Nagkakagulo ang lahat pagpasok ko ng university. Next week na ang foundation week ng school namin at busy ang karamihan. Napaaga ang nga quizzes namin para raw maaga ring maghanda ang mga estudyante. And now, it's a mess out here.
I sighed. The only thing I love about foundation is the fact that there are no classes, aside from that? Wala na. Buti sana kung pwede um-absent para matulog na lang sa bahay.
I'm not really a fan of program, booths, and whatsoever. I hate wasting my time on things I'm not even interested with.
"Coreen, wala raw klase ngayon. Nag-aayos sila sa gym para sa opening program next week," sabi ng kaklase ko na nakasalubong ko.
"Vince?"
"Nandoon din. Pupunta ka ba roon?"
I shrugged. "Iidlip lang ako sandali."
Tumango siya at iniwan na rin ako. Dumiretso ako sa classroom namin na sobrang tahimik at walang tao. Halos lahat ay excited para sa foundation week, lahat ay tumutulong doon. Wala naman ako maitutulong doon kaya matutulog na lang ako dito.
I took a nap and then I fell into deep sleep. Masakit ang ulo ko nang magising ako at medyo nangalay rin ang braso at leeg.
Una kong tiningnan ang phone ko katulad ng ginagawa ng karamihan. I love the minimalist style wallpaper with my favorite quote on it. Pero hindi iyon ang una kong napansin kung hindi ang oras.
Eleven o'clock na???
Napatayo ako agad at tiningnan ang sariling repleksyon sa naka-off na phone. Ginamit ko iyon bilang salamin at ch-in-eck kung may muta ba ako o laway o kung ano sa mukha. Pagkatapos ay kinuha ko na ang gamit ko at lumabas.
Umuwi na lang kaya ako?
Kalat-kalat ang estudyante, just like how I predicted. May gagawin kaya ngayong hapon? Tanungin ko na lang si Vince, paniguradong alam no'n.
But where the heck is that guy?
Hinarang ko ang isang babae na nakasalubong ko sa hallway. Sigurado naman akong kilala nito si Vince, who doesn't know that guy here anyway.
"Hi!" I greeted. Hindi naman ako rude katulad ng sinasabi nila. May pagka-realtalk-er lang minsan but I have good manners, ano!
"Coreen," aniya.
Perks of having a popular best friend, maski ako kilala nila. O kilala niya ako dahil sa mga prof?
"Nasaan si Vince?"
"Vince..." nag-iisip na sambit niya. "Nasa gym yata kanina. Hindi ko lang sure pero doon ko siya huling nakita."
"Thanks!"
Mabilis akong naglakad patungo sa gymnasium. Medyo malayo iyon, may isa pang building sa pagitan ng building namin at ng gym. Medyo maluwang ang university namin o siguro ay tamad lang akong maglakad.
Malamig ang hangin ngayon bagaman umaaraw. May mga estudyanteng nakaupo sa mga nagkalat na benches at nagkukwentuhan. Ang ilan naman ay naglalakad habang nagce-cellphone. May mga nakikinig ng music at nakasuot ng earphones. At may mangilan-ngilang nag-aaral pa rin kahit wala namang klase. Thick books and glasses, the intelligent and serious ones.
Bukod sa pasimpleng pagmamasid sa paligid ay wala naman na akong ginawa pa. Hindi ko sila pinansin dahil wala rin naman akong nakitang kakilala. I only knew people from my department, to be specific, people with the same course as mine lang talaga.
Hindi ako nahirapang hanapin si Vince kahit madaming tao. Bakit? Nandoon at napapalibutan ng mga babaeng animo'y nakikipagkwentuhan pero halata namang may gusto sa kanya. Napangiwi ako pero hindi na din naman iyon bago.
Don't get me wrong, hindi ako nagseselos, there's no way I like Vince in a romantic way. Genuine ang friendship namin at hanggang doon lang iyon. He could get himself a girlfriend if he wants.
Lumapit ako sa kanila. Tumabi naman agad ang mga babae nang makita ako. Vince smiled when he saw me.
"Lunch?" He asked in the gentlest way possible. "Tapusin ko lang ito." Itinaas niya ang kung ano mang ini-stapler niya roon.
"Hintayin na lang kita sa sasakyan."
"Hindi tayo sa cafeteria?"
Ngumuso ako. "Nagsasawa na ako sa pagkain doon."
Tumingin siya sa mga babaeng nasa tabi namin na halata namang nakikinig sa usapan. Kahit nga hindi ko tingnan ay ramdam ko ang masamang tingin ng ilan sa kanila. Jealous, huh.
"Bibig mo," sita ni Vince sa akin.
"Totoo naman," bulong ko sa sarili na paniguradong narinig din nila.
"Sige na. Hintayin mo na lang ako--"
"Bakit hindi ka na lang tumulong?" singit nung isang babae na hindi ko naman kilala.
Epal iyan?
I clicked my jaw and raised a brow at her. Wala ako sa mood makipag-away kaya nagbuntong-hininga na lamang ako.
"What a great idea," I uttered. "Anong maitutulong ko?"
Ngumiwi ang babae at halatang hindi nagustuhan ang tono ko. For all I know, ayaw niyang nandito ako dahil nagseselos siya sa akin. Since sabi niya tumulong daw ako, eh 'di sige. So much for her luck.
"Maghintay ka na lang doon," bulong ni Vince. "Patapos naman na ako."
Umupo ako sa tabi niya at humalukipkip. "Dito na lang ako maghihintay."
Pinipigilan kong matawa sa namumulang mukha nung babae. Parang gusto niya akong awayin pero hindi niya magawa dahil nandito si Vince.
"Ikaw na ang tumapos nito kung gano'n," sabi nung babae at inilapag sa mesa ang ginagawa niya kanina.
Tiningnan ko iyon at nairita. Ipapatapos niya sa akin ito? What the heck!
"Sinisipag ka, 'di ba? Oh sige, gawin mo," nang-aasar na sabi ni Vince at ngumisi pa pagkatapos.
Inirapan ko siya at muling tiningnan ng masama ang mga pang-design sa harap ko. I don't even know what to do with this.
"Idikit-dikit mo lang iyan," sabi ng katabi ko na parang narinig ang kung ano mang nasa isip ko.
"Alam ko," masungit na sabi ko kahit na ang totoo ay hindi ko alam. But now that he mentioned it, I think I know how na.
Tumagal pa kami roon ng kulang-kulang isang oras at gutom na gutom na ako. At ang mas nakakainis pa ay punuan na ang mga restaurant at fast foods! Lunch time ba naman.
Naiiyak na ako sa gutom. Gusto kong mainis kay Vince dahil ang tagal-tagal niya pero hindi ko magawa dahil nakikisabay lang naman ako. Pwede naman na akong mauna na kanina kung gusto ko. Sumimangot na lang ako at hinintay kung ano ang mangyayari.
"Umuwi na lang tayo," sabi niya pagkatapos ng pang-apat na fastfood na pinuntahan namin.
"Mag-order na lang?"
"Magluluto na lang ako. Nakakahiya naman sa mahal na prinsesa na kanina pa nakasimangot dahil sa gutom."
Ngumuso ako habang tinatago ang ngiti sa sinabi niya. I nodded eventually and we went to his apartment.
"Anong lulutuin mo?"
Ibang-iba ang apartment niya sa apartment ko. I mean, when it comes to design. Madami siyang gamit kumpara sa akin. May mga pang-exercise siyang equipments. May malaking TV dahil mahilig din siya manood pero ang pinakamarami ay libro.
Nagkalat ang libro niya sa buong bahay, no wonder he's a genius. Malinis din ang buong paligid. Maski ang maliit na bakuran niya sa labas ay may mga halaman. Masipag, matalino, mabait, gwapo... nakakapagtaka na wala pa siyang girlfriend hanggang ngayon.
"Anong gusto mo? Titingnan ko kung kaya ng ingredients na mayroon ako," sabi niya matapos kong umupo sa upuang nasa dining.
Magkatapat lang ang dining at kitchen niya, walang harang dahil hindi rin naman kalakihan ang apartment katulad ng akin. Halos same lang kami, magkaiba lang ng disenyo talaga. But the size and structure, almost the same.
"Adobo? O kaya pork and beans."
"Adobo na lang," sabi niya. "Diyan ka na maghihintay? O manonood ka sa sala?"
"Dito na. Wala naman akong kausap doon."
Tumayo ako at dumiretso sa ref na nasa tabi niya. Wala man lang beer. How boring! May softdrinks doon na nakalata kaya kinuha ko. Inabutan ko rin siya pero umiling ito at pinapabalik iyon sa ref.
"Hindi ka pa kumakain," sabi niya.
Masahol pa ito sa tatay ko palagi, eh. Ah, wala nga pala akong tatay.
"Ano naman?"
"Hindi maganda iyan kapag walang laman ang tiyan mo."
"Paano mo nalamang walang laman? Nakita mo?" He glared at me. Ayan, KJ nga lang minsan. Tumawa ako at ibinalik na lang din iyon sa ref.
Sa halip ay nanguha na lang ako ng malamig na tubig na nakalagay sa glass pitcher na ang sosyal tingnan. Ang ayos din ng ref niya, huh. In order lahat.
"Nag-grocery ka? Ang daya, hindi ka nagsama."
"Nauubusan ka pala ng grocery?" Sumulyap siya sandali sa akin bago niya itinuloy ang paghihiwa ng sibuyas. "Eh, dito ka naman lagi kumakain."
"Hoy, hindi kaya. Breakfast at midnight snack, doon ako."
"Lunch and dinner with me? Dapat pala nag-aambag ka rin ng pambili ng pagkain," anito sa tonong natatawa.
"Kahit naman hindi ako pumunta rito, ikaw naman ang kusang nagdadala ng pagkain sa apartment ko," bulong ko, sapat para marinig niya. "Oh, sige, anong maitutulong ko, sir?"
"Umupo ka na lang doon. Ginugulo mo lang ako, eh."
I chuckled. "Ako na magluluto ng kanin para may ambag naman ako."
"Ahh..." para siyang nakahinga nang maluwag. "Mabuti naman at alam mo."
Pabiro ko siyang sinapak. Dumiretso na ako sa lagayan ng rice cooker at nagsaing. Matapos isaksak iyon at i-on ay bunalik na ako sa upuan ko kanina.
Habang abala siya sa ginagawa ay kinuha ko muna ang phone ko at nag-scroll sa f*******: para lang makita ang mga walang kwentang chismis na wala naman talagang ambag sa buhay ko. I closed it afterwards.
"May klase ba ngayong hapon?" tanong ko. Bigla kong naalala na iyon pala ang itatanong ko sa kanya kanina.
"Late na tayo kung meron."
Ang pangit talaga kausap nito.
"Great. Matutulog ako." Pagkasabi ko no'n ay napahikab ako.
Kagigising ko lang pero inaantok na naman ako. Ugh! What a life!
"Mag-exercise ka kasi para hindi ka laging inaantok. Gumising ka ng maaga bukas at mag-jogging tayo."
"Duh! Ikaw na lang."
"4 am. Sharp."
Inismiran ko siya. As if.
But to heck with this guy, tinotoo nga ang sinabi.
Alas kwatro kinabukasan ay kumakatok siya sa may pintuan ko. And mind you, tumawag pa ang gago. Hindi ako nag-silent just in case may emergency pero hindi ko alam na may manggugulo lang pala.
"Inaantok pa ako," reklamo ko kahit nakalabas na kami para mag-jogging.
Wala na akong nagawa kanina kung hindi ang magbihis.
I'm wearing a pink jogger pants and a cropped hoodie in color white. Regalo ni Vince ang jogger na ito sa akin, hindi naman ako mahilig sa pink, I guess gusto niya lang ako asarin.
Nasa likod ko siya at tinutulak niya ako dahil tamad na tamad akong maglakad. Ang dapat na jogging ay nauwi sa paglalakad. Bagaman panay ang reklamo ko ay kahit papaano nare-relax ako na makalabas ng ganito kaaga. Walang mga sasakyan, walang ingay, malamig at sariwa ang hangin.
"Lulutuan kita ng agahan," anito para matahimik ako kakareklamo.
Ngumisi ako. "Kape pa!"
Tumawa ito sa likod ko at umalis din doon para tumabi at sumabay sa aking maglakad.
"Abuso, ah?"
"Duh! Sinamahan kita maglakad ng alas-kwatro ng umaga na sana ay mahimbing pa ang tulog ko."
Pinitik niya ang noo ko kaya tiningnan ko siya ng masama. Wala pa ang haring araw pero maliwanag na maliwanag kung gaano kagwapo ang lalaking nasa harapan ko. Honestly, kung tatanungin ako kung anong ideal guy ko pagdating sa physical look? It would be this guy. Siya yung tipo ng taong kahit hindi mo naman gusto ay matutulala ka pa rin. Para siyang modelo, eh, walang halong ka-OA-yan.
"Kulang ka nga kasi sa exercise, Madam."
"Whatever! Bilisan mo na ng makabalik na ako sa higaan."
Tumawa ito at umiling-iling.
May mga nagba-bike ng ganito kaaga at ilan na rin ang dumaan sa tabi naming naka-bike with full gear pa. Gusto ko rin matuto mag-bike ang kaso ay wala namang magtuturo sa akin. Nahihiya akong sabihin kay mommy at wala rin naman akong oras para maghanap pa ng magtuturo sa akin.
"Alam mo may idea ako," sabi nito habang naglalakad kami.
Ngumiwi ako. "Alam mo, wala akong paki!"
Tumawa ito at hindi pinansin ang sinabi ko. Ngayon pa lang ay kinakabahan na ako sa naiisip niya na naman. Palagi na lang nito ginagawa ang mga ayaw ko, eh. I guess they are right, may pagka-KJ nga ako. Hindi naman kasi ako mahilig lumabas at gumawa ng kung ano-anong activity.
Ngayon lang ako nagiging active sa mga ganito, napipilit lang ni Vince. Minsan mas okay na rin na magka-girlfriend na siya para hindi niya ako kinukulit, eh.
"Sumali tayo sa mga programs na ilalabas nila sa foundation," tuwang-tuwa pa ang tono ng pagkakasabi niya. Parang bata na excited.
"Asa ka!"
Binilasan kong maglakad para malagpasan siya pero binilisan niya rin para makasabay sa akin.
"Come on, Coreen, I'll grant you a wish."
Huminto ako at napaisip. "Kahit ano?" Tumango siya. "Kahit ilan?"
"Hoy, abuso ka ha!"
I grinned. Pinitik ko ang noo niya saka tumakbo palayo.
"Wala ng bawian," sigaw ko.