento na muna ako rito. "Fried chicken, then," sambit niya na para bang ako dapat ang masusunod. "Alis na ako," paalam niya. "Shoo," pabiro kong bugaw sa kanya. "Bilisan mo magluto ha, gutom na ako." "Wow! Eh, kung dalhin ko na lang ang manok dito at ikaw na ang bahala sa kanya?" Umismid ako. Humakbang siya ng isang beses at sapat na iyon para maglapit kami. Hinawakan niya ang buhok ko. "Okay! Masusunod, madam." Tumalikod na siya pagkatapos at tuluyang lumabas ng apartment ko. Pagkalabas niya ay doon lang ako nagbuga ng hininga na hindi ko namalayang kanina ko pa pala hinihigit. Why did he do that? Sa halip na mainis ay napangiti pa ako. Damn. Nababaliw na ba ako? Sa bawat minuto na lumilipas ay lalo akong nababagalan sa pag-ikot ng kamay ng orasan. Bakit ang tagal? Hindi ba p'wedeng linggo na? I roll over the other side of my bed. I've never been this excited for my birthday. Bukas ay magci-celebrate ako kasama si mommy, o baka kasama rin ang ilan kong mga tita, tito, at mga pinsan. Baka bibisita kami kila lola, hindi ko alam. On Sunday, the only thing I am looking forward to is that planned dinner with Vince. "Susunduin ba kita bukas?" tanong niya nang huminto na ang sasakyan niya sa may waiting shed kung saan dumadaan ang mga bus. Dito ako bumababa kapag nagpapahatid sa kanya dahil medyo out of the way na kapag ihahatid niya pa ako sa bahay namin. I can just a tricycle or a taxi from here. "Hindi na. Hindi ko rin sure kung anong oras ako uuwi, eh." That, and I also want to see him on that venue. Mas gusto ko na roon na kami magkita. I curled my toes upon remembering that we are having a birthday dinner tomorrow. Pamilyar na kuryente ang naramdaman ko at ang init na lumukob sa puso ko kahit wala pa mang nangyayari ay kapwa nakakabahala at nakakatuwa. "Okay." Hindi na siya nakipagtalo pa. "Text me when you're home." Ngumiti ako sa kanya bago lumabas ng sasakyan. I waved my hand before he turned on the engine again and left. Wala si mommy nang makauwi ako. Mabuti na lang at may dala akong susi. Mukhang napaaga kami ng alis ni Vince, hindi kasi ako ganitong oras umuuwi talaga. Nilibot ko ang mata sa kabuuan ng bahay namin. Maraming mamahaling muwebles ang nagkalat. The tiled floor is very exquisite. The chandelier is very elegant. The display paintings on the wall are some of the most bid paintings in Asia. Yaman na hindi naman kayang punan ng saya kung buo ang pamilya. I don't mind living a simple life... if I can just trade all of these exquisite pieces, all of these money and riches to happiness. To a life-long happiness. I hope I can do that but I cannot. Pabagsak akong humiga sa kama ko. Hindi ko maiwasang hindi maikumpara ang buhay ni Vincent sa buhay ko. No wonder he's a happy go luck one while I'm like a rebel daughter or something. Sa halip na magmukmok at dumami ang naiisip na hindi maganda ay bumaba na lang ako at nanood ng netflix sa sala. Matapos ang ilang minuto ay may narinig akong nagri-ring na phone. Kumunot ang noo ko. Sigurado akong iniwan ko ang phone ko sa kwarto na nagcha-charge. Pero ang tunog na iyon ay malapit lang sa gawi ko, isa pa, it's not my ring tone. Hinanap ko ang pinanggalingan no'n at hindi naman ako nahirapan. Nakalagay iyon sa may coffee table na nakapwesto malapit sa dining area namin. It's mom's! Bakit hindi niya dala ang phone niya? Did she purposely left it? O naiwan niya lang talaga? But to my horror... the name of the caller is like a ghost, like someone who died years ago, like someone that shouldn't be here, contacting my mom. It's my biological father. Nanlamig ako at hindi sinagot ang tawag. Nakatitig lang ako roon habang paulit-ulit na nagri-ring ang phone. Why is he calling? And to think that my mom still saves his contact... are they still talking to each other? Bakit pa? At bakit hindi na lang i-block ni mommy ang number niya? We don't need him! Tumawag siyang muli at sa pagtatapos ng tawag na iyon ay nakita ko ang limang missed calls mula sa parehong tao. And then a message popped up. Hindi sinasadyang mabasa ko ang laman no'n dahil hindi naman naka-lock ang phone ni mommy. I need to talk to her, please. I pressed my lips together. Hindi ko alam na maapektuhan pa rin pala ako. Hindi ko alam na makakaramdam pa rin pala ako ng sakit na mas masakit pa kaysa noong mismong araw na iniwan niya kami. Hindi naman ako tanga o manhid para hindi isipin na ako ang tinutukoy niya na kailangan niyang kausapin. But what for? Ano pa ba ang sasabihin niya? I can live without him! I can continue my life without talking to him. Wala na akong pakielam! "Oh, nandito ka na pala, ang aga mo naman." Ni hindi ako nagulat sa pagdating ni mommy. May mga dala siyang grocery bags kaya alam ko na agad na iyon ang ginawa niya. Malamig ko siyang tiningnan. Hindi ko alam kung paano siya haharapin pero hindi ko maiwasang hindi magalit. Bakit niya hinahayaan ang taong iyon na tumawag at mag-message sa kanya? The same guy who makes her cry every single night and feel like she's not worth to fight for. Why is he talking to that guy?! "Bakit?" kalmado niyang tanong na may bahid ng pag-aalala. "May problema ka ba, anak?" Pinikit ko ng mariin ang mga mata at punagsiklop ang mga labi. Control your anger, Coreen, you wouldn't want to hurt your mom with your words. Not when she's already hurt. Tinuro ko ang cellphone niya. Hindi niya iyon naintindihan noong una pero nang magsalita ako ay tuluyan ng nalaglag ang kanyang panga at hindi malaman ang isasagot sa akin. "Why is that person calling and texting you?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD