Chapter Thirteen

2184 Words
"Kumusta ang lunch mo kasama si Bryan? Natapos niyo ang ginagawa niyo?" Those were his first words after I sat on my chair beside him. Muntik na akong ma-late, napasarap sa kwentuhan kasama si Bryan. Sobrang kwela kasi no'n, I can say that we're a bit much a like than Vince and I do. Pero walang ibig sabihin iyon, walang malisya, at mas lalong hindi naman ako magkakagusto sa taong iyon. Friends lang talaga. Wait, I'm not guilty. I am also not defensive, I just want to straighten my thoughts and whatever. "Yes," pagsisinungaling ko. "Pero may mga reports pa and other things. Kayo? Nagawa niyo?" "Oo, maaga namin natapos kaya kanina pa ako nandito." He smiled. "Ano'ng gusto mong kainin mamaya?" Bahagya akong natigilan. Yung mga ganitong bagay na ginagawa niya... Kaya ko bang tanggapin kahit na alam kong hindi ko rin masusuklian sa dulo? I'm not a fraud nor a scammer. He should know his place and I should know mine. Hindi niya ako dapat bigyan ng gold kung dapat ay silver lang. "I'm craving for carbonara." Pero nami-miss ko na rin kumain kasama siya na hindi namomroblema sa mga bagay-bagay. He sighed in relief, hindi ko alam kung para saan iyon. Pagkatapos ay ngumiti siya, nasabi ko na ba na sobrang cute ng ngiti niya? His eyes don't smile though, hindi ko alam kung bakit parang may kulang. "Okay! Carbonara later." Pagkatapos ng usapang iyon ay hindi siya nangulit o nagtanong pa. Tahimik na siya buong maghapon pero kapag kinakausap ko ay magiliw namang sumasagot. But I know him, something is up. Nahalata niya kaya? Alam niya kaya yung mga iniisip ko? Nasaktan ko ba siya o may nasabi ba ako? "Class dismiss!" Pagkalabas ng huling Prof namin para sa araw na ito ay nagsilabasan na rin ang lahat, excited umuwi at nagtutulakan pa sa may pintuan. The laughters of our classmates gave the room a different vibe of happiness. Maikli nga lang. Nagpahuli na kami ni Vince at malayang pinanood ang mga kaklas naming malapit na mag-away-away dahil excited lahat umuwi at nagsisiksikan sila sa may pintuan. Nag-overtime kasi yung teacher namin kaya baka may mga lakad ang katamihan sa kanila kaya nagmamadali. "Parang mga bata," iiling-iling na sabi ni Vincent. I cannot agree more. "Tara na, nagugutom na ako," sabi ko at sumingit din sa mga kaklase ko. Nagtatawanan kami ni Vince nang makalabas ng classroom. Medyo mas payapa na ngayon sa labas, kakaunti ang mga estudyanteng nakakalat maliban sa section namin. "May ingredients ka for carbonara?" tanong ko dahil baka mamaya ay wala naman pala. Totoong nag-c-crave ako ng carbonara kaya subukan niyang paasahin ako sa wala, itutulak ko siya palabas ng sasakyan ngayon din. "I think I have..." I glared at him. Nagkamot ito ng ulo at nagkibit ng balikat. Hating inis at hating umaasa ako habang nasa byahe. It's a good thing na mayroon naman siyang stocks pagdating sa apartment. Umuwi muna ako at nagbihis bago lumipat sa kabilang bahay. "Malapit na ito maluto," anito habang naghahalo ng sauce ng carbonara. Nakaupo ako ngayon sa upuan sa may dining area at ilang hakbang lang ang pagitan namin dahil katulad ng sinabi ko noon ay hindi naman kalakihan ang apartment na nirerentahan namin. Nakasuot siya ng apron, animo'y totoong cook. Ngumiti siya sa gawi ko at nakadagdag pa ng kung anong epekto ang usok mula sa palayok kung saan siya naghahalo. Nilunok ko ang bara sa aking lalamunan saka nangalumbaba. "Uuwi ka ba ulit this weekend?" He asked. "Hmm, baka, kung wala tayong assignments o projects na gagawin." I want to go home and visit my mom. Minsan nga naiisip ko kung tama ba na umalis ako roon at nag-aral dito sa medyo malayo kay mommy. Pero nandito na ako, masyadong malakas ang loob ko noong nagdesisyon ako at hindi na iyon dapat pang pagsisihan ngayon. Isa pa, bukod sa masasamang judgments nila sa akin ay wala naman na akong problema sa lugar na ito. I have friends, at least. "Hinahanap ka ni Ma'am Salvarez nung um-absent ka ng umaga," kwento niya. "Hulaan mo kung anong sinabi?" I rolled my eyes because I know immediately the answer is. "Pagpasok no'n ay may pasalubong na namang gulo," sabi ko at hula na rin sa sinabi ni Ma'am. They were always like that. Sanay na sanay na ako. "Nope," he said before grinning. "Literal na sinabi niyang halatang may kulang kapag wala ka. Sabi niya 'her presence somewhat makes this room lively, bakit siya absent?' pagkatapos ay tumingin siya sa akin at wala naman akong masagot dahil hindi ko rin alam." Napanganga ako. Hindi ko alam kung dapat ba akong maniwala sa sinasabi ng mokong na ito pero wala rin akong rason para hindi maniwala. Did she really said that? Does she mean it though? "Inuuto mo ba ako para ako ang maghugas ng pagkakainan natin?" pambabara ko sa kanya at saka humalukipkip. I know myself, this is my some sort of self protection because I know what he said touch my heart. Hindi naman sa kanya galing pero pakiramdam ko ay kanya pa rin nagmula ang mga salitang iyon. And yes, admittedly, I'm happy. Masaya akong malaman na hindi na puro negatibo ang sinasabi nila sa akin. I'm relieved. He let out a cute and hot chuckle. Pinatay niya na ang stove saka inilagay ang carbonara sauce sa may malaking mangkok. Luto na rin ang pasta kaya ready na ang pagkain. Pumalakpak ako nang makita na ang kanina ko pa ini-imagine na pagkain. "Thanks for the food," parang bata na sabi ko at inunahan na si Vince na manguha ng pagkain. "Oh, dahan-dahan," natatawa niyang sita sa akin. Tumayo siya at pagbalik ay may dala ng cold water. I prefer softdrinks or a juice but nevermind, I'm trying to be healthy. "Kung uuwi ka this weekend ay sabay na tayo," singit niya habang kumakain kaming dalawa. "Sayang pamasahe mo, siya rin naman ang gas kahit sabay tayo o hindi." Tumango ako at walang salitang namutawi sa aking bibig, hindi dahil hindi ako interesado, at mas lalong hindi dahil iniiwasan ko siya. The reason is ang sarap ng carbonara at wala akong panahon na magsalita. Alam niya naman iyon dahil narinig ko ang mahina niyang pagtawa. Ang plano naming pag-uwi ng weekend ay hindi natuloy. Tinamad akong bumyahe at hindi rin siya uuwi dahil may mga pinapatapos sa kanya ang mga prof. Sa halip na matulog ay ginawa ko namang busy ang sarili ko. I jogged in the morning, sapilitan nga lang dahil ito ang eksena kaninang alas kwatro. "Dalian mo," ani Vince pagbukas ko ng pintuan. Isasara ko sana iyon at ila-lock nang pumasok siya sa loob ng bahay. "Kahit ganyan na ang suot mo, naka-pajama at t-shirt ka naman. Maghilamos ka na lang." Napangiwi ako at binato siya ng suklay na siyang nadampot ko. Nasalo niya iyon at saka inginuso ang kwarto sa akin at sinabi ulit na bilisan ko. Iyon ang dahilan kaya niya ako napilit mag-jogging. What's sweet about it is we ate at a newly-opened cafe nearby, libre niya. "Paano mo nalaman itong cafe na ito?" kuryosong tanong ko dahil hindi naman ito nadadaanan patungong school. "Inimbita ako nung may-ari, nakasabay ko mag-jogging once kaya nalaman ko ang tungkol dito. You should meet her, mas matanda lang siya ng kaunti sa atin, probably two or three years older. She's kind." She? Babae? At ano raw, kaedad namin halos? Nanliit agad ang mga mata ko at agad inisip ang posibleng dahilan kung bakit inaya niya si Vince sa shop niya. Now that's fishy. "Huwag ka ngang mag-isip ng kung ano diyan," ani Vince. "Dito rin nakatira malapit sa atin iyon. Alam mo dapat nakikipagkaibigan ka rin sa mga kapitbahay natin." "No, thanks." I want to meet them, of course. Pero hindi ako friendly na tao. Hindi ako yung tipo ng tao na i-a-approach ka unless may kailangan ako o required talaga. Kaya pagkatapos namin kumain ng breakfast doon ay nagkanya-kanyang uwi na kami sa aming mga apartment. I set up my living room, bought junkfoods and beer, and let myself lost in a computer game. "Wow, anong eksena ito?" Halos maihagis ko ang hawak na controller nang may marinig na magsalita sa may pintuan na hindi kalayuan sa tabi ko. I sighed in annoyance after seeing that the game ended and I lose. Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa floor at humalukipkip habang nakatingin kay Vincent na ni hindi ko man lang narinig na nakapasok na pala ng bahay ko. "Uso kumatok ha!" Inirapan ko siya at saka tiningnan ang floor ng living room ko. Ngumiwi ako at medyo nahiya. Gosh, ang daming kalat. Nagkalat ang canned beers and junk foods. May mga candy wrappers pa. May pinggan pa na pinaglagyan ko ng suka dahil bumili rin ako ng cornik kanina. I grinned like an innocent creature in front of him. Pero sa halip na pagalitan ay umupo siya sa sofa ko at inagaw ang controller sa akin. "Ang daya mo, hindi ka nag-aaya," aniya na lalo kong ikinagulat. Nag-angat siya ng tingin sa akin dahil nanatili akong nakatayo at halos lumilipad ang isipan. "Ano pa ginagawa mo diyan? May isa ka pa nito, 'di ba?" Itinaas niya ang controller. "One v one tayo." Ngumisi ako. "Naghahamon ka ba?" He shrugged. Kinuha ko sa kwarto ang isa ko pang ganoon. Bumili talaga ako ng extra para kapag nasira ay may kapalit agad, well, I think bumili rin ako sa kadahilanang gusto ko rin siyang makalaro. We spend the rest of the day doing that. Pakiramdam ko tuloy ay inagaw ko ang oras na sana ay tinatapos niya ang mga gagawin niya pero ayos lang, he needs to relax sometimes. "Ugh!" Ibinaba niya ang controller sa mesa at sumandal sa backrest ng sofa. "Bakit hindi kita matalo?" "Duh!" mayabang na sambit ko. "Hindi ka lang talaga marunong." Nagtaas siya ng kilay at ngumiti rin pagkatapos. "Dinner?" "Magluluto ka?" Umiling siya. Sumimangot naman ako, mag-aaya tapos hindi naman pala magluluto. "Tara! May alam akong restaurant na may magandang view." "Baka pagdating doon wala tayong maupuan ha." He winked at me. "Reserved na, madam. Hindi naman kita papupuntahin doon ng hindi sigurado. Bihis lang ako. Bilisan mo, ah!" Sa halip na matakot, kabahan, masaktan, ay iba ang nararamdaman ko ngayon. A smile slowly crept on my lips. My heart's beating is becoming abnormal, masyadong mabilis iyon at malalakas. Umiling-iling ako at pilit winala iyon sa isipan. But my smile never left my lips, not even after we arrived at the place. Hindi pa ako nakakababa ng sasakyan ay alam ko na agad na tama siya, maganda nga ang view rito. Nasa hill kasi kami at maganda talaga ang view, hindi naman sobrang taas, sapat lang para ma-enjoy ang mga natural na tanawin sa paligid. Plus, omg, parang garden date style ang restaurant. Nasa labas kami at nakaayos ang bawat mesa, magkakalayo rin, tila binibigyan ng privacy ang bawat isa. May grupo ng magkakaibigan sa isang side, mayroong nagde-date, meron din iyong isang buong pamilya, at may natanaw rin ang mga mata ko na mag-isa niya lang habang nakaharap sa laptop at animo'y nagtatrabaho. "Wow," I whispered after I got out from the car. Sinundan ko si Vince papasok sa restaurant para um-order. Pamilyar naman sa amin karamihan ng nandoon kaya hindi na kami nahirapang maghanap pa. Pagkatapos ay iginiya kami sa may pwesto naming na-i-reserved na. Kung namangha ako kanina ay mas lalo akong namangha ngayon. Sa likod kami dinala, mas maganda ang view rito, mas kita ang buong paligid. Idagdag mo pa na may mga puno at may mga maliliit na ilaw na nakapaikot doon. We looked like we're in some romantic date. That's when it hit me. Tumingin ako kay Vince na may tinitingnan sa kanyang cellphone. Hindi ko alam kung bakit ako nakaramdam ng kaba, sana ay mali ang iniisip ko, sana ay hindi niya nga ako dinala rito para sa isang romantic date. "Libre mo?" mahinang tanong ko. Tiningnan niya ako bago ibinalik ang mga mata sa cellphone. Sobrang lakas ng pintig ng puso ko habang hinihintay ang isasagot niya. I hope I am really wrong. Alam kong magulo ang isip ko nitong mga nakaraan at dahil doon ay alam ko rin na posibleng bigyan ko siya ng chance pero sigurado ako na hindi iyon ngayon, hindi ko iyon kayang ibigay sa kanya ngayon. I hope I'm wrong. I want to save this friendship. "KKB ito, oy. Ako na nga nagbayad ng gasolina at nagpa-reserve. Masyado na ng nawiwili sa libre." I sighed in relief. Halos nawala lahat ng mabibigat na bagay na nakadagan sa aking dibdib kani-kanina lang. Napangiti ako kahit hindi naman sana kangiti-ngiti ang sinabi niya. Buti na lang at hindi siya sa akin nakatingin ngayon. Pinigilan kong ngumisi pa lalo dahil talagang nakahinga ako nang maluwag. "Ang feeling mo. Oh, sige, ako na ang manlilibre ngayon." He looked up to me. "Wala ng bawian iyan, iiwan kita rito," anito na alam ko namang biro. Binato ko siya ng tissue na nadampot ko. Humalakhak naman siya at ibinaba na ang cellphone.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD