Chapter Four

2189 Words
"Oh my gosh!" Sumingit si Jade sa pagitan namin nung babaeng bigla na lang sumabunot sa akin. Tumayo rin ang lalaki mula sa pagkakaupo at tumulong na ilayo ang babae sa akin. "Ang landi mo!" sigaw niya. What the fvck! Tumalsik pa ang laway niya sa akin. Nang tuluyang matanggal nila Jade ang pagkakahawak nito sa buhok ko ay tiningnan ko siya ng masama. May kaunting kirot sa braso ko. Sinilip ko iyon at lihim na napamura nang makita ang mga kalmot doon. Damn those long nails. Matapos niya akong irapan ay hinarap niya ang lalaki na hindi ko naman kilala. She slapped her, so hard that I even blinked my eyes. Pakiramdam ko ay ako ang nasaktan dahil sa lakas no'n. "Sinasabi ko na nga ba at may babae ka. Ang kapal ng mukha mo. Family gathering, huh! Kung wala pang nakakita sa'yo na nandito ka lang malapit sa condo mo ay hindi ko pa malalaman." Then she glared at me again. "Coreen fvcking flirt," she uttered. "Noon pa lang masama na ang pakiramdam ko sa iyo. At hindi rin naman lingid sa kaalaman ko na malandi ka talaga!" "Anong sinasabi niya?" naguguluhang tanong ni Jade. "Imposible namang jowa mo yung guy, NBSB ka 'di ba?" Huminga ako nang malalim. Hindi ko alam kung paanong sasagutin ang issue na ito. Gusto kong sampalin ang babae at gumanti, paranas na rin sana masabunutan ang nakakairita niyang pulang buhok na akala mo ay bagay sa kanya kahit mukha naman siyang manok. Ako? Malandi? What the heck! Kahit magkanda-bali-baliktad ang mundo ay hindi ko papatulan ang jowa niya. "Yep," sambit ko. "Coreen nga ang pangalan ko, nakakatuwa namang kilala niyo ako pareho." "Huwag mo akong madaan-daan sa paino-inosente mong ganyan," sigaw niya. "Hayop ka! Hitad! Ahas!" Marami ng napapatingin sa gawi namin. Ang ilan ay tumigil pa talaga sa paglalakad para lang panoorin kami. Uminit lalo ang dugo ko sa babaeng ito. Does she even know what she is saying? "I'm sorry pero hindi ko kayo kilala," iritadong sabi ko. "Lumapit ang boyfriend mo at ilang minuto lang ay dumating ka at hinila ang buhok ko. Are you crazy? Kalalabas mo ba ng mental? O takas ka sa mental? Tss." Humalukipkip siya at sinubukan ulit lumapit, well, matagumpay naman siyang nakalapit. Hindi ako umalis sa kinatatayuan at ngayon ay sobrang lapit niya na sa akin. "Don't lie to me, you pathetic b--" Tumawa ako ng malakas. Natigilan siya at halatado sa mukha ang pagkainis. Bakit ba nadamay pa ako rito? "Coreen, 'wag mo na patulan," bulong ni Jade sa tabi ko na halatang natatakot na lalo pang lumaki ang gulo. Wala naman talaga akong balak patulan ang babaeng ito pero kaunting-kaunti na lang ay mapupuno na ako. Ang sakit kaya ng sabunot at kalmot niya. Ni hindi ko namalayang nakalmot niya rin pala ako. Take two kaya? Para naman maranasan ko rin hilain ang buhok niya. Sisiguraduhin kong makakalbo siya sa ginawa niya. Tss. "Unang-una," sabi ko at matapang na sinalubong ang mga mata niya. "Hindi ko kilala ang boyfriend mo at mas lalo namang hindi kita kilala. I was actually wondering why you guys knew me. Hindi ko alam na sikat pala ako. Thanks by the way. Pangalawa--" "Coreen!" Sabay-sabay kaming napatingin sa lalaking bagong dating. Dumiretso siya sa akin at hinawakan ang braso ko at tiningnan ang mukha ko. "Ouch," anas ko nang mahawakan niya ang braso ko. May sugat ako roon dahil sa kuko ng babaeng hindi ko alam kung saan nagmula. Tss. Bumuka ang bibig niya sa gulat at tiningnan ang parteng iyon ng braso ko. Nangungusap at nag-aalala ang mga tinging ipinukol niya sa akin. "What happened to you?" Pagkatapos ay dumapo ang mata niya sa buhok ko. "Anong nangyari sa buhok mo? Nakipagsabunutan ka ba?" Humalukipkip ako at umatras. Inginuso ko sa kanya ang babaeng dahilan ng lahat ng ito. Unti-unting tiningnan ni Vincent ang babaeng nasa likuran niya. The girl is taken aback. Parang nakaramdam siya ng takot. Of course, kung schoolmate nga namin siya, natitiyak kong alam niya na si Vince ang SSC President. She could be punished for what she did, kahit na outside the school premises pa. But I know Vince won't say anything to the guidance counselors nor to our professors. Kapag nagkataon ay mauungkat ang dahilan kung bakit kami nandito at malalaman nila na nag-inuman kami dahil birthday ni Hiro. Kung sakali ay baka sa halip na ang babaeng ito lang ang mapagalitan ay madamay pa ang lahat. But then, since the lady doesn't know that, we can at least frighten her. "Kabit ng boyfriend ko ang kaibigan mo, Vince," aniya sa tonong parang close sila. "Kabit is a big word, miss. Alam mo naman siguro na hindi ka basta-basta pwedeng mambintang na lang at magsabi ng kung ano-ano na wala kang pruweba, hindi ba? At hindi mo naman asawa ang kasama mo para sabihing kabit si Coreen. You should also know that you're in a public place so humiliating her here and also defaming her name and accusing her can be taken to the court." Natahimik ang babae. Sabi ko takutin as SSC President, ibang klase naman pala manakot ang isang ito. Korte na ang usapan. Napangisi tuloy ako at lalong sumama ang mukha nung babae, nainis yata. Hindi ko naman siya iniinis, natutuwa lang talaga ako sa nangyayari. "Pasensya na, Vince," nahihiyang sabi nung boyfriend niya. "Misunderstanding lang talaga. Sorry, Coreen, sorry talaga." "Ako pa ang ilalaglag mo?" inis na sambit ng babae sa boyfriend niya. "Eh, kitang-kita ko na magkasama kayo nitong babae mo--" "Ako ang kasama ni Coreen," singit ni Jade. "Bumili lang ako ng barbecue at pagbalik ko ay sinasabunutan mo na siya. Imposibleng sila ang magkasama dahil ako ang kasama ni Coreen." "I don't even know your boyfriend, Miss," sabi ko. "Bigla mo na lang hinila ang buhok ko. I'm not even interested with your man, not a bit." Sinadya kong lakasan ang boses ko para sa mga chismoso at chismosang nasa paligid. Para hindi na sila mahirapang makinig. "At paano ko malalaman na hindi mo sila pinagtatakpan?" the girl is now targeting Jade. The latter obviously doesn't know how to handle this kind of lady. Away talaga ang gusto. "Magkakasama kami," singit ni Hiro. Nanlaki ang dalawang mata ko nang makita na narito rin siya at kasama pa ang boyfriend ni Jade na si Kent. Lumapit si Kent sa tabi ni Jade at tinanong kung ayos lang ba ito. Mukhang namukhaan nung babae si Hiro. Sikat si Hiro sa school, lalo na sa mga babae kaya imposibleng hindi niya makikilala ito. Her cheeks blushed when she realized I'm stating facts here. "Now, miss, how would you explain this mess?" Vince sounds so serious as he uttered those words. Tumingin siya sa akin. Wala na ang matapang niyang tingin. Kanina lang ay parang gusto niya ulit akong saktan, ngayon ay maamo na ang kanyang mukha. "S-sorry--" "Sorry your ass, I wouldn't accept that," inis na sabi ko. "P-pasensya na, hindi ko alam." "Sampalin kaya kita ngayon tas sabihin ko rin 'pasensya na'?" Hinawakan ni Vince ang kamay ko para na rin patigilin ako sa pagpatol ko sa babaeng ito. Hindi ko siya sasaktan, gusto ko lang makabawi at least sa pagsasalita. "Sorry talaga, Coreen," sabi nung boyfriend niya at hinila na ang braso ng babae. "Tara na." "See you in court," sabi ko at nagtaas-baba ng kilay. S'yempre hindi ko iyon gagawin, ano! Isa pa, baka minor pa lang din siya gaya ko. And I don't think I should spend money for this nonsense fight. Gusto ko lang talaga siyang asarin. Nanginig ang labi niya at namula ang mukha, halatang natakot sa sinabi ko. Sinubukan niyang lumapit pero agad humarang si Vince. "Sorry talaga, Coreen. Sorry. Gagawin ko kahit na anong gusto mo pero please... s-sana hindi na ito humantong pa sa..." "Matapos mo akong sabunutan at kalmutin?" "S-saktan mo rin ako, kahit anong gusto mong gawin," nanginginig ang boses na aniya. Hindi ko alam kung nagsisisi ba siya, natatakot, o nahihiya dahil sa mga tao sa paligid. I pressed my lips together. "No thanks! I rather not put some dirt on my hands." "A-ano ang gusto mong gawin ko, kung ganoon?" I lifted a brow. "I'll think about it." Umirap akong muli at hinila na si Vince paalis doon. Naramdaman ko namang sumunod sila Jade sa amin. Wala na ako sa mood bumalik sa condo ni Hiro kaya nang makarating sa may building ay humarap na ako sa kanila para magpaalam. "Baliw ba iyon?" Naiiling na sabi ni Jade. "Ano ba ang nangyari?" Kent, beside her, asked. Pumikit ako at nakaramdam ng pagkahilo. Medyo masakit nga ang pagsabunot nito sa akin. Malas siguro talaga ako, ano? Bakit kahit saan ako pumunta ay palagi na lang akong nadadamay sa gulo. Must have been my fate. Kwinento ni Jade ang nangyari ayon sa naabutan niya. Hiro and Vincent's eyes are on me the whole time. "Bakit kasi lumabas, Coreen?" dismayadong sabi ni Vince. "Ang tigas talaga ng ulo mo." Hiro tapped Vince's shoulder. "Huwag mo na pagalitan, bro." Pagkatapos ay tumingin ito sa akin na bakas ang pag-aalala at konsensya sa mukha. "May masakit ba sa'yo? Ayos ka lang ba? Kilala ko ang boyfriend niya, gusto mo abangan namin? Mga dalawang suntok--" I glared at him. "Biro lang. Pero may masakit ba sa'yo?" I heaved a sigh. "Medyo ayos na, nahihilo lang. Sorry, Hiro, nagkaroon pa ng ganito ngayong birthday mo." "Boring ba sa loob kaya kayo umalis?" Humalakhak siya, hindi ko makitaan ng pagiging sarcastic o ano. Ganoon lang talaga ang personalidad niya. "Ako rin nabo-bore doon, eh." "Gusto ko magpahangin, sinamahan niya lang ako," pagsalo sa akin ni Jade. Ang mga mata ni Vince ay hindi niya inalis sa akin. He looked at Jade like she said something funny. Hindi iyan maniniwala panigurado. "Really?" with sarcastic voice and brow raised, he questioned. Hindi ko siya pinansin at muling binati si Hiro sa kanyang kaarawan. Humarap naman ako kina Jade at Kent para na rin magpaalam. Pagkatapos ng kaunting pag-uusap ay umalis na rin kami roon ni Hiro at nagtungo sa may parking area. Tahimik lang siya habang naglalakad kami. I was silent the whole time, too. Hindi dahil awkward o ano. Unti-unti ko na kasing nararamdaman ulit yung sakit ng pagkakahila ng buhok ko. It's terrifying. Someone mistook me as her boyfriend's other girl. Tss. Hindi na nakakapagtaka iyon, madalas ay may nababalitang malandi daw ako pero ngayon lang, as in ngayon lang ako nasaktan ng dahil sa ganoon. Pagdating sa sasakyan ay hindi agad pinaandar iyon ni Vince. Nakatingin lang siya sa manibela na parang malalim ang iniisip. Akala ko ay pagagalitan niya ako katulad ng dati niyang ginagawa sa tuwing naiipit ako sa gulo matapos niyang magbigay ng bilin sa akin. But he just sighed. "Masakit ba ang ulo mo? Pakita nga ang sugat mo." Kinuha niya ang braso ko. Hindi na iyon gaanong mahapdi ngayon. He sighed again. "Promise me you would listen to me next time. Bakit ka ba kasi umalis? Ikaw ang may gustong um-attend tayo sa birthday celebration ni Hiro, hindi ba?" What I hate about Vince is the way he talks to you. Nakatingin lagi sa mga mata mo, nakadiretso, nakadirekta. Hindi mo magagawang magsinungaling o umiwas sa mga tanong niya. You'll end up feeling guilty. I guiltily looked away. Minsan pakiramdam ko sobrang childish ko. Para akong bata na laging tinitingnan ng magulang, malingat sandali ay may magagawa ng pagkakamali. Kaya nga ang problematic ng dating ko sa iba. The air outside is cold, probably because it's evening and also because september is approaching. Nakapatay ang aircon ng sasakyan ni Hiro, hindi na niya sinindi dahil kahit nakasara ang mga pintuan at bintana ng sasakyan ay malamig pa rin. "Nakita ko si Jade kanina..." Pinaliwanag ko sa kanya ang nangyari. There's no point lying anyway. At hindi ko rin ugali magsinungaling. After explaining, he only said, "Kahit nagpaalam ka lang sana." "Sorry." Alam kong may kasalanan talaga ako. Hindi ko na sinundan pa ng paliwanag dahil wala naman talaga akong matinong idadahilan. Maybe I like the air outside or maybe I just want the fun of going out from a party. I don't know. Minsan talaga hindi ko rin naiintindihan ang mga desisyon ko sa buhay. His eyes are full of emotions. Honestly, minsan o sabihin na nating madalas, ay nagi-guilty ako na palagi siyang nadadamay sa mga kung ano-anong gulo na pinapasok ko. He's my savior ever since we met but come to think of it, ano namang ambag ko sa buhay niya? "Nagugutom ka na?" "H-huh?" Ngumiti siya. "May alam akong masarap na barbecue-han sa malapit." He raised a brow. "The best B tandem...?" "Barbecue and beer?" He nodded. "Game! Treat ko." "Ako na," anito at ginulo ang buhok ko. "Mag-take out na lang tayo at sa bahay na kumain." "Someone's drinking on Monday!" I shrieked. "This is not so you, huh." "Binabawi ko na--" "Hep! Wala ng bawian. Oh, sige, mag-drive ka na at tatahimik na ako." He let out a cute chuckle and I ended up smiling while looking outside.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD