The party lights looked so amazing as we enter Hiro's condo unit. Soundproof ang mga condo units nila kaya ayos lang mag-ingay plus hindi naman madami ang imbitado, some close friends and schoolmates lang. Hiro is our senior, one year ahead of us, pero halos magkakaedad din kami sa level ng ugali. He's not the kuya-type. Literal na barkada mo talaga.
Kung paano ko sila naging kaibigan? Honestly, hindi ko rin alam. Basta bigla na lang ganito, nagkakayayaan, nagkukwentuhan... maybe because we're all engineering students? And we love parties?
"Happy birthday!" Nakangiti kong sinalubong ang birthday celebrant ngayong gabi. Natawa ako sa pambahay na suot nito, akala mo walang tao sa bahay niya, eh.
"Uy! Buti nakapunta ka," anito at lumagpas ang tingin sa aking balikat. He probably saw Vince. "Hi, Mr. President, 'wag mo kami isusumbong ha!"
Tatawa-tawa kong hinampas ang balikat ni Hiro. "Duh! Nagpunta siya kaya damay rin siya kung sakali."
I am still a minor and as well as other students here. Obvious naman na bawal kami sa mga bar and clubs kaya madalas na DIY club lang ang nangyayari. Pero wala naman kaming ginagawa na masama. Drinks and stories. Wala na bukod doon. Wala namang nagmi-make out sa paligid unlike to most clubs. Mas lalo namang walang strippers, ano!
"Thanks for coming, bro," sambit ni Hiro kay Vince. "Kuha na kayo ng drinks doon. May i-pi-pick up lang ako sa lobby."
Hindi ko na pinansin ang paglabas niya at inikot ang paningin sa kabuuan ng condo niya. This isn't my first time here. Pangatlong beses na ito pero matagal-tagal na rin noong huli. I think it's around six or five months ago pa.
"Puntahan ko lang sila Jade," paalam ko kay Vince na mukhang nakakita na rin ng ilang kaibigan.
"Uuwi tayo ng maaga," bilin nito. "Nasaan ang phone mo?"
I rolled my eyes at him. "Para namang mansyon itong condo ni Hiro. Ang OA ha! Diyan lang ako."
Pinaningkitan niya ako ng mata. "Buti sana kung hindi kita kilala."
"Whatever!"
Lumayo na ako sa kanya at pinuntahan si Jade na nagmumukmok sa gilid at pinaglalaruan ang beer na nakalagay sa lata. Nakaupo ito sa hagdan at tila may sariling mundo habang ang lahat ay nagkakasiyahan. The music is on fire, some are dancing, most are talking.
Nag-angat siya ng tingin nang mapansin ako roon. She gave me a sad smile which made me wonder even more. Ano kaya ang problema ng isang ito?
"Loner tayo diyan, ah!"
"Mag-enjoy ka na roon," aniya. "Medyo naiingayan lang."
Ngumiti ako. Hindi naman ako manhid para hindi mapansin na may problema siya. Luminga-linga ako sa paligid para hanapin kung naroon si Kent pero wala. Nag-away ba sila? Hindi ba sila nagpunta ng sabay rito?
"Gusto mong maglakad-lakad sa labas? May magandang public garden dito na malapit."
Umiling siya. "Hindi na, Coreen."
"Come on." I raised a brow at her. "Gusto ko pumunta at wala akong kasama."
Matunog na ngisi ang pinakawalan niya. "Fine! Tara?"
"Kuha lang ako ng beer."
Ilang minuto pa ay tumakas na kami sa loob ng condo ni Hiro. May dalang bag si Jade at doon ko tinago ang dalang beer, baka kasi masita pa kami ng mga staff ng condominium o kaya may makakita na prof.
Tatawa-tawa kami nang makalabas ng building. Inilabas niya ang dalawang can ng beer at iniabot ang isa sa akin. We opened it while walking and toast it in the air like we're some sorts of people having the best time of our lives.
Looking at Jade right now, hindi ko naisip na may problema pala siya. Hindi siya super talino pero isa siya sa mga nag-e-excel sa batch namin. She's not much of a social person but she has a lot of friends, too.
"Nag-away kayo?" tanong ko nang medyo makalayo na kami. Malapit na kami ngayon sa garden na tinutukoy ko.
Dahil gabi na ay mangilan-ngilan na lang ang sasakyan na napapadaan. Malamig din ang simoy ng hangin, marahil ay dahil din sa mga puno sa paligid na medyo madami. Bukod sa mga sasakyan ay tahimik na ang kapaligiran. Best for long walks and deep talks. Kumurap-kurap ako at agad iwinaksi ang mga ideya sa isipan. May mga bagay na ayaw ko ng maalala kasi sakit lang naman ang dinadala.
Bumalik ang tingin ko kay Jade. Maya't maya ang pag-inom nito ng beer. Hindi ako nag-aalala na malalasing siya dahil beer lang naman iyon at hindi mataas ang alcohol percentage no'n, isa pa dahil tag-isa lang naman kami ng kinuha. Kapag naubos niya na iyon ay wala na siyang magagawa kung hindi tumigil.
Jade and I weren't that close. Kung tutuusin ay mas close ko pa ang boyfriend nito kaysa sa kanya. But I have no hard feelings towards her, gusto ko rin naman siya maging ka-close, and I consider her as one of my friends.
"You know, men are more more complicated than women," sambit ko dahil iyon naman talaga ang opinyon ko sa bagay na iyon.
"Tss," natatawa niyang sabi. "Na-inlove ka na ba, Coreen?"
I hissed. Hindi ko nai-imagine ang sarili kong mai-inlove at magpapakabaliw sa isang tao tapos masasaktan ka lang sa dulo. Love is not a fairytale. Those in the stories, they are fiction for a reason. Kasi hindi totoo, hindi nag-e-exist in real life, walang katotohanan, at puro kalokohan.
Love? It doesn't make sense. Familial love would be okay but romantic love? Marriage? Relationship? I don't believe in those.
"Loving someone is pathetic. Wala namang dulot."
Ngumiti siya at bahagyang natawa. Napatitig ako sa mukha nito. Bakit kahit gaano ka kabait, kaganda, ka-perfect, ay masasaktan ka pa rin? Sasaktan ka pa rin.
She looks like an angel especially now that she looks so carefree.
"Love is what makes the world go round," aniya. Linyahan ng mga hopeless romantic na sa dulo ay sila din ang umiiyak. "Love is magic. Wala ka ngayon sa mundo kung hindi dahil sa pagmamahalan ng dalawang tao, Coreen."
Natigilan ako. Umakyat ang galit sa sistema ko. I felt how my face heated up. Nilagok ko ang beer na dala-dala at bahagyang ikinuyom ang kamay. Ako? Bunga ng pagmamahalan? That's pathetic. That's s**t.
I call bullsh*t on that!
"Lust is different from love, Jade," kalmadong sabi ko kahit nagngingitngit na ang kalooban ko sa mga nasabi niyang salita. "Hindi lahat gawa sa pagmamahal."
Bumuka ang bibig niya pero walang ano mang salita ang kumawala roon. Bahagyang humangin at mas lalo lang iyong nagpabigat sa damdamin ko. Don't talk to me about love, it really ruins my mood.
"Did you guys broke up? Or is this some sort of a misunderstanding?"
Huminga siya nang malalim. Nasa may garden na kami. May bench na naroon at may mga ilaw na nakapaikot sa mga puno. That's why it's a known dating spot, wala nga lang tao ngayon, siguro dahil lunes? O baka hindi na uso mag-date sa ganitong lugar ngayon. I don't know.
"Hindi. May mga bagay lang na gusto naming ayusin pero ang hirap."
"He didn't cheat?"
Umiling siya. "Hindi magagawa ni Kent iyon. Wala kaming problema sa isa't isa. Kung pwede nga lang ay kaming dalawa lang ang involve, eh. Baka mas madali pa ayusin kung may nagawang pagkakamali ang isa sa amin pero..."
"Ano, kung ganoon?"
She gave me a wounded, sad smile.
"His parents doesn't want me to be with him."
I blinked twice. Hindi ko agad naproseso ang sinabi niya. Maski pala sa totoong buhay ay may ganoon? Yung parents ang magiging kontra sa relasyon. I guess it's really hard. Love for your parents versus love for your partner. Maski ako si Kent ay hindi ko alam ang gagawin ko. Jade is hurting but it's a different kind of pain to Kent.
Mahirap kalabanin ang magulang. They raised you, loved you, they are the reason why you are here. We love and respect our parents. Kung ako siguro ay baka hiniwalayan ko na si Jade. Of course, masakit, but in reality, kailangan mong sundin ang mga magulang mo.
"Bakit? I mean, you guys are perfect partners."
I don't get why I don't believe in love but I want people to be happy with each other. Siguro may pag-asa pa ako sa puso ko, siguro kasi alam ko na hindi lahat katulad nung taong iniisip ko.
Siguro hindi lang talaga pang-lahat ang pagmamahal. Some were born to love and some were born to be loved.
Ngumiti siya ng mapait. "Ayun nga ang problema, hindi ko alam kung bakit. Kung may problema sila baka p'wede kong baguhin pero..." she shrugged. "I know Kent has been thinking lately. Sigurado rin ako na ang natatanging solusyon lang na naiisip niya ay ang..."
"Makipaghiwalay?" pagtutuloy ko.
Ngumuso siya at unti-unting tumango.
"Hindi niya magawang sabihin sa akin, Coreen. Hindi niya kayang banggitin. Ni ayaw niya mag-propose ng kahit anong paraan para malagpasan namin ito. But you know what's funny?" She chuckled but a painful one. "I don't want him to suffer anymore. Ayaw ko ng naiipit siya sa amin ng parents niya. Ayaw ko na maging distraction iyon sa pag-aaral niya. It's hard on my side but then... I can't imagine the pain he's going through."
May takas na luha ang umalpas sa kanyang pisngi. Bagaman madilim na at gabi ay halatang-halata ang sakit sa kanyang mukha.
See? Love only brings pain to people. Bakit kailangan mo pang ma-inlove kung ganito lang din, hindi ba? It just makes everything complicated.
"So, anong plano mo?" And the only thing I could do is to sympathize.
Uminom akong muli ng beer at tumingin sa kalangitan. Maraming stars ngayon. I love looking at them. Para silang simbolo ng pag-asa sa mundong puno ng pait. They shine the best at the darkest hour. Looking at them shows me a different kind of comfort.
Siguro kasi sila ang saksi sa lahat ng nangyari sa akin.
"Ayun nga ang problema, hindi ko alam ang gagawin, Coreen. Gulo sa pagitan ng isip at puso."
"Surely you know that this situation would affect your academic standing, right?"
"Who cares about it after a heartbreak anyway?" Natawa siya. "I'm sure mai-inlove ka rin sooner or later, Coreen. And later you would understand everything."
"No thanks."
Huminga siya nang malalim at muling nagsalita. "You know, hindi naman love ang masakit eh, it's the trouble after that, it's the heartache, it's the aftershock."
"Hindi ka masasaktan kung hindi ka magmamahal," sabi ko.
"At hindi ka tunay na nagmamahal kung hindi ka masasaktan. Love and pain are twins, Coreen. In order to love freely, you must be willing and ready for the pain it can give. Sa iba simpleng pain lang, sa iba grabe. It differs to the situation, it differs every person."
Ngumuso ako. "Hindi ba dapat ako ang nagbibigay ng advice sa'yo? Bakit ikaw ang ang daming sinasabi?"
Humagalpak siya ng tawa. "Coming from a single and bitter woman? No thanks."
"Nevermind. Hindi rin naman kita gustong i-comfort, ano! Bahala ka diyan."
"Kaya pala inaya mo ako sa labas," nangingiti niyang sabi. "Wait, so hindi ka pa nagka-bf ever o nasaktan ka na dahil sa love? First love mo?"
Inirapan ko siya. Matagal bago muling may magsalita sa amin. Tahimik kaming pareho at malayang dinadama ang kapayapaan ng paligid. Broken as ever, I don't wanna be like her.
Lumipas ang mahabang minuto ng katahimikan. Naubos ko na rin ang laman ng beer ko. Sana pala ay nanguha pa ako kanina ng extra. Birthday ni Hiro pero heto at nakikiramay ako sa patay na puso ng kaibigan ko. What a night! Well, this is better than suffering from hangover.
"Bili lang akong barbecue, Coreen," aniya at tumayo na.
May nagtitinda ng barbecue sa tapat. I nodded at her. Muli akong huminga nang malalim at bahagyang pumikit. Hindi pa malalim ang gabi pero medyo inaantok na ako. I'm always sleepy, what can I do?
"Hi, Coreen!"
Napadilat ako nang marinig ang boses ng lalaki at tinawag ang pangalan ko. Chinky cute eyes with cute little dimples and fair skin. Iyon ang bumungad sa akin pagdilat ko. Medyo magulo ang buhok nito, nakasuot ng plain white shirt at hindi siya pamilyar sa akin.
I raised a brow at him. Medyo naniningkit ang mata ko ngayon dahil nga inaantok na.
Who is this guy anyway? And how the heck he knows me?
"Schoolmates tayo. Architect student," pakilala niya. "Hans nga pala."
He offered a handshake. Hindi ko tinanggap iyon at tiningnan lang ang kamay niya. I don't wanna be rude but he's a bit... off. Hindi ko alam kung bakit pero medyo nawi-weirdo-han ako sa kanya.
Nasaan na ba si Jade?
He embarrassingly let his hand down. Ngumiti siya at ako naman ngayon ang nahiya sa pagiging rude ko.
"Anong ginagawa mo rito? Sinong kasama mo?" tanong niya. He must be from the neighborhood, eh?
"Birthday ng friend ko," sagot ko.
"Oh, si Hiro? Narinig ko nga na may pa-party siya. We live in the same building, by the way."
Oh, that answers my question.
"Oh-- s**t!"
Hindi pa ako nakakapagsalita ay may humablot na ng buhok ko. Napapikit ako sa sakit na dulot no'n.
"Sinasabi ko na nga ba!" boses iyon ng babae.