Chapter Two

2142 Words
Kinailangan kong umuwi ng weekend dahil may dinner ako kasama ang grandparents ko at si mommy. My family house is almost an hour away from my campus.   Sinalubong ako ni mommy ng halik sa pisngi pagkatapak ko sa loob ng bahay. It's not lunch time yet, sinadya kong umuwi ng maaga para makapagpahinga pa. I kissed my mom back on her cheeks.   "Buti at nakauwi ka," aniya. "Dalawang buwan ka ng hindi nagpapakita."   "Sorry, mom, medyo hectic lang na umuwi every weekends."   Kinuha niya ang bag ko saka sinabihang magpahinga na muna. Good. Ayaw ko namang tanungin niya ako ng tungkol sa school o kung ano-ano. I don't want to stress my mom out. She's the most precious person I have.   Dumiretso ako sa room ko na wala namang pinagbago matapos ang ilang buwan kong hindi pagdalaw dito. My room is a hot-chick theme and style. Black, gray, and dark pink. Halos lahat ng gamit doon ay naglalaro sa tatlong kulay na iyon. Sa halip na sa higaan ay sa bean bag ako sumalampak at doon ipinikit ang mata.   There's no place as comforting as home.   Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako roon at nagising lang nang kumatok si mommy sa kwarto. Naligo ako at nagbihis ng pajama na matagal ko ng hindi naisusuot. I don't bring things from here to there. Kung ano ang nandito, maiiwan dito. Kung ano ang nandoon, nandoon lang.   "Nauna na akong kumain," mom said when I entered the dining.   Dumiretso ako sa ref at inilabas ang cake doon. I don't feel like eating rice. Pagkatapos ay tumabi ako kay mommy at kwinento ang mga nangyari sa akin nitong mga nakaraan.   "So, kailan mo ipapakilala sa akin ang male friend na kinukwento mo?" Ngumiwi ako sa paraan ng pagkakangiti niya, para bang may iniisip na kung ano. "What's his name again?"   "Mom, there's nothing going on between us."   "Oh, bakit?" pa-inosenteng aniya. "Wala naman akong sinasabi, ah?"   "You're obviously teasing me."   I don't like to end up like you. Yung magmamahal ka pero sa dulo iiwan din. It's scary and it's painful. Pero hindi ko na sinabi pa sa kanya iyon, masyado ng mabigat ang dala-dala niya.   "So, ano nga ang pangalan niya?"   I rolled my eyes. "Vince."   "Vince?"   "Vince."   "Paano ka natitiis ng mga teacher mo?"   I laughed. Gusto kong sabihin sa kanya na hindi nga nila ako matiis. They were always mad at me.   "Vincent Yu," pag-kumpleto ko sa pangalan niya. "But I'm telling you, mom, there's no way we'll ever be lovers."   "You'll never know, honey."   Mom is obviously hopeless romantic despite of having a broken heart. Pagkatapos ng usapan na iyon ay tumulong na ako na mag-ready ng mga iluluto for dinner with my grandparents.   Dumating sila ng maaga kaya maaga rin kami na nakakain. Doon ako natulog at nagising ng maaga ng linggo para maka-byahe pabalik.   "Ihahatid na kita," mom offered and I immediately declined.   "Magpahinga ka na lang dito. Maaga pa naman, maaabutan ko pa ang bus."   Bumuntong-hininga siya saka dahan-dahang tumango. She pulled me closer into a hug then she kissed my forehead- and it's a normal thing for us.   "Tawagan mo ako agad kapag nakarating ka na."   "I will."   "And stop skipping your morning class."   Umatras ako at gulat na napatingin sa kanya. Paano niya nalaman iyon? Tinawagan ba siya ng teacher ko? Ha! As if naman ako lang ang uma-absent sa subject niya at isa pa, hindi naman ako araw-araw absent, madalas lang talaga akong ma-late.   Nagtatanong ang mga mata na tumingin ako sa kanya. She nodded, eventually. "I know you more than, anyone, Coreen."   "Really, how'd you know that?"   She shrugged. "I just know how sleepyhead my daughter is." Then she smiled a sad but genuine one. "You two are very much alike."   Nanigas ako sa kinatatayuan nang sabihin niya iyon. Hindi man siya nagbanggit ng pangalan ay alam ko na agad kung sino ang tinutukoy niya. Ramdam ko ang pamumutla ko at bahagya rin siyang natigilan. Mom gave me a worried look. Ngumiti na lang ako para maiwasan na mag-alala pa siya.   "I'll go now."   "Anak--"   Hinalikan ko siya sa pisngi saka nagmamadaling lumabas ng bahay pero nang makasakay na ako ng taxi patungo sa paradahan ng bus ay doon na nagsimulang bumalik lahat ng sinabi niya, lahat ng masasakit na memorya ng nakaraan.   I hate it. I hate it when everyone says we, two, are very much alike. I hate it, especially when my mother was the one who says it.   Bakit kahit anong gawin ko, kahit bali-baliktarin ko pa ang ugali ko, ganoon at ganoon pa rin ang sasabihin nila? Na magka-ugali kami? Na may pagkakapareho kami? Damn it! Do they even know how much I tried to remove everything that connects us two? Except for the surname- but I might soon.   Napaigtad ako nang may bumusina sa gilid ng kalsada. Nasa waiting shed ako ngayon, nag-aabang ng masasakyan. I think in less than ten minutes ay dadaan na ang bus.   The familiar car parked in front of me. Ibinaba nito ang bintana sa may shotgun seat. Naka-sunglasses pa ang loko. Dahan-dahan niya iyon na tinanggal saka ngumiti ng madalas niyang ngiti- ngiting aso sabi nga nila ang tawag doon.   "Want a ride?"   I hissed. Mukha tuloy akong napipilitan pero nakahinga rin ako ng maluwag na hindi ko na kailangan pang mag-commute, plus diretso na ito sa apartment, hindi ko na kailangang bumaba sa paradahan at sumakay ng iba na naman na sasakyan hanggang sa apartment.   "Ang aga-aga lutang na naman ang isipan mo," anito nang maisara ko ang pinto ng sasakyan niya.   Vince looks as care-free as he always does.   "Mag-drive ka na nga lang."   "Wow, boss." I glared at him. "Nag-breakfast ka na?"   "Manlilibre ka ba?"   May tinuro siya sa likod kaya napalingon ako roon at nakita ang dalawang paperbag na may tatak na Jollibee. Namilog ang mata ko sa gulat at excitement, doon ko lang din naramdaman ang gutom. Bakit hindi ko agad ito naamoy kanina?   "Wow, ready."   "Alam ko naman na sinasadya mo na ganitong oras pumunta dahil dadaan ako."   Hinampas ko siya. Tatawa-tawa siyang umilag habang diretso ang tingin sa daan.   "Ang kapal ng mukha mo." Kinuha ko ang dalawang paperbag na nasa likod saka ipinatong sa lap ko. "Anyway, thanks."   "For the food?"   "And for the ride."   Kitang-kita ko na naman ang pagtaas ng sulok ng magkabilang labi niya. He just loves smiling, eh.   Naki-connect ako ng bluetooth sa speaker niya at nagpatugtog ng playlist ko tuwing nasa byahe. Pareho kaming sumabay sa bawat liriko ng kanta at nagtatawanan pa. Vincent and I are different in so many ways. Pero kahit na ganoon ay hindi iyon nakasira sa pagkakaibigan namin.   Vince and I met a year ago, more than a year ago. Pareho kaming walang kakilala at nagpapa-enroll sa kursong engineering. Sa akin siya nagtanong at dahil hindi ko naman alam ang sagot sa tanong niya tungkol sa enrollment, binigyan ko siya ng maling impormasyon- and yeah, knowing him, he actually followed. Pumasok siya sa opisina ng dean at dahil kinabahan ako ay agad ko rin siyang hinila palabas. Gosh! Buti na lang talaga at hindi pa siya tuluyang nakapasok.   That's how we met.   Until a week before the class starts, we found out we're neighbors.   "Burger." Pinakita niya ang palad sa akin. Tiningnan ko ang loob ng paperbag at nakita na iisa lang ang burger doon. Mango pie, fries, at chicken joy na lang ang mayroon bukod sa drinks.   And I want burger, too.   "Wala," sagot ko saka ngumiti at ipinakita ang peach mango pie sa kanya. "Masarap ito, gusto mo?"   "My burger, Coreen."   Umirap ako saka napipilitang iniabot ang burger sa kanya. "Bibili na nga lang kasi, iisa pa," bulong ko.   "May sinasabi ka?"   Dinig na dinig ko ang ingay ng papel na nakabalot sa burger. At talagang nang-iinggit pa siya. Tss. Kumakalam na ang sikmura ko. I don't want the mango pie. Kinuha ko na lang ang fried chicken at iyon ang nilantakan. Buong byahe ko siyang hindi pinansin dahil sa burger na iyon.   "Sasabay ka sa akin bukas?" Hindi ko siya pinansin. Bahala siya diyan. In the end, he just sighed.   Pagka-park ng sasakyan sa tapat ng apartment niya ay agad akong bumaba at hindi siya pinansin. Dire-diretso ako sa loob ng apartment ko at padabog na sinara ang pinto. I called the hotline of Jollibee to order three burgers. Ha! Akala niya sa akin? Walang pang-order?   Naligo ako at nagpalit ng pambahay na damit. Kasalukuyan akong nagpupunas ng buhok gamit ang tuwalya nang may dumating na tao sa labas. Sinilip ko iyon at hindi na nagulat nang makita ang rider ng jollibee.   I went out to get my orders. Saktong lumabas din si Vince nang oras na iyon. Ngumiti siya at lumapit.   "Uyy! May pagkain ako diyan?"   Inirapan ko siya saka humarap kay kuyang rider. Nagbayad ako at naghintay ng sukli bago tumalikod at pumasok sa loob.   "Imot naman neto." Umupo siya sa sofa ko na parang pag-aari niya ang bahay.   Hindi ko siya pinansin pero hindi ko rin siya pinaalis. Mainggit siya!   Akmang kukuha rin siya ng burger nang ilayo ko iyon sa kanya. Nagulat ito pero natawa rin pagkatapos. He didn't say anything; he just looked at me with full amusement lurking in his eyes while laughing.   "Nakakatawa?" Iritado kong sabi at mas lalong nainis sa pagtawa-tawa niya.   "Seryoso ba iyan?" Medyo nagseryoso na ito. "Okay, sorry na madam. Ililibre kita ng sampong burger sa susunod."   Nagningning ang mata ko sa sinabi niya. Agad akong umayos ng upo saka tumingin sa kanya. Ngumiti ito na para bang alam niya na agad na nauto niya na naman ako para lang sa pagkain.   "Wala ng bawian iyan kung hindi babasagin ko ang bintana ng kwarto mo."   Bumunghalit siya ng tawa sa sinabi ko. "Kaya ka laging napagsususpetsahan, eh."   "Whatever, Mr. Goody-goody."   Binigyan ko rin naman siya ng burger at sabay kami na nag-lunch pagkatapos though kaunti na lang ang nakain namin dahil kaka-meryenda lang.   I texted my mom that afternoon that I just got home. Si Vince ay bumalik na sa apartment niya para gumawa ng homework habang ako ay natulog dahil may pasok na naman bukas. Probably you're wondering why I passed the exams for that subject when I’m most of the time late... the answer is, Vince records the lecture and he sends it to me after.   Ganoon lagi ang eksena kapag wala ako. That's my review material most of the time, too- record.   Nag-alarm ako ng maaga para lang mai-prove na hindi kami pareho nung tao na sinasabi nila. I woke up early, too, just to prove a point.   Nang bumusina na si Vince sa labas ay dinampot ko na lahat ng kailangan saka nagmamadaling lumabas. And that's how we arrived at school.   "Coreen," tawag ni Marcus, engineering student din pero hindi namin kaklase. Tiningnan ko muna si Vince bago lumapit kay Marcus na naglalakad din palapit sa akin kasama sina Kent at Jane - ang tanging mag-jowa na parehong engineering student sa school namin.   Nakipag-highfive ako isa-isa sa kanilang tatlo at kumaway rin sila kay Vince na ngayon ay nasa likod ko na.   "Birthday ni Hiro, G mamaya?"   Hiro is also a friend of mine, engineering student din. Third year na nga lang si Hiro, mas ahead sa amin.   "Ge," sagot ko.   Alam ko na agad na inuman ang mangyayari and it's fine, mataas naman ang alcohol tolerance ko at hindi rin naman ako maglalasing. Duh! Monday na Monday kaya.   "Vince, sama ka rin 'tol."   Mahina akong siniko ni Vince. Tumingala ako sa kanya dahil mas matangkad siya ng kaunti sa akin. He raised one of his brows at me, asking if I'll come. Oh, 'di ba, tingin palang ay alam ko na agad kung ano ang itatanong niya- ganoon na kami ka-close ngayon.   Nang hindi ako sumagot ay humarap siya kila Marcus. "Sasama ako kapag sumama si Coreen."   "Ayun! Paano ba iyan? Text-text na lang mamaya..."   Nang makaalis na silang tatlo ay agad niya akong binomba ng tanong at sermon.   "Bakit ka sasama? Lunes na lunes, Coreen, iinom ka na naman. Kapag ikaw nalaman na naman na may hangover kinabukasan, lagot ka na naman sa mga prof natin. Kaunti na lang ay bibinggo ka na talaga sa kanila. Saka isa pa, lunes na lunes, seryoso ka?"   Tinakpan ko ang dalawang tainga gamit ang palad. Gosh! He's so loud.   Hinila niya ang kamay ko paalis sa tainga ko.   "Kinakausap kita--"   "Hindi ako maglalasing, okay? Kung ayaw mo sumama--"   "Sasama ako." He is now glaring at me. "Baka mamaya kung ano na namang kalokohan ang gawin mo roon."   Then he walked past through me. Sa halip na mainis at magmaktol ay humabol ako at umakbay sa kanya.   "Great! Para hindi na ako makikisakay pa kung kani-kanino," sambit ko.   He rolled his eyes but didn't say anything anymore.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD